Kasanayan: Nagagamit nang wasto ang kaantasan ng pang-uri sa
paglalarawan ng tao, bagay, lugar, at pangyayari sa sarili, ibang tao at katulong sa pamayanan. F4-WG-IIa-c-4
Paunang Kaisipan:
Ang pang-uri ay salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalan o
panghalip
May tatlong kaantasan ng pang-uri:
1. Lantay – Ito ay nagsasabi ng likas o basal na katangian ng pangngalan o panghalip na inilalarawan. Halimbawa: a. Mapag-aruga at mapagmahal ang mga magulang.
2. Pahambing – Ito ay naghahambing ng katangian ng dalawang pangngalan o
panghalip. Halimbawa: a. Magsintapang ang tigre at leon. b. Higit na mahusay si Rachel sa klase kaysa kay Leony.
3. Pasukdol – Ito ay nagpapahayag ng katangiang nangingibabaw sa lahat.
Halimbawa: a. Napakasariwa ang gulay sa probinsya. b. Hari ng kataraman si Pedro sa kanilang magkakapatid.
A. Tukuyin ang salitang naglalarawan o pang-uri sa bawat pangungusap. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Nalaglag ang mga hinog na bunga ng punongkahoy.
2. Maraming tao ang nagkasakit dahil sa COVID-19. 3. Malamig ang hangin sa bukid. 4. Si Mikay ay masipag na bata. 5. Ang bata na nagsasabi nang totoo at matapat
B. Isulat sa iyong sagutang papel ang kaantasan ng pang-uri na may salungguhit
kung ito ay lantay, pahambing o pasukdol.
___________ 1. Si Peter ang pinakamagulong mag-aaral sa klase ni Gng. Bernabe.
___________ 2. Mas bago ang kotse ni Justine kaysa sa kotse ni Jelo. ___________ 3. Napansin ko na ang mga anak ni G. Ebora ay magagalang. ___________ 4. Sintangkad na ni Elaine ang kanyang ina. ___________ 5. Si Leo ang pinakamabait sa magkakapatid.