You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Division of Mabalacat city
DOÑA ASUNCION LEE INTEGRATED SCHOOL

Lagumang Pagsusulit sa Filipino 8


Unang Markahan

Pangalan:________________________________________ Petsa:________________________
Seksyon:__________________________________ Iskor_________________________

PANGKALAHATANG PANUTO: Bawal ang Bura.


I. Pagsusulit na may Pagpipilian: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tinatawag na legend at folklore sa wikang Ingles ay isang uri ng panitikan na


naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
a. tula b. alamat c. maikling kwento d. dula
2. Elemento ng Alamat na naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
a. Saglit na kasiglahan b. Tauhan c. Tagpuan d. Tunggalian
3. Elemento ng Alamat na naglalarawan sa lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at
insidente, gayundin ang panahon kung kailan ito nangyari.
a. Saglit na kasiglahan b. Tauhan c. Taupuan d. Tunggalian
4. Bahagi ng alamat kung saan nagaganap ang ang kakalasan at katapusan ng
kwento.
a. Wakas b. Simula c. Gitna d. wala sa nabanggit
5. Bahagi ng alamat kung saan inilalarawan ang mga tauhan sa kwento.
a. Wakas b. Gitna c. Simula d. tagpuan
6. Bahagi ng alamat kung saan inilalarawan ang tagpuan sa kwento
a. Wakas b. Simula c. Gitna d.Tunggalian
7. Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing
tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
a. Katapusan b. Tauhan c. Taupuan d. Kakalasan
8. Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa
maigting na pangyayari sa kasukdulan.
a. Katapusan b. Tauhan c. Taupuan d. Kakalasan
9. Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento.
a. Katapusan b. Tauhan c. Taupuan d. Tunggalian
10. Sa bahaging ito ng alamat magaganap ang saglit na kasiglahan, tunggalian at
kasukdulan ng kwento.
a. Wakas b. Simula c. Gitna d. Kakalasan
11. Ito ay ginagamit kung naghahambing ng dalawang antas o lebel ng katangian ng
tao, bagay, ideya, pangyayari, at iba pa.
a. Paglalarawan b. Paglalahad c.Paghahambing d. Pagtutulad
12. Ang salitang paghahambing ay kasingkahulugan ng__________.
a. Kompetensi b. Kolaboratibo c.Komparatibo d. Simili
13. Ang sumusunod na salita ay nagsasaad ng pahambing na pasahol,
MALIBAN sa________.
a. Di-gaano b. Di-gasino c. Di-masyado d. Di-hamak
14. Ito may mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Division of Mabalacat city
DOÑA ASUNCION LEE INTEGRATED SCHOOL

pinaghahambingan.
a. Pasahol b. Palamang c. Katamtaman d. Magkatulad
15.Uri ng paghahambing na di-magkatulad na pag-uulit ng pang-uring
may panlaping ma-.
a. Pasahol b. Palamang c. Katamtaman d. Magkatulad
16. Sina Kenneth at Ian ay kapwa matangkad. Ang ginamit na kataga sa
paghahambing ay_______.
a. Sina b. Matangkad c. Kapwa d. Ay
17. “Di-hamak na maganda rito sa probinsya kaysa Maynila, tahimik at
sariwa ang hangin.” Ang ginamit na kataga sa paghahambing ay_______.
a. sariwa b. hangin c. kaysa d. di-hamak
18. Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na
katangian.
a. magkatulad b. di-magkatulad c. pasahol d. Palamang
19. Ang sumusunod na salita ay nagsasaad ng Pahambing na
Magkatulad, MALIBAN sa_______.
a. kapwa b. pareho c. sing d. Lalo
20. Ang sumusunod na salita ay nagsasaad ng pahambing na dimagkatulad,
MALIBAN sa_____.
a. di-gasino b. di-gaano c. mas d. magsing

II. Pagkilala: Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
Tukuyin kung anong uri ng karunungang- bayan (bugtong, salawikain, sawikain)
ang mga sumusunod na pahayag o salita. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

___________ 21. Balat- sibuyas


____________22. Hindi hari, hindi pari nagdadamit ng sari- sari
____________23. Aanhin mo ang damo kung patay na ang kabayo.
____________24. Aling bagay sa mundo ang inilalakad ay ulo.
____________25. Pagsusunog ng kilay
____________26. Anak-araw
____________27. Kung may isinuksok, may madudukot
____________28. Isang prinsesa nakaupo sa tasa
____________29. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo
____________30. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di’ mararating ang
paroroonan.

III. Tama o Mali: Isulat ang salitang Tama kung ang pahayag ay tama,
samantala isulat naman ang mali kung ang pahayag ay mali.
_________ 31. Ang Karunungang Bayan ay naging daan upang maipahayag ng ating
mga ninuno ang kanilang mga kaisipan at pangaral.
_________ 32. Ang mga Bugtong, Salawikain, Sawikain at Kasabihan ay nasa ilalim
pa rin ng karunungang bayan.
_________ 33. Ang Bugtong ay naglalaman ng mga aral, karunungan o
katotohanan.
_________ 34. Ang salitang “Balat-sibuyas” ay isang halimbawa ng salawikain.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Division of Mabalacat city
DOÑA ASUNCION LEE INTEGRATED SCHOOL

_________ 35. Ang Kasabihan ay mga pangkalahatang katotohanan tungkol sa mga


alituntunin o tamang kaasalan.
_________ 36. Ang bahaging kasukdulan ng alamat ay ang pinaka madulang bahagi
ng kwento.
_________ 37. Tauhan ang nagbibigay buhay sa isang akda.
_________ 38. Ang bahaging kakalasan ang unti-unting pagbuti ng kwento o
papalapit sa katapusan
_________ 39. Sa Gitna ng kwento ipinapakilala ng may akda ang kaniyang mga
tauhan.
_________ 40. Ang resolusyon ay naglalahad ng panandaliang tagpo na
magkakaroon ng kaugnayan sa tauhan
_________41. Ang salawikain ay binubuo ng parirala o pangungusap na
naglalayong magbigay aral o magturo ng mabuting asal at pag-uugali.
_________42. Lakad dito, lakad doon. Saan man ako magpunta, siya ay
kasama ko. Ang sagot sa bugtong na ito ay anino.
_________43. Di hamak na mas matalinhaga ang kasabihan kaysa sa salawikain.
_________44. ‘Pag may tiyaga, may biyaya. Ito ay halimbawa ng isang salawikain o
Kasabihan na maisasabuhay rin sa panahon ng pandemya.
_________45. Ang eupemistikong pahayag ay salita o parirala na ginagamit upang
mapagaan ang kahulugan ng salitang negatibo o mayroong mabigat
na kahulugan.
_________46. “Aanhin mo ang bahay na bato kung ang nakatira ay kuwago.” Ito ay
halimbawa ng bugtong.
_________47. Ang bugtong ay isang parirala o pangungusap na naglalayongtalasin
ang isip. Karaniwang naglalaman ito ng tugmaan.
_________48. Nagkapit-kamay ang mga artista at trabahador ng kompanya ABS-
CBN sa panawagang i-renew ang kanilang prangkisa. Ang salitang
nakasalungguhit ay nangangahulugan na naghawakan.
_________49. Ang salawikain ay salita o pariralang matalinghaga o hindi tiyak ang
kahulugan.
_________50. Bukas-palad si Willie Revillame sa mga kapuwa niya Pilipinong
naghihikahos sa buhay. Ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit ay
matulungin.

____________________
Lagda ng Magulang

You might also like