You are on page 1of 10

REPUBLIKA NG PILIPINAS

Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon


Don Honorio Ventura State University
Sto. Tomas Campus, Pampanga

I. Layunin
Pagkatapos ng isang oras na pag-aaral, ang mga mag-aaral ay inaasahang matatamo ang
tagumpay ng mga sumusunod:
a. nalalaman ang kahulugan ng salitang kilos o Pandiwa;
b. nakagagamit ng mga salitang kilos (pandiwa) sa pag-uusap tungkol sa ibat-ibang gawain
sa tahanan, paaralan at pamayanan; at
c. natutukoy ang mga salitang kilos sa pangungusap at sa binasang kwento.

II. Paksang Aralin


Paksa: Paggamit ng mga Salitang Kilos sa Pag-uusap Tungkol sa Iba’t – ibang Gawain sa
Tahanan, Paaralan at Pamayanan
Sanggunian: Filipino 2 Ikaapat na Markahan- Modyul 33- Ikatlong Lingo
Kagamitan: Kagamitang Biswal, Mga larawan, Powerpoint Presentation, Laptop, Pisara,
at Yeso

III. Pamamaraan
GawaingGuro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1.1 Pagdarasal
Maaari bang tumayo ang lahat para sa (Tatayo ang lahat para sa panimulang
ating pambungad na panalangin. panalangin.)

Franzen, maaari mo bang pangunahan Opo.


ang ating panalangin? Panginoon, salamat po sa panibagong araw na
ito upang kami ay matuto. Buksan niyo po
ang aming isipan upang lubos na
maintindihan ang aming mga aralin. Bigyan
niyo din po ang aming mga guro, mga
magulang at mga kamag-aral ng lakas ng
katawan at isipan na mas higit naming
kailangan sa araw-araw. Ang lahat po ng ito
ay aming dinadalangin sa’yo aming Diyos
Ama. Amen
Magandang araw mga mag-aaral!

1.2 Pagsasaayos ng klase Magandang araw din po.


Bago kayo umupo, pakipulot ang mga
duming makikita sa ilalim ng upuan at
ayusin ang hanay ng mga upuan. (Pupulutin ang mga dumi at aayusin ang
mga upuan)
1.3 Pagtatala ng mgalumiban sa Klase
Mag-aaral 1, mayroon bang lumiban sa ating
klase ngayong araw?
Wala pong lumiban sa ating klase
ngayong araw.
Magaling! Muli, isang magandang araw!

Magandang araw din po!


1.4. Pagbabalikaral
Bago tayo magtungo sa bagong aralin, ano
ang ating napag-aralan noong nakaraan?

Natatandaan pa ba?
Patungkol po ito sa pagpapantig ng mga
mahahabang salita.
Magaling! Patungkol ito sa pagpapantig ng
mga mahahabang salita.

Pag sinabi natin pagpapantig, ito ay ang


paghahati ng salita sa pantig o mga pantig.

Halimbawa:
1. Paaralan

Paano natin papantigin ang salitang


Paaralan?

Maaari mo bang ipakita sa buong klase,


Thea?
(Tatayo at sasagot sa pisara)
Pa-a-ra-lan

Ilan ang bilang ng pantig sa salitang


Paaralan? Sabay-sabay nating alamin!

Pa-a-ra-lan
1 2 3 4
Apat po.
Ilan ang bilang?

Pangalawang Halimbawa:
Tahanan
Paano natin papantigin ang salitang
Tahanan?

Maaari mo bang ipakita sa buong klase,


Matthew?

Ta-ha-nan
Ilan ang bilang ng pantig sa salitang
Tahanan? Sabay-sabay nating alamin!

Ta-ha-nan
1 2 3

Ilan ang bilang?


Tatlo po.

Naiintindihan po ba? Wala pong tanong sa


pagpapatig? Wala po.

Magaling!
B. Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating bagong aralin,
magkakaroon muna tayo ng isang laro.

Handa na ba kayo? Opo!

Ang larong ito ay tatawagin nating


“Charades”. Sa larong ito ay magtatawag
ako ng anim (6) sa inyo at pupunta sila dito
sa harapan. Bibigyan ko sila ng tag-iisang
larawan at gagayahin nila ito habang kayo
naman ay huhulaan ninyo ang kilos na
ginagawa nila.
Opo!
Malinaw ba mga bata?

Magaling!

Magsimula na tayo. Ang mga tatawagin ko


ay pumunta na sa harapan.
(Tatayo sa harap ang mga tinawag)
-Thea
-Franzen
-Matthew
-Rk
-Cymon Miguel
-John Rick

Unang larawan,
1. Nagsusulat
(Ipapakita ni Thea sa buong klase ang kilos
ng isang nagsusulat) Isang mag-aaral na nagsusulat.

Ano ang kilos na ginawa?

Magaling! Ang kilos ay nagpapakita ng (Bibigyan ang kapwa kamag-aral ng Lipstick


isang nagsusulat. Clap)
Bigyan ng Lipstick Clap!

Pangalawang larawan,
2. Nagtuturo
(Ipapakita ni Franzen sa buong klase ang
Guro na nagtuturo po.
kilos ng isang guro na nag tuturo)

Ano ang kilos na ginawa?


Si Ma’am Macon po.
Magaling! Magbigay nga ng Guro na
nagtuturo sa inyo?
Si Ma’am Joy po
Magaling!

Iba pang kasagutan?


Mahusay mga bata!

Pangatlong larawan,
3. Nagluluto Nagluluto po.
(Ipapakita ni Matthew sa buong klase ang
kilos ng isang nagluluto)
Opo.
Ano ang kilos na ginawa?

Mahusay! Ito ay nagpapakita ng nagluluto.

Kayo ba ay pinagluluto ng masasarap na


pagkain ng inyong mga nanay?

Magaling! Sadyang napakabuti ng ating mga


ina.

Pang apat na larawan, Naglilinis po, Teacher.


4. Naglilinis
(Ipapakita ni RK sa buong klase ang kilos ng
isang taong naglilinis) (Bibigyan ang kapwa kamag-aral ng Ma’am
Macon Clap)
Ano ang kilos na ginawa?
Opo!
Magaling! Ito ay naglilinis.

Bigyan ng Ma’am Macon Clap.

Kayo ba ay tumutulong sa mga gawaing


bahay?

Mahusay! Bilang isang parte ng isang


pamilya dapat ay tumulong tayo sa mga
gawaing bahay. Bawal ang tatamad-tamad.

Naiintindihan? Naglalaro po Teacher.


Pang limang larawan,
5. Naglalaro
(Ipapakita ni Cymon Miguel sa buong klase Opo.
ang kilos ng isang taong naglalaro) Piko
Habulan
Ano ang ipinapakita? Nanay-Tatay

Mahusay! Ito ay nagpapakita ng isang tao na


naglalaro.

Kayo ba ay mahilig maglaro? Ano-ano ang


mga laro na nilalaro ninyong
magkakaibigan?
Magaling! Nagtatanim po.

Panghuling larawan,
6. Nagtatanim Opo.
(Ipapakita ni John Rick sa buong klase ang
kilos ng isang taong nagtatanim) Nakakatulong po tayo sa kalikasan.
Ano ang ipinapakita ng kilos?

Magaling! Ito ay nagpapakita ng pagtatanim.

Kayo ba ay nagtatanim?

Bakit mahalaga ang pagtatanim?

Tama! Ito ay nakakatulong upang


mapanatiling maayos at Maganda ang ating Puro po salitang kilos ang ginawa ninyo,
kalikasan. Teacher.
Maraming salamat sa inyong mga kasagutan!

Lahat ng inyong sinabi ay tama.


Opo!
Palakpakan ninyo and inyong mga sarili.
Maaari na kayong umupo.

Bago natin buksan ang ating panibagong


aralin, ano ang napansin ninyo sa ating
ginawang aktibidad?

Tama! Ito ay nagpapakita ng mga salitang


kilos na ginagawa natin sa Tahanan,
Paaralan at Pamayanan.
Handa na ba ang lahat sa ating bagong aralin
ngayong umaga?

Pandiwa.

Ang ating bagong aralin ay pumapatungkol


sa “Paggamit ng mga Salitang Kilos sa Pag-
uusap Tungkol sa Iba’t – ibang Gawain sa
Tahanan, Paaralan at Pamayanan”

C.PagtalakaysaPaksa/Pangkatanggawain
Ngayon, sabay-sabay natin alamin kung ano
ang kahulugan ng Salitang Kilos o Pandiwa. Ito po ay nagpapakita ng galaw.

PANDIWA

Paki ulit nga.

Ang Pandiwa o Salitang Kilos ay salitang


nagpapahiwatig o nagpapakita ng kilos o
galaw. Ito ay ang nagbibigay buhay sa
pangungusap dahil nagsasaad ito ng kilos o (Isa-isang sasabihin ang mga tuntunin habang
galaw ng tao, hayop o bagay. nagbabasa)

Ano nga ulit ang ibig sabihin ng salitang


kilos?

Magaling! Napaka husay. Opo.


Ngayon ay may babasahin akong kwento,
making kayo ng mabuti dahil pagkatapos Opo.
nito ay may mga katanungan akong ibibigay
sa inyo. Naiintindihan ba?

Kapag nag kikwento ang Guro, ano kase ang


dapat gawin?

1. Umupo ng maayos
2. Makinig ng mabuti sa nagbabasa
3. Intindihin ang binabasa

Naiintindihan?

Magaling.

Handa na bang makinig?

Ang kwentong babasahin natin ay patungkol


sa Pagtatanim.

Nagtatanim po.

David, Aron, Caiza, Elira, at Bea.

Nagtanim ng mga halamang namumulaklak Nagtanim, Nagbungkal, Naglagay,


ang mga bata sa hardin ng paaralan. Sina Dinidiligan, Tumubo, Lumaki, Namukadkad,
David at Aron ang nagbungkal ng lupa. Sina at Natuwa po.
Elira at Bea naman ang naglagay ng mga
pataba sa halaman. Araw-araw ay dinidiligan (Magtataas ng kamay ang mag-aaral, tatayo,
ni Caiza ang mga ito. Pagkalipas lamang ng at bibilugan ang tamang sagot sa pisara)
ilang linggo, tumubo, lumaki at namukadkad
ang kanilang mga halaman, lubos na natuwa Opo.
ang mga bata sa kanilang nakita.

1. Ano ang ginagawa ng mga bata sa


kwento?
2. Sino-Sino ang mga batang nagtatanim sa
kwento?
3. Ano-ano ang mga salitang kilos na iyong Handa na po.
narinig sa kwento?

Maari ba kayong tumayo, at guhitan ang mga


salitang kilos na nakikita ninyo sa kwento?

Naintindihan ba?

(Sasagot ang mga mag-aaral sa katanungan


ng Guro)
Maliban sa mga salitang kilos na inyong
nasabi batay sa kwento may mga larawan pa
ako dito na ipapakita at sabihin niyo kung
ano ang kilos ang kanilang ginagawa.

Handa na ba kayo mga bata?


(Isa-isang ipapakita ng Guro ang mga
larawan sa Telibisyon at ang mag-aaral ang
magsasabi kung anong salitang kilos ang
(Sasagot ang mga mag-aaral sa katanungan
ipinapakita ng mga nasa larawan).
ng Guro)
1. NAGDARASAL

2. (Sasagot ang mga mag-aaral sa katanungan


KUMAKAIN ng Guro)

(Sasagot ang mga mag-aaral sa katanungan


3. NAGSUSULAT ng Guro)
(Sasagot ang mga mag-aaral sa katanungan
ng Guro)
4. SUMASAYAW

Opo.

(Papalakpak ang lahat)

5. NAGBABASA

Naiintindihan ba ang ating aralin mga bata?

Magaling mga bata! Bigyan natin ang ating


mga sarili ng masigabong palakpakan.

Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng


Pangkatang Gawain

Kabuuang Panuto: Ang klase ay hahatiin sa


tatlong pangkat. Ang bawat grupo ay
magsasagawa ng kani-kanilang gawain na
pumapatungkol sa paksang tinalakay.

Narito ang pamantayan kung paano kayo


bibigyan ng puntos:

Pamantayan (Makikinig ang buong klase sa panuto at


3-Bituin 2-Bituin 1-Bituin pamantayan ng pagbibigay ng puntos ng
bawat Gawain). (Tatayo ang unang pangkat at
Mahusay na Naisagawa Di- gaanong
isasadula ang kanilang Gawain).
naisagawa ang gawain naisagawa
ang gawain at may ng pangkat
at may kaisahan o ang gawain. (Tatayo ang pangalawang pangkat at sasagot
kaisahan o kooperasyon sa hinihandang “hanap salita” ng Guro).
kooperasyon ang pangkat
ang pangkat.
(Tatayo ang pangatlong pangkat at bubuuin
ang “Jigsaw Puzzle” na inihanda ng Guro.
Unang Pangkat
Panuto: Sa pamamagitan ng pagsasadula,
itanghal sa klase ang mga kilos na
karaniwang sa tahanan.

Pangalawang Pangkat
Panuto: Bilugan ang mga salitang kilos
makikita sa “hanap salita”.

Pangatlong Pangkat
Panu

to: Sa pamamagitan “Jigsaw Puzzle”, buuin


ang larawang nagpapakita ng iba’t ibang
kilos o Pandiwa.
Opo.

D. Paglalagom Wala po.

Tandaan and salitang kilos ay tinatawag ding


pandiwa. Nagagamit natin ang mga salitang
kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang
Gawain sa Tahanan, Paaralan at Pamayanan.
Ang Pandiwa o salitang kilos ay nagbibigay
buhay at nagagamit natin ang
tamang salitang kilos sa pagsasalaysay ng
mga personal na karanasan.

Naiitindihan ba mga bata?

May tanong po?

Ngayon naman dadako na tayo sa ating


Ebalwasyon. May ibibigay ako sainyong
mga papel at sasagutan niyo ang mga ito.

Naiintindihan po ba?

E. Ebalwasyon
Panuto: Bilugan ang mga salitang kilos sa
bawat pangungusap.

1. Sumasayaw ng napakagaling si Bia. (Tatayo ang mga bata at mananalangi)


2. Nagsusulat siya ng tula para sa kaniyang
kaibigan. Panginoon, salamat po sa panibagong araw na
3. Si nanay ay nagluluto ng masarap na ito upang kami ay matuto. Buksan niyo po
ulam. ang aming isipan upang lubos na
4. Naglalaro ang mga bata sa parke. maintindihan ang aming mga aralin. Bigyan
5. Kumakain ng sabay-sabay ang pamilya niyo din po ang aming mga guro, mga
Santos. magulang at mga kamag-aral ng lakas ng
katawan at isipan na mas higit naming
F. TakdangAralin kailangan sa araw-araw. Ang lahat po ng ito
Gumupit ng 5 larawan na nagpapakita ng ay aming dinadalangin sa’yo aming Diyos
salitang kilos, isulat kung anong kilos ang Ama. Amen
ginagawa at idikit ito sa ‘bondpaper’.

Tumayo ang lahat para sa ating pangwakas


na panalangin.

Muli magandang umaga at maraming


salamat mga bata sa aktibong partisipasyon
na inyong ipinamalas sa araw na ito!

Inihanda ni: Iniwasto ni:


Joynier G. Cortez Maria Consolacion M. Gozun, Teacher I
Student Teacher Cooperating Teacher

You might also like