You are on page 1of 2

Department of Education

Region V
Division of Camarines Sur

Ikalawang Markahan
FILIPINO 7

Pangalan: ___________________________________________ Seksyon: ________________ Iskor:__________

I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang katanungan sa ibaba. Bilugana ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay antas ng wika na kung saan ginagamit sa karaniwang usapan at ginagamit sa pang araw-araw na pakikipag-
usap?
a. balbal b. lalawiganin c. kolokyal d. teknikal
2. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa hakbang sa pagsulat ng kuwento para sa Komiks?
a. huwag isipin kung ano ang kuwentong isasalaysay c. sa tulong ng frame, isalaysay ang buong kuwento.
b. gumawa ng sinopsis ng kuwento d. pagguhit ng bawat frame kasama ang illustration guide.
3. Ano ang tawag sa pang-uring naglalarawan o nagbibigay-katangian sa dalawang tao,bagay,lugar o pangyayari?
a. pang-uri b. pang-uring pahambing c. palamang d. pasahol
4. Ang mga salitang sing, kasing at magkasing ay nasa anong uri ng hambingan?
a.hambingang magkatulad b. hambingang di-magkatulad c. hambingang palamang d.pasahol
5. Anong antas ng wika ang ginagamit sa isang tiyak na disiplina o sitwasyon?
a. pampanitikan b. balbal c. kolokyal d. teknikal
6. Saang lugar sa Visayas nagmula ang Alamat ng Bundok kanlaon?
a. Iloilo b. panay c. Negros occidental d. silangang Visayas
7. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa elemento ngDula?
a. aktor b.tagadirehe c. kasukdulan d. tagpuan
8. Alin sa sumusunod ang mga elemento ng ng isang epiko?
a.tauhan b. tagpuan c. banghay d. lahat ng nabanggit
9. Maliit, alangan, mababa ang uri ng inihahambing sa pinaghahambingan.Anong uri ng pang-uring pahambing ang
tinutukoy dito?
a. hambingang palamang b. hambingang magkatulad c. hambingang pasaho d.pang-uri
10. Ang salitang “lespu” ay salitang nabibilang sa anong antas ngwika?
a.balbal b. teknikal c. kolokyal d. pampanitikan
11. Si Dennise ay kasinganda ni Joanna. Anong uri ng pang-uring pahambing ang may salungguhit sa pangungusap?
a.hambingang magkatulad b. hambingang di-magkatulad c. hambingang palamang d.pasahol
12. Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang Dula ay tinatawag na ______________.
a. tanghalan b. aktor c. manonood d. tagadirehe
13.Sino ang may akda ng Dulang “Patria Amanda”?
a. Teodor Gener b. Corazon de Jesus c. Efren Abueg d. Amando Osorio
14. Ang mga salitang at saka, o, ni, maging at subalit ay halimbawa ng _______________?
a. pangngalan b. pang-uri c. pangatnig d. panghalip
15. Si Juveline ay mas listo kaysa kay Edward. Anong uri ng hambingang di-magkatulad ang ginamit sa pangungusap?
a.hambingang magkatulad b. hambingang di-magkatulad c. hambingang palamang d.pasahol
16. Sa dulang “Patria Amanda”, kanino inaalay ng may akda ang nasabing Dula?
a. magulang b. kapatid c. kaibigan d. minamahal
17. Sa pangungusap na “ Walang kabuluhan ang Modernisasyon kung ang mamamayan ay di-nagpapahalaga sa
mahalagang kaugalian, mga kaugaliang naging pundasyon ng lipunan.” Ano ang pangatnig na ginamit sa
pangungusap?
a.walang b.kung c.mga d.na
18. Si Josephine ay nakapagtapos ng pag -aaral _____________ kanyang pagsusumikap. Anong pangatnig ang angkop
gamitin sa pangungusap?
a.tunay b. upang c. totoo d. dahil sa
19. Si Marco ay pumunta ng Maynila ______________ maitaguyod ang kanyang pamilya.
a. upang b. kung gayon c. totoo d. tunay
20. Ito ay inaawit na parang pasyon sapagkat itinuturing na isa sa pinakamatandang akdang pampanitikang Pilipino.
a. Patria Amanda b. Alamat ng Bundok Kanlaon c. Epiko ni Labaw Donggon d. Biskuwit

II. PAGPUNO SA PATLANG

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa kahon. Isulat sa patlang ang wastong sagot.
a.Iskrip g. Alamat
b.Pampanitikan h. Epiko
c.Hambingang di-magkatulad i. Hambingang
magkatulad
d.Bulong j.Banghay
e.Lalawiganin k. Sambotani
f. Awiting-bayan

________________________1 . Tawag sa isang matandang orasyon ng mga sinaunang tao sa Pilipinas.


________________________2. Wikang ginagamit sa isang rehiyon o isang lalawigan
________________________3. Akdang pampanitikan na pumapaksa sa pinagmulan ng isang bagay o pangyayari.
________________________4. Pinakamataas na antas ng wika na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akdang
pampanitikan
________________________5.Ito ay pasalitang pagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo
________________________6. Ang dalawang tao, bagay, lunan o pangyayaring pinaghahambingan ay di-magkatulad.
________________________7. Ito ang pinakakaluluwa ng isang Dula.
________________________8. Akdang pampanitikan na kung saan ang tauhan ay nagtataglay ng kapangyarihang
supernatural.
________________________9. Tawag sa awit sa pagtatagumpay sa isang pakikipaglaban
________________________10. Bahaging tumutukoy sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.

III. PAGTAPAT-TAPATIN

PANUTO: Piliin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot

Hanay A Hanay B

_______ 1. Ito ay awit panlansangan a. balbal

_______2. Isang epektibong babasahin sa ating bansa na b. frame


maituturing na anyo ng panitikang Pilipino
_______3. Dito nakalagay ang mga salitaan at illustrasyon na c. oyayi
kailangan ng tagaguhit.
_______4. Antas ng Wika na ginagamit sa lansangan d. dayalogo

_______5.Uri ng panitikan na kung saan nahahati ito sa ilang e. komiks


yugto na maraming tagpo
_______6. Katawagan sa awiting nagpapatulog ng sanggol f. dolayanin at Indolanin
_______7.ito ay kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang g. Labaw Donggon
salita,parirala, o sugnay na pinagsunud-sunod sa
pangungusap.
_______8. Ito ay isa sa epiko ng iloilo h. Tingad
_______9. Ito ang tawag sa ipinahahayag ng nagsasalita i. Dula
sa komiks
_______10. Awit sa pamamahinga mulasa maghapong j. pangatnig
pagtatrabaho.
k. Kundiman
IV. ESSAY

Panuto: Sumulat ng isang maikling pagsasalaysay tungkol sa di-malilimutang pangyayaring naganap sa iyong buhay.
Pagkatapos ay salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit sa pangungusap. Gamitin sa pagsulat ang likuran ng
papel. (10 puntos)

You might also like