You are on page 1of 14

MTB-MLE 3

MTB-MLE – Ikatlong Baitang


Kwarter 1 – Modyul 6: Paggamit ng Salitang Nagsasaad ng Bilang o Dami na
Angkop sa Pangngalang Di-Pamilang
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Mary Ann P. Bingayan
Editor: Victor M. Javeña Ed. D.
Tagasuri: Zoraida R. Castillo Liza A. Alvarez, EPS - Science/STEM/SSP
● Nilalaman: Marissa C. Gonzales Teresita P. Tagulao, EdD, EPS
Mary Ann P. Bingayan Mathematics, ABM
Medelyn L. Gregas Joselito E. Calios, EPS -
● Wika: Nida A. Leaño, Dianne N. Sanchez English/SPFL/GAS
● Teknikal: Vilma V. Paulino Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS
Filipino/GAS/Piling Larang
Carina Charmaine A. Pelaez
Bernard R. Balitao, EPS - AP/HUMSS
Tagalapat: Jaymomuar Agustin
Norlyn D. Conde, EdD, EPS
Ma. Danessa T. Bulingit
MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports
Management Team: Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Ma. Evalou Concepcion A. Agustin Librada L. Agon, EdD, EPS
OIC-Schools Division Superintendent EPP/TLE/TVL/TVE
Carolina T. Rivera, CESE Dulce O. Santos, PhD, EPS
Assistant Schools Division Superintendent Kindergarten/MTB-MLE
Manuel A. Laguerta, EdD Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS -
Chief, Curriculum Implementation Division Special Education Program
Victor M. Javeña, EdD Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM
Chief, School Governance and Operations Division

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City

Department of Education – National Capital Region


Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax: 641-88-85, 628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com
MTB-MLE 3

Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 6
Paggamit ng Salitang
Nagsasaad ng Bilang o
Dami na Angkop sa
Pangngalang Di-Pamilang
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang MTB-MLE 3 Modyul 6 para sa


araling "Paggamit ng Salitang Nagsasaad ng Bilang o Dami na Angkop sa
Pangngalang Di-Pamilang."

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng Lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtatagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking, and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa MTB-MLE 3 Modyul ukol sa " Paggamit ng
Salitang Nagsasaad ng Bilang o Dami na Angkop sa Pangngalang Di-Pamilang."

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Masusukat dito ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Masusukat dito ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, ang pagbibigay ng guro ng iba’t ibang
pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito, ang pagbubuod ng mahahalagang konsepto
na dapat bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito, ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Masusukat dito ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa araw na ito ay inaasahang matututuhan ang paggamit


ng wastong salitang nagsasaad ng bilang o dami (counters) sa
angkop na pangngalang di- nabibilang. Inaasahang na
matututuhan mo ang magagandang kaugalian, pagmamahal sa
pamilya at pagkamakabayan.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin ang angkop na tandang pamilang na ginagamit sa


sumusunod na pangngalang di-pamilang. Ilagay ito sa patlang.

isang basong isang platong


isang timbang isang tasang
isang kahong isang kilong

1. ________bigas 2. ________manok
3. ________tubig 4. ________kape
5. ________pasas

SDO_Pasig_Q1_MTB-MLE_3_Modyul_6
BALIK-ARAL
Panuto: Gawin ang arrow up 🡩kung ang salita ay Pangngalang
Pamilang at arrow down 🡩kung Di-Pamilang.

________ a. isang kutsaritang toyo


________ b. isang boteng suka
________ c. isang labanos
________ d. isang sibuyas
________ e. mga kamatis
________ f. isang bandehadong pansit
________ g. pinya
________ h. isang boteng patis
________ i. mangga
________ j. mantekilya
________ k. isang boteng mantika

ARALIN

Basahin at Alamin

Basahin ang sumusunod na pangungusap na mula sa teksto.

a. Kung may matitira pang sobrang pera, bumili ka ng isang kilong


saging o kaya ay hinog na papaya para sa ating panghimagas.

b. Naglagay ng isang basong gatas si Louie sa mesa.

Alin ang pangngalang pamilang at di-pamilang sa


pangungusap?

SDO_Pasig_Q1_MTB-MLE_3_Modyul_6
Aling pangngalan ang maaaring mabilang at hindi mabibilang?

Pagmasdan ang larawan.

Ano ang inyong mabibili


sa supermarket?

Nanay: Doris, maaari ka bang pumunta sa palengke?


Kailangan ko na kasing matapos itong tinatahi kong uniporme.
Kukuhanin na kasi ito ngayon ni Bb. Cart.

Doris: Opo, Nanay. Ano po ba ang aking mga bibilhin?

Nanay: Magluluto tayo ng sinigang na isda para sa


pananghalian. Kaya kailangan natin ng isda, kamatis, sibuyas at
kangkong.

Doris: Isusulat ko po ang aking mga bibilhin sa papel upang hindi


ko po malimutan ang mga ito.

Nanay: Maganda iyang naisip mo, Doris. Ididikta ko sa iyo ang


mga bibilhin mo.

Doris: Sige po, Nanay. Handa na po ako.

Nanay: Bumili ka ng isang malaking bangus, dalawang sibuyas,


apat na kamatis, isang labanos,
limang okra, at isang tali ng kangkong. Samahan mo na din ng
isang pakete ng tamarind soup mix, asin, dalawang piraso ng
berdeng sili at dalawang piraso ng gabi.

Doris: Meron pa po ba kayong idadagdag?


3

SDO_Pasig_Q1_MTB-MLE_3_Modyul_6
Nanay: Kung may matitira pang sobrang pera, bumili ka
ng isang kilong saging o kaya ay hinog na papaya para sa ating
panghimagas. Eto ang pera. Huwag mong kalilimutang bilangin
ang sukli.

Doris: Masusunod po, Nanay.

Tanong:
1. Sino ang pupunta sa palengke?
2. Ano-ano ang kanyang mga bibilhin?
3. Ano ang inihanda ni Doris upang hindi niya malimutan ang
kanyang mga bibilhin?
4. Ano ang paalala ni Nanay kay Doris?
5. Anong magandang asal ang ipinakita ng bata? 6.Dapat ba
siyang tularan? Bakit?
Narito ang mga bagay na pinamili ni Doris sa palengke.

isang kilong bangus dalawang sibuyas apat na kamatis

isang labanos dalawang berdeng isang kilong saging


sili

limang okra isang taling Isang pakete ng


kangkong tamarind soup
4

SDO_Pasig_Q1_MTB-MLE_3_Modyul_6
isang gabi asin

Alin sa mga pinabili ni Doris ang mga nabibilang? Ang hindi


nabibilang? Pangalanan ito.

Ating tandaan na ang pangngalang nabibilang ay tinatawag na


pangngalang pamilang.

Halimbawa:
bulaklak - mga bulaklak
kaibigan - mga kaibigan
aklat - mga aklat

Ang pangngalang hindi mabibilang ay tinatawag na


pangngalang di-pamilang.

Halimbawa:

karne gatas mantika harina suka

Nabibilang ang mga pangngalang di-pamilang kung ito ay


gagamitan ng angkop na salitang pamilang.

Halimbawa:

isang lata ng sardinas isang kahon ng mga bulaklak


isang pirasong papel isang basong juice
isang scoop ng sorbetes isang kilong karne
isang bote ng suka isang onsa ng tubig

SDO_Pasig_Q1_MTB-MLE_3_Modyul_6
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Piliin mula sa kahon ang angkop na tandang pamilang


na ginagamitan ng sumusunod na pangngalang di-pamilang at
ilagay ito sa patlang.

isang tasa ng isang baso ng isang plato ng


isang garapon ng isang bote ng isang dakot na
isang patak ng isang sako ng

____________ ____________ ____________


gamot jam kanin

____________ ____________ ____________


sopas pasas juice

SDO_Pasig_Q1_MTB-MLE_3_Modyul_6
Pagsasanay 2

Panuto: Isulat sa patlang ang PP kung ito ay pangngalang


pamilang at DP kung di-pamilang.

_____1. alikabok _____6. kaklase


_____2. holen _____7. aso
_____3. karne _____8. suka
_____4. juice _____9. kendi
_____5. papel _____10. pulbo

PAGLALAHAT

Magaling ang iyong ginawa sa mga pagsasanay.Bilang


paglalahat ano ang iyong natutunan sa ating aralin ngayong
araw?

Ang pangngalang pamilang ay mga pangngalang nabibilang.

Ang pangngalang di-pamilang ay ang mga pangngalang di-


nabibilang. Nabibilang ang mga pangngalang di-pamilang kung
ito ay gagamitan ng angkop na salitang pamilang.

PAGPAPAHALAGA
Mahalaga sa isang batang tulad mo na sumunod sa mga
utos ng magulang. Sa pamamagitan nito ay natutulungan mo sila
sa mga gawain sa tahanan. Ipinakita ng bata sa dayalogong
inyong binasa ang maayos niyang pagsunod sa mga iniutos ni

SDO_Pasig_Q1_MTB-MLE_3_Modyul_6
nanay at matalino niyang nagawa ang mga ibinilin sa kanya.
Nararapat lamang na tularan ninyo ang batang tulad niya.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin mula sa talaan ang salitang nagsasaad ng


bilang o dami na angkop sa pangngalang nasa larawan.

tubig cake

kanin jelly

prutas
buhangi

SDO_Pasig_Q1_MTB-MLE_3_Modyul_6
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian
Department of Education image bank

MTB-MLE 3 Q1 LEARNERS MATERIALS p.9-13

Department of Edukasyon K to 12 Gabay Pangkurilum Mayo 2016 (F3PT-IId-9)

Dep Ed Most Essential Learning Competencies (F3PT-IId-9) Dep Ed Commons

https://pixabay.com/vectors/chili-green-pepper-spicy-hot-306810/

https://www.slideshare.net>module

SDO_Pasig_Q1_MTB-MLE_3_Modyul_6

You might also like