You are on page 1of 2

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon Blg. VIII


Dibisyon ng Ormoc
MATICA-A NATIONAL HIGH SHOOL
Brgy. Matica-a, Ormoc City

SECOND QUARTER TEST IN FILIPINO 9

Pangalan: Seksyon: Iskor:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay tawag sa anyo ng tula ng mga hapon na ang ibig sabihin ay maikling awitin.
a. tanka b. haiku c. soneto d. tula
2. Ang haiku ay binubuo ng taludtod
a. 3 taludtod b. 5 taludtod c. 31 taludtod d. 17 taludtod
3. Ang tanka ay binubuo ng na pantig.
a. 3 pantig b. 5 pantig c. 31 pantig d. 17 pantig
4. Ito ay tawag sa anyo ng tula ng mga hapon na binubuo ng labimpitong pantig.
a. tanka b. haiku c. soneto d. tula
5. Ang karaniwang paksa ng tanka ay .
a. pag-ibig, kalikasan c. pag-ibig, pag-iisa
b. pag-ibig, pagbabago, pag-iisa d. pag-ibig, kalikasan, pag-iisa

Para sa bilang 6-9: Tukuyin ang damdaming nangingibabaw sa tauhan sa diyalogo.


6. Myrna: “Halika na bilisan mo at aalis na tayo!” Beth: “Hindi na lang ako tutuloy. Mukhang ayaw
ninyo naman akong kasama.”
A. pagtatampo B. pagmamalasakit C. paghanga D. pagkahiya
7. Ina: “Ang lakas ng ulan at hindi pa nakakauwi ang iyong mga anak.” Ama: “Oo nga, wala pa
namang dalang mga payong ang mga iyon.”
A. pagkatuwa C. pag-aalala
B. pagsisisi D. pagkatakot
8. Ate: “Bakit mo pinuno ng sulat ang aking proyekto? Di ba sinabi kong huwag mong pakialaman
ito?” Bunso: “Akala ko kasi ate hindi mo na gagamitin.”
A. pagkagalit C. pagkatuwa
B. pagmamalasakit D. paghanga
9. Mario: “Alam mo bang ikaw ang nakakuha ng pinakamataas na marka?” Allan: “Talaga? Yehey!
Nagbunga din ang aking pag-aaral kagabi.”
A. pagkatuwa C. pagtatampo
B. pagsisisi D. pag-aalala
10. Manunulat sa pahayagang pampaaralan si Lydia. Nakita niya ang kakulangan ng kaalaman ng mga
kaklase niya sa tamang paraan ng paghuhugas ng kamay. Ano ang maaaring layunin niya kung
susulat siya tungkol dito? Ipaliwanag kung bakit.
A. magturo dahil hindi nila alam ang tamang paraan ng paghuhugas
B. magpupuri dahil sa kahanga-hangang layunin ni Lydia
C. manghikayat upang malaman ng lahat ang tamang paraan
D. manuligsa dahil hindi nila alam ang tamang paraan ng paghuhugas
11. Ano ang sining ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa
harap ng tagapakinig?
A. argumento B. talumpati C. impromptu D. anekdota
12. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng positibong paninindigan?
A. Hayaang ang pamahalaan ang maghanap ng solusyon sa kinakaharap na suliranin.
B. Huwag sundin ang sinasabi ng nasa panunungkulan dahil wala silang
C. pakialam sa iyo, buhay mo iyan.
D. Hindi natin makakayang gawin ang simpleng bagay tulad ng pagtitipid ng kuryente at tubig dahil
mga bata pa tayo.
E. Sa puntong ito, dapat tayong magtulong-tulong sa paglutas sa suliranin sa basura.
13. Anong elemento ng maikling kuwento ang nais bigyang-pansin sa bahaging ito?
Natatanaw ko ang aking sarili sa isang masusukal at tahimik na kapaligiran. Tanging huni ng ibon
lamang ang maririnig at paspas ng hangin. Isang maliit na bahay na giray na giray na yari sa
kawayan ang makikita sa di-kalayuan.
A. tagpuan B. banghay C.tauhan D. kasukdulan
14. Ang krisis ay may simula, ________ may katapusan kaya hanapin ang pinakamaikling landas sa
pagitan ng simula at katapusan nito. Alin sa sumusunod ang angkop na pangatnig upang mabuo ang
diwa ng pangungusap?
A. dahil sa B. datapwat C. at D. samantala
15. Anong bahagi ng kuwento ang tumutukoy sa kapana-panabik na pangyayari sa kuwento?
A. panimula B. kasukdulan C. suliranin D. waka
16. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang HINDI gumagamit ng transitional devices?
A. Maaabot din niya ang kanyang pangarap.
B. Sa wakas, nakatapos din siya ng pag-aaral.
C. Sa pagkakataong ito, ako na ang masusunod.
D. Nakatanggap sila ng award dahil sa pagtutulungan.
17. “Gustong lumaban ni Rigor ngunit wala siyang lakas kaya nagpanggap na lamang siyang tanga.”
Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
A. duwag B. mahina ang loob C. matapang D. takot
18. “Nakabilanggo pa rin ang kanyang isip at damdamin kahit siya ay nakalaya na mula sa ilang taong
pagkabilanggo.” Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na ito?
A. Naalala niya ang kanyang mga kasama sa bilangguan.
B. Hindi pa rin siya nakalabas mula sa bilangguan.
C. Iniisip niya ang mga naiwan sa loob ng bilangguan.
D. Lagi niyang naalala ang mga karanasan sa loob ng bilangguan
19. Ano ang tawag sa katumbas ng “salaysay” o pagsasaayos ng dula ng mandudula o “playwright”?
A. banghay B. paksa C. kilos D. tanghal
20. Ano ang tawag sa pinakaluluwa ng isang dula?
A. tauhan B. iskrip C. manonood D. entablado
21. Batay sa sanaysay na pinamagatang “Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang 50
Taon”, ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon _____ kanilang mababang kalagayan sa
tahanan.
A. sapagkat sa B. palibhasa C. dahil D. maging
22. Aling damdamin ang ipinakita sa pangungusap na ito: “Pasensya na! pero ayaw kong makisali sa
gawaing masama!”
A. galit B. umaasa C. masaya D. pagtanggi
23. Alin sa mga sumusunod ang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin?
A. inaakala kong mas C. gusto mong sumang-ayon
B. sa aking palagay D. kaawa- awang bata
24. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag na “Hindi siya ang kaibigan ko.”
A. Hindi, siya ang kaibigan ko. C. Hindi siya ang kaibigan ko
B. Ako, hindi siya ang iyong kaibigan. D. Hindi, ako ang kaibigan mo
25. Nais sanang tulungan ng lalaki ang tigre subalit nangibabaw ang kaniyang pangamba.
A. pag-aalinlangan B. takot C. pagdadalawang-isip D. hinala

Inihanda ni:
Carlene Ann B. Gubalane

You might also like