You are on page 1of 21

“ Hindi na pala tayo maaaring maglaro… ng tulad ng dati,”

Malalaki na raw tayo … malalaki nang tao. Hindi raw


maglalaon, tayo’y magiging dalaga … at binata.”

“Ngayon daw … hindi na tayo bata. Ako raw ay dalagita na …


at ikaw raw ay binatilyo!”

Cleofe
- Bagong Paraiso ni Efren Abueg
Sabi ko, “ Maganda ka.”

Sagot mo, “at di mura”

Sabi ko, “gusto kita”

Sagot mo, “bayad muna.”


Virgilio Almario
Walang kilig sa ganitong pawis at pagkahapo
Walang romansa sa putik sa aking mga kuko
sa tibak sa aking mga sakong
Gusto ko ng bagong sapatos
‘Yong puti
‘ Yung hindi kailanman mapuputikan ang mga paa ko
Ay putik ‘nay
Masyado nang kinaibigan ng mga paa ko ang lupa
ng lupa ang aking mga paa
-Juan Miguel Severro
Parada ng mga Makasalanan
Ngunit, bakit ngayon alay ay papuri
Natatakot ba kung sakali ?
Na ang bangkay na nahihimlay
Ay makarinig at muling mabuhay
Geraldine Balana
Mabuhay ang Patay
PANITIK
AN
Mga Paksa ng Panitikan
sa Panahon ng mga
Katutubo
Pagsamba pakikipag-kapwa tao,

Ritwal kabayanihan

kagandahang-asal pakikipagsapalaran

kalikasan
Karunungang-bayan – ito ay ang mga
salawikain, sawikain at kasabihan na
nagsisilbing gabay ng mga sinaunang
Pilipino sa pang-araw-araw nilang
pamumuhay. Ito ang batayan nila ng
kabutihang-asal, pagpapahalaga at kultura.
Alamat – ito ay mga kuwento tungkol
sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
kapaligiran gaya ng hayop, prutas,
lugar at iba pang bahagi ng kalikasan o
kapaligiran. Ito ang kanilang
nagsisilbing SCIENCE o AGHAM noong
unang panahon.
Kuwentong Bayan –mga salaysay mula sa kathang
isip ng mga Pilipino. Ang mga tauhan sa kwentong
bayan ay kumakatawan sa pag-uugali at mga turo ng
mamamayan. Ito ay binuo upang ipahayag ang mga
sinaunang pamumuhay ng mga tao na siyang naging
gabay hanggang sa kasalukuyang pamumuhay.
Binubuo ito ng alamat, mito, parabula at pabula na
magandang basahin at kapupulutan ng leksyon..
Kuwentong Bayan –Ito ay binuo upang ipahayag
ang mga sinaunang pamumuhay ng mga tao na
siyang naging gabay hanggang sa kasalukuyang
pamumuhay. Binubuo ito ng alamat, mito, parabula
at pabula na magandang basahin at kapupulutan ng
leksyon.
Epiko – isang mahabang tulang
pasalaysay tungkol sa
pakikipagsapalaran ng bayani ng
katutubo sa kanilang mga lugar.
Ipinakikita ang kalakasan,
kapangyarihan, kagandahang-asal at
pananalig sa Bathala at kapalaran.
Tula – isang mahabang tulang
pasalaysay tungkol sa
pakikipagsapalaran ng bayani ng
katutubo sa kanilang mga lugar.
Ipinakikita ang kalakasan,
kapangyarihan, kagandahang-asal at
pananalig sa Bathala at kapalaran.
PAGSASANAY
Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga pahayag tungkol sa
kaligirang kasaysayan at katangian ng panitikan sa
panahon ng mga katutubo.

_____1. Ang panitikan ay tungkol sa mga


pasulat lamang.
_____2. Bago pa man dumating ang mga
Kastila ay mayroon nang sariling sistema ng
pagsulat ang mga Pilipino.
PAGSASANAY

_____3. Kasama sa mga nasunog at


naburang panitikan noong dumating ang
mga kastila ay ang mga pasalitang
panitikan
_____4. Ang Pilipinas ay may natatangi
at mayamang panitikan at kultura bago
pa dumating ang mga kastila
PAGSUSULIT
Piliin mula sa kahon ng mga pagpipilian ang angkop na salitang tinutukoy sa
bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Baybayin
PAGSUSULIT
_____1. Tumutukoy ito sa kahit alinmang simbolo o
letra na naisulat na naglalaman ng kuwento kaugnay
sa buhay, karanasan, lipunan at kasaysayan.
_____2. Ito ang salitang-ugat ng “Panitikan”.
_____3. Ang ibang katawagan sa Panitikang Pasalita
_____4. Ang tawag sa sinaunang letra o titik ng mga
katutubong Pilipino.
_____5. Isa ito sa mga paksa ng panitikan noong
panahon ng mga katutubo.
_____6. Isa itong halimbawa ng panitikang pasalita
tungkol sa pakikipagsapalaran ng bayani ng katutubo.
_____7. Ito ay pasalitang panitikan na nagsisilbing
gabay ng mga katutubong Pilipino ng kanilang
kabutihang-asal, paniniwala, pagpapahalaga at
kultura.
_____8. Ito ay mga kuwento tungkol sa pinagmulan
ng mga bagay-bagay sa kapaligiran gaya ng hayop,
prutas, lugar at iba pang bahagi ng kalikasan o
kapaligiran.
_____9. Isa sa paksang nakapaloob sa akdang
pampanitikan noong panahon ng mga katutubo.
_____10. Bukod sa pasalita, ito ang nagpapatunay na
mayaman na tayo sa kultura at Panitikan na
pagkakakilanlan ng ating bansa

You might also like