You are on page 1of 16

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan
Modyul 1 & 2 – Una at Ikalawang Linggo

1
Modyul 1:
Mga Salik sa Pagpili ng Tamang Kurso
Unang Linggo

Alamin Natin

Sa modyul na ito,inaasahang maipapamalas ang mga sumusunod na


kaalaman,kakayahan at pag-unawa
• Napatutunayan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga
pangangailangan (requirements) sa napiling kursong akademiko,teknikal
–bokasyonal ,sining at isport o negosyo ay daan upang magkaroon ng
makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging
produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
(EsP9PK-IVb-13.3)

Subukin Natin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap.Isulat ang salitang TAMA
kung ang pangungusap ay pagpapahayag na tama at salitang MALI
naman kung ang pangungusap ay nagsasaad na mali

_______ 1.Ang pagpili ng kurso at hanapbuhay ay isang malaking desisyon na


nangangailangan ng matalinong pag-iisip.

_______ 2. Madali at kasiya-siyang gawin ang isang bagay kapag ito ay ginusto
mo.

_______ 3. Sa pagpili ng kurso kailangan ding magmasid tayo kung ano ang
pangangailangan ng industriya.

_______ 4. Mas madaling tapusin ang isang gawain kapag ang isang tao ay may
interes sa kanyang ginagawa.

_______ 5. Mas masisiyahan ang isang tao kapag mataas ang kanyang kinikita
o sahod kahit hindi siya nasisiyahan sa kanyang trabaho.

1
Aralin Natin
Naisip mo na ba ang kursong kukunin mo sa kolehiyo? Alam mo na ba
kung ano ang magiging propesyon sa hinararap?

Nais kong maging isang Ako,Pulis


guro

Ako ang kukunin ko


Wala yata akong gusto
ay….

Ano naman kaya ang dahilan ng pagpili mo ng iyong magiging kurso o


propesyon?

Hindi basta-bastang pinipili ang isang propesyon o hanapbuhay. May mga


bagay na kailangan mong bigyan ng konsiderasyon para magawa mo tamang
pamimili nito. Alamin ang araling ito kung ano-ano ang mga salik o batayan na
kailangan mong tingnan upang makapamili ng tamang kurso.

Gawin Natin
Panuto: Mag-isip ng 5 kurso o propesyon na gusto mo.Isulat ito sa
ibaba matapos maisagawa ang talaan, iranggo mo ito mula 1 bilang
pinakagusto hanggang 5 bilang hindi gaano kagusto.

Mga Kursong Gusto Ko Ranggo


___________________________ _____________
2
___________________________ _____________

___________________________ _____________

___________________________ _____________

___________________________ _____________

___________________________ _____________

Mga tanong:

1. Sa mga kursong nabanggit mo,sariling kagustohan mo ba lahat ang


mga ito?
2. Kung oo bakit ito ang mga gusto mo at kung hindi naman sino ang may
gusto nito?
3. Sa pagpili ng kurso o hanapbuhay, bakit kinakailangan nating
planuhin ito nang maigi?

Sanayin Natin
Panuto: Balikan ang iyong ginawang talaan sa kursong gusto mo. Batay
sa iyong ginawang pagraranggo. Isulat kung ano ang iyong naging batayan sa
iyong pagpili mula Rango 1 hanggang 5. Sundin ang kolum sa ibaba.

Kursong napili/ranggo Mga Batayan


1.
2.
3.
4.
5.

Pamprosesong Tanong:

1.Bakit kinakailangang may mga pagpipilian tayo sa pagpili ng kurso?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2.Sa pagpili ng kurso bakit mayroon tayong mga batayan na dapat sundin?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3
Tandaan Natin

Mga Salik sa Pagpili ng Tamang Kurso


Kinakailangan ang malinaw na batayan sa pagpili ng tamang
hanapbuhay.Narito ang mga bagay na dapat isaalang alang sa pagplano ng
karapat-dapat na propesyon.

1. Interes- Dapat na maging importanting bahagi ng oagdedesisyon ukol sa


kurso at propesyon ang interes ng isang tao.Ang interes ay magbibigay ng
tamang motibasyon sa kanya upang patuloy gawin ang isang trabahokahit
pa ito ay mahirap o maraming hadlang.Makabubuting malaman at
maunawaan kung nasaan ang interes ng isang tao at pagkatapos ay
humanap ng kurso o propesyon na ,ay ganitong gawain.
2. Kakayahan-Ang propesyon na pipiliin ng isang tao ay dapat na tugma sa
taglay niyang kakayahan.Ang kakayahan ng tao ay nagbibigay sa kanya
ng abilidad na magampanan ang mga gawaing hihihingiat kailangan sa
isang hanapbuhay.Ang kakayahan na isagawa ang isang trabaho o gawain
ay nagbibigay din sa tao ng kumpyansa o lakas ng loob upang isagawa
ang gawain.Kapag hindi tugma ang propesyon sa kakayahan ng isang
tao,masasayang ang panahon ,lakas at salapi sa pagsasagawa nito
sapagkat tiyak na ito ay madalas na mali at mababa ang uri.
3. Pagpapahalaga- Isa sa pangunahing kosiderasyon sa pagpili ng propesyon
ay ang personal na pagpapahalaga sa paggawa ng isang tao.Dapat na
masusing suriin ng isang tao kung ang mga bagay na mahalaga sa kanya
ay bibibigyaan niya ng prayoridad ay matatagpuan ng hanapbuhaay na
makukuha niya. Halimbawa, kung importante sa isang tao ang, malaking
sahod at katanyagan, hindi siya masisiyahan sa trabaho ng isang social
worker o mekaniko.Kailangang magkatugma ang pagpapahalaga ng isang
tao at ang mga kondisyon at benipisyong naibibigay sa kanyang
mapipiling propesyon. Mawawala ang kasiyahan sa paggawa kahit pa
mataas ang kita mula ditto kung nararamdaman naman ng manggagawa
na kailangan niyang isakripisyo ang isang paniniwala at pagpapahalaga.
4. Personalidad- May mga katangiang kailangan sa isang hanapbuhay kaya
ang kaangkupan ng personalidad sa hanapbuhay na nais ay mahalagang
alamin.Halimbawa, kailangan sa isang Medical Representative na
marunong makiharap sa tao.
5. Pangangailangan Para sa Kurso- Ang pagpili ng kurso ay kinakailangan
ding tingnan ang pangangailangan o demand sa industriya.Hindi rin
magiging matalino ang pagpili kung ang napusuang kurso ay hindi
makapagbigay ng tiyak na trabaho kahit pa ang interes ,kakayahan
,personalidad at pagpapahalaga ng isang tao ay tugma sa kursong

4
kanyang pinili.May mga kursong sobrang dami ang kumuha kaya
mayroong tinatawag na over supply ng mga nagtatapos sa kursong iyon.

Suriin Natin
Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang kaisipan na ipinahahayag sa
bawat aytem.

1. Ang pagpili ng kurso ay kailangang ___________________________.


2. Natutuhan ko mula sa aralin na______________________________.
3. ____________________ang aking susundin sa propesyon na aking pipiliin.
4. ____________________ang pangunahin kong konsiderasyon sa hanapbuhay
na gusto ko.

Payabungin Natin
Panuto: Isulat sa kahon ang inyong sagot.

1.Kung babalikan mo ang baitang 7,pareho pa rin kaya ang kursong


pinili mo noon sa ngayon? Kung iyon pa rin,ano ang naging batayan mo
sa pagpili?

2. Kung nagbago naman, ano ang mga dahilan ng pagbago ng iyong isip?

5
Susi sa Pagwawasto

Ikaapat na Markahan – Modyul 1


Mga Salik sa Pagpili ng Tamang Kurso

6
Modyul 2:
Mga Hakbang sa Pagpapaunlad ng mga
Talento at Kakayahan
Ikalawang Linggo
Alamin Natin

Ang galing ng Pinoy!


Unti-unti nang nakikilala ang Pilipinas dahil sa kahusayan ng mga
Pilipino gaya nina Manny Pacquiao, Apl.De.Ap, Lea Salonga at iba pang mga
magagaling na Pilipino na sumikat sa kanilang larangan dahil sa kagalingan.
Bawat kakayahang kanilang ipinamamalas ay kanilang pinagbubuti na
makatutulong hindi lamang para sa kanilang pansariling pag-angat kundi
maging para sa bansa.
Paano nila naabot ang rurok ng tagumpay? Ano-ano ang mga hakbang na
kanilang tinahak upang mapahusay at mapaunlad ang kanilang mga talento at
kakayahan? Iyan ay ating alamin sa modyul na ito.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas ang sumusunod na mga
kasanayan:

• Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang


mapaunlad ang kanyang talento at kakayahan ayon sa kanyang hilig,
mithiin, lokal at global na demand (EsP9PK-IV-13.1)

Subukin Natin
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. “Hindi puwede ang puwede na.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Mahalaga ang mahigpit na pamamalakad.
B. Bawal ang pagsasabi ng “puwede na.”
C. Nararapat na laging mahusay ang Gawain.
D. May patakarang dapat sundin sa isang kompanya o pabrika.

2. Ano ang maaaring epekto ng isang gawaing hindi pinagbuti?


A. Bababa ang sweldo ng gumawa
B. Mawawala ang tiwala ng kapwa
C. Bababa ang bilang ng produktong maaaring ibenta
D. Hihina ang gross domestic product

7
3. Ang maling paghawak ng pondo para sa mga pamproyektong-bayan ay
kadalsang nagbubunga ng mga gawaing hindi pinagbuti. Ano ang sanhi
nito?
A. Kulang na ang pondo para sa materyales na gagamitin
B. Gumamganti ang mga kontraktor sa pamahalaan
C. Nais mapabilis ang pagtapos sa mga pagawaing-bayan
D. Nais nilang makapag simula na kaagad ng iba pang Gawain
4. Ang pagkakaroon ng quality control sa mga pabrika at iba pang pagawaan
ay naglalayong matiyak ang _______________.
A. Maraming produktong matatapos
B. Pagsunod sa tamang pamantayan ng bawat produkto
C. Pagbabayad ng buwis ng bawat nagawang produkto
D. Pagtalima ng mga kompanya sa itinatadhana ng Anti-Piracy Law

5. Siya ang may akda sa pagpapangkat ng mga hilig/interest o Multiple


Interest
A. Howard Gardner
B. John Holland
C. St. Pope John Paul II
D. Lea Salonga

Aralin Natin
Gaano mo kakilala ang iyong sarili bilang nilikha ng Diyos na
pinagkalooban ng talento at kakayahan? Basahin ang seleksiyon sa ibaba at
sagutin ang mga kasunod na tanong.

“I Am…
By Amy Yekes
I am an architect: I’ve built a solid foundation; and each year I go to that school
I add another floor of wisdom and knowledge.

I am a sculptor: I’ve shaped my morals and philosophies according to the clay


of right and wrong.

I am a painter: With each new idea I express, In paint a new hue in the world’s
multitude of colors.

I am a scientist: Each day that passes by, I gather new data, make new
important observations, and experiment with new concepts and ideas.

I am an astrologist: Reading and analyzing the palms of life and each new
person I encounter.

I am a doctor: I heal those who turn to me for consultation and advice, and I
bring out the vitality in those who seem lifeless.

8
I am a police officer: I always watch out others’ welfare and I am always on the
scene preventing fights and keeping the peace.

I am a lawyer: I’m not afraid to stand up for the inevitable and basic rights of
myself and all others.

I am a teacher: By my example others learn the importance of determination,


dedication and hard work.

I am a mathematician: Making sure I conquer each of my problems with correct


solutions.

I am a detective: Peering through my two lenses, searching for meaning and


significance in the mysteries of life.

I am a jury member: Judging others and their situations only after I’ve heard
and understood the entire story.

I am a banker: Others share their trust and values with me and never lose
interest.

I am a hockey player: Watching out for and dodging those who try to block my
goal.

I am a marathon runner: Full of energy, always moving and ready for the next
challenge.

I am a mountain climber: Slowly but surely, I am making my way up to the top.

I am a tight-rope walker: Carefully and stealthily I place myself through every


rough time, but I always make it safely to the end.

I am a millionaire: Rich in love, sincerity and compassion and I own a wealth of


knowledge, wisdom, experience, and insight that is priceless.

Most important, I am ME!

1. Ano ang pangarap mo sa buhay? Kasali ba sa mga nabanggit sa


seleksiyon?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Paano mo ito maaabot? Ipaliwanag.


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

9
3. Sa palagay mo, angkop ba ang iyong pangarap sa iyong hilig, talento
kakayahan at mithiin sa buhay? Ipaliwanag.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Gawin Natin
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang Tama kung wasto ang
ipinahihiwatig ng bawat pangungusap at Mali naman kung hindi tama
ang ipinapahayag nito.

_______ 1. Mahalagang suriin ang sarili ng isang mag-aaral bago siya kumuha
ng kurso sa kolehiyo.
_______ 2. Ang pagpaplano ng kursong nais kunin ay hindi na kailangang
paghandaan pa.
_______ 3. Ang determinasyon at pagsisikap ay hindi na kailangan sa
pagkakamit ng minimithi kung matalino ang isang tao.
_______ 4. Ang isang huwarang empleyado ay mas komportableng
nagtatrabaho nang mag-isa sa halip na nakikipagtulungan sa iba.
_______ 5. Ang pag-aaral nang mabuti ay ang pinaka mahalagang salik sa
pagkakamit ng nais na kurso.
_______ 6. Ang pagkakaroon ng direksyon o layunin ay makatutulong nang
Malaki sa pagtahak sa landas ng buhay.
_______ 7. Hindi na kailangang alamin kung ano ang iyong mga kasanayan
kung ikaw ay nagtatrabaho na.
_______ 8. Mahalagang malaman ng mga mag-aaral ang kanilang interes at
potensiyal sa pagpili ng kurso o hanapbuhay.
_______ 9. Ang napiling kurso o hanapbuhay ay kaakibat sa mahabang
panahon.
_______ 10. Dapat isaalang-alang ang mahalagang salik sa pagpili ng kurso
o hanapbuhay sa kolehiyo.

Sanayin Natin
Gawain 1
Panuto: Sa tulong ng iyong kapwa, maaari mong kausapin ang ilang
propesyunal sa pamamagitan ng messenger, email, call o text upang
masagutan ang gawain.

Isulat ang mga kasanayang dapat taglayin ng sumusunod na propesyon o


trabaho. Magtala ng isa o dalawang kasanayan (skill) sa bawat kurso o
propesyon. At sagutin ang tatlong (3) katanungan sa ibaba.

Kurso o Propesyon Kasanayang (skill) dapat taglayin


1. Guro
2. Doktor
3. Negosyante
4. Call center agent
5. Computer engineer
10
6. Arkitekto
7. Model
8. Dentista
9. Chef
10.Store Manager
11.Pulis
12.Showbiz Personality
13. Accountant
14. Writer
15. Social worker
16. Wedding coordinator
17. Salesman
18. Sekretarya
19. Abogado
20. Presidente ng Bansa

Mga tanong:
1. Ano ang pangunahing kasanayan na parehong kailangan sa bawat
propesyon o trabaho? Magtala ng isa hanggang tatlo.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Ang iyong kasanayang taglay ba ay angkop sa nais mong propesyon?


Ipaliwanag.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

3. Ano ang nais mong maging propesyon o trabaho sa hinaharap at ano sa


palagay mo ang kurso na iyong kukunin?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Gawain 2-Grupo ng iba’t ibang HILIG
Panuto: Mula sa mga kaya mong gawin, suriin ang iyong sarili kung saan
nakalinya ang iyong mga kakayahan. Isulat sa sagutang papel ang
iyong sagot na kung saan ito ay naglalarawan sa iyo.

1. The Body Workers (Realistic)


Kinagigiliwan ng mga body worker ang mga gawaing ginagamitan ng lakas.
Nasisiyahan sila kapag kumikilos ang kanilang mga kamay at katawan.
Madalas ay may mga bagay silang kasama sa paggawa, gaya ng makina,
halaman o mga hayop at sila ay nasa labas ng kanilang mga tirahan.
11
2. The Data Detail (Conventional)
Ang mga taong ito ay gumagamit ng bilang o salita sa kanilang mga
Gawain. Alam nila na ang bawat detalye ay napakahalaga at hindi nila ninanais
ang anumang pagkakamali. Mahusay sila sa anumang gawaing may kinalaman
sa bilang o Clerical na mga gawain.

3. The Persuaders (Enterprising)


Ang mga taong kabilang sa grupong ito ay mahilig makipag-usap sa
kapwa. Kaligayahan nila ang paggawa na may kasamang ibang tao.
Hinihikayat nila ang kanilang kapwa na malasin ang mundong kanilang
nakasanayan. Madalas silang nasa negosyo, politika o law offices dahil
nasusukat nila ang kanilang tagumpay baatay sa impluwensiya.

4. The Service Workers (Social)


Ang mga service worker ay kadalasang nakikilala bilang panlipunang tao
na mahilig makipagkaibigan, sikat at responsible. Nakadarama sila ng
katagumpayan sa trabaho o gawaing nakatutulong sa kapwa. Mahilig silang
magbigay ng payo, magturo, magbigay ng kaalaman, manggagamot o
magpaunlad ng anumang talent o kasanayan ng kanilang kapwa

5. The Creative Artists (Artistic)


Ang mga creative artist ay ang mga taong nakapaghahayag ng knailang
sarili sa pamamagitan ng musika, pag-awit o komposisyon, pagsasayaw, pag-
arte, pagsusulat o anumang makasining na gawain. Mas nais nilang lumayo
sa karamihan,sa lugar na walang makagugulo sa kanila. Ikinasisiya nila ang
mga sitwasyong nakapaghahayagsila ng knailang orihinal na likha.

6. The Investigators (Investigative)


Ang mga tao sa pangkat na ito ay mapanuri, abstract, matatalino at task
oriented. Madalas silang gumagawa batay sa makaagham na kaalaman o di
kaya ay mga teknikal na pamamaraan na maiaangkop sa kasalukuyang
panahon.
Sagutin mo:
1. Sa binanggit sa Gawain 2, saan ka nabibilang?
2. Anong trabaho kaya ang angkop sa iyo?
3. Sa iyong palagay, paano ka magtatagumpay sa propesyong iyong pipiliin
batay sa iyong hilig at kakayahan?

Tandaan Natin

Isang mahalagang salik sa pagkakamit ng pag-unlad ay ang kahusayan


sa paggawa-kahusayan na makakamit lamang kung ang bawat isa ay mulat sa
katotohanang mahalagang tuklasin at paunlarin ang talino at kakayahang
angkin.

Lahat ay pinagkalooban ng Diyos ng talino, iba-iba nga lamang kagaya


ng sa Multiple Intelligences ni Howard Gardner na napag-usapan sa modyul 1.
12
Ang pagkakaibang ito ang nagbibigay sa atin ng pagkakataong patingkarin ang
ating kakayahan at natatanging talino.

Ang suliranin nga lamang ay hindi lahat ng tao ay nagpapahalaga sa mga


handog na ito. Sa halip na paunlarin ay hinahayaan lamang nila itong
manatiling potensiyal kaya’t ang paggawa ay nagsisilbing pabigat sa kanila.
Pabigat sapagkat ang talino nila at kakayahan ay hindi ginamit kung saan
nararapat. Isa rin sa mga dahilan ay hindi lubos na nakikilala ang sariling
talento, kakayahan at hilig.

Isa sa mga hakbang na dapat isaalang-alang upang mapaunlad ang


ipinagkaloob ng Diyos na biyaya ng talino, kakayahan, kasanayan (skills) at
hilig at magtagumpay sa mundo ng paggawa ay:

1. Kilalanin ang sarili ng lubos kung ano ang gusto mong gawin sa buhay
batay sa iyong talino, kakayahan, kasanayan at hilig. Kilalanin ang
kakayahan mula sa Diyos, tiyak na ang daan ay ang pagiging makaDiyos.
Ang pamamaraan at estilo ng pagkilos ay naaayon sa karunungan at turo
ng Diyos para sa kanyang kaluwalhatian.

2. Suriin kung ano ang kinahihiligan mong gawin. Ito ay ating mababasa sa
grupo ng iba’t ibang hilig na isinulat ni John Holland

a. The Body Workers (Realistic)


b. The Data Detail (Conventional)
c. The Persuaders (Enterprising)
d. The Service Workers (Social)
e. The Creative Artists (Artistic)
f. The Investigators (Investigative)

3. Hasain ang iyong mga potensiyal. “Start with who you are and with what
you have.” Ano ba ang mga kakayahan at talento na mayroon ka.
Umpisahan mo sa simpleng kaya mo at saka mo linangin at pagyamanin.
Kung nais mong maging mahusay, huwag mo lang ituon ang iyong pansin
sa kalakasan mo, bigyang-pansin mo rin ang iyong kahinaan. Palakasin
o palitan mo ito upang makatulong sa iyong paglago bilang tao.

4. Pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga. Marami tayong kilalang tao na


nakamit ang kanilang mga pangarap/mithiin dahil sa kanilang mga
natatanging pagpapahalaga. Ang kanilang ipinamalas na pagsisikap na
abutin ang mga ninanais sa buhay at makapaglingkod nang may
pagmamahal sa bayan bilang pakikibahagi sa pag-unlad ng ating
ekonomiya.

5. Pagpili ng tamang kurso na angkop sa iyong talino, kakayahan,


kasanayan at hilig tungo sa pagtupad ng iyong mithiin o propesyon na
angkop din sa lokal at global na demand. Ang tinutukoy ng “lokal at global
demand” ay mga trabaho na “In demand” o kinakailangan sa loob at labas
ng bansa. Kinakailangan ang pananaliksik at update kung anong trabaho
at kasanayan (skill) ang kinakailangan sa loob at labas man ng bansa para

13
ikaw ay magagabayan kung anong kurso ang iyong pag-aralan sa Senior
High School at sa kolehiyo na angkop sa iyong talino, kakayahan,
kasanayan at hilig. Ang mga kapwa Pilipino nating nagtatrabaho sa labas
ng bansa ay tinatawag na Overseas Filipino Workers (OFWs). Malaki ang
naitutulong ng mga manggagawang ito sa pagpasok ng dolyar sa ating
bayan.

Minsan lamang tayo dadaan sa daigdig na ito, sabi nga ng isang awitin,
kaya’t mahalagang pagbutihin at gamitin ang kasanayan at talinong taglay sa
pag-unlad at sa ikapagkakamit ng kabutihang panlahat.

Suriin Natin
Gawain 1- Pagtapatin
Panuto: Pagtapatin ang kolum A sa kolum B. Isulat lamang ang letra
ng tamang sagot sa sagutang papel.

Kolum A Kolum B
1. The Body Workers a. Ang mga taong ito ay gumagamit ng
(Realistic) bilang o salita sa kanilang mga Gawain.

2. The Data Detail b. kadalasang nakikilala bilang


(Conventional) panlipunang tao na mahilig
makipagkaibigan, sikat at responsible.
3. The Persuaders c. Ang mga tao sa pangkat na ito ay
(Enterprising) mapanuri, abstract, matatalino at task-
oriented.
4. The Service Workers d. ang mga taong nakapaghahayag ng
(Social) knailang sarili sa pamamagitan ng
musika, pag-awit o komposisyon,
pagsasayaw, pag-arte, pagsusulat o
anumang makasining na Gawain.

5. The Creative Artists e. Nasisiyahan sila kapag kumikilos ang


(Artistic) kanilang mga kamay at katawan.

6. The Investigators f. Madalas silang nasa negosyo, politika o


(Investigative) law offices dahil nasusukat nila ang
kanilang tagumpay baatay sa
impluwensiya.

14
Pagnilayan Natin

Ang mga sariling kakayahan at hilig, pagpapahalaga, talino at mithiin ay


mga salik na nakabubuti sa pagpili ng tamang kurso maging ito man ay pang-
akademiko, teknikal-bokasyunal, o pagnenegosyo na nararapat na
mapagtagumpayan ang mundo ng paggawa. Kaya kinakailangan ang pagkilala
sa sarili. Walong taon mula ngayon, paano mo nais na makilala ng iyong
kapwa. Ayon nga ni Stephen Covey: “Begin with the end in mind.” Nararapat
na ngayon pa lamang ay malinaw sa iyong isip ang isang malaking larawan
kung ano ang nais mong mangyari sa iyong buhay.

Susi sa Pagwawasto
Ikaapat na Markahan – Modyul 2 Mga
Hakbang sa Pagpapaunlad ng mga Talento at

Kakayahan

15

You might also like