You are on page 1of 14

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika -9 na Baitang

Alternative Delivery Mode


Ikatlong Markahan – Modyul 4: Sama-samang Pagkilos ng Lipunan Para sa Katarungan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Katherine R. Lim


Editor: Louie C. Duterte, Pedro B. Cenera, Cristina A. Soliven
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, Ph.D, Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat: Ailene D. Ferrer
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Teresita
Inilimbag sa pilipinas, kagawaran P. Tagulao, EdD
ng Edukasyon- (Mathematics/ABM)
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa Pagpapakatao
9
Ikatlong Markahan
Modyul 4
Sama-samang Pagkilos ng Lipunan Para sa
Katarungan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sama-samang Pagkilos ng Lipunan Para sa
Kataranungan

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay inaasahan na masusundan ng mga mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto sa pamamagitan ng iba’t ibang mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras na igugol sa pag-aaral. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pang ika-21 siglo habang isinasaalang alang ang kanilang
mga pangangailangan at sitwasyon sa buhay.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang

isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.


Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Sama-samang Pagkilos ng Lipunan Para sa
Katarungan

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan


nito tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain.Sa tulong-aral na ito,
ikaw ang kamay na sumisimbolo nito, kaya bilang isang mag-aaral, ikaw ay may angking
kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong
pangakademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay binubuo ng iba’t ibang bahagi na ginamitan ng mga imahe (icon) na
dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN –Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK - Dito masusukat ang iyong matutuhan at


maunawaan sa mga naunang paksa.

BALIK-ARAL - Dito masusukat ang dati mong kaalaman at mga dapat


mo pang malaman sa paksa.

ARALIN - Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa aralin.

MGA PAGSASANAY - Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang


pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT - Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang


konsepto na dapat bigyang halaga.

PAGPAPAHALAGA - Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga


kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUBOK - Dito masusukat ang mga natutuhan ng


mga mag-aaral.

2
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng


modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing nakapaloob
sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa
iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

Kaya mo ito

3
MGA INAASAHAN
Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa kapwa
ang nararapat sa kanya
Mga Layunin:

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahang:

1. Makikita ang kahalagahan ng katarungang panlipunan

2. Nakikibahagi sa pagsasabuhay ng katarungang panlipunan.

3. Natutugunan ang mga pangangailangan ng kapwa sa angkop na pagkakataon.

PAUNANG PAGSUBOK

Makikita sa bahagi ng modyul na ito ang pagsukat ng lawak ng iyong kaalaman


tungkol sa paksang tatalakayin sa pamamagitan ng pagsagot ng paunang pagsubok.
Huwag kang mag-aalala kung iniisip mong mali ang iyong sagot sa bahaging ito
sapagkat kukuhanin lamang ang dati mong kaalaman sa magiging paksa.

Panuto: Ano sa iyong palagay ang mga palatandaan ng pagiging makatarungang


tao. Isulat sa loob ng mga bilog ang iyong sagot.

Makatarungang
Tao
BALIK-ARAL
Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo na ang mabuting ekonomiya ay napapa-
unlad ang bawat isa.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba.
w a a g w a a n

d g n a d n g a

k a a u n g n

i p a

k a u a

ARALIN
Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang mahahalagang
konsepto ng aralin. Huwag kang mag-alala dahil gagawin nating magaan ang
pagpoproseso ng iyong pag-unawa. Maligayang araw ng pag-unawa!

Sama-samang Pagkilos ng Lipunan Para sa Katarungan

Katarungan
•Pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya. Ayon kay Dr. Manuel B. Dy
Jr, ito ay isang uri ng pagbibigay at hindi isang pagtanggap. Ano naman
ang nararapat sa kapwa? Ito ay ang pagpapahalaga sa kanyang hindi
malalabag na espasyo ng kanyang pagka-indibidwal- ang kanyang
dignidad bilang tao. Ang pagkatao ng tao ay isang katotohanang
angangailangan ng ating pagkilala at paggalang.

Lipunan
•Binubuo ng tao ang lipunan. Binubuo ng lipunan ang tao. Nagkakaroon
ang tao ng pagkakataong ipakita ang pagmamalasakit, pagtulong sa
panahon ng pangangailangan. Nagpapakita ang tao sa lipunan ng
malasakit at pagdamay sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit. Ito ay
may sama-samang pagkilos tungo sa iisang mithiin.
• Ang katarungang panlipunan ay ang pag-iingat sa sarili ng komunidad upang
makagawa, makabuo o makalikha. Pagppakita ng katarungan ang pagbibigay
ng nararapat sa kanya. Ayon nga kay Dr. Manuel Dy, Jr. ang katarungan ay
isang pagbibigay at hindi isang pagtanggap.

• Mahalaga ang pakikibahagi ng bawat isa sa pagkakaroon ng katarungang


panlipunan. Ito ay dahil sa hindi lamang ikaw ay tao kundi dahil ikaw ay
namumuhay sa lipunan ng mga tao at bilang tao. Ang pagiging makatarungan
ay minimun na pagbabahagi mo o pagpapakita mo ng pagmamahal at
paggalang mo bilang tao na namumuhay kasama ang iba.

• Ang mga ito ay dignidad ng tao, katotohanan, pagmamahal, pagkakaisa at


kapayapaan. Ang katarungan panlipunan ay kumikilala sa dignidad ng tao.
Ang bawat taoay may dignidad hindi dahil sa kanyang pag-aari, posisyon sa
lipunan mga nakamit sa buhay kundi sa kanyang pagkatao

• Dahil mahalaga ang tao, makatarungan na ibigay ang nararapat sa kanya.


Totoo na ang pagbibigay kung ano ang nararapat sa tao ay hindi nakadepende
sa kaniyang sitwasyon, kundi sa kanyang hindi malabag na karapatang
pantao na nakaugnay sa kanyang dignidad bilang tao.

• Ang katarungan panlipunan, kung gayon, ay dapat nakatuon sa kabutihan


ng mga tao. Ang pagmamahal, pagbibigay galang sa nararapat o Karapatan
ng iba, pagsunod sa batas at pagtangkilik sa katotohanan at hustisya.
Samakatuwid, ang mga istraktura ng lipunan ay nabubuo o nararapat na
umiral para sa kabutihan ng lahat ng tao.

MGA PAGSASANAY

Sa tulong ng mga impormasyon na iyong nalaman tungkol sa paksa, naniniwala ako


na nadagdagan ang iyong kaalaman at lumawak pa ang iyong pag-unawa sa aralin..
Subukin mong sagutin ang kasunod na mga gawain nang sa gayo’y iyong matukoy
ang sagot sa mga tanong.
Pagsasanay 1
Panuto: Panuorin ang music video ng kantang Tatsulok by Bamboo.
https://www.youtube.com/watch?v=hI3T_D8TCUk

Matapos mo mapanuod ang music video na Tatsulok ano ang tumimo sa iyong
isipan tungkol sa ating lipunan sa ngayon? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Panuto: Gumawa ng isang tula patungkol sa kantang Upuan.

"Upuan"

Kayo po na naka upo


Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw ninyo
Ang tunay na kalagayan ko
Ganito kasi yan eh

Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng


Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

Kayo po na naka upo


Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Mawalang galang na po
Sa taong naka upo
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
Kaya

Wag kang masyadong halata


Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata
Wag kang masyadong halata
Hehey, (Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata)
https://www.azlyrics.com/lyrics/gloc9/upuan.html

PAGLALAHAT
Panuto: Ngayon nalaman mo ang kahalagahan ng katarungan panlipunan base sa
iyong natutunan. Gumawa ng checklist kung paano mo maisasabuhay ang
katarungang panlipunan.

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10
Panuto: Gumumawa ng iyong “Hugot Lines” tungkol sa lipunan na iyong
nararanasan at nakikita.

1.
2.
3.
4.
5.

___ PAGPAPAHALAGA
Panuto: Ngayong naintindihan mo na ang tunay na kahalagahan ng katarungan
panlipunan. Isaad ang iyong nararamdaman sa larawan na iyong nakikita.

https://media.philstar.com/photos/2020/09/16/psn-editorial-cartoon-0917_2020-09-16_19-41-56.jpg

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Panuto: Ngayon nalaman mo ang nagging epekto saiyo ng katarungang panlipunan


gumawa ng isang cloud word na nagpapakita ng isang lipunang na may
pagsasabuhay ng katarungan.

https://st.depositphotos.com/3008028/3751/i/950/depositphotos_37514459-stock-photo-thoughts-form-of-clouds-from.jpg

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pagsubok sa ibaba. Isulat ang
angkop na pananalita sa bawat patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

Ang bawat tao ay may _______________ hindi dahil sa kanyang pag-aarai, posisyon
sa lipunan o mga nakamit sa buhay, kundi sa kangyang _______________. Dahil
____________ ang tao, ________________ na ibigay ang ______________ sa kanya.

Mahalaga Nararapat Dignidad

Makatarungan Pagkatao
SUSI SA PAGWAWASTO

5. Nararapat 1. DIgnida 2. Pagkatao 3. Mahalaga 4. Makatarungan


Panapos na Pagsusulit

4. Lipunan 5. Kaayusan
3. Katarungan 1.Walang iwanan 2. Dignidad ng tao
Balik-Aral

Paunang Pagtataya

SANGGUNIAN

Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul, 2015

https://www.slideshare.net/maflechoco/katarungang-panlipunan-55600305

https://www.slideshare.net/ednaazarcon7/es-p-9-modyul-9-katarungang-
panlipunan

https://www.youtube.com/watch?v=hI3T_D8TCUk

https://www.azlyrics.com/lyrics/gloc9/upuan.html

https://media.philstar.com/photos/2020/09/16/psn-editorial-cartoon-
0917_2020-09-16_19-41-56.jpg

https://st.depositphotos.com/3008028/3751/i/950/depositphotos_37514459-
stock-photo-thoughts-form-of-clouds-from.jpg

You might also like