You are on page 1of 17

ARALIN 17

PAMBANSANG AWIT AT
WATAWAT BILANG MGA
SAGISAG NG BANSA

Inihanda ni
MABETH J. CONSIGNA
CABADIANGAN ELEMENTARY
SCHOOL
ALAMIN MO
Isang atas sa lahat ng
pampublikong paaralan
ang pagsali ng bawat
mag-aaral sa pagtataas
ng watawat o flag
ceremony tuwing araw ng
Lunes. Sumasali ka ba rito?
Ano ang nararamdaman
mo tuwing inaawit mo ang
Lupang Hinirang?
Ang Pambansang Awit
“Lupang Hinirang” ang
pamagat ng pambansang
awit ng Pilipinas.
Isinasalaysay ng awit ang
pakikipaglaban ng mga
Pilipino para sa kalayaan.
Ipinahahayag din nito ang
pagmamahal sa bayan at
ang kahandaang
ipagtanggol ito sa anumang
pagkakataon.
Alam mo na ba
ang kahulugan
ng mga liriko
nito? Awitin
natin ang
Lupang
Hinirang.
Ang himig ng pambansang awit ng
Pilipinas ay ginawa ng piyanistang si
Julian Felipe sa kahilingan ni Hen.
Emilio Aguinaldo.
Ang orihinal na komposisyon ni
Felipe ay pinamagatang
“Marcha Filipina Magdalo.” Tinugtog
niya ito sa unang pagkakataon isang
araw bago ang pagdeklara ng
kasarinlan sa harap ng mga pinuno
ng rebolusyon na nagkaisang
aprobahan ito.

Noong Hunyo 12, 1898, tinugtog ang komposisyon ni Felipe


habang inilaladlad sa unang pagkakataon ang bandila
ng Pilipinas sa balkonahe ng mansiyon ni Aguinaldo sa
Cavite.
Pinalitan ng Marcha Nacional Filipina ang pamagat ng
awit nito at agad na naging pambansang awit kahit
wala pa itong liriko.
Nang sumunod na taon, isang tula na may pamagat na
“Filipinas” na bumagay sa komposisyon ni Felipe ang
isinulat ng isang batang sundalo na si Jose Palma.
Ito ang ginawang opisyal na liriko ng pambansang awit.
Noong panahon ng mga Amerikano, isinalin sa Ingles
ang liriko ng pambansang awit.
Ang unang pagsasalin ay ginawa ni Paz M. Benitez ng
Unibersidad ng Pilipinas. Gayunpaman pinakakilalang
bersyon ang isinulat nina Mary A. Lane at Sen.Camilo
Osias na kilala bilang “Philippine Hymn.”

Kinilala ito bilang pambansang awit na may lirikong


Ingles sa bisa ng Commonwealth Act 382.
Ayon sa batas, tanging ang bersyong Filipino ng
pambansang awit ang dapat gamitin ngayon.
Ang saling kanta sa Filipino ay dapat awitin nang ayon
lamang sa tugtog o komposisyon ni Julian Felipe.

Dapat madamdamin ang pag-awit ng Lupang Hinirang


bilang paggalang. Lahat ng umaawit nito ay dapat
nakaharap sa nakaladlad na pambansang watawat
ng Pilipinas kung walang watawat ay dapat
nakaharap sa bandang tumutugtog o sa konduktor o
tagakumpas.

Bilang pagpupugay, ilagay ang kanang kamay sa


tapat ng kaliwang dibdib mula sa unang nota ng awit
hanggang matapos ito.
Ang Watawat ng Pilipinas
Isa sa mahahalagang simbolo ng bansa ang watawat
ng Pilipinas.
Tatlo ang pangunahing kulay nito—bughaw, pula, at puti.

Ang bughaw ay para sa kapayapaan na mahalaga sa


pag-unlad ng bansa.

Ang pula ay para sa kagitingan na nagpapaalaala sa


matatag na kalooban ng mga mamamayan.

Ang puti naman ay para sa kalinisan ng puri at dangal


ng mga Pilipino.
Ang tatlong bituin ay kumakatawan sa tatlong pangkat
ng pulo ng Pilipinas—Luzon, Mindanao, at Visayas.

Ang unang bituin ay para sa Luzon na ang pangalan


ay mula sa salitang “lusong” na ginagamit sa
pagtanggal ng ipa at darak sa palay. Ito ay
sumasagisag sa kasipagan ng mga Pilipino.

Ang ikalawang bituin ay para sa Mindanao na ang


pangalan ay mula sa “danaw” o lawa.
Ito ay sumasagisag sa tungkulin ng mga Pilipino na
pangalagaan at ingatan ang kalikasan gaya ng
yamang-tubig ng Pilipinas.
Ang ikatlong bituin ay para sa pulo ng Visayas na ang
pangalan ay mula sa salitang “masaya.” Ito ay upang laging
kabakasan ng saya ang mga kilos at kalooban ng mga
Pilipino.
Ang araw sa gitna ng tatsulok ay sumisimbolo sa
kaliwanagan ng isipan. Ang walong sinag naman ay
kumakatawan sa walong lalawigan na unang naghimagsik
upang ipagtanggol ang kalayaan ng bayan— Maynila,
Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, Batangas,
at Cavite.
Ang watawat ng Pilipinas ay natatangi. Naihahayag nito
na ang bansa ay nasa digmaan kapag ang pulang kulay ng
watawat ay nasa itaas habang nakawagayway.
Ang watawat ng Pilipinas ay dinisenyo ni Emilio Aguinaldo.
Ito ay unang tinahi sa loob ng limang
araw sa Hongkong nina Marcela
Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfina
Herbosa Natividad. Iniladlad sa unang
pagkakataon ang watawat ng Pilipinas
sa bintana ng bahay ni Emilio Aguinaldo
noong Hunyo 12, 1898.
Gawain A
Pagsunud-sunurin
ang mga liriko ng
Lupang Hinirang
ayon sa wastong
ayos nito. Isulat ang
sagot sa kwaderno.
Gawain B
Analohiya. Isulat ang kapareha ng salita batay sa naunang
grupo ng salita. Isulat ang sagot sa notbuk.

1. bughaw – kapayapaan; pula – ___________


2. Mindanao – danao; Luzon – ___________
3. 8 sinag ng araw – 8 lalawigang naghimagsik;
3 bituin –___________
4. disenyo – ___________; tumahi – Delfina Herbosa-Natividad,
Marcela Agoncillo at Lorenza Agoncillo
5. ___________ – kulay; 3 – bituin
6. ___________ – sagisag ng bansa;
Lupang Hinirang –pambansang awit
7. pagtahi – Hongkong; pagwagayway – ___________
8. Jose Palma – sumulat ng titik;
___________ – naglapat ng tugtog o musika
9. Luzon – kasipagan; Visayas – ___________
10. sinag ng araw – naghimagsik;
Araw sa gitna ng tatsulok___________
TANDAAN MO
• Ang pambansang awit at watawat
ay mga sagisag ng ating bansa.
• Ang mga pambansang sagisag ay
dapat nating ipagmalaki.
• Nakikilala ang ating bayan dahil sa
kaniyang mga sagisag.
Lagyan ng bituin ang bilang kung wastong
gawin at tatsulok kung hindi. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. Patuloy sa paglalakad habang inaawit ang


pambansang awit.
2. Ilagay ang kanang kamay sa may dibdib
habang inaawit ang Lupang Hinirang.
3. Huwag nang tanggalin ang suot na sombrero
kahit may flag ceremony.
4. Ituloy lamang ang kuwentuhan habang
itinataas ang watawat.
5. Tumayo nang tuwid habang inaawit ang
pambansang awit.
6. Tiklupin nang maayos ang watawat.
7. Awitin nang wasto at may damdamin
ang Lupang Hinirang.
8. Ira-rap ang pag-awit ng Lupang Hinirang.
9. Iingatan na huwag sumayad o bumagsak
sa lupa ang watawat.
10. Laging pahalagahan ang paghihirap ng
mga ninuno upang makamit ang kalayaan.

You might also like