You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Central Mindanao University


COLLEGE OF EDUCATION
CMU LABORATORY HIGH SCHOOL
University Town, Musuan, Maramag, Bukidnon

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8 (T.P. 2023-2024)

Pangkalahatang Panuto:

1. Basahin nang maiigi at sagutin ng maayos ang mga sumusunod na katanungan.


2. Itiman ng pabilog ang mga letra ng napiling sagot sa sagutang papel.
3. Gumamit ng sign pen o marker sa pagsagot sa sagutang papel.
4. Mahigpit na ipinababawal ang anumang pagbubura.
5. Rebyuhin nang maayos ang inyong mga sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig o linya.


a. Tula b. Taludtud c. Bilang d. Sukat
2. Ito ay uri ng tula na walang sukat at tugma na sinunusunod.
a. Haiku b. Saknong c. Tanaga d. Malayang Taludturan
3. Siya ay kilala sa pagiging makata at National Scientist of the Philippines noong 1985?
a. Marcelo H. Del Pilar c. Teodoro Agoncillo
b. Jose Corazon de Jesus d. Jose P. Rizal
4. Ito ay isang sining na nagtatampok ng masusing pagpili ng mga salita at pag-aayos ng
mga ito sa makatang paraan.
a. Tula b. Panitikan c. Lalawiganin d. Panulaan
5. Bakit pinamagatang “Republikang Basahan” ang tula?
a. Dahil hindi tunay ang pagkamit ng Kalayaan ng isang bansa.
b. Dahil iniwan ito ng Presidente ng Pilipinas.
c. Dahil mababa lamang ang tingin sa bansa.
d. Lahat ng nabanggit.
6. “Ang hakbang na papalapit sa bunganga ng libingan”. Ano ang kahulugan ng salitang
sinalungguhitan?
a. Kalayaan b. Karahasan c. Karangyaan d. Kamatayan
7. “Isang punyal sa dibdib mo, isang kislap ng patalim”. Ano ang kahulugan ng salitang
sinalungguhitan?
a. Kalayaan b. Karahasan c. Karangyaan d. Kamatayan
8. Ang mga sumusunod ay kasingkahulugan ng salitang “Kasarinlan” maliban sa.
a. Kalayaan b. Malaya c. Kahirapan d. Independensya
9. Sa iyong palagay ano ang mensahe ng tulang “Republikang Basahan” Ipinapahayag ng
may akda?
a. Inilarawan nya ang mga mamamayan sa bansa ng pagtataksil sa sarili at bayan.
b. Inilarawan nya ang mga mamamayan sa bayan na nagtataksil sa kapwa.
c. Inilarawan nya ang mga mamamayan sa bansa ng pagtataksil sa kalayaan.
d. Inilarawan nya ang mga mamamayan sa bayan ng pagtataksil sa karapatan.
10. Kung ikaw ang kabataan na pag-aasa ng bayan. Paano mo matutulungan ang bansa?
a. Sa pamamagitan ng paglilinis sa inyong bakuran .
b. Sa pamamagitan ng pagmamahal sa bayan.
c. Sa pamamagitan ng pagdarasal.
d. Lahat ng nabanggit.
11. Alin sa mga linya ng tula ang sumasalamin sa kasalukuyan problema ng bansa?
a. Lumakad ka, hilahin mo ang kadenang may kalansing.
b. Magsanay ka sa pagpukpok, sa pagpala at paghukay.
c. Sa simoy ng mga hangin sa parang at mga bundok.
d. Kalayaan! Republika! Kayo baga’y naulol!
12. Paano ipinapakita ng tula ang aplikasyon ng mga konsepto nito sa lipunan?
a. Sa pamamagitan ng mga simbolismo
b. Sa pamamagitan ng mga pormula
c. Sa pamamagitan ng mga eksperimento
d. Sa pamamagitan ng mga istatistika
13. “Purihin mo ang bayaning may dalisay na adhika, Ngunit huwag paparisan ang kanilang
gawi’t gawa”. Paano mo ito maisasabuhay ang mga linyang nabanggit.
a. Pagsunod sa kanilang adhikain.
b. Pagtiwalas sa kanilang adhikain.
c. Paggawa sa kanilang adhiak
14. Ano ang pangunahing layunin ng may-akda sa pagsulat ng tula na ito?
a. Magbigay-aliw sa mga mambabasa.
b. Magbigay-aral sa Lipunan
c. Mangutya ng sistema ng pamahalaan.
d. Magbigay-ginhawa sa mga mahihirap.
20. Ano ang ginagampanang papel ng guro sa sanaysay na “Pulot Boy”?
a. Tagapagturo ng Tennis
b. Tagapulot ng bola
c. Tagapagturo ng aral
d. Lahat ng nabanggit
21. Siya ay ginawaran ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.

a. Ferdinand Marcos c. Ferdinand Magelan

b. Ferdianand Pisigan Jarin d. Ferdinand Pisigan Jarin

22. Bakit tinawag siyang “Pulot Boy”?

a. Dahil namumulot siya ng basura c. Dahil namumulot siya ng pera

b. Dahil namumulot siya ng bola d. Lahat ng nabanggit

23. Bakit nagging paborito ng mga parokyano si “Pulot Boy”?


a. Dahil matalino siya c. Dahil magalang siya

b. Dahil madasalin siya d. Dahil maliksi siya

24. Kung ikaw si Pulot Boy mamumulot ka rin ba ng Tennis Balls? Bakit?

a. Oo, masayang mamulot ng bola. c. Oo, dahil nakakapaglaro ako.

b. Oo, upang may pambaon ako. d. Lahat ng nabanggit.

25. Kung ikaw si Pulot boy paano mo haharapin ang hamon ng buhay na kanyang kinaharap?

a. Sumuko b.magtago c. Umiyak d. Lumaban

26. Bilang mag-aaral, ano ang kahalagahan ng pagsusuri sa karanasan ni Pulot Boy sa
lipunang Pilipino?

a. Pagbibigay-halaga sa pamamahal c. Pagbibigay-halaga sa pagkakakilanlan

b. Pagbibigay-halaga sa pagtulog d. Pagbibigay-halaga sa pagtutulungan

27. Ang mga sumusunod ay kadalasang nararamdaman tuwing nagkakamali, maliban sa isa.

a. Nagsisisi b. Nasasaktan c. Nangungulila d. nadidismaya

28. Paano nakamit ni Pulot Boy ang kanyang mga pangarap sa kabila ng kanyang kahirapan?

a. Sa pamamagitan ng pagpulot ng mga basura

b. Sa pamamagitan ng pagiging makasarili

c. Sa pamamagitan ng pakikipag-away
d. Sa pamamagitan ng pagiging masipag

29. Paano naging instrumento si Pulot Boy sa pagbabago ng kanyang sarili at ng kanyang
komunidad?

a. Sa pamamagitan ng pagpulot ng mga basura

b. Sa pamamagitan ng pag-aaral at pagpupursige

c. Sa pamamagitan ng pakikipag-away

d. Sa pamamagitan ng pagmamahal

30. Ano ang tawag sa pinkamataas na paglalarawan?


a. Pasokdok b. Pasandal c. Pasukdal d. Pasukdol
31. Ito ay naglalarawan sa tao, bagay, lugar o pangyayari na walang pinaghahambingan.
a. Pasahol b. Lantay c. Palamang d. Palaman
32. Ang mga sumusunod ay mga salitang Pang-uri na pahambing, maliban sa isa.
a. Gaya b. Tulad c. Pareho d. Lalo
33. “Makinis ang kutis ni Ranje”. Anong antas ng pang-uri ang pangungusap?
a. Lantay b. Pasahol c. Palasol d. Palamang
34. “Higit na mayaman si Mikaela kaysa kay Sophia”. Ang katangiang pinaghahambing ay
____________.
a. Palamang b. Palasol c. Pasahol d. Palaman

35. “Tulad ng buwan, ako’y magsisilbi mong ilaw pagsapit ng gabi”. Anong antas ang salitang
may salungguhit?

a. Pahambang b. Pahaba c. Paghambing d. Pahambing

36. Kung ikaw ay magsusulat ng pahambing na hindi na magkatulad. Ano ang maari mong
gamiting mga salita?

a. sing-, kasing at parehas c. Napaka, pinaka at ubod ng

b. mas, lalo at di-gaano d. pareho, tulad at gaya

37. Kung ikaw ay magsusulat ng pahambing na magkatulad. Ano ang maari mong gamiting
mga salita?

a. sing-, kasing at parehas c. Napaka, pinaka at ubod ng

b. mas, lalo at di-gaano d. higit, mas labis at di-hamak

38. Kung ang salitang lalo, di-gaano, di-totoo ay pasahol na pahambing. Ano naman ang
palamang na pahambing?

a. lalo, di-gaano at di-lubha c. higit, mas labis at di-hamak

b. sing-, kasing at parehas d. Napaka, pinaka at ubod ng

PAGSUSURI
Para sa bilang 39-40, basahin ang pahayag sa ibaba at sagutan ang hinihingi sa bawat
bilang.

Isang araw nagtatalo ang dalawang magkakapatid kung sino ang mas maganda sa
dalawa. Sabi ni Joyce “Ako ang pinaka maganda sa ating dalawa.” Sumagot naman si Jhea
“Aba’y nakalimutan mo na di-gaano ka kaganda sabi ni Aling Rosa”. At dito na natahimik si
Joyce.
39. Sa pahayag sa itaas ang sinasaad ni Joyce sa kanyang kapatid na ““Ako ang pinaka
maganda sa ating dalawa.” Nagpapahiwatig ito ng anong antas ng pang-uri?

a. Lantay b. Pahambing c. Pasukdol d. Palamang

40. Sa pahayag sa itaas ang sinasaad ni Rhea sa kanyang kapatid na “Aba’y nakalimutan mo
na di-gaano ka kaganda sabi ni Aling Rosa.” Nagpapahiwatig ito ng anong katangian ng
pinaghahambingan?
a. Pasahol b. Pahambing c. Pasukdol d. Palamang

Para naman sa bilang 41-43 sagutan ang hinihingi sa bawat bilang.

41. “Magkasintangkad si Ailee at Methel. At pareho namang mayaman sina Jundy at Sheena.”
Nagpapahiwatig ng anong antas ng pang-uri ang pahayag?
a. Pasahol b. Pahambing c. Pasukdol d. Palamang

42. “Maganda ang kasuotan ni Princess Joy ngayong umaga”. Nagpapahiwatig ng anong antas
ng pang-uri ang pahayag?

a. Lantay b. Pahambing c. Pasukdol d. Palamang


43. “Walang kasingganda ang isla ng Siargao sa buong Pilipinas!” Nagpapahiwatig ng anong
antas ng pang-uri ang pahayag?
a. Lantay b. Pahambing c. Pasukdol d. Palamang
44. Ito ay nagsasabing ang kilos ay gagawin o mangyayari pa lamang.
a. Perpektibo b. Kompleto c. Kontemplatibo d. wala sa nabanggit
45. Alin sa mga sumusunod na pandiwa ang may aspektong perpektibo?
a. Tumatakbo b. Nagmahal c. Makakakita d. Nagluluto
46. Alin sa mga sumusunod na pandiwa ang may aspektong Imperpektibo?
a. Nagtratrabaho b. Magtatrabaho c. Trabahuhin d. nagtrabaho
47. Ano ang aspektong tinutukoy ng pandiwang "naglaba" sa pangungusap na "Kahapon ay
naglaba siya ng mga sapatos"?
a. Kontemplatibo b. Perpektibo c. Imperpektibo d. Neutral
48. Ano ang tamang pandiwa sa kontemplatibong aspekto para sa pangungusap na "Siya ay
____________ bukas ng bagong damit"?
a. Bumili b. Bumibili c. Bumilihan d. Bibili
49. Paano mo itataas sa kontemplatibong aspekto ang pandiwang "sulat"?
a. Isulat b. Sumulat c. Susulat d. Nasusulat

50. Alin sa mga pangungusap ang naglalarawan ng isang kilos na perpektibo?


a. Iniibig ko si Francine. c. Magsusulat palamang si Princess sa papel.
b. Nagsusulat si Princess sa papel. d. Nagsulat si Princess sa papel.

51. Alin sa mga pangungusap ang naglalarawan ng isang kilos na kontemplatibo?


a. Iniibig ko si Francine. c. Magsusulat palamang si Princess sa papel.
b. Ngayon nalang kita iibigin. d. Nagsusulat si Princess sa papel.

52. Paano mo mailalarawan ang aspektong itinutukoy ng pandiwang "kakain"?


a. Nangyayari na b. Nangyari na c. Mangyayari pa lang d. Nangyayari palagi

53. Alin sa mga pangungusap ang naglalarawan ng isang kilos na magaganap pa?
a. Iniibig ko si Keziah. b. Minahal ko si Freah.
c. Bukas nalang kita mamahalin Karl. d. Lahat ng nabanggit.

Para sa bilang 54-58. Ibigay ang mga aspekto ng pandiwa (perpektibo, imperpektibo at
kontempatibo)sa bawat salitang ugat.
54. Bura
A. Binura, Binubura, Buburahin
B. Binura, Magbura, Nagbubura
C. Burahan, Magbura, Buburahin
D. Binubura, Nagbubura, Magbubura
55. Pagod
A. Napagod, Pagod, Napapagod
B. Ñagpapagod, Papagurin,Magpapagod
C. Nagpagod, Pagod na pagod, Mapagod
D. Napagod, Napapagod, Mapapagod

56. Hiwalay
Hiniwalayan, Hiwalayin, Maghihiwalay
A. Naghiwalay, Hihiwalayan, Nagkahiwalay
B. Naghiwalay, Naghihiwalay, Maghihiwalay
C. Hiwalayan, Maghihiwalay, Hiwalay

57. Walis
A. Nagwalis, Nagwawalis, Magwawalis
B. Walisan, Winawalisan, Niwalisan
C. Magwalis, Nagwawalis, Winalisan
D. Walisin, Walisan, Magwawalis

58. Iyak
A. Mag-iiyak, Umiiyak, Nag-iiyakan
B. Umiiyak, Umiyak, Nag-iyak
C. Umiyak, Umiiyak, Iiyak
D. Mag-iyak, Nag-iiyak, Mag-iiyakan

Para sa bilang 59-60. Piliin ang mga pangugusap na nagpapakita ng perpektibong aspekto ng
pandiwa
59. A . Nilinlang lamang ni Alex si Olivia
B. Malilimutin si Jacquen
C. Maghahaponan ang pamilya sa labas
D. Nagkukulitan ang magkaibigang si Aeyesha, Claire at Belle
60. A. Payat ang mga alagang baboy.
B. Naglinis si Princess ng buong bakuran
C. Ipagluluto ko si Itay ng paborito niyang pagkain.
D. Nag-iibigan si Romeo at Juliet
61. Ang lilisanin,hihilain, at lilinlangin ay halimbawa ng anong aspekto ng pandiwa.
A. Imperpetibo
B. Kontemplatibo
C. Pandiwang Lantaran
D. Perpekto
62. Nanginginig sa takot si Ramil nang makita niya ang ahas. Anong aspekto ng pandiwa ang
salitang sinalungguhitan.
A. Lantaran
B. Payak
C. Impe
D. Perpektibo
63. Nanghilamos ng mukha si Jecyll bago matulog. Anong aspekto ng pandiwa ang salitang
sinalungguhitan.
A. Pandiwa
B. Perpektibo
C. Kontemplatibo
D. Wala sa nabanggit
Para sa bilang 64-57 Suriin at ibigay ang hinihingi.
64. Perpektibo
68. Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa pamamagitan ng
maayos na paghahanay ng mga pangyayari ayon sa pagkasunod-sunod ng mga ito.
A. Sanhi at Bunga
B. Pag-iisa-isa
C. Pagsusuri
D. Pagbibigay Halimbawa

69. Tinatalakay nito kung ano ang sanhi at dahilan at kung ano-ano ang bunga at kinalabasan.
A. Paghahambing at Pag-iiba
B. Pag-iisa-isa
C. Problema
D. Sanhi at Bunga
70. Ito ay ginagamit sa paghahambing ng pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng mga bagay-
bagay.
A. Paghahambing at Pag-iiba
B. Pagbibigay ng Halimbawa
C. Pagsusuri
D. Lahat ng nabanggit

71. Ano ang ibig sabihin ng “paglalahad” sa konteksto ng pagsulat?


A. Pagpapaliwanag, pagbibigay kaalaman at pagsusuri upang lubos a maipaunawa ant
diwang inilalayad.
B. Maging epektibo sa pagsasalaysay ng isang partikular na karanasan.
C. Dapat may mabigat na problema ang isasalaysay kapag nagsusulat.
D. Wala sa nabanggit.

Para sa bilang 74-78.


79. “Dahil sa patuloy na kawalan ng disiplina, hindi pagtupad sa mga alintuntunin ng DOH at
kawalang bahala sa sa paligid patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa ating bansa.”
Ang pahayag ay halimbawa ng anong estratehiya ng pagpapahayag ?
A. Sanhi at bunga
B. Pag-iisa-isa
C. Paglalahad
D. Pagtalakay ng problema at solusyon

80. Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19:
1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay.
2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.
3. Takpan ang iyong ubo at bahing.
4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo.
5. Manatili sa bahay kung ikaw ay masakit.
6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa paghinga, magpakonsulta agad-ngunit tawagan mo
muna ang health facility.
7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad.

Ang pahayag ay halimbawa ng anong estratehiya ng pagpapahayag?

A. Sanhi at bunga
B. Pag-iisa-isa
C. Paglalahad
D. Pagtalakay ng problema at solusyon
81. Ang mga nai-ulat na sakit ay sumasaklaw mula sa mga tao na may banayad ( mild) walang
mga sintomas hanggang mga taong nagkasakit ng malubha, na nangangailangag maospital, at
namamatay.
Ang pahayag ay halimbawa ng anong estratehiya ng pagpapahayag? How
A. Pag-iisa-isa
B. Pagtutulad
C. Pagtalakay ng problema at solusyon
D. Wala sa nabanggit

82. Ito ay tumutukoy sa kapamaraanan kung paano isinasaayos ang maikling kuwento?

a. Bahagi ng Maikling Kuwento c. Buod ng Maikling Kuwento

b. Bahay ng Maikling Kuwento d. Banghay ng Maikling Kuwento

83. Anong bahagi na ipinapakilala ang tauhan o magiging lulan ng kuwento?

a. Simula b.Wakas c. Kasukdulan d. Kakalasan

84. Ito ay tumutukoy sa unti-unti nang bumabahagi ang kuwento upang maihanda ang
pagtatapos nito?

a. Simula b.Wakas c. Kasukdulan d. Kakalasan

85. Ang pahayag na “Sinampal ni Rona si Tina, nagsabunutan ang dalawa at tila walang
makakapigil sa dalawa”. Anong bahagi ng banghay ng maikling kuwento ang pahayag na ito?

a. Simula b.Wakas c. Kasukdulan d. Kakalasan

86. Nawala ang pera ni Rosa sa daan na pinadala ito ng kanyang ina . Anong bahagi ng
banghay ang sinalungguhitan?

a. Simula b.Wakas c. Pataas na Aksiyon d. Kakalasan

87. Noong unang panahon sa bayan ng Musuan nakatira si Pedro. Anong bahagi ng banghay
ang pahayag na ito?

a. Simula b.Wakas c. Kasukdulan d. Kakalasan

88. Ang halimbawang “At namuhay ng mapayapa si Pedro at ang asawa”. Sa pahayag na ito ay
nagsasaad ng anong bahagi ng maikling kuwento?

a. Simula b.Wakas c. Kasukdulan d. Kakalasan

89. Sa iyong palagay anong bahagi ng banghay ang “Pinatawad ni Princess ang kanyang ina
na nag-iwan sa kanya noong sanggol palamang ito”?

a. Simula b.Wakas c. Kasukdulan d. Kakalasan

90. Kung ikaw susulat ng maikling kuwento ano ang una mong gagawin?

a. Magsusulat ng buod ng maikling kuwento c. Gagawa ng banghay ng maikling kuwento

b. Kukuha ng papel at panulat d. Uunahing isulat ang simula ng kuwento

Para sa bilang 91-95. Piliin ang tamang bahagi ng banghay ng maikling kuwento.

91. Sa bayan ng Maramag nakatira si Jhea at Joyce.

a. Simula b.Wakas c. Kasukdulan d. Kakalasan

92. Sabunotan, sampalan at hiwalayan!

a. Simula b.Wakas c. Kasukdulan d. Kakalasan

93. Niyakap, hagulhulan at pagtatawaran.

a. Simula b.Wakas c. Kasukdulan d. Kakalasan


Para sa bilang 94-98, basahin ang kuwento at pagbatayan ito sa mga hinihingi sa bawat
bilang.

Ang Magkapatid
Ni:Sine Komiks

Mga ulilang lubos ang magkapatid na sina Jose at Renato. Sa kanilang murang edad
natuto ang dalawang kumayod para mabuhay. Nagtatrabaho sila sa bukid na iniwan sa kanila
ng mga pumanaw nilang magulang. Dumating ang panahon na ang panganay na si Jose ay
ikinasal at biniyayaan ng dalawang anak. Habang si Renato ay wala pa sa kaniyang isip ang
magkaroon ng sariling pamilya katulad ng kanyang kuya Jose. Magkasama parin ang dalawa sa
pag-aasikaso ng kanilang palayan inaabot ng takip silim ang mga ito mula sa tratrabaho roon.
Pagdating ng hatian sa kanilang na aning palay ay pantay ang magkapatid.
Isang araw habang nagpapahinga si Renato sa ilalim ng puno ay napaisip ito parang
may mali “pantay kami sa hatian sa lahat ngunit mag-isa lamang ako sa buhay ngunit si kuya ay
may malaking pamilya nararapat lamang na malaki ito”. Kaya gabi-gabi niyang binibigyan
niyang binigyan ang kuya. Ngunit nagalit ang kapatid sa ginawa ni Renato para kase itong
natapakan ang kanyang pagkatao. Nagpalitan at nagbatohan sila ng mga masasakit na salita.
Pagdaan ng ilang araw ay napagtanto ni Jose na tama ang kanyang kapatid. Humingi siya ng
tawad sa kapatid at nagkapatawaran ang dalawa.

94. Alin sa sumusunod na pangungusap mula sa kuwento ang nagsasaad ng simula ng


kuwento?
a. Humingi siya ng tawad sa kapatid at nagkapatawaran ang dalawa.

a. Isang araw habang nagpapahinga si Renato sa ilalim ng puno ay napaisip ito parang
may mali.
b. Mga ulilang lubos ang magkapatid na sina Jose at Renato.
c. Ngunit nagalit ang kapatid sa ginawa ni Renato.

95. Alin sa sumusunod na pangungusap mula sa kuwento ang nagsasaad ng wakas ng


maikling kuwento?

a. Humingi siya ng tawad sa kapatid at nagkapatawaran ang dalawa.

b. Isang araw habang nagpapahinga si Renato sa ilalim ng puno ay napaisip ito parang
may mali.
c. Mga ulilang lubos ang magkapatid na sina Jose at Renato.
d. Ngunit nagalit ang kapatid sa ginawa ni Renato.

96. Alin sa sumusunod na pangungusap mula sa kuwento ang nagsasaad ng pataas na aksiyon
ng maikling kuwento?
a. Ngunit nagalit ang kapatid sa ginawa ni Renato para kase itong natapakan ang
kanyang pagkatao.
b. Isang araw habang nagpapahinga si Renato sa ilalim ng puno ay napaisip ito parang
may mali.
c. Mga ulilang lubos ang magkapatid na sina Jose at Renato.
d. Humingi siya ng tawad sa kapatid at nagkapatawaran ang dalawa.
97. Alin sa sumusunod na pangungusap mula sa kuwento ang nagsasaad ng kasukdulan ng
maikling kuwento?

a. Ngunit nagalit ang kapatid sa ginawa ni Renato para kase itong natapakan ang
kanyang pagkatao.
b. Isang araw habang nagpapahinga si Renato sa ilalim ng puno ay napaisip ito parang
may mali.
c. Mga ulilang lubos ang magkapatid na sina Jose at Renato.
d. Nagpalitan at nagbatohan sila ng mga masasakit na salita.

98. Alin sa sumusunod na pangungusap mula sa kuwento ang nagsasaad ng kakalasan ng


maikling kuwento?
a. Pagdaan ng ilang araw ay napagtanto ni Jose na tama ang kanyang kapatid.
b. Isang araw habang nagpapahinga si Renato sa ilalim ng puno ay napaisip ito parang
may mali.
c. Mga ulilang lubos ang magkapatid na sina Jose at Renato.
d. Nagpalitan at nagbatohan sila ng mga masasakit na salita.

Para sa bilang 99-100, basahin ang pahayag sa ibaba at sagutan ang hinihingi sa bawat
bilang.

Primo: “George, ano ba, ano ba ang problema?” George: “Oo, pagod na pagod na ako, pagod
na akong maglinis ng mga kalat, pagod na akong magtrabaho at pagod na pagod na akong
mahalin ka.”
Primo: Gusto mo bang tapusin ang lahat? George: “Umiiyak”!

99. Sa pahayag sa itaas ang sinasaad ni George ay isang halimbawa ng anong bahagi ng
banghay ng maikling kuwento?

a. Simula b.Wakas c. Kasukdulan d. Kakalasan

100. Sa pahayag ni Primo na “Gusto mo bang tapusin ang lahat? George: “Umiiyak”!? Ano ang
bahagi ng banghay ng maikling kuwento?

a. Simula b.Wakas c. Kasukdulan d. Kakalasan

You might also like