You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V (Bicol)
Schools Division of Albay
SAN FERNANDO NATIONAL HIGH SCHOOL
San Fernando, Sto. Domingo, Albay
PAMANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8
Unang Markahan
Taong Akademiko 2022-2023

Pangalan:____________________________________ Baitang at Seksyon:______________________ Score:__________

A. Piliin ang titik ng iyong sagot. Isulat ito sa patlang.


1. Ito ay isang anyo ng karunungang bayan na tumutukoy sa matatalinghagang pahayag, kadalasang nahahati sa taludtod
at may tugma, buo ang kaisipan at hindi literal ang pagpapakahulugan.
a. Bugtong b. Sawikain c. Salawikain d. Kasabihan

2. Punan ang patlang. Ang karunungang bayan ay lumaganap noon bago pa man dumating mga Espanyol sa paraang
_______ bukod sa mga sinunog ng mga dayuhan.
a. pasaling-bibig b. pagtuturo c. pasulat d. pagsasabatas

3. Ito ay tumutukoy sa dalawa, tatlo o apat na salita na matatalinghaga na kadalasang isinasama sa mga pahayag at tula
upang mas maging madulas ang pagpapahayag.
a. Bugtong b. Sawikain c. Salawikain d. Kasabihan

4. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad. Anong uri ng karunungang bayan ang nakapahilis na pahayag?
a. Bugtong b. Sawikain c. Salawikain d. Kasabihan

5. Ano ang tawag natin sa mga salitang sadyang malumanay o pampalubag loob upang mapalitan ang mararahas na
salitang katumbas nito. Halimbawa, malusog sa halip na mataba.
a. Talinghaga b. Eupemistiko c. Masining na pahayag d. Tayutay

6. Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa mga paksain sa mga katutubong panahon?
a. Ritwal b. Pananakop c. Kalikasan d. Pagsamba

7. Ano ang bahagi ng pananalita na tumutukoy sa naglalarawan sa ngalan at panghalip?


a. Pang-uri b. Pang-abay c. Pandiwa d. Pantukoy

8. Ano ang proseso ng pangangalap ng impormasyon o datos para malutas ang isang karaniwang suliranin sa paraang
sistematiko?
a. Datos b. Pananaliksik c. Balangkas d. Bibliyograpiya

9. Pagkatapos na mapag-isipan ang paksang nais sa pananaliksik, ano ang susunod na hakbang?
a. Pagtukoy sa usapin sa paksang nais pagtuonan
b. Mangalap ng datos
c. Pagtukoy sa resulta ng pananaliksik
d. Lahat ng nabanggit

10. Ano ang tumutukoy sa isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero pwedeng pasubalian ng iba?
a. Hinuha b. Opinyon c. Interpretasyon d. Paniniwala

11. Alin sa sumusunod ang koleksyon ng mga elemento o mga kaalaman na ginagamit sa pagsusuri o pag-aaral.
a. Datos b. Pananaliksik c. Balangkas d. Bibliyograpiya

12. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa katha na binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay, may balangkas, may
layunin, at may pag-unlad ang kaisipang nakasaad sa pinakapaksang pangungusap na maaaring lantad o di lantad?
a. Pangungusap b. Sanaysay c. Talata d. Sugnay
13. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa katha na binubuo ng mga talata na magkakaugnay, may balangkas, may layunin,
at may pag-unlad ang kaisipang nakasaad sa pinakapaksang pangungusap na maaaring lantad o di lantad?
a. Pangungusap b. Sanaysay c. Talata d. Sugnay

14. Anong teknik sa pagpapalawak ng paksa ang tinutukoy sa sumusunod na pahayag? May mga bagay na halos
magkakapareho o nasa kategoryang iisa. May mga bagay rin naming magkakaiba. Samakatwid, ang mga bagay na
magkakatulad ay ay pinaghahambing upang mapalitaw ang kanilang mga tiyak na katangian, samantalang ang mga
magkakaiba ay pinagtatambis naman upang maibukod ang isa sa isa.
a. Pagsusuri b. Paghahambing c. Pagbibigay kahulugan d. Pagdaragdag

15. Alin sa sumusunod ang dapat na taglayin ng paksang nais gawan ng pananaliksik?
a. Malawak b. Espesipiko c. Maganda d. Lahat ng nabanggit

B. Tukuyin kung ang sumusunod na mga salita o pahayag ay bugtong, Sawikain, Salawikain o Kasabihan. Isulat sa ang B
kung Bugtong, S kung Sawikain, SL kung Salawikain, at K kung Kasabihan.

_________________16. Hindi mahulugang karayom ang dumalo sa concert ng BlankPink noong nakaraan taon.
_________________17. Habang maiksi ang kumot, matutong mamaluktot
_________________18. Ipinagmamalaki ni Marga na siya ay isang anak-pawis at nakapagtapos ng kursong inhenyero.
_________________19. Langit sa itaas, langit sa ibaba. Tubig sa gitna.
_________________20. Huli man at magaling, naihahabol din.

C. Tukuyin kung ang mga salitang may salungguhit ay EUPEMISMO O TALINGHAGA. Isulat ang iyong sagot.

_________________21. Huwag ka bastang magtitiwala sa kahit na sino dahil sa panahon ngayon ay marami ang
halang ang bituka.
_________________22. Namigay ng ayuda ang isang pribadong organisasyon sa mga kapus-palad na pamilya.
_________________23. Sumakabilang-buhay na ang paborito niyang alagang aso.
_________________24. Marami ang tumatawag sa dalaga na kalapating mababa ang lipad.
_________________25. Hindi maliparang uwak ang pag-aari niyang lupa sa probinsya.

D. Ayusin ang mga salita sa pataas na pagkakasunod-sunod. Isulat ang iyong sagot.

I. Galit II. Iniibig I. 26._____________ II. 30. ____________


Inis Tinatangi 27._____________ 31.____________
Muhi Minamahal 28._____________ 32.____________
Poot Hinahangaan 29._____________ 33.____________

E. TAMA O MALI. Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay TAMA o MALI. Isulat ang iyong sagot.

_________________34. Kasama sa mga sinunog ng mga Espanyol ang mga pasalitang panitikan.
_________________35. Tinatawag na baybayin ang sinaunang paraan ng pagsulat ng mga katutubong Pilipino.
_________________36. Ang mitolohiya, alamat, karunungang-bayan, epiko at kwentong-bayan ay mga
panitikang namayagpag sa katutubong panahon.
_________________37. Ang epiko ay nasa anyong patula na naglalaman ng kabayanihan at pakikipagsapalaran.
_________________38. Isa sa paksain ng panitikan sa katutubong panahon ang mga ritwal at pagsamba.

F. Suriin ang mga pangungusap lalo na ang mga salitang nakapahilis sa Hanay A. Hanapin ang kahulugan sa hanay B.
Isulat ang titik ng iyong sagot.

HANAY A HANAY B
______39. Itaga mo sa bato, hindi kita iiwan. a. Sanay na
______40. Matalas ang dila niya kaya kakaunti lamang b. Mabango
ang kaibigan niya. c. Pangako, sumpa man
______41. Nagtataingang kawali na naman si d. Bingi-bingihan
Jennie para hindi mautusan ng nanay. e. Isang obligasyon o responsibilidad
______42. Mapagsabihan lang ay umiiyak na si Jade na dapat bayaran
dahil balat-sibuyas ang batang iyan. f. Panalingin, hiling
______43. May mga taong ang hilig mangutang g. Makaangat sa buhay
pero madalas inililista na lamang sa tubig. h. Kalimutan na lamang
______44. Bantad na ang murang katawan niya sa i. masakit magsalita
trabahong mabibigat sa construction site. j. sensitibo
______45. Malaki ang utang na loob niya sa pamilya k. mahirap
Mondragon sa pagpapaaral sa kapatid niya.

G. PAGPAPALAWAK
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na pang-uri sang-ayon sa uri ng paghahambing na ibinigay.

46-47. Mahusay ( magkatulad)


48-49. Maliwanag (magkatulad)
50-51. Matangkad ( hindi magkatulad, palamang)
52-53. Maasahan (hindi magkatulad, pasahol)

H. PAGTATALATA (7 Puntos)
Ang talata ay binubuo ng 3 o higit pang pangungusap. Sa isang papel, sumulat ng isang talata tungkol sa iyong opinion
hinggil sa cyberbullying.

RUBRIK SA PAGBIBIGAY PUNTOS


Natatangi Mahusay Papaunlad
7 6 5
May simula, katawan at Kulang ng isang bahagi ang talata Hindi makikita nang malinaw ang mga
konklusyon ang talata at malinaw subalit naipakita naman nang malinaw bahagi ng talata.
na ipinakita ang kaugnayan ng ang kaugnayan ng bawat pangungusap Hindi kababakasan ng kaisahan ang
bawat bahagi nito. Gumamit ng sa isa’t isa. Payak lamang ang paraan talata dahil magkakaugnay ang bawat
natatanging paraan para ng paglalahad. pangungusap sa isa’t isa.
maipahayag nang maayos ang Magkaugnay ang karamihan sa mga
nilalaman. pangungusap maliban sa 1 o 2 na hindi
Magkakaugnay ang bawat sumusuporta sa pangkahalatang ideya.
pangungusap sa isa’t isa at sa
pangkalahatan ay nagbibigay ng
iisang impresyon.

Inihanda ni: Sinuri ni : Nabatid:

GERALDINE A. BALANA AILENE O. JESALVA SERAPION S.


GONGONA JR.
Guro QAME Punungguro

You might also like