You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V (Bicol)
Schools Division of Albay
SAN FERNANDO NATIONAL HIGH SCHOOL
San Fernando, Sto. Domingo, Albay
PAMANAHUNANG PAGSUSULIT SA ESP 8
Unang Markahan
Taong Akademiko 2022-2023

Pangalan:____________________________________ Baitang at Seksyon:______________________ Score:__________

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong o sitwasyon sa bawat bilang at piliin ang titik ng pinakaangkop
na sagot.

1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na
pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?

a. paaralan b. pamahalaan c. pamilya d. barangay

2. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan?
a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
c. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama nang
habambuhay.
d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.

3. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving). Alin sa sumusunod na
pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?
a. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
b. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman ang maghahanapbuhay
sa pamilya.
c. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang baon sa iskwela.
d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t inaaruga nila nang mabuti ang
kanilang mga anak.

4. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa.” Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa lipunan.
b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
d. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan.

5. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi
nagpapatunay nito?
a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao.
b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo nito sa iba.
c. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa.
d. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata.

6. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao.” Ano ang ibubunga nito sa isang tao
kung ito ang kaniyang isasabuhay?

a. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kaniyang pakikipagkapwa tao.
b. Nakatutulong ito sa kaniyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema.
c. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapwa
d. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan
7. Bakita itinuturing na pamayanan ng mga tao (community of persons) ang pamilya?

a. Ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan.


b. Binubuo ito ng iba’t ibang tao
c. Bawat kasapi ay dapat na may ambag
d. Lahat ng nabanggit

8. Ano ang tawag sa pagmamahalan sa pagitan ng mag-asawa na nagbibigay buhay sa mga anak?
a. Paternal love c. Unconditional Love
b. Conjugal Love d. Platonic Love

9. Ano ang tawag sa pagmamahal ng magulang sa mga anak?


a. Paternal love c. Unconditional Love
b. Conjugal Love d. Platonic Love

10. Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa misyon ng isang pamilya?


a. Magbigay edukasyon
b. Hubugin ang pananampalataya
c. Hubugin ang kakayahan sa pagpapasaya
d. Sanayin ang mga anak sa mga gawain

11. Ano ang tawag sa uri ng pagmamahal kung saan binibigyang-halaga ang kapamilya kahit hindi ito makatugon sa
bawat inaasahan sa kaniya?
a. Paternal love c. Unconditional Love
b. Conjugal Love d. Platonic Love

12. Anong kilos sa loob ng pamilya ang tumutukoy sa pakikiisa at paggampan sa tungkulin ng bawat isa kung saan
kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya?
a. Pagmamahal c. Pagpapahalaga
b. Pagtutulungan d. Pagmamalasakit

13. Ang karapatan para sa _____________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
a. kalusugan b. buhay c. edukasyon d. pagkain at tahanan

14. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa:
a. pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral
b. pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang ang mga ito ay
matagumpay na malampasan
c. pagkakaroon ng pananagutan sa lipunan anoman ang maging puna nila sa pamilya ,
d. malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang
mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito.

15. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?
a. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba
b. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya
c. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan
d. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya

16. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na pagpapahalaga
maliban sa:
a. pagtanggap b. katarungan c. pagmamahal d. pagtitimpi

17. . Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa:
a. Pagtitiwala c. Pagtataglay ng karunungan
c. Pagtitimpi d. Pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
18. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing ispiritwal maliban
sa:
a. ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya
b. iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya
c. maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng pananampalataya
d. mangaral sa iba

19. Sa paanong paraan magagawang posible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya?
a. Palagiang pagtatakda ng mga tuntunin sa loob ng bahay
b. Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamilya
c. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan
d. Lahat ng nabanggit

20. Ano ang ikapitong dahilan kung bakit itinuturing na likas na institusyon ang pamilya?
a. Ito ay pamayanan ng mga tao (community of persons)
b. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babae
c. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan.
d. Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon paggabay sa mabuting pagpapasiya, at paghubog ng
pananampalataya.
21. Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa mga banta sa pamilyang Pilipino?
a. Droga b. Pakikiapid
b. Edukasyon d. Barkada

22. Anong pagpapahalagang itinuturo sa pamilya ang nagbubunsod ito upang kilalanin at igalang ang dignidad ng tao?
a. Pagmamahal b. Pagpapasya
b. Katarungan c. Kalayaan

23. Ano ang pagpapahalagang hinuhubog sa pamilya ang tumutukoy sa paniniwala at pagsalig sa Maykapal upang
magsilbing gabay nila?
a. Pagmamahal c. Pagtitiwala
b. Pananampalataya d. Paninindigan

24. Ano ang pangunahing tungkulin ng isang pamilya ayon kay Papa Juan Paulo?
a. Pagbibigay edukasyon c. Pagbuo ng pamayanan
b. Pagpapaunlad ng pamilya d. Pakikipag-ugnayan sa iba pang pamilya

25. Ito ay tumutukoy sa pagpapahayag, paghahatid o pagbibigay ng saloobin o mensahe upang makipag-ugnayan.
a. Pagmamahal c. Komunikasyon
b. Kalayaan d. Pagtitiwala

26. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga hadlang sa komunikasyon sa isang pamilya?
a. Pag-aaral ng mga anak c. Pagiging walang kibo
b. Magkaibang pananaw d. Pag-ilag sa kausap

27. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga paraan upang mapabuti ang komunikasyon sa isang pamilya?
a. Takot na ang sasabihin c. Pagiging malugod
b. Pagiging hayag o bukas d. Pag-aalala at malasakit

28. Ano ang tawag natin sa masistemang balangkas ng mga simbolo na ginagamit sa paraang pasulat at pasalita upang
makipag-ugnayan?
a. Wika b. Komunikasyon c. Salita d. Usapan

29. Bukod sa pagsasalita, ano pa ang mahalagang kasanayang kailangang pairalin sa isang pamilya upang mapagbuti ang
komunikasyon?
a. Pakikinig b. Pagmamahal c. Pagtitiwala d. Pag-uusisa

30. Saan nag-uugat ang mga negatibong pagbabagong sa pamilya?


a. Labis na materyalismo
b. Pangingibabaw ng paghahangad sa pansariling kapakanan bago ang pamilya.
c. Kakulangan sa maayos na komunikasyon
d. Lahat ng nabanggit

31. Ito ay tumutukoy sa pakikipagkomunikasyon kung saan nagsisimula sa pakikinig na may lubos na pagbubukas ng
sarili at tiwala sa isa’t isa ang mga kasapi ng pamilya at tinitingnan ang kapwa nang may paggalang sa kaniyang
dignidad.

a. Monologo b. Diyalogo c. Sililokoy d. Lahat ng nabanggit

32. Ano ang tawag sa uri ng ugnayan kung saan ang isang tao ay hindi nakikinig at hindi tinitingnan ang kapwa bilang tao
kundi isang lamang daan upang makamit ang nais?
a. I – it b. I – thou. c. I-Thee d. I-Thy

33. Paanong paraan nagiging dahilan ang komunikasyon ng pagkawatak-watak ng isang pamilya?
a. Nais lang ng bawat kasapi na magsalita upang magpahayag ng saloobin at ang hindi pakinggan ang panig ng iba
b. Panay turuan ang mga kasapi sa mga pagkakamali ng bawat isa
c. Malayang nakikipagpalitan ng kaisipan at saloobin ang bawat kasapi
d. Lahat ng nabanggit

34. Bakit sinasabing may panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya?


a. May pananagutan ang pamilya na baguhin ang lipunan sa pamamagitan ng pakikisangkot sa mga isyu at usapin
b. Umuusbong sa pamilya ang mga panlipunang pagpapahalaga na nakatutulong sa pag-unlad ng lipunan
c. Kasama sa natututuhan sa bahay ang gawaing inaasahan sa bawat kasapi ng lipunan.
d. Lahat ng nabanggit
35. Paano nasabing ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay (the first and
irreplaceable school of social life?
a. May pananagutan ang pamilya na baguhin ang lipunan sa pamamagitan ng pakikisangkot sa mga isyu at usapin
b. Umuusbong sa pamilya ang mga panlipunang pagpapahalaga na nakatutulong sa pag-unlad ng lipunan
c. Kasama sa natututuhan sa bahay ang gawaing inaasahan sa bawat kasapi ng lipunan.
d. Lahat ng nabanggit

B. Tukuyin kung ang sumusunod ay diyalogo o monologo. Isulat ang salitang DIYALOGO o MONOLOGO

__________________36. Nagkaroon ng pagpupulong ang samahang Kabataan – Pambansang Samahan sa Edukasyon sa


Pagpapahalaga (K-PSEP) sa paaralan ni Joan. Si Wency, ang pangulo nito, ay mahusay magsalita. Palagi itong kampeon sa
pagtatalumpati sa kanilang paaralan. Nais ni Joan na imungkahi sa samahan ang isang proyekto para sa nalalapit na “Boys
and Girls Week,” ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataon. Si Wency ang nasunod sa lahat ng proyekto.

__________________37. Pinagagalitan ni Aling Juana si Milet dahil sa ginawa nitong pag-alis nang walang paalam.
Walang magawa si Milet kundi ang umiyak. Lubos siyang nagsisisi sa pagsuway sa kaniyang ina.
__________________38. Malapit na ang ika-13 kaarawan ni Jules. Kinausap siya ng kaniyang mga magulang tungkol sa
kung ano ang nais niya sa kaniyang kaarawan. Sinabi ni Jules na nais niya ang isang party upang maimbita ang kaniyang
mga kaibigan. Iminungkahi naman ng kaniyang mga magulang na sila’y kumain na lamang sa labas at ang gagastusin sana
sa party ay ibili na lamang ng mga damit para sa mga bata sa ampunan. Sa huli’y pumayag si Jules sa mungkahi ng
magulang. Nais nitong maging mas makabuluhan ang kaniyang kaarawan.
_________________39. Humihingi ng payo si Jay sa kanyang mga magulang sa pipiliin niyang kurso sa kolehiyo. Nang
tinanong siya kung anong kurso ang nais niya, kumunot ang mga noo nito dahil wala raw siyang makukuha sa Fine Arts.
Sa huli,napilitan si Jay na kunin ang kursong inhenyero dahil ito ang ibig ng kanyang mga magulang.
_________________40. Nais ni Mang Kanor na magtayo ng kainan sa tapat ng kanilang bahay. Kinausap nya ang
kanyang pamilya hinggil dito. Iminungkahi ng kanyang mga anak na itayo ito sa loteng pag-aari nila malapit sa munisipyo
at paaralan dahil mas maraming ang tiyak na kakain doon. Napagpasyahan ng mag-anak na dawin ang iminungkahi ng
mga anak dahil sa strategic location na napili nila.

_________________41. Magkakaroon ng patimpalak sa pag-awit sa paaralan. Napili si Juno na maging kalahok ng


ikawalong baitang. Humingi siya ng payo sa kanyang mga kapatid na magagaling ding kumanta kung anong awit ang
maaari niya gamitin sa timpalak. Sinabi niyang RNB ang mas gusto niyang inaawit at iyon din ang kalakasan niya. Subalit
tinawanan siya ng mga kapatid dahil higit daw na mainam kung may mga birit na kanta ang piliin para manalo
siya.Napilitan siyang sundin ang gusto nila dahil sila din ang magsasanay sa kanya.

_________________42. Kailangan ni Ethan ng android phone para makasabay siya sa synchronous class ngayong nasa
blended learning sila. Sinabi niya ito sa kanyang mga magulang. Gayunpaman, ipinaliwanag nilang dahil sa pagkakasakit
ng kanyang ate noong nakaraang buwan, halos naubos lahat ng ipon nila. Ipinakiusap nilang gamitin muna nang
pansamantala ang lumang cellphone na ibinigay ng pinsan niyang nasa Maynila. Nadismaya si Ethan sa sinabi ng
magulang at nagmamakdol na hindi na lamang siya magpapatuloy sa pag-aaral ngayong taon kung lumang cellphone lang
din naman ang gagamitin niya. Kaya napilitan ang mga magulang niyang i-withdraw ang natitirang pera sa bangko para
ibili ng bagong cellphone ang anak para sa online class nito.

C. ISABUHAY MO
Ibigay ang iyong saloobin at hakbang na gagawin sa sumusunod na sitwasyon sa ibaba sa layuning mapabuti ang
komunikasyon sa pamilya. 5 puntos bawat isa.

43-47. Noong nakaraang family reunion, hindi naging maganda ang iyong karanasan sa pakikisalamuha sa iyong
mga tiyahin dahil panay pangungumpara ang naging bukambibig nila sa iyo at iyong mga pinsan. Laging ibinibida nila na
iyong mga pinsan na nasa kapareho mong baitang sa sekondarya ay pawang may karangalan samantalang ikaw ay wala.
Nasa pagguhit at pag-awit ang iyong talento at hindi naman bumababa sa 85 ang iyong marka sa mga asignatura. Ngayong
taon, muling naghanda ng reunion ang iyong pamilya. Nagpasya kang hindi na sumama na ikinagalit ng iyong mga
magulang. Sa pagkainis, itinago muna ng iyong magulang ang mga gamit mo sa pagpipinta. Ano ang gagawin mo?

____________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

48-52. Tuwing hapon, nakasanayan ng anim na taon at bunsong kapatid ni Mila na hintayin ang kanilang mga
magulang sa tabi ng bintana. Nais ni Milang ipaliwanag sa bunsong kapatid na dalawang taon pa bago umuwi ang kanilang
mga magulang dahil nasa ibang bansa na ang mga ito. Kung ikaw si Mila, paano mo ito ipaliliwanag sa iyong bunsong
kapatid?

___________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

D. TAMA O MALI
Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay tama o mali. Isulat ang T kung tama at M kung Mali.

______________53. Ang pagiging mapanagutan ng mga magulang ay nangangahulugan ng malayang pagganap sa


kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi
pagganap sa mga ito.
______________54. Kasama ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ay ang karapatan ng mga
magulang na sila ay turuan.
______________55. Magsisilbing pamantayan ng kilos at asal ng mga anak ang kanilang nakikita mula sa kanila.
______________56. Ang mga magulang ang dapat na magpasya para sa kanilang mga anak sa lahat ng pagkakataon.
E. Sa loob ng tatlo o higit pang salita, ano ang hashtag mahalagang aral na natutunan mo sa iyong pamilya. (4
puntos)

_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

Inihanda ni: Sinuri ni : Nabatid:

GERALDINE A. BALANA EVANGELINA MAYOR SERAPION S.


GONGONA JR.
Guro QAME Punungguro

You might also like