You are on page 1of 15

Modyul para sa

Sariling Pagkatuto
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 11: Naiisa-isa ang mga kabutihang dulot ng pagpasok
sa paaralan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Reyma L. Galinggana
Editor: Ma. Cecilia Llagas Atuan
Tagasuri: Maribel Gocalin/ Edna Obias
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan
1
Ikatlong Markahan
Modyul 11 para sa Sariling Pagkatuto
Naiisa-isa ang mga kabutihang dulot
ng pagpasok sa paaralan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Aralin Panlipunan 1 Unang
Baitang ng Modyul 11 para sa araling naiisa-isa ang mga kabutihang dulot ng
pagpasok sa paaralan !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Aralin Panlipunan 1 Unang Baitang Modyul 11


ukol sa naiisa-isa ang mga kabutihang dulot ng pagpasok sa paaralan !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Ang modyl na ito ay nakalaan para sa mag-aaral ng


unang baiting.Mahalagang matutunanan ang aralin
na ito dahil inaasahang naiisa-isa ang mga
kabutihang dulot ng pagpasok sa paaralan.
May pagsasanay kang sasagutan upang masukat
ang iyong kaalamang malinang sa modyul na ito.

PAUNANG PAGSUBOK

1. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita


ng tamang ginagawa ng bata sa loob ng paaralan?
A. B. C.

2. Bakit kailangang pumasok sa paaralan?


A. Para makipag-away
B. Para matutong magbasa at magsulat
C. Para mag-ingay
3. Ano ang maaring mangyari kapag tayo ay nakapag
tapos ng pag-aaral?
A. Magkakaroon ng magandang kinabukasan
B. Magiging palaboy sa daan
C. Natututong makipag-away sa kapwa tao
4. Ang mga sumusunod ay magandang dulot ng
pagpasok sa paaralan maliban sa isa.
A. Natutunan ang mabuting asal.
B. Nagkakaroon ng maraming kaibigan.
C. Nagiging pasaway
5. Mahalaga ba ang mag-aral?
A. Oo B. Hindi C. Ewan

BALIK-ARAL

Iguhit ang kung ang pangungusap ay tama at kung


mali.
______ 1. Si Rose ay gustong mag-aral upang matuto.
______ 2. Hindi na kailangang mag-aral.
______ 3. Maraming kaibigan ang makikilala sa loob ng
paaralan.
______ 4. Mas importante ang maglaro kaysa mag-aral.
______ 5. Nalilinang ang ating kaalaman kung tayo ay nag-
aaral.
ARALIN
Halinat making ng isang kuwento

“Ang Batang masipag mag-aral”


Si Erika ay nasa unang baitang pa lamang. Isa
siyang masipag na bata. Araw-araw ay gumiging siya ng
maaga upang pumasok sa paaralan. Gustong-gusto ni
Erika ang pumasok dahil natututo siyang magsulat,
magbasa at magbilang. Kinagigiliwan din siya ng
kanyang guro dahil sa ipinapakita niyang magandang-
asal.

1. Sino ang batang tinutukoy sa kwento?


2. Paano inilarawan si Erika?
3. Saan pumapasok sa Erika araw-araw?
4. Ano-ano ang mga natutunan ni Erika sa paaralan?
5. Kung kayo si Erika, gagayahin ninyo ba siya?

Maraming dulot ang pagpasok sa paaralan. Tayo ay


natututong magbasa, magsulat at magbilang. Natututo
din tayo ng tamang asal at kung paano makitungo ng
maayos sa ating kapwa tao. Nalilinang din ang ating mga
kakayahan at talento.
MGA PAGSASANAY

Alamin natin kung naintindihan niyo ang ating aralin sa


araw na ito.

Pagsasanay 1
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang mga maaaring
matutunan ng batang pumapasok sa paaralan at ekis (x)
naman kung hindi.
________1. kabutihang-asal
________ 2. pagsusulat
________ 3. pakikipag-away
________ 4. pagbabasa
________ 5. pakikipag-unahan sa pila
Pagsasanay 2
Panuto: Kulayan ang mga larawang nagpapakita ng
magandang dulot ng pagpasok sa
paaralan.
PAGLALAHAT

Ang natutuhan ko sa araw na ito ay


__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Bilugan ang mga kilos na maaaring matutunan sa loob


ng paaralan at kulayan ng dilaw.

magbasa makipag-away magbilang


mag-laro mabuting-asal mag-ingay
magsulat manakit paggalang
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang


titik ng tamang sagot sa patlang.
_______1. Tinuturuan tayo sa paaralan ng kabutihang
asal,sino ang nagpapakita ng kabutihang asal sa
paaralan?
A. Si Ana ay magalang sa kanyang mga guro.
B. Si Ruben na laging nang-aasar ng kanyang katabi.
C. Si Marco na tayo ng tayo habang nagtuturo ang
guro.
______2. Alin ang hindi dapat gawin ng isang mag-aaral
habang nagtuturo ang guro?
A. Unawain ang paliwanag ng guro.
B. Makipag away sa katabi.
C. Makinig sa guro habang nagtatalakayan.
______3. Ano ang tungkulin ng isang batang katulad mo sa
paaralan?
A. Laging lumiban sa klase.
B. Mag-aral na mabuti at sumunod sa payo ng guro.
C. Makipag usap sa katabi habang nagtuturo ang guro.
______4. Ang guro ay nagbibigay ng mga alituntunin sa
loob ng silid-aralan upang maging maayos ang ating mga
gawain sa paaralan, ano ang dapat mong gawin sa mga
alituntunin ng iyong guro?
A. Ipagwalangbahala ang ipinag uutos ng guro.
B. Sumunod sa mga ipinag uutos ng guro.
C. Huwag sundin ang guro sa mga ipinag-uutos nito.
_______5. Ano ang kabutihang naidudulot ng pagpasok sa
paaralan sa mga batang katulad mo?
A. Makapagtatapos ako ng pag-aaral.
B. Magiging tambay ako sa lugar namin.
C. Wala akong magagawa para sa aking pamilya.
Paunang Pagsubok Balik-Aral
1. B 1.
2. B 2.
3. A 3.
4. A 4.
5. A 5.
Pagsasanay 1
1. /
2. /
3. x
4. /
5. x
Panapos na Pagsusulit
1. A
2. B
3. B
4. B
5. A
Pagpapahalaga
Mabuting asal Paggalang magsulat
magbilang
SUSI SA PAGWAWASTO
Pagsasanay 2

Sanggunian

DEPED Image Bank

You might also like