You are on page 1of 10

PANGWAKAS NA PAGTATAYA SA FILIPINO 9

P.T. 2021-2022

Pangalan:_________________________ Baitang at Seksyon:_______________________

Pangkalahatang Panuto: Basahin ang mga akda/ aytem at sagutin ang mga tanong.Piliin ang malaking titik ng tamang
sagot.at isulat sa sagutang papel.

Sa bahay, kung umuwi sa gabi ang amang pasigaw-sigaw at padabog –dabog,tiyak na walang pagkain,at ang
mga bata ay nagsisiksikan,takot na anumang ingay na gawa niya ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito
upang na suntok na dumapo sa kanyang mukha`

At noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang
trabaho,nadatnan niya si Mui Mui sa kanyang mahahabang halinhing.Walang ano-ano ang kamao ng ama ay
bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabilang kwarto.Pagkaraan ng dalawang araw si Mui
Mui ay namatay.

halaw sa kwentong ‘ Ang Ama Salin sa Filipino ni Mauro R.Avena

1.Ang sinalungguhitang pahayag na umakit sa malaking kamay nito sa unang talata ayon sa pahiwatig nito ay
nangangahulugang

A.bubuhatin sila ng ama

B.kakargahin sila ng ama

C.pakakainin sila ng ama

D.pagbubuhat sila ng kamay ng ama

2 Base sa mga piling pangyayari sa loob ng kahon, alin ang maituturing na tagpuan ng kwentong binasa?

A. gabi sa bahay

B. madaling araw sa bahay

C. tanghali sa lagarian

D. umaga sa lagarian

3. Saang bahagi ng banghay ng maikling kwento makikita ang ikalawang talata ?

A.panimula

B.papataas na aksyon

C.kasukdulan

D.pababang aksyon

Pag-isahin ang dalawang pangungusap sa ibaba, gamit ang mga sumusunod na pang-ugnay.

A.dahil

B.kaya

C. sapagkat

D.subalit

Sa panahon ng bagong normal, pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral 4._____siya ay nakakuha ng mataas na marka
5.___dito labis na natuwa ang kanyang mga magulang.

Dahil sa katagalan ng hindi pag-uwi, nakadama ang babae ng kalungkutan at pagkabagot, umibig siya sa lalaking
mas bata sa kanya.

halaw sa nobelang Isang Libo’t Isang Gabi


6. Anong uri ng tunggalian ang masasalamin sa bahagi ng akdang binasa

A.tao laban sa kalikasan

B.tao laban sa lipunan

C.tao laban sa tao

D.tao laban sa sarili

7. Ang pagkakasala ng babae sa kanyang asawa ay nagpapakita ng kalapastanganan sa sagradong relasyon bilang
mag-asawa. Ang pahayag na ito na kaugnay ng pangyayari sa nobela ay nagpapakita ng ___

A. kabutihan

B. kagandahan

C. kalutasan

D. katotohanan

8. Alin ang angkop na pahayag na nangangahulugang “Tayo ay may kanya-kanyang katangian at kakayahan”

A.”Ang bawat isa ay may pagkakabuklod-tangi”

B. ”Ang bawat tao ay may sariling pagpapasya”

C. ”Ang buhay ay sariling pagpili ng tao”

D. ”Ang tao ay may rasyonal na pag-iisip “

9. Sa iyong sariling opinyon, Alin sa mga sumusunod na isyung panlipunan na kinakaharap ng mga Pilipino ngayon
ang maituturing mong MAKATUWIRAN?

A. Dapat na paimbestigahan ng senado ang anomalya sa Social Amelioration Program.

B. Lahat ng manggagawang Pilipino ay sumailalim sa balik probinsya program

C. Ang mga kasapi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ang bibigyan lamang ng ayuda

D. Kulong agad ang sinumang mahuhuling walang face mask at face shield.

Ang kultura ay pinayayabong nang may halong sigla at tuwa

Nang maykasalong pagsubok at paghamon, Kulturang sinusuyod ng kapuri-puring ugali at marangal na kilos

Kulturang inihain ng pagsamba prusisyon, Kulturang sinasalamin ang paskot pistang bayan Kulturang

patuloy na sumisibol at ipinapupunla ng tradisyon

halaw sa tulang Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan,Regalo ng


kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan ni Pat V. Villafuerte

10. Ano ang nais ipakahulugan ng naka salungguhit sa una at ikatlong taludtod ng tula?

A.mabunga’t masaya ang ating kultura

B.marangal ang ating kultura


C.masalimuot ang ating kultura

D.masining ang ating kultura

11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng katotohanan

A. Ayon kay Santiago et al. (2000) ang kahirapan ng Pilipinas ay bunga ng katamaran ng mga Pilipino
B. Para sa maraming Pinoy, hindi na kailangan ang pagsusuot ng face shield

C. Para sa aking mabuting dumistansya ka muna sa maraming tao upangmaiwasan ang pagkalat ng
virus.
D. Sa aking palagay kailangang magpatingin kaagad sa doctor sa oras na tayo ay lagnatin.

Boy: Sasama kang magsisimba sa amin Tiyo Simon?

Tiyo Simon: Oo Boy,ang simbahan ay hindi masamang bagay,kaya huwag mong tatanggihan ang
pagsama sa iyo ng iyong mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi, ang pagkawala ng pananalig. Nangyari na
sa akin iyon at hindi ako naging maligaya.

halaw sa dulang Tiyo Simon ni NPS Toribio

12. Alin sa mga kulturang Pilipino ang inilarawan sa akda?

A.mahigpit na relasyon ng mag pamilya

B.pagkakaroon ng malaking pananalig sa Diyos

C.sabay –sabay na pagdarasal ng buong pamilya

D.sabay-sabay na pagsisimba ng buong pamilya

13.______ ni Boy ang pag-asa ni Tiyo Simon na ang bawat tao ay may karapatang magbago. Piliin ang angkop
na istruktura ng salita na makapag pagbuo sa kaisipan ng pangungusap.

A.binuhay

B.buhay

C.buhay na buhay

D.sumakabilang-buhay

Tanka Haiku

Payapa at tahimik Matandang sapa

Ang araw ng tagsibol Ang palaka’y tumalo

Maaliwalas Lumalagaslas

Bakit ang Cherry blossoms

Naging mabuway

mga siniping tula mula sa bansang Japan

14. Pinapaksa ng mga tulang ito mula sa bansang Japan ang tungkol sa ____

A.kalikasan

B.pagbabago

C.pag-ibig

D.pag-iisa

15. Paano hinati ang pantig ng bawat taludtod ng tulang Tanka sa itaas?
A.7-7-7-5-5
B.5-7-5-7-7
C.7-7-5-7-5
D.5-5-7-7-7
16. “Sino, siya? Gamit ang suprasegmental na hinto o antala Ano ang nais iparating ng pahayag?
A. Ipinakilala sa kanya ang kausap
B. Pinaninindigan na siya ang may gawa
C.Tinanong ang kanyang pangalan
D.Tinatanong kung siya talaga ang may gawa.
17. Sa panahon ngayon, napagtanto kong napakahalaga talaga ng buhay ng tao. Paano binibigkas ang salitang
naka salungguhit sa pangungusap base sa wastong diin?
A. BUhay
B. buHAY
C. BUHAY
D. buhay?

“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob? Tanong ng puno ng Pino Bakit ang mga dahon at
sanga naming ang kinuha niya upang mapainit ang inyong mga tahanan at maluto ang inyong mga pagkain?
Mga taon ang binibilang naming upang lumaki.Kapag kami ay malaki na pinuputol ninyo.Ginagamit nyo kami
sa pagpapatayo ng bahay at pagpapagawa ng inyong kasangkapan..At isa pa,tao rin ang humukay ng butas
na iyan..Utang na loob! Huwag ka nang magdalawang isip,Tigre,,Sige pawiin mo ang iyong gutom”
halaw sa akdang’ Ang Hatol ng Kuneho ( Korea ) isinalin sa Filipino ni Vilma C.Ambat

18. Bigyan ng hinuha kung ano ang damdaming ipinamalas ng tauhang nagsasalita sa teksto` S

A.naiinis

B.nag-aalala

C.nanunuya

D.nanunumbat
19. Kinakatawan ng puno ng Pino sa tunay na buhay ang____
A.kalawakan
B.kalikasan
C.mga insekto
D.mga tao
20. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng tekstong binasa?
A.Ito ay kwento ng kababalaghan
B.Ito ay kwento ng kabayanihan
C.Ito ay kwento na ang tauhan ay hayop na naglalarawan sa katangiang taglay ng tao
D.Ito ay kwento na ang tuon ay ang mga madulang pangyayari.
21. Alin sa mga sumusunod na salita ang may pinakamataas o pinakamasidhi ng antas ng damdamin?
A.paghanga
B.pagliyag
C.pagmamahal
D.pagsinta
22_____!.Mayroon ng bakuna para sa COVID-19. Gamitin ang angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin.na
nasa ibaba upang mabuo ang pahayag.
A. Aray !
B.Awwww!
C.Grabe!
D.Yehey!
Ngayon nagbago na ang tungkulin ng mga kababaihan, at ito ay nagiging komplikado. Sa bahay ng mga
Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing bahay, Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang
ginagawa niya,kung ano ang ginagawa ng mga kalalakihan halaw mula sa ‘Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at
Noong Nakalipas na 50 Taon:isinalin sa Filipino ni Sheila C.Molina
23 Ang kaisipang nakapaloob sa matalinong pagkukuro ng may-akda ay ang _____
A.Gawaing bahay lang ang kayang gampanin ng mga kababaihang Taiwanese
B.Higit na binibigyang -pansin ang kanilang pagtatrabaho ngayon
C.Mas naging mahirap ang kalagayan nila ngayon, dahil bukod sa pagtatrabaho, sa kanila nakaatang ang
gawaing bahay.
D. Tanging ang mga kababaihan sa Taiwan ang may karapatang magtrabaho

Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na
makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.

24. Lubos na naniniwala ang may –akda sa pagwawakas ng kanyang sanaysay na ___

A.Ipinagkaloob ang kalayaang inaasam ng mga kababaihan


B.Magkaroon sila ng karapatan na makapag-aral.
C.Ipinagkaloob ang karapatang makapagtrabaho.
d. Matatamasa ng tao (anuman ang kanyang kasarian) ang patas na paggalang at karapatan

25. Gustong lumaban ni Li Huiquan, pero wala siyang lakas,kaya nagpapanggap siyang tanga,umiiwas sa mga
nagmamasid at nagmamatyag. Ano ang imahe ng inilalarawan sa pangunahing tauhan sa kwento?

A.kahinaan ng loob

B.katatagan

C.kawalan ng tiwala sa sarili

D.pag-asa

Tagpo: Napadpad si Temujin sa isang dampa kung saan nakatira si Borte.


Temujin: Nais ko sana lang…(magkakandautal)sa…sanang ikaw ang babaeng mapapangasawa ko,
(mababa ang tono).
Borte: Siraulo ka ba? Niloloko mo ako no? Kabata-bata pa natin.
Temujin: Seryoso ako .Ano payag ka ba?
Borte: Ganon-ganon lamang ba iyon?
halaw sa dulang “Munting Pagsinta”ng Mongolia

26. Alin sa sumusunod ang angkop na lugar sa tanghalan ng bahaging ito ng dula?
A. sa bakuran nina Borte
B.sa dampa nina Borte
C.sa kagubatan
D.sa malayong pook

“Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating,samantalang maghapon kaming
nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw,bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming
upa “?Sumagot ang may-ari ng ubasan,” Kaibigan hindi kita dinadaya,Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang
salaping pilak?Wala ba akong karapatan gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan?Kayo ba ay naiinggit at
ako’y nama magandang loob sa iba?

At sinabi ni Jesus, ”Ang nahuhuli ay mauuna at ang nauuna ay mahuhuli” (Mateo 20:1-16) halaw sa
‘Ang Talinghaga tungkol sa May-Ari ng Ubasan

27. Base sa pagkakagamit sa teksto, ng salitang may-ari ng ubasan , ano ang espiritwal na
pagpapakahulugan nito?

A.amo

B. kapitalista

C.manidyer

D.Panginoon

28. Bigyan ng kahulugan ang ang salungguhitan pahayag sa huling bahagi ng teksto.

A. Ang nahuhuli, kadalasan ang unang umaalis.


B. Kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis.

C. Lahat ay may pantay-pantay sa karapatan

D. Mahalaga ang oras sa paggawa

29. Base sa paliwanag ng may –ari ng ubasan sa mga nagrereklamo, kung ikaw ang isa sa mga dumating na isang oras
lamang gumawa, ano ang gagawin mo?

A. hindi pakikinggan ang reklamo ng ibang kasama

B. ibibigay ang sobrang upa sa nagrereklamo

C. pababayaan lang ang nararapat na oras ng paggawa

D. tatanggapin ang ibinigay na upa.

30. Suriin ang naka salungguhit na pahayag sa unang bahagi ng teksto sa itaas. Ano ang sitwasyon sa tunay na buhay
ang maihahalintulad sa naging pahayag ng mga gumagawa sa may –ari ng ubasan.?

A.May mga manggagawa na may may magandang performance sa opisina na nabibigyan ng pagkilala.

B.May mga manggagawa sa isang opisina na nagrereklamo sa kanilang natatanggap na sahod

C. May trabahador na maagang pumasok at kinukumpara sa late na pumapasok

Hindi napapanahon!

Sa edad na dalawampu’t isa,isinugo ang buhay

Una sa dami ng aking kilala taglay ang di mabikas na pangarap

Di maipakita ang pagmamahal

At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok

Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga


halaw sa ‘Elehiya sa Kamatayan ni Kuya’ Isinalin sa Filipino ni Pat V.Villafuerte

31. Ang naka salungguhit na taludtod ay nagpapahiwatig ng-----

A.pag-alis ng walang paalam

B. pagdurusa sa pag-iisa

C. pagpanaw ng isang tao

D.pagtungo sa ibayong dagat

32. Anong damdamin ang lumutang sa naging pahayag ng persona sa tula?

A. kalungkutan

B. galit

C. kasiyahan

D. pagdaramdam

Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad,hindi nilagay kundi nilaglag,sapagkat ang
mga palad na nagbibigay ay nandidiri ng pandikit ng marurusing na palad na wari bang mga
kamay lamang na maninipis ang malinis..Dali-daling nilagay ni Adong ang mga barya sa
kanyang lukbutan. Nang biglang dumating si Bruno.

Adong ! Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag. Napahindik si Adong.ang basag na


tinig ay naghati sa kanya ng lagim.Ibig niyang tumakbo.Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang
paglayo.Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang
bisig,niluluray ang munting lakas na nagkaroon ng kapangyarihang naghimagsik laban sa
gutom,sa pangamba at kabangisan, Bitawan mo ako Bruno! Bitawan mo ako!
halaw sa Maikling Kwentong ‘Mabangis na Lungsod ni Efren Reyes Abueg

33. Tukuyin kung anong uri ng tunggalian mayroon ang kwento base sa naging sitwasyon ng pangunahing tauhan?

A. tao laban sa kalikasan

B. tao laban sa lipunan

C. tao laban sa sarili

D. tao laban sa tao

34. Alin sa mga pangyayaring naganap sa tauhan na totoong pangyayari sa kasalukuyan?

A. natutong lumaban bagamat hindi kaya ng katawan

B. natutong lumaban sa kahirapan ng buhay

C. sa namamalimos patuloy na tinanggap ang pag mamata ng lipunan

D.lahat ng nabanggit
35. Pawang magaganda at masisipag ang mga pamangkin ko. Ang salitang pamangkin mula sa mga salitang
____

A. para namang akin

B. para namang iyo

C. para naman sa iyo

D. para namang tayo

36. Ang mga Pilipino ay magiliw sa pagtanggap sa mga bisita ng dinarayo sa ating bansa. Ang pariralang naka
salungguhit ay halimbaw ang ___

A. gawi

B. karakter

C. kilos

D. pananaw

37. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagpapakita ng di makatotohanang pangyayari

A.Isang araw nakita ni Prahnbun ang pitong kinnaree kalahati tao, kalahating sisne) na masayang
nagtatampisaw sa ilog.

B.Agad –agad siyang naakit sa kagandahan ni Prinsesa Manorah

C.Naisip niya kung mahuhuli niya ang prinsesa, dadalhin niya ito kay Prinsipe Suton

D.Tiyak na matutuwa ang prinsipe at tuluyang mapapaibig ito sa prinsesa.

38. Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah. Ang naka salungguhit na pang-abay ay nasa
uring___.

A. pamanahon
B. pamaraan

C. panlunan

D. pang-ugnay

39. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang na layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng nobelang NOli Me Tangere?

A.mahikayat ang mga kabataan na maging bukas ang isip sa mga pangyayari sa pamahalaan ngayon

B.maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na ginagawang dahilan o sangkalan sa paggawa ng masama

C.maisulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay, mga karaingan at kalungkutan

D.matugunan ang paninirang puri ng ipinahayag ng mga kastila sa mga Pilipino at sa bansa.
40. Ano ang maaring pagpapaliwanag sa isa sa mga kondisyong panlipunan sa ating bansa bago isulat ni Rizal ang
nobela :’kawalan ng kalayaan sa pananalita at panulat’?

A.Hindi maaring magsulat o magsalita ang mga Pilipino.

B.Limitado ang kalayaang kumilos ng mga Pilipino

C. May busal ang bibig at putol ang kamay ng mga Pilipino.

D.Walang karapatan ang mga Pilipino na magbahagi ng kanyang saloobin.

41. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto sa mga Pilipino nang mabuo ang NOLI Me Tangere?

A.Binigyang-linaw ang isip ng mga Pilipino sa mga pang-aalipin ng mga kastila.

B.Nakatulong ito upang imulat ang mata ng mga Pilipino na lumaban sa kastila.

C.Naging instrumento ito upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan.

D.Nagkaroon ng pag-ibig sa bansa ang mga Pilipino.

42.”Mamamatay ako na ‘di makikita ang pagbubukang liwayway sa aking bayan ! Kayong makamamalas sa
kaniya,batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang mga nangabulid sa dilim ng gabi.”Ang kontekstuwal na pahiwatig ng
‘ang pagbubukang liwayway sa aking bayan’ ay_____

A. kakayahan ng bayan

B. kalayaan ng bayan

C. kinabukasan ng bayan

D. kinabukasan ng bayan

43. Gamitin ang angkop na ekspresyon ng pagpapatunay upang mabuo ang pahayag.

___________sabay na natapos ni Rizal ang medisina at pilosopiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at Universidad
Central de Madrid.

A. Ayon sa nabasa kong datos

B. Batay sa

C. Pinatunayan ng

D.Tinutukoy sa

44. Habang naglalakad si Maria Clara patungo sa liwasang bayan,nakita niya ang ketongin. Mabilis na lumapit ang
dalaga, inihulog sa bakol ng ketongin ang relikaryong ginto na binili pa ng kanyang ama sa ibang bansa. Alin sa mga
sumusunod na salitang naglalarawan na angkop gamitin upang mailarawan ang pangunahing tauhan?

A. maaasahan

B. maawain
C. magiliw

D. matiisin

45. Paano pinatunayan ni Elias ang kanyang kahalagahan sa buhay ni Crisostomo Ibarra?

A. Naging kakampi siya ng mga tulisan.

B. Naging tagapagligtas siya ni Ibarra sa sa tiyak na kamatayan.

C. Naging tagapagtanggol ni Ibarra kay Ma.Clara. bata pa, gayon din nang bago umalis si Ibarra upang mag-aral
sa Europa. Ano ang masasalamin sa tagpong ito?

D. Nanatiling kaibigan ni Ibarra.

46. Nagtungo si Ibarra at Ma.Clara sa asotea at doon masaya nilang binalikan ang mga alaala noong sila ay

A. Hindi na dapat balikan ang nakaraan.

B. Kahanga-hanga ang pagdalaw ng binatang si Ibarra.

C. Masayang balikan ang mga nakaraang alaala at pag-iibigan.

D. Walang nagbago sa pakikitungo nila sa isa’t isa.

47. Petmalu talaga ang lodi kong si Vice Ganda? Ang petmalu at lodi ay mga salitang ___

A.balbal
B.kolokyal
C.lalawiganin
D.pampanitikan

48. Alin sa sumusunod na mga halimbawa ang salitang nabibilang sa antas na wikang pampanitikan?

A.balay
B.kelan
C.mabulaklak ang dila
D.yosi

49. inisiyasat ng abogado ang magkabilang panig sa mga katibayang ipinakikita at humihiling ng desisyong favor para
sa kanila. Sa pagsulat ng iskrip ng mock trial ito ay nasa hakbang / nilalaman na ______

A.pagtimbang sa kaso ng akosado


B.pag-uusig sa kasSo ng akusado
C.pagtatapos na pahayag
D.pambungad na pahayag
50. “Tunay po na hindi ako maaring umibig ni lumigaya sa sariling bayan, ngunit nakahanda akong magtiis at mamatay
ditto.Hangad ko na ang lahat ng Inang Bayan ay maging kasawian ko rin“ (Elias ). Ang naging pahayag o ekspresyon
ng nagsasalita ay nagpapahiwatig ng kanyang______
A. emosyon
B. matibay na paninindigan
C.sariling pagpapaliwanag
D. sariling pananaw

You might also like