You are on page 1of 7

School Alamada High School Grade & Section

Teacher
Quarter 1
Week No. 1 Learning Area ESP
MELC/S EsP8PBIa-1.1
Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng positibong impluwensiya sa
sarili
EsP8PBIa-1.2
Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang nakasama,
naobserbahan o napanood
MODULE 1: Ang pamilya bilang natural na Institusyon
PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.

1. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa mga sumusunod na


pahayag ang hindi nagpapatunay nito?
a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao.
b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kanyang anak gayundin ang pakikitungo nito sa iba.
c. Sa pamilya unang natututunan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa.
d. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata.
2. Alin sa mga sumusunod ang una at pinikapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na
pamilya?
a. Pinagsama ng kasal ang magulang c. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
b. Pagkakaroon ng mga anak d. mga patakaran sa pamilya
3. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang
pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
a. Buo at matatag c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
b. May disiplina ang bawat isa d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
4. Bilang isang tao saan sa mga sumusunod ang may pinakamalaking impluwensiya sa katangian mo
ngayon?
a. Mga barkada b. Mga guro c. Pamilya d. Paaralan
5. Batay sa iyong sariling karanasan, kailan mo masasabi na ang isang anak ay malapit sa Diyos at may
takot sa paggawa ng kasamaan?
a. Kung ang pamilya ay pinapaniwala na pinaparusahan ng Diyos ang taong gumawa ng kasamaan.
b. Kung ang pamilya ay laging nagsisimba
c. Kung ang mga anak ay tinuturuan ng magulang ng mabuting asal at pananampalataya sa maykapal.
d. Kung ang mga magulang ay nagdidisiplina.
6. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang
itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
a. paaralan b. pamilya c. pamahalaan d. barangay
7. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang
dahilan?
a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
c. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasyang magpakasal at
magsama nang habambuhay.
d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.
8. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving)
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?
a. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
b. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman ang
maghahanapbuhay sa pamilya.
c. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang baon
sa iskwela.
d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t inaaruga nila ng
mabuti ang kanilang mga anak.
9. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa”. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa
lipunan.
b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa.
d. Kung ano ang puno siya din ang bunga. Kung ano ang pamilya siya din ang lipunan.
10. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao”. Ano ang ibubunga
nito sa isang tao kung ito ang kanyang isasabuhay?
a. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kanyang pakikipagkapwa tao.
b. Nakatutulong ito sa kanyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema.
c. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapwa
d. Madaling matanggap

Gawain 1 : “Ang Pamilya Para Sa Akin”


Panuto: Gumawa ng isa lang sa hinihingi ( A –magdikit ng mga gupit na larawan, B-Piling awit,
C- tula o D – Gumawa ng isang kwento) na nagsisimbolo ng kung ano ang pamilya para sa iyo.
Gawain 2
Panuto: Pagguhit ng bahay.
1. Gumuhit ng isang bahay na magpapakita ng mahahalagang bahagi nito.
2. Gamitin ang istruktura ng bahay ang ilang kagamitan na naririto upang ilarawan mo ang bawat kasapi ng
iyong pamilya at ang mahalagang kontribusyon nila sa iyo, sa iba pang kasapi ng pamilya o sa buong pamilya.
3. Tiyakin na mailalarawan mo ang lahat ng kasapi ng pamilya at ang iyong sarili.

Sagutin ang mga Tanong:


a. Bakit mahalagang magampanan ng bawat kasapi ng pamilya ang kanilang gampanin?
Ipaliwanag.

b. Paano mo napahahalagahan ang kontribusyon ng bawat kasapi ng iyong pamilya sa iyo


at sa iyong pamilya?

c. Anong mga katangian na taglay mo ngayon ang impluwensiya ng iyong pamilya? Ilarawan.

d. Ano ang iyong mga natuklasan sa natapos na gawain? Ipaliwanag.

Gawain 3 : Ako ay AKO dahil sa Aking Pamilya


Panuto:
Isa-isahin mo ang iyong mga karanasan sa pamilya na iyong nakapulutan ng aral o nagkaroon ng
positibong impluwensya sa iyong sarili.
Gawain 4: Paghinuha ng batyang konsepto
Panuto: Gamit ang graphic organizer buuin ang mahalagang konsepto na mahihinuha mula sa mga
nagdaang gawain at babasahin.

BATAYANG KONSEPTO:

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Pagtataya:

Panuto:. Basahin ng Mabuti ang mga tanong at isulat sa patlang ang titik ng pinakaangkop na sagot
sa bawat bilang.

_____1. Saan ba nakabatay ang sarili nating pananaw sa pamilya?


a. Ito ay nababatay sa sariling karanasan sa pamilya
b. Ito ay batay sa aklat na ating nababasa
c. Ito ay nakabatay sa ating kultura
d. Ito ay nakabatay sa paningin ng iba

_____2. Batay sa iyong sariling karanasan, kailan mo masasabi na ang isang anak ay malapit sa Diyos at
may takot sa paggawa ng kasamaan?
a. Kung ang pamilya ay laging naniniwala sa Diyos
b. Kung ang pamilya ay laging nagsisimba
c. Kung ang mga magulang ay nagtuturo ng mabuting asal at pananampalataya sa maykapal
d. Kung ang mga magulang ay nagdidisiplina

_____3.. Bakit mahalagang magampanan ng pamilya ang kanyang mga gampanin?


a. Upang ito ay maging mabuti at maunlad
b. Upang ito ay matagumpay at matiwasay
c. Upang ang mga kasapi nito ay magiging maligaya
d. Upang makamit nito ang kabutihan,kaunlaran at kaganapan

_____4. Paano mo napapahalagahan ang kontribusyon ng pamilya sa iyo?


a. Sa pagsunod sa kanilang mga utos
b. Sa paggawa lagi ng ikabubuti sa aking sarili at sa buong pamilya
c. Sa pagiging isang masunuring kapitbahay
d. Sa pagiging mapasalamatin sa Diyos

_____5. Ano ang posibleng mangyayari kapag ang ibang kasapi ng pamilya ay hindi tumutupad ng kani-
kanilang mga tungkulin?
a. Magbibigay ito ng mabuting halimbawa
b. Magdudulot ito ng pag-aaway at maraming problema
c. Magiging diskontento ang bawat isa
d. Ang pamilya ay magiging masama
Gawain 5 : Pagsasabuhay

Panuto: Gumawa ng mga paraan o hakbang kung paano mo magampanan at matupad ang mga
kontribusyon o gampanin mo sa pamilya.

FAMILY LOG
Magtala sa family log ng lahat ng naging karanasan sa pagsasakatuparan ng mga hakbang na may kalakip na
patunay

You might also like