You are on page 1of 20

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Kagalingan sa Paggawa
Ikatlong Linggo
Edukasyon sa Pagpapakatao – _Ikasiyam_ na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul _3_: Kagalingan sa Paggawa

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Charity B. Escobido
Editor:
Tagasuri: Jeannie Pearl Y. Niñonuevo, Robert C. Doria
Tagaguhit: Richard N. Escobido
Tagalapat: Richard N. Escobido
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:

Evelyn R. Fetalvero Reynaldo M. Guillena


Mary Jeanne B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Lydia V. Ampo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI Davao City Division


Office Address : DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave.,
Davao City, Davao del Sur, Philippines
Telefax : (082) 224 0100
E-mail Address : info@deped-davaocity.ph
9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Kagalingan sa Paggawa
Ikatlong Linggo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat pahina
nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga kasagutan mula sa
iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa susunod na
gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot at
pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa susunod na
gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng mga
gawain.

Kung mayroon kayong hindi naintindihan at nahihirapan sa pagsagot sa mga


inilaang gawain, huwag mag-atubiling magtanong sa inyong guro o tagapagdaloy.
Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa pamamagitan ng
modyul na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at malalim na
pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

1
Alamin Natin
Wow, ang ganda naman niyan! Perfect! Magnifico! Bravo! Ang galing ng
pagkakagawa! Sino ang gumawa niyan? Imported ba o gawa sa atin? Kadalasan ito
ang mga salitang namumutawi sa iyong bibig kapag nakakakita ka o kaya’y nakapanood
ng mga produkto o kagamitang bago na pumupukaw ng iyong atensyon. Naitanong mo
na ba sa sarili mo kung kaya mo ring gawin ang ganitong produkto o kagamitan? O
sumagi ba sa isip mo na “Pagdating ng panahon ako naman ang gagawa niyan,
magtatagumpay at makikilala kaya ako?” Ano-ano kaya ang taglay nilang mga
katangian upang makabuo ng ganitong mga imbensiyon? Ano-ano ang indikasyon ng
kagalingan sa paggawa?

Sa Modyul 7, naunawaan mo ang tunay na kahulugan at kabuluhan ng paggawa.


Nalaman mo na ito ay daan upang makamit mo ang iyong kaganapan bilang tao. Sa
modyul na ito, inaasahang maunawaan mo na hindi sapat ang paggawa lamang.
Mahalagang laging isaalang-alang ang kalidad ng serbisyong ibinigay o produktong
ginawa upang maging gawi ng bawat kabataan ang kagalingan sa paggawa.

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan, at pag-unawa:

1. Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang


gawain o produkto kaakibat ang wastong paggamit ng oras para rito. (EsP9KP-
IIIa-11.1)

2. Nakabubuo ng mga hakbang magkaroon ng kalidad o kagalingan sa paggawa ng


isang gawain o produkto kasama na ang pamamahala sa oras na ginugol dito.
(EsP9KP-IIIa-11.2)

2
Subukin Natin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang mga tanong. Piliin
ang pinakaangkop na sagot at isulat ito nang buo sa iyong sagutang papel.

1. Maganda ang pagkakagawa ng pamilya ni Suzanne sa mga bag na yari sa tetra


pack ng juice. Mabili ang mga ito lalo na iyong may iba’t ibang kulay at disenyo.
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita sa kagalingan
ng tao sa paggawa?
a. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kaniyang mga kakayahan.
b. Nakagagawa ng paraan ang tao upang maiangat ang kaniyang pamumuhay.
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng
lipunan.
d. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay.

2. Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng softdrinks in can ang proyektong “Ang


Latang Naitabi mo, Panibagong Pamatid Uhaw ang Dala Nito sa Iyo” upang
makaipon ng maraming lata na ibibigay sa Tahanang Walang Hagdan. Ang
programang ito ay tumutugon sa mga pagpapahalagang mayroon ang pagawaan
o kumpanya sa paglikha ng isang produktong may kalidad at nakikibahagi sa
lipunan, lalo na sa mga may kapansanan. Kung ikaw ang lilikha ng produkto, alin
sa sumusunod ang dapat mong isaalang-alang?
a. Gumawa ng produktong kikita ang tao
b. Gumawa ng produktong makatutulong sa tao
c. Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao
d. Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos

3. Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng pinggan


sa pinapasukang karinderya pero hindi siya nagrereklamo at nagpapabaya sa
kaniyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan niya sa
paggawa?
a. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kaniyang tungkulin
b. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kaniyang tungkulin
c. Ang kaganapan ng kaniyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan
ng kaniyang pangarap
d. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong
ginagawa

3
4. Sa pagreretiro ni Mang Rene, nakatanggap siya ng mga benepisyong hindi
inaasahan mula sa pabrikang kaniyang pinaglilingkuran ng mahigit sa 40 taon.
Bukod dito, binigyan din siya ng plake ng pagkilala bilang natatanging manggagawa
ng pabrika. Palatandaan ba ng kagalingan sa paggawa ang pagtanggap ng
benepisyo at pagkilala kay Mang Rene?

a. Oo, sapat na basehan ang 40 na taon niyang paglilingkod.


b. Hindi, binibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang manggagawa sa
oras na siya ay magretiro bilang bahagi ng kaniyang karapatan bilang isang
manggagawa.
c. Oo, hindi ibibigay ng isang kumpanya ang pagkilala at benepisyo sa
manggagawang hindi nararapat bigyan o gawaran nito.
d. Hindi, binigay lang ang parangal upang maging masaya si Mang Rene dahil
sa edad na mayroon siya.

5. Hindi natapos ni Baldo ang kaniyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila
nito siya ay matagumpay dahil sa negosyong kaniyang itinayo at pinaunlad. Naging
madali ito para sa kaniya dahil ito ay ayon sa kaniyang gusto at hilig. Ano ang
katangian ang mayroon si Baldo?
a. Masipag, madiskarte, at matalino
b. May pananampalataya, malikhain, may disiplina sa sarili
c. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapuwa
at bansa
d. May angking kasipagan, pagpupunyagi, at tiwala sa sarili

4
Aralin Natin
Gawain 1:
Panuto:
1. Suriin kung iyong tinataglay ang sumusunod na palatandaan. Sa kanan ng bawat
aytem, lagyan ng tsek (/) ang angkop na kolum. Gawin ito sa sagutang papel.
2. Pagkatapos, bilangin ang kabuuang iskor sa bawat kolum.
3. Tingnan ang interpretasyon ng iskor sa ibaba nito.

Mga Palatandaan Ako Ito Hindi


ako Ito
1.Ginagawa ang mga bagay na dapat gawin

2. Nagdarasal muna bago gawin ang anumang bagay

3. Tinatapos lagi nang may kalidad ang anumang gawain

4. Laging may bagong ideya at konsepto sa isang partikular


na gawain o bagay
5. Nagpaplano ng paraan kung paano gagawin ang isang
gawain bago simulan ito
6. Nirerebisa ang gawain batay sa punang angkop sa
kraytirya ng output
7. Laging nagpapasalamat sa Diyos sa mga natapos na
gawain at takdang aralin na nagawa nang maayos
8. Palatanong sa mga bagay na bago sa aking paningin

9. Hindi sumusuko sa hamon ng anumang gawain kahit


mahirap ito
10. Inuunawa ang panuto bago simulan ang gawain

Interpretasyon
0-2 Kailangang-kailangan ang mga kasanayan sa paggawa ng gawain o produkto
nang may kalidad
3-5 May mga kasanayan na sa paggawa ng gawain o produkto nang may kalidad
6-7 Mapauunlad pa ang mga kasanayang taglay sa paggawa ng gawain o produkto
nang may kalidad
8-10 Malaki na ang antas ng mga kasanayan sa paggawa ng gawain o produkto nang
may kalidad

5
Ang nakuha mong iskor sa gawain na ito ay hindi nararapat na bigyan ng
negatibong interpretasyon. Layunin ng gawaing tulungan kang tayahin ang iyong
kakayahan at maging bukas ka sa pagbabago. May magagawa ka pa upang ito ay
mapaunlad. Kasabay ng unti-unting pag-unlad ng mga kakayahan.

Sagutin ang mga tanong sa ibaba:


1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili pagkatapos mong sagutan ang tseklist?
Ipaliwanag.

2. Sa kabuuan, masasabi mo bang may kalidad ang iyong paraan sa paggawa?


Ang output o produkto ng iyong paggawa? Patunayan.

3. Ano-ano ang indikasyon na ang isang gawain o produkto ay may kalidad o


kagalingan (excellence)? Ipaliwanag ang bawat isa.

Rubriks ng Indikasyon ng Isang Gawaing may Kalidad o Kagalingan


Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan
(10 puntos) (8 puntos) ng Pag-unlad
(5 puntos)
Patunay ng Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng 3- Nakapaglahad ng
kagalingan ng limang patunay ng 4 na patunay ng 1-2 na patunay ng
paraan sa kagalingan ng kagalingan ng kagalingan ng
paggawa at paraan sa paggawa paraan sa paggawa paraan sa paggawa
output o at ng output o at ng output o at ng output o
produkto produkto ng ginawa produkto ng ginawa produkto ng ginawa

Indikasyon ng Nakapaglahad ng 5 Nakapaglahad ng 3- Nakapaglahad ng


Kalidad o indikasyon ng 4 na indikasyon ng 1-2 na indikasyon
Kagalingan ng kalidad o kagalingan kalidad o kagalingan ng kalidad o
gawain ng isang gawain ng isang gawain kagalingan ng
isang gawain
Kabuoang
Puntos

6
Gawin Natin
Gawain 2: Guhit Ko, Dugtungan Mo!

Panuto:
1. Gamit ang iyong malikhaing pag-iisip, dugtungan ang mga guhit sa loob ng mga
kahon upang makabuo ng larawan ng kahit na anong bagay. Ano kaya ang
mabubuo mo?

Halimbawa: Ikaw naman… 1. 2.

Bago Pagkatapos

3. 4. 5.

2. Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.


a. Nahirapan ka bang dugtungan ang mga guhit at makalikha ng kakaibang
larawan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
b. Ano-anong mga larawan ang naiguhit mo?
c. Naniniwala ka bang ito ay bunga ng iyong pagkamalikhain? Ipaliwanag ayon sa
iyong pagkaunawa ng katangian ng pagkamalikhain.
d. Ano-ano ang mga isinaalang-alang mo bago dugtungan ang mga guhit?
e. May mga hakbang ka bang sinunod upang magkaroon ng kalidad o kagalingan
ang ginawa mong pagdugtong sa mga guhit sa bawat kahon? Ano-ano ang mga
ito?
f. Kung ang lahat ng mga nabuo mong larawan ay maituturing na isang kuwento,
masaya ka ba sa nabuo mo? Pangatwiranan.
g. Ano ang kahalagahan ng pagiging malikhain upang magawa nang maayos ang
isang gawain at makalikha ng kakaibang produkto?

7
Rubriks ng Kagalingan o Kalidad ng Paggawa
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan
(10 puntos) (8 puntos) ng Pag-unlad
(5 puntos)
Mga bagay na Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng
isinaalang-alang apat na bagay na tatlong bagay na 1-2 bagay na
sa pagguhit isinaalang-alang isinaalang-alang isinaalang-alang
bago dugtungan bago dugtungan bago dugtungan
ang mga ang mga ang mga
guhit/larawan guhit/larawan guhit/larawan

Mga hakbang na Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng


sinunod upang apat na hakbang tatlong hakbang 1-2 hakbang na
magkaroon ng na sinunod upang na sinunod upang sinunod upang
kagalingan ang magkaroon ng magkaroon ng magkaroon ng
ginawang kagalingan ang kagalingan ang kagalingan ang
guhit/larawan ginawang ginawang ginawang
guhit/larawan guhit/larawan guhit/larawan

Kabuoang Puntos

Sanayin Natin

Gawain 3

Panuto: Suriin ang pelikulang may pamagat na Ron Clark Story sa You Tube.

1. Manghiram sa kakilala o kaibigan ng cd o dvd ng pelikulang Ron Clark Story o


maaari rin itong panoorin sa youtube.com. Sundan ang url na:
http://www.youtube.com/watch?v=foRsBdbEums0.

2. Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.


a. Sa pelikulang napanood, sino si Ron Clark? Ano ang kaniyang propesyon?
b. Ano-anong mga pagpapahalaga ang napansin mong isinabuhay niya sa
pelikula?
c. Naging madali ba sa kaniya na isabuhay ang mga ito?
d. Paano niya nalampasan ang mga pagsubok? Ipaliwanang.
e. Nagpamalas ba siya ng kagalingan sa paggawa sa kaniyang propesyon?
Pangatwiranan.

8
Tandaan Natin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang “Tayahin
ang Iyong Pag-unawa” sa Suriin Natin.

Kagalingan sa Paggawa
Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng produkto ay nangangailangan
ng sapat na kasanayan at angking kahusayan. Hindi sapat ang lakas ng katawan at
layunin sa paggawa. May mga partikular na kakayahan at kasanayan na kailangan sa
paggawa. Ang pagkakaroon ng propesyon o kursong natapos ay isang salik na dapat
isaalang-alang, ngunit hindi lang ito ang kailangan upang makagawa ng isang produkto
o gawaing mag-aangat sa iyo bilang tao.

Ano-anong kasanayan ang kailangan sa paggawa ng may kalidad?

Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung tataglayin mo ang


sumusunod na katangian: 1. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga; 2. Pagtataglay ng
positibong kakayahan; at 3. Nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos.

1. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga - Ang isang matagumpay na tao ay may


mga pagpapahalagang humuhubog sa kaniya upang harapin ang anumang
pagsubok na pagdaraanan sa pagkamit ng mithiin. Ang mga pagpapahalagang
ito ang nagsisilbing gabay niya upang gumawa ng kakaibang produkto o serbisyo
na may kalidad. Ang mga produktong kaniyang lilikhain ay bunga ng kasipagan,
tiyaga, pagiging masigasig, pagkamalikhain, at pagkakaroon ng disiplina sa sarili.

a. Kasipagan- Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang


gawain nang buong puso at may malinaw na layunin sa paggawa. Ang
produkto o gawaing likha ng isang taong masipag ay bunga ng kahusayan at
buong pagmamahal na ginagawa. Dahil dito ang nagiging resulta ng
kaniyang pagsasagawa ng gawain ay maayos, kahang-hanga at kapuri-puri.
May kagalingan ang produkto o gawain o ang paggawa sa kabuuan kung ito
ay bunga ng pagmamahal at pagkagustong gawin ito nang buong husay.

b. Tiyaga- Ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa


kaniyang paligid. Isinasantabi ng taong may tiyaga ang mga kaisipang
makahadlang sa paggawa ng isang produkto o gawain tulad ng:
pagrereklamo, pagkukumpara ng gawain sa likha ng iba, at pag-iisip ng mga
dahilan upang hindi isagawa ang gawain. Ang likha ng taong may kagalingan
sa paggawa ay bunga ng inspirasyon, turo at gabay na kaniyang nakukuha
sa ibang tao.

9
c. Masigasig- Ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang
nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto. Ang atensiyon o oras
niya ay nakatuon lamang sa produkto o gawaing kaniyang lilikhain. Sa
pamamagitan nito madali siyang nakatatapos ng produkto at gawain nang
hindi nakararamdam nang anumang pagod o pagkabagot.

d. Malikhain- Ang produkto o gawaing lilikhain ay bunga ng mayamang pag-iisip


at hindi ng panggagaya o pangongopya ng gawa ng iba. Dapat ay orihinal,
bago, at kakaiba ang produkto. Gayundin sa pagbibigay ng serbisyo o iba
pang gawain, hindi kailangang katulad ito ng iba o ng nakararami. Madaling
nakikilala at natatanggap ang isang produkto o serbisyo kapag bago ito sa
panlasa ng tao. Kung sakaling may ginaya o kinopya sa naunang likha,
kailangang mas higit na mabuti at katanggap-tanggap ito.

e. Disiplina sa sarili – Ang taong may disiplina sa sarili ay alam ang hangganan
ng kaniyang ginagawa at mayroong paggalang sa ibang tao. Maaari niyang
isantabi ang pansariling kaligayahan para sa kapakanan ng ibang tao. Ang
kagalingan ng gawain o produkto ng taong may disiplina sa sarili ay para sa
ikabubuti ng lahat.

Ano-anong pagpapahalaga sa paggawa ang taglay mo na at kailangan mo pang


malinang? Ano-anong hakbang ang iyong gagawin upang maisabuhay ang mga
ito?

2. Nagtataglay ng mga kakailanganing kasanayan - Bukod sa mga kasanayan sa


basic literacy (tulad ng pagbasa, pagsulat, pagkuwenta, pakikinig, pagsasalita),
mahalaga rin ang mga kasanayan sa pagkatuto na may tatlong yugto – ang
Pagkatuto bago ang paggawa, Pagkatuto habang ginagawa, at Pagkatuto
pagkatapos gawin ang isang gawain- (Morato, 2007).
a. Pagkatuto bago ang paggawa – Tumutukoy ito sa yugto ng paggawa ng plano
na gabay sa pagbuo ng isang gawain o produkto. Binubuo ito ng mga
kasanayan sa:
 Pagbuo ng mga layunin
 Paglalarawan ng mga indikasyon ng mga inaasahang kalalabasan
(outcomes)
 Pagbuo ng mga angkop na konsepto na magpapaliwanag sa gawain
 Pagtukoy ng paraan o istratehiya sa paggawa batay sa konseptong
binuo
 Paghahanda ng mga kagamitang gagamitin
 Pagtukoy sa mga tutulong sa pagsasagawa ng gawain
 Pagtatakda ng kakailanganing panahon upang isagawa ang gawain

10
Halimbawa: Naatasan ang pangkat mo sa klase sa Edukasyon sa
Pagpapakatao na gumawa ng proyektong tutugon sa mga pangangailangan
ng mga bata na may edad na 5 hanggang 9 sa inyong barangay. Kailangang
malinaw ang tunguhin (goal) at mga inaasahang kalalabasan (expected
outcomes) ng proyekto. Ito ba ay upang buklurin sila sa paggawa ng
mabuting gawain sa pamayanan – halimbawa, ang proper hygiene, tamang
asal o Katesismo? Ang mga inaasahang kalalabasan ba ay ang pagbawas
ng bilang ng kabataang gumagala sa kalye sa gabi? Kapag malinaw na ang
tunguhin at mga inaasahang kalalabasan, magsagawa ng tanung-tanong
(unobtrusive interview) sa ilang bata tungkol sa kanilang mga
pangangailangan. Ang mga sagot nila ang batayan ng paggawa ng mas
organisadong talatanungan (questionnaire) bilang batayan ng gagawing
proyekto na tutugon sa kanilang mga pangangailangan.

b. Pagkatuto habang ginagawa - Ito ang yugto ng pagkilala sa iba’t ibang


istratehiyang maaaring gamitin upang mapadali ang pagsasakatuparan ng
mga tunguhin sa pamamagitan ng pagtatala ng mga konkretong hakbang
upang maisagawa ang proyektong napili at mga posibleng kahaharaping
problema at solusyon sa mga ito.

Halimbawa: Pagkatapos makuha ang mga kinakailangang impormasyon sa


proyekto sa Edukasyon sa Pagpapakatao na inilahad sa ibang bilang,
magiging madali na ang pagsasagawa ng plano dahil may batayan na sa
susunod na hakbang na isasagawa. Makatutulong ang mga impormasyong
nakuha upang maiwasan ang anumang problema na maaaring kaharapin at
kung sakaling mayroon man, madali na ang paglalapat ng solusyon dahil
napaghandaan na, halimbawa, kung sinong tao o opisyal ang lapitan para
makatulong sa gagawing proyekto.

c. Pagkatuto pagkatapos gawin ang isang gawain – Ito ang yugto ng pagtataya
sa naging resulta o kinalabasan ng gawain. Sa puntong ito, malalaman mo
ang mga kilos at pasiya na dapat panatilihin at baguhin.

Halimbawa: Magkakaroon ng ebalwasyon sa isinagawang proyekto – ang


resulta ng programang isinagawa, ang naging epekto nito sa pamayanan,
gaano naging kapaki-pakinabang ang gawain, at kung naisakatuparan ang
tunguhin ng proyekto. Kung sakaling ang resulta ng gawain ay hindi kaaya-
aya, gagamiting basehan ito sa pagpaplano at pagpapaunlad ng susunod na
gawain.

Ang mga yugto o hakbang na ito ay magsisilbing susi sa pagtupad ng iyong


layuning makagawa ng isang mahusay na produkto o serbisyo. Ang kagalingan sa
paggawa ay nasusukat ayon sa maayos na pagsasakatuparan ng mga hakbang na
dapat isaalang-alang sa paggawa.

11
Suriin Natin

Tayahin ang Iyong Pag-unawa


Panuto: TAMA O MALI. Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay
nagsasaad ng wastong diwa. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

1. Ang isang matagumpay na tao ay may mga pagpapahalagang humuhubog sa


kaniya upang harapin ang anumang pagsubok na pagdaraanan sa pagkamit ng
mithiin.

2. Ang pagkatuto habang ginagawa ay tumutukoy sa yugto ng paggawa ng plano


na gabay sa pagbuo ng isang gawain o produkto.

3. Ang pagbuo ng mga layunin ang pinakaunang kasanayan na dapat isaalang-


alang sa pagkatuto bago ang paggawa.

4. Ang taong may disiplina sa sarili ay alam ang hangganan ng kaniyang ginagawa
at mayroong paggalang sa ibang tao.

5. Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng produkto ay hindi


nangangailangan ng sapat na kasanayan at angking kahusayan.

6. Ang lakas ng katawan at layunin sa paggawa ay sapat na upang magkaroon ng


kagalingan o kalidad sa paggawa.

7. Ang pagiging masigasig ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang


nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto.

8. Ang isang matagumpay na tao ay may mga pagpapahalagang humuhubog sa


kaniya upang harapin ang anumang pagsubok na pagdaraanan sa pagkamit ng
mithiin.

9. Hindi maaaring isantabi ng taong may disiplina sa sarili ang pansariling


kaligayahan para sa kapakanan ng ibang tao.

10. Isinasantabi ng taong may tiyaga ang mga kaisipang makahadlang sa paggawa
ng isang produkto o gawain tulad ng: pagrereklamo, pagkukumpara ng gawain
sa likha ng iba, at pag-iisip ng mga dahilan upang hindi isagawa ang gawain.

12
Payabungin Natin
Gawain 4
Panuto: Magsagawa ng isang panayam sa isang indibiduwal sa inyong komunidad na
naging matagumpay ang pamumuhay dahil sa kakaibang paglilingkod, produkto, o
gawaing isinasagawa niya/nila. Gumawa ng isang artikulo na naglalahad ng
kinalabasan ng iyong panayam.
Rubriks sa Paggawa ng Artikulo
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan
(10 puntos) (8 puntos) ng Pag-unlad
(5 puntos)
Paglahad ng Nakagagawa ng Nakagagawa ng 3-4 Nakagagawa ng 1-2
mahalagang limang talatang na talatang artikulo talatang artikulo
konsepto artikulo tungkol sa tungkol sa buhay ng tungkol sa buhay ng
buhay ng isang isang matagumpay isang matagumpay
matagumpay na na indibiduwal na indibiduwal
indibiduwal.
Mga gawain Nakapaglahad ng 5 Nakapaglahad ng 3- Nakapaglahad ng 1-
upang maging gawain kung paano 4 na gawain kung 2 gawain kung
matagumpay maging matagumpay paano maging paano maging
ang sa buhay. matagumpay sa matagumpay sa
pamumuhay buhay buhay

Kabuoang
Puntos

Pagnilayan Natin
Gawain 5

Panuto: Sumulat ng pagninilay sa sagutang papel tungkol sa paksa gabay ang


talahanayan sa ibaba.

Ano-ano ang mga Ano ang aking pagkaunawa Ano-anong hakbang ang aking
konsepto at kaalaman at reyalisasyon sa bawat gagawin upang mailapat ang
na pumukaw sa akin? konsepto at kaalamang mga pang-unawa at reyali-
ito? sasyong ito sa aking buhay?

13
Rubriks sa Pagkaunawa at realisasyon sa konseptong nalaman
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan
(10 puntos) (8 puntos) ng Pag-unlad
(5 puntos)
Paglalahad ng Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng 3-4 Nakapaglahad ng
mga konsepto 5 konsept/ konsepto/kaalaman at 1-2 konsepto/
at kaalaman kaalaman at pagkaunawa/reyalisas kaalaman at
pagkaunawa/ -yon na pumukaw sa pagkaunawa/
reyalisasyon na pagkatao reyalisasyon na
pumukaw sa pumukaw sa
pagkatao pagkatao
Paglalahad ng Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng 3-4 Nakapaglahad ng
hakbang na 5 hakbang na hakbang na gagawin 1-2 hakbang na
gagawin upang gagawin upang upang mailapat ang gagawin upang
mailapat ang mailapat ang mga mga pang-unawa o mailapat ang mga
mga pang- pang-unawa o reyalisasyon sa pang-unawa o
unawa o reyalisasyon sa sariling buhay reyalisasyon sa
reyalisasyon sa sariling buhay sariling buhay
buhay
Kabuuan

O, kumusta? Nagawa mo ba nang maayos ang mga gawain? Kung oo, maaari
mo nang gawin ang susunod na modyul. Kung hindi, balikan mo ang mga gawain sa
modyul na ito. Hingin ang tulong o paggabay ng iyong magulang o guro.

Binabati kita sa natapos mong modyul! Ipagpatuloy mo ang pagiging


mapanagutan sa kapuwa.

14
15
Answer (Tayahin ang Pag-unawa) Answer (Subukin
1. Tama Natin)
2. Mali 1. A
3. Tama
4. Tama 2. Lahat
5. Mali
3. A
6. Mali
7. Tama 4. C
8. Tama
9. Mali 5. D
10. Tama
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Mula sa Aklat:

Gayola, Sheryl T., Geoffrey A. Guevarra, Maria Tita Y. Bontia, Suzanne Rivera, Elsie
G. Celeste, Marivic R. Leano, Benedick Daniel O. Yumul, Aprilyn G. Miranda,
at Nestor R. Alagbate. “Edukasyon sa Pagpapakatao.” Modyul para sa Mag-
aaral 9, ph.147-160, 2017.

Mula sa Internet:

Modyul 10: Kagalingan sa Paggawa. Retrieved October, 2020. www.academia.edu/


18978395/Grade-9-ESP-LearningModule.

Modyul 10: KaKagalinga sa Paggawa Retreived October 27, 2020. https://video.


search.yahoo.com/search/video?fr=mcafee&p=Esp+9+Modyul+10.

Modyul 10: Kagalingan sa Paggawa. Retrieved October 29, 2020. www.slideshare.


net/sirarnelPHhistory/esp-9modyul-10.

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division


DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like