You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

Modyul para sa
Sariling Pagkatuto
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Unang Markahan – Modyul 4: Pansariling Pangangailangan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda
ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Delailah O. Fadrillan
Editors: Edna P. Obias, Ma. Cecilia L. Atuan,
Ana Marie B. Bucad
Tagasuri: Liza A. Alvarez, EPS - Science/STEM/SSP
• Nilalaman: Ma. Cecilia L. Atuan, Teresita P. Tagulao, EdD, EPS
Ana Marie B. Bucad Mathematics, ABM
• Wika: Leonardo G. Diez Jr., Joselito E. Calios, EPS - English/SPFL/GAS
Reann A. Virtudazo Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS
• Teknikal: Godofredo D. Garcia Jr. Filipino/GAS/Piling Larang
Tagaguhit: Edison P. Clet Bernard R. Balitao, EPS - AP/HUMSS
Ernesto D. Tabios Norlyn D. Conde, EdD, EPS
Tagalapat: Godofredo D. Garcia Jr. MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports
Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Management Team: Librada L. Agon, EdD, EPS
EPP/TLE/TVL/TVE
Ma. Evalou Concepcion A. Agustin Dulce O. Santos, PhD, EPS
OIC-Schools Division Superintendent Kindergarten/MTB-MLE
Carolina T. Rivera, CESE Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS - Special
Assistant Schools Division Superintendent Education Program
Manuel A. Laguerta, EdD Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña, EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City

Department of Education – National Capital Region

Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City


Telefax: 641-88-85, 628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com
Araling
Panlipunan
1
Unang Markahan
Pansariling Kalinangang Modyul 4
Pansariling Pangangailangan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan-Baitang I ng
Modyul 4 para sa araling Pansariling Pangangailangan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan –Baitang I Modyul 4 ukol


sa Pansariling Pangangailangan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mag-


aaral ng unang baitang. Mahalagang pag-aralan mo ito
dahil makatutulong ito sa pag-aaral tungkol
sa kahulugan ng pangangailan at mga halimbawa nito.

May mga pagsasanay kang sasagutan upang


masukat mo ang iyong kaalamang dapat malinang sa
modyul na ito.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap.


Piliin ang letra ng wastong sagot.

1. Ang ___________ ay nagbibigay lakas sa ating


katawan.
A. pagkain
B. telebisyon
C. bubble gum

2. Ito ay nagbibigay proteksyon sa ating katawan


laban sa init at lamig.
A. pagkain
B. damit
C. tirahan

1
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_4
3. Ito ay ang mga bagay na kailangan mo sa araw-
araw.
A. pangunahing pangangailangan
B. kagustuhan
C. paborito
4. ____________ang tawag sa lugar kung saan
nakatira o sumisilong ang bata at ang kanyang
pamilya.
A. bangka
B. tirahan o bahay
C. Kasuotan

5. Alin sa sumusunod ang hindi pangunahing


pangangailangan?
A. pagkain
B. kasuotan
C. kotse

BALIK-ARAL
Panuto: Isulat ang wastong sagot sa patlang.
1. Ako ay nakatira sa ____________________________.
2. Ang aming tirahan ay isang____________________.
3. Kami ay nakatira aming tirahan simula____________
______________________.
4. Nag-aaral ako sa Paaralang______________________

2
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_4
ARALIN

Masdan ang mga larawan.

Mga Tanong:
1. Mabubuhay ba tayo kung wala ang mga ito?
2. Kailangan ba natin ito araw- araw? Bakit?

Pangunahing Pangangailangan
Ang pagkain, kasuotan at tirahan ay mga
pangunahing pangangailangan ng tao. Mahalaga ang
bawat isa sa araw- araw na gawain upang makakilos at
magkaroon tayo ng proteksyon sa ating katawan mula sa
pagkain, damit o kasuotan, at tirahan.

3
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_4
Pagkain
Likas sa mga Pilipino ang mahilig sa pagkain. Bilang
isang batang Pilipino, kailangan ninyo ng masustansiyang
pagkain para mabuhay.

Kasuotan
Kailangan din ng isang bata ang kasuotan. Ang
kasuotan ay nagbibigay proteksyon sa ating katawan
laban sa init at lamig upang di tayo magkasakit.

Tirahan
Ang Pilipinas ay may iba’t ibang uri ng bahay.
Mayroong gawa sa kahoy, semento at iba pa. Mayroon
ding mga bahay sa ilalim ng tulay, sa bundok, sa tabing
dagat at ilog. Ang bahay ay tinatawag din nating tirahan.

Ang tirahan ay isa sa


pangunahing
pangangailangan ng tao.
Ito ang masisilungan natin
sa panahon ng tag-init at
tag-ulan. Kailangan nasa loob lang tayo ng bahay kung
bumabagyo o may kalamidad. Ito rin ang nagsisilbing
proteksiyon natin sa matinding init at lamig ng panahon.

4
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_4
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Bilugan ang mga larawan na nagpapakita
ng mga pangunahing pangangailangan ng tao.

5
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_4
Pagsasanay 2
Panuto: Bilugan ang angkop na salita batay sa larawan.

1. pagkain kasuotan

2. tirahan Kasuotan

3. tirahan pagkain

4. kasuotan tirahan

5. pagkain tirahan

6
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_4
PAGLALAHAT

Panuto: Kumpletohin ang pahayag.

Ano ano ang mga pangunahing pangangailan


natin?

Ang pangunahing pagangailangan natin ay________,


_____________at ________________.

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Iguhit ang iyong pamamaraan


PaanoI mo maipakikita ang pagpapahalaga sa
pangunahing pangangailangn?

Pagkain Tirahan kasuotan

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang letra ng wastong sagot.


1. Ang nagpapalakas sa katawan ng tao ay ang ________
A. kasuotan
B. pagkain
C. tirahan

2. Ang pagkain, kasuotan at tirahan ay


mga______________.
A. makina
B. hindi mahalaga sa tao
C. Pangunahing pangangailangan

7
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_4
3. Ang nagbibigay proteksyon sa ating katawan sa init at
lamig ay ang ______________.
A. Pagkain
B. kotse
C. kasuotan

4. Ito ay isang lugar ang nagsisilbing silong o proteksyon sa


tao.
A. duyan
B. tirahan
C. pagkain

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi pangunahing


pangangailangan ng tao?
A. pagkain
B. tirahan
C. laruan

8
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_4
SUSI SA PAGWAWASTO

tirahan 5. C 5.
gulay 4. B 4.
prutas 3. C 3.
kasuotan 2. C 2.
pagkain 1. B 1.
Pagsasanay 1 Panapos na Pagsusulit

C 5. tirahan 5.
B 4. kasuotan 4.
A 3. pagkain 3.
B 2. tirahan 2.
A 1. kasuotan 1.
Paunang Pagsubok Pagsasanay 2

SANGGUNIAN
Miranda, Ocampo, Amita, Reyes, De Ramos, Tiamzon, Adriano, Quintos. Araling Panlipinan 1.
1ST Ed. Republika ng Korea ng Prinpia Co., Ltd. 54 Gansanro 9gil, Geumcheongu, South
Korea

deped.gov.ph.Image bank

9
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_4

You might also like