You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-B
Dibisyon ng Palawan
PORT BARTON NATIONAL HIGH SCHOOL
Port Barton, San Vicente, Palawan

Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino - 8

Pangalan:__________________________________ Petsa:____________
Seksyon:__________ Iskor:____________
Panuto: Isulat ang titik ng pinakawastong sagot bago ang bilang.
I. Alamin ang uri at halimbawa ng mga karunungang-bayan sa pangungusap.
______1. Ang karunungang-bayan ay isang uri ng panitikan na binubuo ng mga salawikain, sawikain,
bugtong, palaisipan, kasabihan at bulong. Ano ang iba pang katawagan sa karunungang-bayan?
a. kaalamang-bayan b. kamalayang - bayan c. kawikaan d.sawikain
______2. Ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal.
a. salawikain b. alamat c. sawikain d. epiko
______3. Ang mga sumusunod ay sawikain na nagtataglay ng talinhaga sapagkat ito ay may nakatagong
kahulugan. Alin sa mga sumusunod ang hindi sawikain?
a. gastador b. bagong-tao c. sumakabilang-buhay d.bulang-gugo
______4. Ang _______ ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao. Anong uri ito
ng karunungang-bayan?
a. kasabihan b.salawikain c. sawikain d. lahat ng nabanggit
______5. Ito ay mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit na pangkulam o pangontra sa
kulam, engkanto at masamang espiritu.
a. bulong b.salawikain c. sawikain d. lahat ng nabanggit
______6. Ito ay nasa anyong tuluyan na gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo ng isang kalutasan sa
isang suliranin.
a. Palaisipan b.kasabihan c.bugtong d. sawikain
______7. Ito ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
a. bugtong b.kasabihan c. bulong d. salawikain
______8. Poste kung liwanag, kung gabi ay dagat. Ito ay halimbawa ng anong uri ng karunungang-bayan?
a. bugtong b. pabula c. kasabihan d. sawikain
______9. Huwag magagalit kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa ami’y napag-uutusan.
a. bulong b. pabula c. kasabihan d. sawikain
______10. Sa isang kulungan ay may limang baboy na inalagaan si Mang Roi. Lumundag ang isa, ilan ang
natira?
a. Palaisipan b. pahulaan c. kasabihan d. pasagutan
II. Ibigay ang mahalagang kaisipang nakapaloob sa karunungang-bayan.
_____11. Ngayon kakahigin, ngayon tutukain.
a.Kailangang magtrabaho upang makakain.
b. Kung kalian kailangan ang isang bagay ay doon lamang kikilos.
c. Maghanap buhay at mag imbak ng makakain.
______12. Kung anong taas ng paglipad, siya ring lakas ng pagbagsak.
a. Hindi masama ang mangarap
b. Ang taong mapagmataas ay siyang kadalasang nakararanas ng matinding pagbagsak.
c. Huwag nang mangarap uipang hindi bumagsak.
d. wala sa nabanggit
______13. Ang mahirap kunin ay masarap kainin.
a. Ang masarap na kanin ay masarap kainin.
b. Mas masarap lasapin at makamtan ang isang bagay na pinaghirapan.
c. Masarap lasapin at kainin ang pagkain
d. wala sa nabanggit
______14. Ubos-ubos na biyaya, bukas nakatunganga.
a. Maging galante hanggang marami pang pera.
b. Hindi tama ang pagastos ng pera ngayon kaya pagdating ng bukas ang wala nang pera
c. Ibigay ang biyaya upang bukas ay ibabalik ng may Likha.
d. Lahat sa nabanggit
______15.Sa anumang lakarin, makapito munang isipin.
a. Lahat ng suliranin ay may solusyon
b. Pag isipang mabuti at paulit-ulit ang isang sitwasyon bago magdesisyon.
c. Kung ano ang iniisip agad na gawin.
d. Sundi ang bulong ng konsensiya.
III. Alamin ang mga bahagi ng kwentong-bayan na isinasaad sa bawat pangungusap.
______16. Ito ay mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino, nagsasaad kung paano nagsimula ang mga bagay-
bagay.
a. Epiko b. alamat c. pabula d. parabula
______17. Uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa
mga kaaway.
a. alamat b.epiko c. pabula d. parabula
______18. Ang kwentong-bayan ay nagtataglay ng tatlong bahagi:simula, gitna at katapusan. Alin sa mga
sumusunod ang matatagpuan/ makikita sa simula?
a. diyalogo b. tauhan c.tunggalian d. kasiglahan
______19. Ang banghay ay ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o eksena. Saang bahagi ito ng
kwentong bayan matatagpuan?
a. simula b. gitna c. katapusan d. pagitan
______20. Ito ang pangyayarihan ng aksyon o mga eksenang naghahayag ng panahon.
a. kasukdulan b.tagpuan c. kakalasan d. tunggalian
______21. Ang kasukdulan ay ang pinakamadulang bahagi ng kwento kung saan iikot ang kahihinatnan ng
tanging tauhan. Saang bahagi ito ng kwentong-bayan matatagpuan?
a. simula b.katapusan c. gitna d. pagitan
______22. Ito ang unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento.
a. kasukdulan b.tagpuan c. kakalasan d. tunggalian
IV. Suriin kung anong mga teknik o paraan ng pagpapalawak ng paksa ang ginamit sa bawat
pangungusap.
______23. Ito ay isang maikling kathang binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay, may balangkas, may
layunin at may pag-unlad ang kaisipang nakasaad sa pinakapaksang pangungusap na maaaring lantad o di-
lantad.
a. sanaysay b. salita c. talata d. a at b
______24. Si Lea ay nagsulat ng talata tungkol sa pag ibig sa bayan, ipinaliwanag niya kung anong uri ng
damdamin ito nabibilang, nasa anong antas ng katindihan at ano ang kaibahan nito sa ganoong uri ng
damdamin. Anong paraan o teknik ang kanyang ginamit sa pagpapalawak ng talata?
a. Paghahawig b.Pagsusuri c. Depenisyon/ Pagbibigay-katuturan d. a at b
______25. Si Marvie ay nagsulat ng talata na nagpapaliawanag hindi lamang ng mga bahagi ng kabuuan ng
isang bagay kundi pati narin ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t-isa. Anong paraan o teknik ang
kanyang ginamit sa pagpapalawak ng talata?
a. Paghahawig b. Depenisyon/ Pagbibigay-katuturan c. Pagsusuri d. a at b
______26. Nagsulat si Jhoan ng talata kung saan ang mga katangian ng mga bagay na magkatulad ay
pinaghahambing upang mapalitaw ang kanilang mga tiyak na katangian samantalang ang mga magkakaiba ay
pinagtatambis. Anong paraan o teknik ang ginamit ni Jhoan sa pagpapalawak ng talata?
a. . Depenisyon b.Pagbibigay-katuturan c. Paghahawig at Pagtatambis d. Pagsusuri
______27. Ang mga sumusunod ay katangian ng talata upang maging mabisa ito, alin ang hindi kabilang sa
pangkat?
a. paksang-diwa b.buong-diwa c. walang diwa d. maayos ang pagkakalahad
V. Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang isinasaad bawat pangungusap.
______28. Ito ang tawag sa salita o lipon ng mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang – uri o kapwa
pang abay.
a. pandiwa b. pang-uri c. pang – abay d. wala sa nabanggit
______29. Ito ay uri ng pang- abay na nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap o gaganapin ang sinasabi ng
pandiwa sa pangungusap. Anong uri ito ng pang- abay?
a. panlunan b. panggaano c. pamanahon d. kataga
______30. Ito ay ang pang –abay na sumasagot sa tanong na paano ginanap, ginaganap o gaganapin ang
pandiwa sa pangungusap.
a. panlunan b. panggaano c. pamaraan d. kataga
______31. Kumakatawan ito sa lugar kung saan nangyari o ginawa ang kilos.
a. pamanahon b. kataga c. panggaano d. panlunan
______32. Pang- abay na nagsasaad ng sukat o timbang.
a. pamanahon b.pamaraan c.kataga d. panggaano
______33. Katagang karaniwang sumusunod sa unang salita ng pangungusap.
a. pamanahon b.pamaraan c. panggaano d. ingklitik
VI. Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang salitang may salungguhit.
______34.Simulan mo ngayon ang pagbabasa ng mga alamat. Ang salitang may salungguhit ay
nagpapahiwatig ng anong uri ng pang-abay?
a. panlunan b. kataga c. panggaano d. pamanahon
______35. Masayang magbasa ng mga alamat.
a. panlunan b. kataga c. panggaano d. pamaraan
______36. Siyamnapung porsyento ng mga mag aaral ang naninirahan sa kanilang sariling tahanan.
a. panlunan b. kataga c. pamaraan d. panggaano
______40. Pupunta si Ana sa tahanan ng dalubhasa upang maglinis ng bakuran.
a. kataga b. panggaano c. pamaraan d. panlunan
VII. Sagutin ang mga tanong batay sa buod na epikong “Bantugan”
______41. Pinagbawalan ni Haring Madali ang kanyang mga nasasakupan na makipag-usap kay Prinsipe
Bantugan dahil sa sobrang inggit. Si Haring Madali ay……
a. nakagawa ng mali at makasariling desisyon bunga ng kanyang pagkainggit.
b.desperado na sa kanyang buhay dahil walang nagkakagustong dalaga sa kanya sa kanilang kaharian.
c. matinding magalit at magparusa bilang hari at hindi nakaligtas dito si Prinsipe Bantugan
______42. Dahil sa utos ni Haring Madali ay lumayo si Prinsipe Bantugan sa kaharian ng Bumbaran. Si
Bantugan ay…..
a. tunay na gumagalang sa hari kaya’t pinili na lamang niyang tumahimik at lumayo sa kabila ng
kalungkutang nadarama.
b.takot sa hari kaya’t di na niya ito kinausap dahil baka patawan pa siya ng panibagong parusa.
c. walang kapangyarihan sa kanyang kaharian sa kabila ng kanyang pagiging prinsipe
______43. Nagulumihan si Prinsesa Datimbang at ang kapatid niyang hari kaya’t nakipagpulong sila sa
konseho. Si Prinsesa Datimbang ay……
a. malilituhin kaya’t nahihirapang magdesisyon
b.maingat sa kanyang pagdedesisyon kaya’t sumangguni muna siya sa mga kinauukulan
c. hindi maaaring makapagdesiyon sa kanyang sarili lamang dahil nasa ilalim siya ng kanyang kapatid
______44. Nang malamang patay na si Prinsipe Bantugan ay lumipad na sa langit si Haring Madali upang
bawiin ang kaluluwa nito. Si Haring Madali ay …
a. nagsisisi at napatunayan niyang mahal parin niya ang kanyang kapatid kaya’t agad niyang ibinalik
ang buhay nito.
b. nakonsensiya ng kanyang budhi kaya’t mabilis na bumawi sa kanyang nagawang pagkakamali.
c. natakot lamang siyang mawala si Bantugan nang tuluyan dahil mawawalang siya ng kakampi.
______45. Nang mabalitaan ni Miskoyaw, dating kaaway ni Haring Madali na namatay na si Bantugan ay dagli
siyang nagpadala ng mga kawal upang salakayin ang Bumbaran. Si Haring Miskoyaw ay…
a. mapagsamantala sa kahinaan ng kapwa
b.mapagpatawad sa kanyang mga kaaway
c. matalino at mahinahong hari

VIII. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari mula sa “Ang alamat ng Marinduque”. Isulat ang bilang 1
hanggang 5.
______46 Nagliwaliw sa kaparangan si Mutya Marin sa pagbabakasakaling matagpuan ang minamahal na
binata.
______47. Ikinulong ni Datumbakal si Mutya Marin sa itaas ng tore upang hindi ito magkaroon ng
pagkakataong makipagkita sa binata.
______48. Pinagbawalan ni Datu Batumbakal si garduque na makipagkita sa anak.
______49. Nagtungo si Garduque sa halamanan ngunit hindi niya ito natagpuan ang dalaga dito.
______50. Lumitaw ang isang isla sa gitna at tinawag nila itong Marinduque.

“Pag-isipang mabuti ng di ka magsisi sa huli “

Gng. Cherry Ann O. Jumamoy

You might also like