You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 5

UNANG MARKAHAN
Activity Sheet 2 Week 1
Pangalan: _________________________________________ Petsa: _________________
Baitang: __________________________________________ Iskor: __________________

LAYUNIN: Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas batay sa absolute na lokasyon at relatibong lokasyon

Ang Pilipinas ang ikalawang pinakamalaking kapuluang matatagpuan sa Rehiyong Timog-Silangang


Asya sa gawing itaas ng ekwador. Ang Asya ang pinakamalaking kalupaan o lupalop sa buong daigdig.
Tinagurian ang Pilipinas bilang “Pintuan ng Asya” dahil sa kinalalagyan nito sa Pasipiko at bilang bahagi ng
kontinente at lupalop ng Asya. Nasa pagitan ito ng latitud na 4°–21° hilagang latitud at 116°–127°
silangang longhitud. Ito ay dahil sa tiyak na pagtukoy ng lokasyon ng Pilipinas.
Ang Pilipinas ay bahagi ng Timog-silangang Asya. Napapaligiran ito ng Bashi Channel sa
hilaga, Karagatang Pasipiko sa silangan, Dagat Celebes sa timog, at Dagat Kanlurang Pilipinas sa kanluran.
Humigit-kumulang sa 1000 kilometro ang layo ng Pilipinas mula sa kalakhang kontinente ng Asya.
Napapaligiran ito ng Taiwan, China, at Japan sa hilaga; Malaysia, Vietnam, Laos, Cambodia, at Thailand sa
kanluran; at Indonesia sa timog. Ito naman ay dahil sa pagtukoy ng relatibong lokasyon ng Pilipinas.
Tandaan na may dalawang paraan ng pagtukoy sa lokasyon ng Pilipinas. Ito ay ang tiyak na
pagtukoy gamit ang mga imahinasyong guhit o grid (Latitud at Longhitud) sa mundo at ang relatibong
lokasyon. Ang pagtukoy ng relatibong lokasyon ay may 2 paraan: ang Insular at Bisinal. Ang insular na
pagtukoy ay pag alam sa mga anyong tubig na nakapaligid sa bansa. Ang Bisinal na pagtukoy naman ay
pag-alam sa mga bansa katabi o nasa hangganan nito.

1. Saan bahagi ng Asya matatagpuan ang Pilipinas?


2. Ilarawan ang tiyak na kinalalagyan ng Pilipinas gamit ang dalawang paraan
ng pagtukoy: ang relatibong lokasyon at tiyak na pagtukoy sa lokasyon.
3. Bakit tinaguriang “Pintuan sa Asya” ang Pilipinas?

Isulat sa kahon sa ibaba kung anong anyong tubig o bansa ang nakapaligid sa
Pilipinas gamit ang pangunahing direksyon. Pumili ng inyong sagot sa kahon sa gilid.

Dagat Celebes

Taiwan

Karagatang Pasipiko

Vietnam

Nepal
ARALING PANLIPUNAN 5
UNANG MARKAHAN
Activity Sheet 2 Week 1

Gamit ang inyong mapa, tukuyin ang mga bansa at anyong tubig na
nakapaligid sa Pilipinas.

LOKASYON NG PILIPINAS
KATUBIGANG MGA BANSANG
DIREKSYON NAKAPALIGID SA NAKAPALIGID SA
PILIPINAS PILIPINAS

1. HILAGA

2. KANLURAN

3. TIMOG

4. SILANGAN

Isulat ang mga hinihinging impormasyon sa loob ng kahon sa ibaba.

Basahin at unawain mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang letra ng


tamang sagot.

1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ___________.


a. Timog Asya
b. Silangang Asya
c. Kanlurang Asya
d. Timog-silangang Asya

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo tungkol sa Pilipinas?


a. Mahalagang ruta ng kalakalan sa Asya ang Pilipinas.
b. Ang ating bansa ay natatangi dahil sa angking likas na yaman.
c. Ang Pilipinas ay dinarayo ng mga turista dahil sa mga tanawin dito.
d. Natatakot na magtayo ng mga negosyo sa Pilipinas ang mga dayuhan.

3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagtupad sa tungkuling pangalagaan ang ating
teritoryo ng mga mamamayan?
a. Tinatapon ni Andrew sa tabing sapa ang kanilang mga basura.
b. Gumagamit ng dinamita sa pangingisda ang pangkat ni Mang Andres.
c. Sinusunog ni Aling Marta ang mga basurang naipon niya sa pagwawalis.
d. Nagpupulot ng mga basura sa tabing dagat ang mga taga-Baranggay Malinis.

4. Bakit maituturing na ESTRATEHIKO ang lokasyon ang Pilipinas?


a.Sentro tayo ng kalakalan sa Asya. C. Hindi tayo nadadaanan ng mga bagyo
b. Napalilibutan tayo ng mga katubigan. d. Maraming mga aktibong bulkan sa
bansa.

.5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong paggamit ng likas na yaman?
a. Gamitin muli (irecycle) ang mga lumang gamit.
b. Gumuhit ng mga magagandang larawan ng kalikasan.
c. Magsulat ng tula tungkol sa pangangalaga sa kalikasan
d. Mag-ipon ng mga barya upang may gastusin pag nagigipit.
ARALING PANLIPUNAN 5
UNANG MARKAHAN
Activity Sheet 2 Week 1

GAWAIN 1:

1. Timog Silangan Asya


2. A. Relatibong Pagtukoy sa Lokasyon ng Pilipinas:
H-Bashi Channel S – Dagat Timog Tsina
T- Dagat Celebes K- Karagatang Pasipiko

B. Tiyak na Pagtukoy sa Lokasyon ng

Pilipinas gamit ang latitud at longhitud

4°–21° hilagang latitud at 116°–127° silangang longhitud.

3. Tinatawag na pintuan ng Asya ang bansang Pilipinas sapagkat ang lokasyon ng Pilipinas
ay "strategic," ang bansang Pilipinas ay ang bansang bumubungad sa malawak na
Karagatang Pasipiko.

GAWAIN 2:

1. Hilaga – Taiwan
2. Timog – Dagat Celebes
3. Silangan – Karagatang Pasipiko
4. Kanluran- Vietnam

GAWAIN 3:

Hilaga-Bashi Channel
Kanluran-Dagat Timog China
Silangan-Karagatang Pasipiko
Timog-Dagat Celebes
GAWAIN 4:

A. Absolute na Lokasyon ng Pilipinas: 4°–21° hilagang latitud at 116°–127° Silangang


longhitud.
B. Insular na Pagtukoy: Hilaga-Bashi Channel, Timog-Celebes Sea
Kanluran-Dagat Timog China, Silangan-Karagatang Pasipiko

Bisinal na Pagtukoy: Hilaga-Taiwan,Timog-Malaysia at Indonesia

Kanluran-Vietnam,Silangan-Guam

GAWAIN 5:

1. D
REFERENCES: 2. D
3. D
MELC 4. A
Pilipinas Bilang Isang Bansang Malaya pp. 9-12
5. A
Google
Youtube( https://www.youtube.com/watch?v=2hKRd4ZQVXw )

You might also like