You are on page 1of 13

Mathematics 1

Kwarter 1
Modyul 3
Nakikilala ang bilang na Labis ng
isa o Kulang ng isa sa Ibinigay

na Bilang.

1
Mathematics – Unang Baitang
Unang Markahan – Modyul 3: Nakikilala ang bilang na Labis ng isa o Kulang ng isa sa
Ibinigay na Bilang.
Ikalawang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Judith A. Soqueño


Rovielyn A. Tumaliuan Liza A. Alvarez, EPS - Science/STEM/SSP
Editors: Luz M. Gonzales Teresita P. Tagulao, EdD, EPS
Tagasuri: Mathematics, ABM
Nilalaman: Wilma P. Soriano Joselito E. Calios, EPS - English/SPFL/GAS
Birnalyn S. Lorayes Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS
Joy C. Garcia Filipino/GAS/Piling Larang
Bernard R. Balitao, EPS - AP/HUMSS
Juni D. Ponting
Norlyn D. Conde, EdD, EPS
 Wika: Gina M. Bongalos MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports
Jessica N. Dacles Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Teknikal: Jessica O. Leaño Librada L. Agon, EdD, EPS
Tagaguhit: Edison P. Clet EPP/TLE/TVL/TVE
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz Dulce O. Santos, PhD, EPS
Jessica O. Leaño Kindergarten/MTB-MLE
Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS - Special
Management Team: Education Program
Ma. Evalou Concepcion A. Agustin Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña, EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City
Department of Education – National Capital Region
Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax: 641-88-85, 628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-

i
Mathematics 1
Kwarter 1
Modyul 3
Nakikilala ang Bilang na Labis ng Isa o
Kulang ng Isa sa ibinigay na Bilang

ii
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematics 1 ng Modyul 3
tungkol sa araling pagkikilala sa Bilang na Labis ng isa o Kulang ng isa sa
Ibinigay na Bilang !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

iii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Mathematics 1 ng Modyul 3 tungkol sa


araling pagkikilala sa Bilang na Labis ng isa o Kulang ng isa sa Ibinigay na
Bilang !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

iv
v
INAASAHAN

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang nakikilala ang bilang


na labis ng isa o kulang ng isa sa ibinigay na bilang.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang sagot.


1. Ang 8 ay labis ng isa sa _____.
2. Ang 16 ay labis ng isa sa _____.
3. Ang 45 ay labis ng isa sa _____.
4. Ang 50 ay labis ng isa sa _____.
5. Ang 66 ay labis ng isa sa _____.
6. Ang _____ay kulang ng isa sa 51.
7. Ang _____ ay kulang ng isa sa 67.
8. Ang _____ ay kulang ng isa sa 70.
9. Ang _____ ay kulang ng isa sa 82.
10.Ang _____ay kulang ng isa sa 9.

BALIK-ARAL

Panuto: Tukuyin kung ilan ang sampuan (tens) at isahan (ones) ng


mga bilang sa bawat aytem.Gawing batayan ang sagot sa unang
aytem.
Bilang Sampuan Isahan

SDO_Pasig_Q1_Math_1_Modyul_3
1. 76 pito (7) anim (6)
2. 13
3. 22
4. 48
5. 97

ARALIN

Basahin ang Suliranin.


Si JV ay takot magkasakit kaya para maiwasan ito, kumakain siya
ng masusustansiyang pagkain. Kumakain siya ng mga gulay at iba’t
ibang uri ng prutas. Bumili ang nanay ni JV ng 5 mangga at 4 na
saging. Pagtambalin natin ang mga prutas.
Mga Tanong
1. Sino ang batang tinutukoy sa suliranin? Si JV___
2. Ano ang kaniyang ginagawa upang makaiwas sa sakit? Kumakain
siya ng mga gulay at prutas.
3. Ilang mangga ang binili ng kanyang nanay sa palengke? 5
mangga_____________________
4. Ilang saging naman ang binili ng kanyang nanay sa palengke? 4 na
saging____________________
5. Kung ikaw si JV, anu ano pa ang mga dapat mong gawin upang
makaiwas sa sakit? Mag-ehersisyo at uminom ng sapat na tubig.
A. Gamit ang Larawan ng mga Prutas

SDO_Pasig_Q1_Math_1_Modyul_3
Kumakatawan sa
bilang ng mangga
Kumakatawan sa
bilang ng saging

Makikita natin na ang isang mangga ay walang pares na saging.


Labis ng isa ang mangga kaysa sa saging.
Kulang ng isa ang saging kaysa sa mangga.

B. Gamit ang Popsicle sticks

Makikita natin na isang blue popsicle stick ay walang kapares o labis


ng isang bilang kumpara sa bilang ng red popsicle sticks.
Ang bilang na 5 ay labis ng isa sa 4.
Ang bilang na 4 ay kulang ng isa sa 5.

C. Gamit ang Bilang

4 at 5

SDO_Pasig_Q1_Math_1_Modyul_3
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

Sa wastong pagkakasunod sunod ng mga bilang, mas nauna ang 4


kaysa sa 5, ibig sabihin mas maliit ang 4 kaysa sa 5 kaya tama na
sabihin nating ang 5 ay labis ng isa sa 4 at ang 4 ay kulang ng isa sa 5.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Isulat ang bilang na labis ng isa kumpara sa numero na
ibinigay sa bawat aytem.
1 . 10 _____
2 . 12 _____
3 . 35 _____
4 . 61 _____
5 . 89 _____
Pagsasanay 2
Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot.
1.Ang 7 ay labis ng isa sa _____.
2.Ang 13 ay labis ng isa sa _____.
3.Ang 29 ay labis ng isa sa _____.
4.Ang 33 ay labis ng isa sa _____.
5.Ang 40 ay labis ng isa sa _____.

Pagsasanay 3

SDO_Pasig_Q1_Math_1_Modyul_3
Panuto: Bilugan ang bilang na nasa loob ng panaklong na nagpapakita
ng kulang ng isa sa nakasaad na bilang.
1. 9 (7 8 10)
2. 38 (37 39 40)
3. 53 (55 54 52)
4. 62 (63 64 61)
5. 85 (86 84 87)

PAGLALAHAT
1.Sa paghahambing ng mga bilang, anong salita ang ginagamit natin
kung ang bilang ay mas marami ng isa kaysa sa isa pang bilang?
_______________________________________________
2.Anong salita naman ang ginagamit natin kung ang bilang ay mas
kaunti ng isa kaysa sa isa pang bilang?
____________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Mayroon tayong kasabihan na “Ang kalusugan ay kayamanan” Paano


natin ito naisasabuhay?

1. Si Alden ay natutulog ng 9 na oras araw-araw.


Ang 9 ay labis ng isa sa _____.
2. Nakakawalong baso ng tubig si Maine sa buong maghapon.
Ang 8 ay kulang ng isa sa _____.

SDO_Pasig_Q1_Math_1_Modyul_3
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot.


1.Ang 15 ay labis ng isa sa _____.
2.Ang 23 ay labis ng isa sa _____.
3.Ang 49 ay labis ng isa sa _____.
4.Ang 37 ay labis ng isa sa _____.
5.Ang 80 ay labis ng isa sa _____.

Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga patlang.


1.Ang _____ ay kulang ng isa sa 22.
2.Ang _____ ay kulang ng isa sa 74.
3.Ang 1 ay kulang ng isa sa _____.
4.Ang 55 ay kulang ng isa sa _____.
5.Ang 93 ay kulang ng isa sa _____.

SUSI SA PAGWAWASTO

Panapos na Pagsusulit Mga Pagsasanay Paunang Pagsubok


A. Pagsasanay 1 1.7
1.14 1.11 2.15
2.22 2.13 3.44
3.48 3.36 4.49
4.36 4.62 5.65
5.79 5.90 6.50
7.66
B. Pagsasanay 2 8.69
1.21 1.6 9.81
2.73 2.12 10.8
3.2 3.28
4.56 4.32 Balik-Aral
5.94 5.39 1. pito(7) anim (6)
2. Isa (1) tatlo (3)
6
Pagsasanay 3 3. dalawa (2) dalawa(2)
1.8 4. apat (4) walo (8)
2.37 SDO_Pasig_Q1_Math_1_Modyul_3
5. siyam (9) pito (7)
3.52
SANGGUNIAN
Padilla,Danilo.Pascua,Rodrigo.Dacuba,Lolita.Calelao, Marivic. Silvania,Dahlia.
Garlejo, Maybellene

Mathematics, Grade 1 Teacher’s Guide

Deped: Philippines

First Edition, 2017

Padilla,Danilo.Pascua,Rodrigo.Dacuba,Lolita.Calelao, Marivic. Silvania,Dahlia.


Garlejo, Maybellene

Mathematics, Kagamitan ng Mag-aaral sa Unang Baitang Tagalog

Deped; Philippines

Binagong Edisyon, 2017

Portes, Aurora; Tejuco, Bienvenida; Cajulao,Zenaida; Estrellado, Marites;


Magtanong,Jasmin; Eustaquio, Ofelia;

Serrano, Rosalinda; Capumpon, Sheilaver; Ravelas, Rosalinda; Gayda, Virgie

Lesson Guides in Elementary Mathematics

Grade 1 Department of Education

Bureau of Elementary Education in coordination with

Ateneo De Manila University, 2003

DepEd Image Bank

Creative Commons

SDO_Pasig_Q1_Math_1_Modyul_3

You might also like