You are on page 1of 13

Ito ay isang akdang

pampanitikan na naglalahad ng
matatalinong pagkukuro.

Sanaysay
Ito ay makatwirang paghahanay ng mga kaisipan at
ng damdamin ng sumusulat ayon sa kanyang
karanasan, kaalaman at haka-haka. Nasasalamin din
dito kung malalim o mababaw ang pananaw ng
manunulat gayundin ang kanyang damdamin.

Sanaysay
PAGSASALAYSAY NG ISANG
SANAY
Alejandro G. Abadilla

Sanaysay
• PAKSA
• BAHAGI
• Pangunahing kaisipan bawat talata
at sumusuportang kaisipan
PAGSASANAY
Pumili ng isa kahit alinman sa sumusunod at
sumulat ng 2-3 pangungusap tungkol dito.

1. Pagpapakilala sa pinakamatalik mong kaibigan.


2. Isang suliraning kinakaharap mo ngayon.
3. Pangarap mo sa buhay.
PANUTO: Basahin at unawaing
mabuti ang sanaysay. Sagutin
ang ilang katanungang
inihanda para sa iyo.
Tunay nga na ang edukasyon ay
pamana ng ating magulang na
kailanma’y hindi mananakaw ng iba.
Kaya gaano man kahirap ng
sitwasyong nararanasan natin sa
kasalukuyan ay patuloy pa rin tayong
lumalaban sa anomang hamon ng
buhay.
Sumiklab ang isang bagong virus na hindi natin akalain na
wawasak sa ating lahat. Binago nito ang takbo ng ating
lipunan at pamumuhay. Marami ang binawian ng buhay dahil
walang makain bunga ng kawalan ng trabaho. Maging ang
pagbubukas ng klase noong Hunyo ay hindi naisakatuparan.
Samu’t saring balita ang napapanood at naririnig natin tungkol
sa sakit na COVID-19, ngunit hindi natinag ang Kagawaran ng
Edukasyon na hindi isulong ang pagbubukas ng klase ngayong
taon. Gumawa ng iba’t ibang paraan ang ahensya ng
pamahalan maging ang mga guro ay tumulong kung paano
ang prosesong gagawin sa mga mag-aaral upang mabigyan ng
sapat na kaalaman sa kabila ng problemang kinahaharap.
Ang nagaganap ay hamon na susubok sa katatagan,
determinasyon, pananampalataya sa Panginoon at
diskarte ng mga kabataan. Ang kailangan lang gawin ng
kabataan ay buong pusong tanggapin ang pagbabagong ito
sa pamamagitan ng pagaaral nang mabuti. Sa
pamamagitan nito, magiging matatag ang kanyang
pundasyon sa pagharap ng mga pagsubok at suliranin ng
buhay. Isa ring malaking hamon para sa mga magulang
kung paano nila tuturuan nang maayos ang kanilang mga
anak sa mga gawaing ibibigay ng guro maging ito ay mapa-
online learning, distance learning o sa paraang modular.
Sila muna ang magsisilbing guro sa kanilang mga anak.
Sabay-sabay nating labanan
ang pagsubok na ito. Kung
pahahalagahan ng kabataan
ang pag-aaral, malaki ang
magiging ambag niya sa muling
pagbangon at pagunlad ng
bansa.
SAGUTIN:

1. Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay?

2. Bilang mag-aaral, paano makatutulong sa


iyo ang pag-aaral nang mabuti?
GAWAIN SA PAGGANAP
Sumulat ng sanaysay na binubuo ng 3 o higit pang
talata. Pumili ng isa lamang sa sumusunod na
paksa.

1. Buhay estudyante
2. Pakikipagkaibigan
3. Kahirapan

You might also like