You are on page 1of 16

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 13: Positibong Katangian: Susi sa Tagumpay


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Evitha Mae R. Layosa
Editor: Irma C. Angkiangco
Tagasuri: Perlita M. Ignacio RGC, PhD/ Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC, Office of the Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC, Office of the Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa Pagpapakatao
9
Ikatlong Markahan
Modyul 13
Positibong Katangian:
Susi sa Tagumpay
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Positibong Katangian:
Susi sa Tagumpay!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod,
Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Positibong Katangian: Susi sa Tagumpay!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makympleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyan halaga
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUBOK
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN
Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa
paggawa, nagtitipid at pinamamahalaan ang naimpok.

MGA LAYUNIN

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahang:

A. natutukoy ang kahulugan ng positibong katangian na kasipagan,

pagpupunyagi, at pag-iimpok;

B. nabibigyang-halaga ang pagpapakita ng indikasyon ng taong masipag,

nagpupunyagi, at nagtitipid sa gitna ng pandemya; at

C. nailalahad ang mga katangian na hinahangaan sa isang tao na maaaring

sundin at isabuhay.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Masdan mo ang larawan. Ito ang tinatawag na road to success. Upang
maging matagumpay sa buhay kinakailangan mo ng mga positibong katangian.
Isulat ang mga positibong katangian sa mga linya upang ikaw ay makarating sa
dulo ng tagumpay.

Tagumpay

5.

4.

3. 2.

1.
BALIK-ARAL
Tinalakay natin ang Ang Bunga ng Kagalingan sa Paggawa At Wastong
Pamamahala sa Oras sa nakaraang aralin. Kaya naman tayahin natin ang inyong
natutunan.

Panuto: Piliin sa Hanay B ang tamang kasagutan sa Hanay A. Gumawa ng guhit


ng magdudugtong sa dalawang hanay.

Hanay A Hanay B

Kinikilala bilang pinaka maimpluwensyang Oras


siyentipiko sa kasaysayan. ● ●

Sa pamamagitan ng _________ sa paggawa Mapagkakatiwalaan


ay nagagampanan ng indibidwal ang
tungkulin niya sa sarili, makatulong sa
kapwa at maisakatuparan ang layuning
ibinigay ng Maykapal gamit ang kaloob ● ●
Niyang talino at kakayahan.

May kasabihan nga na ang _________ kapag Aspeto


lumipas na ay hindi na maibabalik pa
kaya’t kinakailangang gamitin ito ng ● ●
matalino at wasto

Ang pamamahala ng wasto sa oras ay isa ● ● Isaac Newton


sa pinakamahalagang _________ ng ating
buhay.
● ●
_________ at tapat sa kanyang ginagawa. Kahusayan

ARALIN
GAAASKNIP

Ang ay ang aktibong


paggawa ng isang gawain. Hindi niya ito iaasa sa iba
bagkus ay gumagawa siya ng may kasiglahan. Tatapusin
niya ito taglay ang mga layunin o resultang nais niyang
maabot. Narito ang ilang palatandaan ng taong
nagtataglay nito.
• Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.

• Ginagawa ang mga gawain ng may pagmamahal.

• Hindi umiiwas sa anumang gawain.

NIPUAYAPPGUG
Ang

ay isang matatag na katangian. Ito ay katangiang


may kaakibat na lakas ng loob, at ang kahalagahan
nito sa isang tao ay siya ay nagiging determinado, at
hindi basta-basta sumusuko kahit sa mga
matitinding sitwasyon sa buhay. May tiyagang abutin
ang layunin o mithiin sa buhay. Ito ay pagtanggap sa mga hamon o pagsubok ng
may kahinahunan at hindi nagrereklamo hanggang sa makamit ang iyong mithiin.

ITPIGTDIPA

Ang at wastong
pamamahala sa naiimpok ay mga kapuri-puring katangian
at mahalaga ito para makapag-imbak para sa
kinabukasan. Isa rin itong inspirasyon sa buhay habang
masipag mong isinasagawa ang iyong mga tungkulin.

Nasasayang ang kasipagan at pagpupunyagi ng isang tao kung hindi niya


napapamahalaan ng wasto ang kaniyang pinaghirapan.

Mayroong tatlong dahilan kung bakit kailangan mag-impok Ayon kay Francisco
Colayco.

• Para sa proteksyon sa buhay.


• Para sa mga hangarin sa buhay.
• Para sa pagreretiro.

Ang kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid at wastong pamamahala sa


naimpok ay mga mabubuting katangian at kasanayan na nararapat nating
isabuhay dahil ito ay susi sa tagumpay. Hindi dapat taglayin ang katamaran
sapagkat ito ang pumapatay sa oras at gawain ng isang bagay.
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang


pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa patlang na inilaan.

_____1. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng kasipagan, maliban sa _________.

A. aktibong paggawa ng isang gawain

B. ginagawa ang mga gawain ng may pagnanais na mapansin ng iba.

C. hindi niya ito iaasa sa iba bagkus ay gumagawa siya ng may kasiglahan.

D. tatapusin niya ito taglay ang mga layunin o resultang nais niyang maabot

_____2. Si Sandra ay sadyang masipag. Hindi siya nagmamadali sa kanyang

gawain. Sinisiguro niyang maayos ito. Ano ang palatandaan ng kasipagan

ang taglay ni Sandra?

A. Hindi umiiwas sa gawain

B. May malasakit sa kapwa.

C. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal.

D. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.


_____3. Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi

umiiwas gawain. Alin sa sumusunod ang nagpapakita nito?

A. Araw-araw naghuhugas ng pinggan si Leila ng hindi nagrereklamo.

B. Ang gawaing iniutos kay Jean ay ipinapasa niya sa kanyang kapatid.

C. Si Rowell ay hindi na kailangan pang utusan ng kanyang ina sa gawaing

bahay.

D. Si Angela ay nagbibigay ng malasakit sa anumang gawain na

ipinagagawa sa kanya.

_____4. Ano ang naglalarawan sa pinakamahalagang paraan ng pagtitipid?

A. Pagiging praktikal.

B. Maging maingat sa paggastos.


C. Maging mapagbigay at matutong tumulong.

D. Maging mapagkumbaba at matutong makuntento.

_____5. Hindi dapat taglayin ng tao ang katamaran. Alin ang hindi kahulugan nito?

A. Nagpupursiging maisakatuparan ang trabaho.

B. Ito ang pumipigil sa tao upang maging matagumpay.

C. Ito ay maaaring makaapekto sa trabahong dapat na gawin.

D. Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho.

_____6. Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa palatandaan ng kasipagan?

A. Hindi umiiwas sa anumang gawain.

B. Nagsisipag lamang kung may nakatingin.

C. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.

D. Ginagawa ang mga gawain ng may pagmamahal.

_____7. Ang sumusunod ang dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao

ayon kay Francisco Colayco maliban sa ______.

A. Pag-iimpok para sa pagreretiro

B. Pag-iimpok upang mabili ang luho

C. Pag-iimpok para sa mga hangarin sa buhay

D. Pag-iimpok para maging inspirasyon sa buhay

_____8. Ito ay pagtitiyaga na maabot o makuha ang mithiin o layunin sa buhay na

may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis at determinasyon.

A. Kasipagan C. Katatagan

B. Pagpupunyagi D. Pagtitipid

_____9. Ito ay may kapuri-puring katangian at mahalaga ito para makapag-imbak

para sa kinabukasan.

A. Pagtulong C. Pagtitiyaga

B. Pag-iimpok D. Pagpupursigi
_____10. Ito ay katangiang may kaakibat na lakas ng loob, at ang kahalagahan nito

sa isang tao ay siya ay nagiging determinado.

A. Pagtitipid C. Kasipagan

B. Pagpupunyagi D. Pagpupursigi

Pagsasanay 2.

Panuto: Sa gitna ng pandemyang nararanasan, magbigay ng dalawang sitwasyon


na iyong ginagawa sa inyong tahanan na nagpapakita ng indikasyon ng mga
mabuting katangian sa ibaba. Gamitin ang graphic organizer na ibinigay.

1.
Kasipagan
2.

1.
Pagpupunyagi
2.

1.
Pagtitipid
2.

Mga Gabay na Tanong:

1. Sa anong mga pagkakataon mo ginawa ang mga bagay na iyong nabanggit sa


itaas?

__________________________________________________________________________

2. Ito ba ay makatutulong sa pagbuo ng iyong pagkatao o kabutihang panlahat?

__________________________________________________________________________

3. Paano ito nakatulong sa iyo sa panahon ng pandemya?

__________________________________________________________________________
Pagsasanay 3.

Panuto: Isipin mo ang isang taong lubha mong hinahangaan sa loob ng inyong
pamilya. Isulat sa ikalawang hanay ang kaniyang limang katangian at iba pang
mga gawi na nakatulong sa kaniyang pag-unlad. Sa ikatlong hanay naman ay
isulat ang mga gawaing balak mong sundin upang maisabuhay ang mga
katangiang iyong hinahangaan.

Tao na Aking Mga Katangian at Gawi na Mga Balak Gawin Upang


Hinahangaan Aking Hinahangaan Maisabuhay ang
Katangiang Hindi Ko Pa
Taglay

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

Mga Gabay na Tanong:

1. Bakit ito ang mga napili mong katangian na iyong hinahangaan?

__________________________________________________________________________________

2. Ano ang iyong hangarin sa pagsasabuhay ng mga katangian na iyong


hinahangaan?

__________________________________________________________________________________

PAGLALAHAT

Panuto: Basahin ang mga pahayag. Lagyan ng tsek (✔) kung ang tinutukoy ng
pahayag ay iyong ginagawa.

Mga Sitwasyon Ginagawa

1. Paggawa sa itinakdang gawain sa mas maagang panahon o oras.

2. Pagdadala ng baong pagkain sa paaralan.


3. Inaasa ang iyong mga tungkulin sa iba.

4. Tumutulong sa kapwa kung nahihirapan sa gawain.

5. Pagpapasabukas ng mga gawain kahit walang ginagawa.

6. Naglalakad na lamang lalo kung malapit ang pupuntahan.

7. Buong pusong tumatanggap at tumatapos ng gawain.

8. Sinisiguradong maayos at pulido ang pagkakagawa

9. Pagpupursiging matapos ang trabaho kahit na nahihirapan.

10. Pagtanggi sa mga trabahong dapat ikaw mismo ang gumagawa.

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Basahin at pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat ang iyong mga
posibleng sagot sa speech balloon.

• Bago magtungo ng trabaho ang iyong magulang ay nagbigay sila sa iyo ng


pera pang-load upang magamit ninyong magkakapatid sa inyong online
class, ngunit ang iyong pinsan ay pinipilit kang mag-load ng data para sa
mobile games lamang na maaari ninyong gamitin sa paglalaro. Ano ang
iyong itutugon at gagawin?

Tara! Magpa-load
ka na para mag ML
na tayo.
• Natapos mo na ang nakatakdang gawain sa iyo sa inyong tahanan. Nakita
mo ang iyong nakababatang kapatid na hindi pa nasisimulan ang iniutos sa
kanya ng inyong magulang sapagkat marami siyang takdang-aralin na
kailangang tapusin sa araw na iyon. Humingi siya ng tulong sa iyo na gawin
mo muna ang nakatalagang gawain niya sa inyong bahay at siya ay babawi
na lamang. Ano ang iyong gagawin?

Ate maaari bang ikaw


muna ang gumawa sa
aking nakatakdang
gawaing-bahay?

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawain ang mga kasabihan sa ibaba. Isulat ang iyong
pananaw ukol dito.

1. “Kapag may tiyaga, may nilaga.” –Kasabihang Pilipino


2. “Ang lahat ng mga paghihirap ay madadaig ng pagtitiyaga at pagsisikap.” –
Abigail Adams

3. “Tratuhin ang pag-iimpok na isang obligasyon at hindi opsyonal.” –Francisco


Colayco
SUSI SA PAGWAWASTO
Sagot sa Balik Aral

Mapagkakatiwalaan at tapat sa kanyang ginagawa.

buhay.
Ang pamamahala ng wasto sa oras ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng ating

kaya’t kinakailangang gamitin ito ng matalino at wasto


May kasabihan nga na ang oras kapag lumipas na ay hindi na maibabalik pa

ibinigay ng Maykapal gamit ang kaloob Niyang talino at kakayahan.


tungkulin niya sa sarili, makatulong sa kapwa at maisakatuparan ang layuning
Sa pamamagitan ng kahusayan sa paggawa ay nagagampanan ng indibidwal ang

kasaysayan.
sa siyentipiko maimpluwensyang pinaka bilang Kinikilala Isaac Newton.

Sagot sa Pagsasanay 1

10. b 9. b 8. a 7. c 6. b
5. a 4. d 3. c 2. c 1. d

Sanggunian
A. Aklat

B. Pampamahalaang Publikasyon

Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao 9. Pasig City: FEP Printing


Corporation.

C. Elektronikong Pinagmulan

https://www.slideshare.net/balicattwaylem/modyul-11-kasipagan-pagpupunyagi-
pagtitipid-at-wastong-pamamahala-sa-naimpok

Mga larawan:

https://www.gograph.com/vector-clip-art/hard-work.html

https://www.netclipart.com/isee/hwwTim_silhouette-computer-programming-blog-
perseverance-clipart/

http://ww.pngall.com/save-money-png/download/25047

https://www.vecteezy.com/vector-art/1214366-winding-road-to-success-with-red-flag

You might also like