You are on page 1of 16

Modyul para sa

Sariling Pagkatuto
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga gawaing
ginagampanan ng punungguro ng sariling paaralan!
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Elisa C.Santos
Editor: Ma. Cecilia Llagas Atuan
Tagasuri: Maribel Gocalin / Geraldine Joy S.Bumanlag
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Ikatlong Markahan
Panlipunan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 7
1
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga
gawaing ginagampanan ng punungguro
ng sariling paaralan

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan at Unang
Baitang ng Modyul 7 para sa araling Naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga
gawaing ginagampanan ng punungguro ng sariling paaralan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan at Unang Baitang Modyul


7 ukol sa Naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga gawaing ginagampanan ng
punungguro ng sariling paaralan !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN

Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mag-


aaral ng unang baitang. Inaasahan ko na sa paggamit
mo modyul na ito ay matutuhan mo ang kahalagahang
at tungkuling ginagampanan ng punungguro sa
paaralan.
Inaasahan ko ring malinang ang iyong kakayahan
sa pagsagot sa mga pagsasanay sa modyul na ito.

PAUNANG PAGSUBOK

Halina mga bata, tayo nang mag-aral.


Sisimulan natin ang ating aralin sa isang pagsubok.
Tingnan natin kung mayroon na kayong kaalaman sa ating
tatalakaying aralin.
Panuto: PIliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot
sa patlang.
_______1. Sino ang pinakamataas na pinuno sa paaralan?
A. guro
B. punungguro
C. tagapangasiwa sa aklatan
D. tagapayo
_______2. Ano ang tungkulin ng punungguro sa paaralan?
A. Nagbabantay sa mga bata sa paralan.
B. Gumagamot sa mga batang naaaksidente
sa paaralan.
C. Nangangasiwa sa mga pasilidad upang
mapanatiling ligtas ang bawat bata sa
paaralan.
D. Namamahala sa kantina ng paaralan.
_______3. Isang umaga, nakita mo ang inyong
punungguro sa labas ng paaralan. Ano ang
sasabihin mo?
A. Saan ka pupunta?
B. Magandang gabi po.
C. Magandang umaga po.
D. Hello,ano ginagawa mo diyan?
______4. Saan matatagpuan ang silid ng punungguro?
A. sa silid-aklatan
B. sa kantina
C. sa opisina
D. sa silid-aklatan
______5. Paano mo maipakikita ang paggalang sa inyong
punungguro?
A. maging mabuti at masunuring mag-aaral
B. magtapon ng mga basura sa paligid ng
paaralan
C. magtago sa inyong punungguro kung nakita
mo siya sa pasilyo ng paaralan
D. maglaro sa labas ng silid-aralan

BALIK-ARAL

Naunawaan mo bang mabuti ang nakaraang


aralin? Alamin natin.
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang
nakasaad na sitwasyon ay nakabubuti sa pag-
aaral at malungkot na mukha kung hindi.
______1. Tahimik na nagbabasa ng kanilang aralin ang
magkaklaseng sina Gian at Mark kanilang silid-
aralan.
______2. Ang mga batang naglalaro sa basketball court
ay nagsisigawan.
______3. Nagbabahagi nang maayos ang lider ng
pangkat ng kanyang kaalaman tungkol sa aralin.
______4. Malakas ang mga busina ng sasakyan sa kalye
na malapit sa paaralan.
______5. Nakikinig ang mga mag-aaral sa guro habang
sila ay nagtatalakayan.

ARALIN

Araw-araw, sa iyong pag-aaral ay masaya kang


natututo ng bagong aralin.
Ngayon, bago natin simulan ang ating aralin nais
kong tingnan mong mabuti ang larawan sa ibaba.
Maliban sa mga guro, sino-sino ang mga tauhan sa
ating paaralan? Nakikilala mo ba sila?
Ang bawat paaralan ay may punungguro. Kilala mo
ba ang ating punungguro?
Alam mo ba ang mga tungkuling ginagampanan ng
punungguro sa ating paaralan?

Basahin natin ang kuwento ni Bert.


Ako ay nag-aaral sa Paaralang Elementarya ng
Sagad. Marami akong nakilalang mga kamag-aral at
bagong kaibigan. Binubuo ito ng 31 mga guro at 1,200
na mga mag-aaral. Ito ay pinamumunuan ng aming
mahal na punungguro, na walang sawa sa pagsubaybay
sa mga guro at mga mag-aaral. Ilan sa mga gawain niya
ay siguruhing maayos ang pag-aaral ng mga bata.
Tiyaking naituturo ng mga guro ang mga kaalaman na
dapat matutuhan ng isang batang katulad ko.
Siguraduhin ang kaligtasan ng bawat mag-aaral.
Ginagabayan din niya ang mga guro upang maging
maayos at mapagaan ang mga gawain nila. Kung
mayroong suliraning dapat bigyan ng solusyon, ang
punungguro ang nangunguna sa pagsasaayos nito.
Iyan ang aming masipag na punungguro walang
ibang inisip kundi ang kapakanan ng mga mag-aaral,
guro at paaralan.
Saan nag-aaral ang bata si Bert?
Ano ang sinabi niya tungkol sa kanilang paaralan?
Sino ang namumuno sa kanilang paaralan?
Ano-ano ang mga tungkuling ginagampanan ng
punungguro sa paaralan?
Paano mo maipapakita ang iyong paggalang sa iyong
punungguro?
Ang punungguro o principal ang namumuno sa
paaralan. Tungkulin niyang siguruhin na mahusay ang
paraan ng pagtuturo ng mga guro. Tinitiyak niya na ang
mga batas pampaaralan ay nasusunod. Sinisikap niya na
ligtas at malusog ang bawat mag-aaral. Nagpupulong
sila ng mga guro, magulang at mga taong tumutulong sa
programa ng paaralan. Tinitiyak niya ang paglahok at
pakikiisa ng mga magulang sa pagsuporta sa pag-aaral
ng mga mag-aaral.

MGA PAGSASANAY

Handa ka na ba sa ating mga pagsasanay?


Halika, simulan natin.
Pagsasanay 1
A. Panuto: Lagyan ng thumbs up kung ito ay
tungkuling ginagampanan ng punungguro at thumbs
down kung hindi. Ilagay sa patlang.
_______1. Ang punungguro ang namumuno at
nangangasiwa sa paaralan.
_______2. Tinitiyak ng punungguro na mahusay ang
pagtuturo ng mga guro sa mga mag-aaral.
_______3. Binibigyan niya ng gamot ang mga mag-aaral
na maysakit.
_______4. Siya ang namumuno sa silid-aklatan.
_______5. Hinihikayat niyang makiisa ang mga magulang
sa programa ng paaralan.

Pagsasanay 2
Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga tungkuling
ginagampanan ng punungguro sa paaralan. Pumili ng
apat sa loob ng kahon sa ibaba.

punungguro

• Inuuna ang kaligtasan ng mga mga mag-aaral.


• Ginagabayan ang mga guro sa kanilang pagtuturo.
• Sinisiguro ang kalusugan ng mga mag-aaral.
• Pinapanatili niya kaayusan ng buong paaralan.
• Tinitiyak niya ang pakikiisa ng mga magulang sa
pagsuporta sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT

Ang natutuhan ko sa araling ito ay _____________


__________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________.

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Magbigay ng 5 pangungusap na nagpapakita
ng iyong paggalang sa punungguro.
1.
2.
3.
4.
5

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ang titik ng


tamang sagot sa patlang.
_____1. Ang inyong punungguro ay nasa harapan ng
inyong silid-aralan, ano ang gagawin mo?
A. Tumakbo papunta sa punungguro.
B. Bumati nang maayos sa punungguro.
C. Sumigaw nang malakas at sabihing nandiyan
ang punungguro.
D. Magtago sa likuran ng pinto.
_____2. Ang punungguro ay nagpupunta sa kantina ng
paaralan at sinusuri niya ang mga pagkain doon.
Anong tungkulin ang ipinapakita niya rito?
A. Katapatan sa paaralan.
B. Tinitingnan niya ang kalidad ng pagtuturo ng
mga guro.
C. Sinisuguro niya ang kaligtasan at kalusugan ng
mga mag-aaral.
D. Tinitiyak niyang nakakahiram ng aklat ang mga
mag-aaral.
______3. May mga programa sa paaralan kung saan
ipinapatawag ng punungguro ang mga
magulang, ito ay nagpapakita ng_________?
A. Pagsunod ng magulang sa guro.
B. Pagpapatala ng magulang sa guro.
C. Pakikiisa ng mga magulang sa mga programa
ng paaralan.
D. Pagsunod ng magulang sa guro.
______4. May pagkakataon na dumadalaw ang
punungguro sa inyong sild-aralan. Anong
tungkulin ang ipinapakita nito?
A. Tinitiyak ng punungguro na nag-aaral ang mga
mag-aaral.
B. Dumadalaw ang punungguro para linisin ang
silid-aralan.
C. Hinahanap ng pununguro ang mga makukulit
sa klase.
D. Naglilista ang punungguro ng mga batang
tumatayo habang nagtuturo ang guro.

_________5. Alin ang tungkuling ginagampanan ng


punungguro?
A. Siya ang nagbibigay ng payo sa mga mag-
aaral.
B. Siya ang nag-aayos sa mga aklat sa silid-
aklatan.
C. Siya ang namumuno o nangangasiwa sa
paaralan.
D. Siya ang nagbabantay sa katahimikan ng
paaralan.
Paglalahat: Ang aking natutuhan sa araling ito ay
may mga tungkuling ginagampanan ang punungguro
sa paaralan upang siguruhin ang kapakanan ng mga Panapos na Pagsusulit
mag-aaral, guro at mga tauhan ng paaralan.
1.B
2.C
Pagpapahalaga
3.C
Magbigay ng 5 pangungusap na nagpapakita ng
iyong paggalang sa punungguro.
1. Mag-aral na mabuti
2. Sundin ang mga alituntunin sa paaralan
3. Panatilihin ang katahimikan sa paaralan
4. Napapahalagahan ang paaralan
5. Makisamang mabuti sa mga kamag-aaral at
mga tauhan ng paaralan
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Macrovector. “Children Parents Parenthood Cartoon Composition with Headmaster
Office Interior and Human Character of Mother and Child Vector Illustration.”
Children Parents Parenthood Cartoon Composition Headmaster Stock Vector
(Royalty Free) 1069619087. Shutterstock. Accessed June 2020.
https://www.shutterstock.com/image-vector/children-parents-parenthood-
cartoon-composition-headmaster-1069619087.

Government of the Philippines.Department of Education. Miranda P. Noel, et.al.


Araling Panlipunan 1. Republika ng Koreanong Prinpianco.ltds. Seoul,
Korea.p.147

Curriculum Guide Ikatlong Markahan

You might also like