You are on page 1of 2

Ikalawang Pagsusulit sa Filipino V

I.A. Tukuyin ang panghalip na ginamit sa bawat pangungusap. Bilugan ang mga tamang sagot nito.

1. Lahat ay may karapatang mangarap.


2. Anuman ang pagsubok na dumating ay makakayang lampasan.
3. Marami ang nagsipagtaas ang kilay nang magwagi siya sa kanyang laban.
4. Isa ako sa naniniwalang pantay-pantay ang tao.
5. Marami na ngayon ang nagnanais na sumunod sa kanyang yapak.

B. Buuin ang diwa ng bawat pangungusap. Ibigay ang panghalip panaklaw na angkop sa patlang. Piliin ang
tamang sagot sa kahon.

sinuman bawat

marami pawang anuman

6. Dinarayo ng mga turista ang ipinagmamalaking produkto ng Luisiana, Laguna ang bani, bayong, at
salakot na ___________ yari sa pandan.
7. __________________ sa mga ito ay gawang de-kalidad at pang-eksport.
8. __________________ ang maparito ay mabibighani di lamang sa mga paninda kundi sa ganda ng lugar.
9. __________________ sa mga pinagmamalaki ng lugar ay ang klima rito na parang sa Lungsod Baguio.
10. __________________ dampot sa mga produkto ay papuri ang iyong maririnig.

C. Buuin ang bawat pangungusap. Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na panghalip panaklaw na bubuo
rito. Salungguhitan ang tamang sagot.

11. (Anuman,Alinman, Sinuman) ang iyong problema, malulutas natin iyan.


12. (Alinman, Bawat, Kaninuman) pagsubok ay kaya nating malampasan basta’t sam-sama at buo tayong
pamilya.
13. Hindi tayo pababayaan ng Poong Maykapal kahit pa (ilang, kapuwa, bawat) sa ating mga kaibigan at
kakilala ay iniwan na tayo.
14. Mahalaga na tayong (ilan, marami, lahat) ay narito at nag-uusap para malutas an gating suliranin.
15. Sundin lamang natin kung (sinuman, saanman, anuman) ang sasabihin nina tatay at nanay.

II A. Piliin ang panghalip pamatlig na naaangkop sa pangungusap. Bilugan ang tamang sagot sa loob ng
panaklong.

16. (Dito, Diyan, Doon) sa aming bahay nagpa;ipas ng gabi ang lolo at lola.
17. Ang proyekto namin sa Agham at Teknolohiya ay katulad (nitong, niyang, niyong) ginawa ng nasa
kabilang seksiyon.
18. Maganda ang sapatos nag aw sa balat ng buwaya. Sabi ni Nanay (ito, iyon, iyan) raw ay gawa sa balat
ng mga buwayang nagkasakit at namatay sa santuwaryo.
19. Pagreresiklo raw ang tawag nila (rito, roon, riyan).
20. Ipinanregalo ni Nana yang shellcraft sa kagaya (niyang, nitong, niyong) hawak mo.

II B. Tukuyin ang mga panghalip pamatlig na ginamit sa pangungusap. Bilugan ang tamang sagot.

21. Kanina lamang ay bitbit niya ang paying, bakit kaya nawala iyon?
22. Hinanap ko nang matagal ang aklat na ito.
23. Dito lamang pala sa sulok ng sili-aralan at hindi nawala.
24. Mabuti at dito lamang naiwan at hindi nawala.
25. Sa sususnod, iiwan ko ito roon sa counter para hindi ko makalimutan.

II C. Tukuyin ang panghalip pamatlig sa bawat pangungusap. Salungguhitan ang tamang sagot.

26. Aba! Eto pala ang halagang binayaran ni Elaine sa NAWASA.


27. Kay laki pala ng bahay nila Justine, ganoon din ang bahay nila Carlos.
28. Nariyan na pala ang mga lumahok sa patimpalak sa Batangas.
29. Nagwagi pala sila, gayundin ang mga nakilahok sa street dancing.
30. Naroon pala ang mga tagapangasiwa ng DepEd.
31. Heto ang mga plano ng mga guro sa ating pahayagang pampaaralan.
32. Sandali lamang at kukunin ko ang huling katitikan ng miting na may ganiyan ding solusyon.
33. Nariyan sa cabinet ang polong hinahanap ninyo, Itay.
34. Ang paying mo ba ay kagaya ng ganoon na bitbit ng ale?
35. Hayan na sila, paparating na ang mga bisitang hinihintay mo, Jing.

III A. Isulat nang pasunod-sunod ang limang bahagi ng liham.


36. ___________________
37. ___________________
38. ___________________
39. ___________________
40. ___________________

III B. Lagyan ng tamang datos ang pormularyo.

41. Pangalan:____________________________________
42. Tirahan:_____________________________________
43. Petsa ng kapanganakan:________________________
44. Pangalan ng Ama:_____________________________
45. Pangalan ng Ina:______________________________

III C. Hanapin ang kasingkahulugan ng salitang nasa Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.

Hanay A Hanay B
_______46. napinsala a. tagumpay
_______47. dambuhala b. napakalaki
_______48. tagubilin c. tinamaan
_______49. pagkapanalo d. nasira
_______50. hinagupit e. paalala

You might also like