You are on page 1of 7

Gawaing Pagkatuto sa Edukasyon sa Pagpapakatao – 8

Grade 8 (Q1, Linggo 2.1, Modyul 1: Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon)

I. Panimula (Susing Konsepto)


Sa ating lipunan ngayon na samo’t-sari ang problema, kailangan mo bilang isang anak ang matibay na
pundasyon ng pagpapahalagang moral upang huwag malito at mapasama. Kung kaya kailangan mo ang matatag na
pamilyang handang harapin ang mga hamon sa araw – araw ng iyong buhay. Kailangan mong mapatunayan na sa
iyong pamilya makikita ang mga pagpapahalagang moral na gagamitin mo bilang sandata sa pagharap sa mga hamong
ito. Sa modyul na ito, mabibigyan mo ng patunay na sa pamilya nag-uugat ang pagtutulungan at pagmamahalan na
makatutulong sa pag-unlad ng iyong sarili tungo sa mabuting pakikipagkapuwa.

II. Kasanayang Pagkatuto at Koda


Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na
nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapuwa.

III. Pagpapalalim
Ang paksa tungkol sa pamilya marahil ang pinakanakapupukaw ng interes na pag-uusapan sa mas maraming
pagkakataon, masaya man ito o minsan ay malungkot. Nakalulugod pag-usapan ang masasayang alaala sa pagkakataon
na nagsasama-sama ang pamilya.. Patunay ito na tayong mga Pilipino ay likas na makapamilya. Kaya mahalagang
maging mas malalim ang pagkilala at pag-unawa lalo na isang batang katulad mo tungkol sa bagay na ito. Dahil katulad
ng kahit na sino sa buong mundo, ikaw rin ay nagmula sa isang pamilya.
Naipaliwanag sa naunang modyul na ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa
pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang tunay at walang kondisyong pagmamahal. Nang
dahil dito, ito ay maituturing na likas na institusyon na walang sinomang nagdidikta sa pagbuo nito. Maaaring patuloy na
nagkakaroon ng magkakaibang pagpapakahulugan ang pamilya sa paglipas ng panahon ngunit isa ang mananatili, ang
pamilya bilang isang likas na institusyon. Bakit nga ba? Narito ang pitong mahahalagang dahilan :
1. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao (community of persons) na kung saan ang maayos na paraan ng pag-iral
at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan ng bawat kasapi nito. Ito ay may misyong bantayan, ipakita, at ipadama ang
pagmamahalan. Itinatag ito bilang isang maliit na komunidad ng buhay at pagmamahal. Ang pagmamahal ang siyang
nagpapatunay na ang pamilya ay pamayanan ng mga tao.
2. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang magpakasal at magsama nang
habang buhay. Nilikha ng Diyos ang tao bunga ng kaniyang pagmamahal at kasabay nito siya rin ay tinawag upang
magmahal kaya’t likas ang pagmamahal sa tao. Ang pagpapakasal ng dalawang taong nagmamahalan ang magpapatibay
sa isang pamilya.
3. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyong patuloy na sinusuportahan ng
lipunan dahil sa gampanin nitong magbigay-buhay.
4. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahalan. Dito binibigyang-halaga ang kasapi dahil sa pagiging
tao niya, hindi dahil sa kaniyang kontribusyon o magagawa sa pamilya. Umiiral dito ang pagmamahal na lubusan at
walang hinihintay na kapalit.
5. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang institusyon ng buhay sa lipunan (the first and irreplaceable school of
social life). Sa pamamagitan ng pamilya, ginawang makatao at mapagmahal ang lipunan dahil sa kontribusyon nito na
huhubugin at tuturuan ng mga pagpapahalaga ang bawat kasapi nito.
6. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya. Ang mga pagpapaahalagang itinuturo ng iyong mga
magulang ay gabay tungo sa mabuting pakikipag-ugnayan sa iyong kapuwa. May gampanin ang iyong pamilya na
makipagtulungan sa mga gawaing panlipunan gaya ng pagtulong sa nangangailangan at pakikibahagi sa gawaing
pampolitikal gaya ng pagpili ng tamang mamumuno sa bansa.

IV. Sanggunian/Reference for Learners:

 Learners Module sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul 1 : Ang Pamilya Bilang Likas na Institusyon Pahina 1 –
28 https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-8-edukasyon-sa-pagpapakatao-learner-module.
 Daily Lesson Plan in EsP 8 Quarter 1 Pahina 6 – 20, https://bit.ly/2VJIAgm
 EASE Module sa Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 1: Pamilya…katuwang…Kaisa
https://bit.ly/2ybxiY1
 Kaganapan sa Pakikipagkapwa II Aralin 8: Aking Pamilya” Ugat ng Pagkatao at Pakikipagkapwa Pahina 63-70.

Gawaing Pagkatuto sa Edukasyon sa Pagpapakatao – 8


Grade 8 (Q1, Linggo 2.2, Modyul 1: Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon)

I. Panimula (Susing Konsepto)


Ang pagtupad sa tungkulin ng pamilya ay magsisilbing daan tungo sa maayos at maunlad na buhay. Ang susi
nito ay pagtutulungan at pagmamahalan. Magagawa lamang ito kung ang bawat miyembro ng pamilya ay may pusong
mapagmahal na kayang magsakripisyo alang- alang sa katahimikan ng pamilya. Sa modyul na ito ay maipapakita mo
kung paano maisasakatuparan ang mga nararapat na kilos upang mapaunlad ang pagmamahalan at pagtutulungan sa
iyong pamilya.

II. Kasanayang Pagkatuto at Koda


Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling
pamilya.

III. Pagpapalalim
There’s no place like home. Narinig mo na ito di ba? Kapag binangggit ang katagang tanahan, tiyak na pamilya
ang tinutukoy nito. Ang pamilya ang ating tanging yaman. Walang anumang materyal na bagay ang maaaring pumalit sa
kahalagahan nito sa buhay ng isang tao. Nilikha ito ng Diyos para sa kabutihan natin. May layunin siya sa pagbibigay
nito sa atin.
Likas sa tao ang magnais na magtatag ng sariling pamilya sapagkat lahat tayo ay nangangailangan ng
pagmamahal at pagkalinga . Ang pangangailangang ito ay natutugunan ng pamilya. Dito, ang tao ay nakiisa sa gawain ng
Diyos ng paglalang.
Ang pamilya ay lunduan ng pagmamahal. Sinabi ni Santo Juan Pablo II, na ang pamilya ay may misyong
bantayan, ipahayag at ipadama ang pagmamahal. Sa pamilya unang nararamdaman ng isang tao kung paano mahalin at
paano magmahal. Dito, tinatanggap siya sa kanyang kabuuan… walang kondisyon. Di tulad sa ibang institusyon na
pinahahalagahan lamang ang isang tao dahil sa kanyang mahusay na trabaho o dahil sa kanyang naiambag sa pag-unlad
ng samahan.
Madalas naghahanap tayo ng pagmamahal at pangangalaga sa ating pamilya, mula sa ating mga magulang o
kapatid, ngunit ang tanong ay mayroon naman kaya tayong naibibigay para sa kanila bilang tanda rin ng ating
pagmamahal? Alalahanin na ang pagmamahal ay kailangan magmula sa dalawang panig upang yumabong. Laging
tandaan na ang kaaya-ayang pagsasamahan sa pamilya ay nagmumula sa lahat ng miyembrong nagmamahalan. Kung
tanggap mo ang iyong pamilya at tanggap ka rin nila, mas magiging mabuti ang iyong pagkatao sapagkat ang ugat nito
ay pagmamahal. Kung ikaw ay naging mapagmahal dahil sa ugat na ito, mas madali kang magmahal ng iyong kapuwa
tao. Ang mabuting samahan sa iyong pamilya ay nakatutulong nang malaki upang mapalawak mo ang iyong pakikisama
sa kapuwa. Bakit hindi mo subukang gawin ito?
Ikaw, kumusta naman ang naidudulot mo sa iyong pamilya? Nagawa mo ba ang dapat gawin ng isang kasapi ng
pamilya gaya mo?

IV. Sanggunian/Reference for Learners:


 Learners Module sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul 1 : Ang Pamilya Bilang Likas na Institusyon, Pahina
1 – 28 https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-8-edukasyon-sa pagpapakatao-learner-module
 Daily Lesson Plan in EsP 8 Quarter 1 Pahina 6 – 20 https://bit.ly/2VJIAgm
 EASE Module sa Edukasyon sa Pagpapahalaga II Modyul Blg. 1 : Pamilya…katuwang…Kaisa
https://bit.ly/2ybxiY1
 Kaganapan sa Pakikipagkapwa II Aralin 8 : Aking Pamilya” Ugat ng Pagkatao at Pakikipagkapwa Pahina 63-70

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO- 8
PERFORMANCE TASK # 2
QUARTER 1

Pangalan : ________________________ Baitang at Pangkat: _______________________Petsa: ___________________

LEARNING
Nakapagtatala sa paraang ng paglista ng mga angkop na kilos o bagay tungo sa pagpapatatag ng
STANDARD:
pagmamahalan at pagtutulungan upang mapaunlad ang sa sariling pamilya.

Gawain 1
1. Ngayon ay batid mo nang ang pagmamahalan at pagtutulungan ay pagpapahalagang dapat paunlarin ng pamilya.
2. Sa edad mo ngayon, ano-anong mga bagay ang maaari mong gawin upang mapaunlad mo ang pagmamahalan at
pagtutulungan sa iyong pamilya.
3. Itala ang iyong ang sagot sa loob ng bawat kahon.
RUBRIK
PAMANTAYAN PUNTOS NATAMONG PUNTOS
Nilalaman 5
Malinaw at maayos ang pagtatala ang mga
angkop na kilos o bagay tungo sa pagpapatatag
5
ng pagmamahalan at pagtutulungan upang
mapaunlad ang sa sariling pamilya.
Maayos na paggamit ng mga salita at
5
pangungusap
Kabuuan 15

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO- 8
PERFORMANCE TASK # 2
QUARTER 1

Pangalan : ________________________ Baitang at Pangkat: _______________________Petsa: ___________________

LEARNING Nakapaglalahad sa paraang paggawa ng Akrostik sa kahulugan ng PAMILYA na nagpatutunayan


STANDARD: kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na
nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapuwa..
Gawain 2
1. Gamit ang Akrostik, bigyan pagpapakahulugan ang salitang PAMILYA nagpatutunayan kung bakit ang pamilya
ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa
makabuluhang pakikipagkapuwa.

RUBRIK
PAMANTAYA Napakahusay Napakahusay Napakahusay
N (15) (10) (5)
Nilalaman ng Lahat ng letra ay nabigyang Mayroon 3 letra na hindi ay Mayroon 4 letra na hindi ay nabigyang
Akrostik kahulugan na naglalarawan sa nabigyang kahulugan sa nag kahulugan sa nag lalarawan sa
kahalagahan nagpatutunayan kung lalarawan sa kahalagahan kahalagahan nagpatutunayan kung bakit
bakit ang pamilya ay natural na nagpatutunayan kung bakit ang ang pamilya ay natural na institusyon ng
institusyon ng pagmamahalan at pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na
pagtutulungan na nakatutulong sa pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad
pagpapaunlad ng sarili tungo sa nakatutulong sa pagpapaunlad ng
makabuluhang pakikipagkapuwa. sarili tungo sa makabuluhang
pakikipagkapuwa.
Kabuuan

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO- 8
SUMMATIVE TEST # 2
QUARTER 1

Pangalan : ________________________ Baitang at Pangkat: _______________________Petsa: ___________________


Maraming Pagpipilian
Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
________1. Hindi maipagkakaila ang saya sa ngiti ni Aleng C. ang kapatid may nakaramdan ng pagkabalisa sa
Nina nang binigyan ito ng House & Lot ng Engineer na anak. nangyayari
Bilang Kabataan, anong impluwensiya ang masasalamin sa D. nakatutulong ang mga kapamilya sa oras ng
anak ni Aleng Nina? pangangailangan
A. pag-aalaga sa kaniyang Ina ______6. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing
B. pagmamahal sa kaniyang Ina pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya?
C. pag-aasikaso sa kaniyang Ina A. pagkakaroon ng mga anak
D. pagbibigay-buhay sa kaniyang Ina B. pagtatanggol ng karapatan
________2. Sa kabila ng kahirapan, hindi nawawalan ng pag- C. pagsunod sa mga patakaran
asa ang ama ni Linda sa pagtaguyod sa kanila. Alin sa D. pinagsama ng kasal ang magulang
sumusunod ang positibong impluwensiyang ipinakita ng ama? ______7. Ang pamilyang Dela Cruz ay hindi nakalilimot
A. pagiging matatag manalangin nang sama-sama tuwing Linggo. Ano ang dapat
B. pagiging madasalin tularan sa pamilya Dela Cruz?
C. pagiging masayahin A. pagiging disiplinado
D. pagiging disiplinado B. pagiging matatag sa sarili
_______3. Binaha ang aming lugar noong bagyong Ondoy at C. walang anumang alitan ang bawat isa
sa awa ng Panginoon ay may mabuting loob na nag-alok na D. may pagkakaisa sa pagsamba sa Panginoon
patuluyin kami sa kanilang tahanan. Anong aral ang _______8. “Kapag sama-sama at nagtulungan ang bawat
mapupulot sa sitwasyon? kasapi ng pamilya ito ay magiging buo at matatag.” Anong
A. pagiging madasalin aral ang mapupulot sa kasabihan?
B. pagkakaroon ng pag-asa A. Ang pamilya ang pundasyon sa lipunan.
C. pagiging maramot sa iba B. Ang pamilya ang salamin sa lipunan.
D. pagiging matulungin sa kapuwa C. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
_______4. Kilala ang pamilyang Pilipino sa pagkalinga sa D. Kung matatag ang pamilya, may pakinabang sa
kanilang mga anak. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay lipunan.
nito? ______9. “Ang pagmamahalan ay nagpapatibay sa isang
A. hinahatid sa eskuwelahan pamilya.” Anong mensahe ang ipinahiwatig sa pahayag?
B. laging binibigyan ng pera ang anak A. Ipadama ang pagmamahal sa bawat kasapi ng
C. pinapadalhan ng mga pagkain sa loob ng klase pamilya.
D. sinusuportahan sa gustong makamit ng anak B. Dito ipinapakita ang pagsasama ng buhay at
______5. Nagsisigaw si Loloy nang madatnan ang kaniyang pagmamahal.
ina na nakahandusay sa sala sa sobrang sakit ng tiyan. Dali- C. Nakapagbibigay-buhay dahil nakatakda ito sa
dali namang pumasok ang nakatatandang kapatid at dinala pagkakaroon ng anak.
ang ina sa hospital. Alin sa sumusunod ang positibong pag- D. Nagkaroon ng kaligayahan ang bawat kasapi ng
uugali ang ipinakita sa sitwasyon? pamilya kung may pagmamahalan.
A. ang pag-alalay sa ina papunta sa ospital
B. labis ang kasiyahang ipinapakita ng kapatid
______10. Laging ipinagdiriwang ng pamilya Santos ang C. pagpapakita ng mabuting pagpapasya at desisyon sa
tagumpay ng kanilang anak. Anong kaugalian ang maaring buhay bilang ama
tularan sa pamilya Santos? D. sa pagpapayo sa mga anak na hindi makalimot sa
A. paghamon sa anak na magtagumpay Panginoon at magpasalamat
B. pagpapakita ng interes sa kanilang larangan
C. pagmamalaki sa tagumpay ng kasapi ng pamilya
D. pasasalamat at suporta sa tagumpay na nakamit
_______11. Araw-araw naglalako ng paninda si Aling Ester
nang sa gayon ay matustusan niya ang pag-aaral ng kaniyang ____________________________
mga anak. Lagi rin niya itong pinapayuhan na magsipag sa Parents’/ Guardian Signature
kabila ng kahirapan sa buhay. Anong positibong
impluwensiya ang ipinakita ni Aling Ester?
A. Hindi hadlang ang kahirapan sa buhay.
B. Pinasama ang anak sa paglalako ng paninda.
C. Tumigil ang anak sa pag-aaral upang makatulong.
D. Maging matatag at masipag sa kabila ng problema sa
buhay.
________12. Laging tinuturuan ng mag-asawang Lindo at
Linda ang kanilang mga anak na magmano sa sinumang
panauhin na dumating sa kanilang tahanan. Anong aral ang
mapupulot sa kaugaliang pinairal ng mag-asawa?
A. pagiging maalalahanin sa ibang tao
B. huwag makinig sa payo ng mga magulang
C. maging magalang sa nakatatanda at panauhin
D. umiwas sa pakikipag-usap sa mga hindi kakilala
________13. Ang pamilya ang sentro ng kagandahang pag-
uugali. Alin sa sumusunod na kasabihan ang nagpapatunay
dito?
A. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
B. Sa pamilya tayo kumukuha ng lakas upang maging
isang ganap na tao.
C. Kung ang iyong pamilya ay makasarili, marahil ay
gayun din ang iyong pag-uugali.
D. Kung nabibigyan ng sapat na atensiyon at gabay ang
mga anak ay tiyak magiging isang mabuting indibidwal.
________14. Hindi naging madali ang pagharap ni Mang
Berto sa pumaslang sa kaniyang asawa ngunit dahil sa
kaniyang pananampalataya nagkaroon ng puwang ang
pagpatawad. Anong aral ang mapupulot mula sa sitwasyon?
A. hindi madaling ibigay ang pang-unawa sa ibang tao
B. may puwang ang pagpapatawad sa bawat puso ng tao
C. malayang magdesisyon ang tao para sa kaniyang
ikabubuti
D. hindi kailangang ipagpilit ang paghingi ng tawad at
pagpapatawad
_______15. Nakiisa si Ernie sa pagbabahagi ng salita ng
Diyos kasama ang pamilya. Pinayuhan din niya ang tatlong
anak na palaging manalangin at magpasalamat. Paano naging
maimpluwensiyang ama si Ernie sa mga anak?
A. pagiging masipag na ama at mapagbigay sa kaniyang
pamilya
B. pagsuporta sa mga pangangailangan ng kaniyang
anak sa paaralan

You might also like