You are on page 1of 6

AURORA NATIONAL HIGH SCHOOL

Aurora, Prosperidad, Agusan del Sur

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 7


Ika-29-30 ng Oktubre, 2019

Pangalan:_________________________________________________Taon at Seksyon:__________________

1.Ito ay tinatawag ding kantahing bayan ay isa sa mga sinaunang awitin ng mga sinaunang Pilipino.
a.Alamat b.Awiting Bayan c.Epiko d.Tula
2. Awiting bayan ukol sa awit sa pag-ibig. Ito ay ginagamit noong unang panahong nanliligaw ang mga binata sa pamamagitan ng
harana. umaawit sila ng punung-puno ng pag-ibig at pangarap.
a.Dalit b.Kumintang c.Kundiman d.Talindaw
3. _________ ay isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o pasasalamat, karaniwang para sa Diyos, sapagkat nagpapakita,
nagpaparating o nagpapadama ng pagdakila at pagsamba..
a.Dalit b.Diona c.Dung-aw d.Ogasyon
4.Ito ay awitin sa pagpapatulog ng bata.
a.Talindaw b. Suliranin c.Oyayi d.Dung-aw
5.Ito ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng Pilipinas
a.Awiting Bayan b.Bulong c.Kasabihan d.Tula
6. Ang awiting bayan ay isa sa mga tumatak at di malilimutang kanta na mapagsa hanggang ngayon ay sikat pa rin. Alin ang HINDI
kasali sa awitin?
a.Dandansoy b.Leron, Leton Sinta c.Pagsubok d.Sitsiritsit
7.Napag-alaman ng ama ni Shiela na nagdadalang-tao siya.
a.pambansa b.panitikan c.kolokyal d.balbal
8.Si Cardo Dalisay ang lodi ni Ben dahil sa ipinapakitang tapang nito.
a.pambansa b.panitikan c.kolokyal d.balbal
9..Kelan kaya nya ipapabunot ang ipin nya. Anong antas ng wika ang pahayag?
a.balbal b.kolokyal c.lalawiganin d.pambansa
10.”Tabi tabi po” ay isang halimbawa ng _______________.
a.Alamat b.Awiting Bayan c.Bulong d.Epiko
11. Ang gamit ng bulong nang mga matatanda ay ang sumusunod maliban sa __________________.
a.Pagbibigay galang ng mga nakapaligid na espirito.
b.Ginagamit sa panggagamot.
c.Ginagamit pansumpa ng mga masamang hangin at mga espirito.
d.Lahat ay tamang sagot.
12.________ay isang uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Kung minsan
nagsasalaysay ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook.
a.Alamat b.Awiting Bayan c.Epiko d.Pabula
13. Ang alamat ay kadalasang mga kathang-isip na nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno.Ito ay umatalakay sa mga sumusunod
MALIBAN sa___________
a.katutubong kultura b.kaugalian c.kapaligiran d.kasamaan
14. Ang alamat ay pinangkat sa limang bahagi. Ito ay ang alamat ng mga bulaklak, gulay, hayop, lugar at prutas.Alin ang hindi
pangkat ng alamat?
a.ampalaya b.rosas c.sampagita d.waling-waling
15.Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa. Anong elemento ng alamat ang
tinutukoy?
a.kakalasan b.kasukdulan c.Tauhan d.tagpuan
16.Anong iniwang aral ang makukuha sa alamat ng Pinya.
a.Gamitin ang mata sa paghahanap ng gamit at hindi ang tenga.
b.Gamitin ang bibig sa paghahanap ng gamit at hindi ang tenga. p
c.Gamitin ang mata sa paghahanap ng gamit at hindi ang bibig.
d.lahay ay tamang sagot.
17.Ang pinakaluluwa ng isang dula.
a.aktor b.direktor c.iskrip d.manonood
18.Elemento ng dula na sumasaksi sa isang pagtatanghal.
a.aktor b.direktor c.iskrip d.manonood
19.Ang nagpapakahulugan sa isang iskrip at nag-iinterpret mula sa pagpasya sa tagpuan ng kasuotan hanggang sa paraan ng
pagpanggap at pagbigkas ng mga tauhan.
a.aktor b.direktor c.iskrip d.manonood
20.Ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
a.eksena b.manonood c.tagpo d.tanghalan
21.Isang kwento na itinatanghal sa entablado.
a.Tula b.pabula c.dula d.alamat
22.Alin ang HINDI elemeto ng dula?
a.tanghalan b.manonood c.deriktor d.banghay
23.Ang nagbibigay ng kani-kanyang feedback tungkol sa napanood sa isang dula
a.aktor b.direktor c.iskrip d.manonood
24.Kung ang maikling kwento ay binabasa, ang dula naman ay____________.
a.Sinusulat b.inilalahad c.ibinabalita d.itinatanghal
25.Anong sangkap ng kwento ang naglalarawan sa lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente, gayundin ang panahon kung
kailan ito nangyari.
a.kakalasan b.kasukdulan c.tagpuan d.tunggalian
26. Uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway.
a.awiting bayan b.epiko c.tula d.pabula
27.Ano ang naging unang sandata ni Aliguyon?
a.trumpo b.sibat c.pana d.baril
28.Ang ama ni Aliguyon na siyang naging guro sa pakikidigma.
a.Amtalan b.Bugan c.Dinoyagan d.Pangawian
29.Ang kapatid ni Dinoyagan na babae.
a.Aliguyon b.Amtalan c.Bugan d.Pangawian
30.Ang mortal na kaaway ng ama ni Aliguyon.
a.Amtalan b.Bugan c.Dinoyagan d.Pangawian
31.Saan naglalaban ang parehong magaling na mandirigmang sina Aliguyon at Dinoyagan?
a.ilog b.kabundukan c.kapatagan d.palayan
32.Alin ang HINDI katangian ng isang epiko?
a. May mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
b. Ang mga tauhan ay may kapangyarian na di kapanipaniwala.
c. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagilagilalas na mga pangyayari.
d.Tumatalakay sa mga kasalukuyang bayani ng bansa.
33-37.Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari gamit ang a,b,c,d,e.(becad)
___33. Isang beses ay nagtungo siya sa tabi ng dagat upang hintayin ang kanyang ama ngunit nahalina siya sa tunog ng naggigitara at
pinuntahan niya ito. Nagulat siya dahil kamukha niya ang lalaking tumutugtog.
___34. Nabigla ang mga magulang ni Celso sa kaniyang ginawa. Labis na nasaktan si Celso ng kanyang ama. Ngunit sa huli ay niyakap
na lang niya si Celso bilang tanda ng pagtanggap.
___35. Dumating ang kanyang ama at naabutan siya nitong nasa lugar na ipinagbabawal, nanlilisik ang mga mata ng ama ni Celso at
siya ay napagbuhatan ng kamay.
___36. Binabagabag si Celso ng mga katanungan niya sa buhay tungkol sa palaging pag-aaway ng kanyang mga magulang, lalo ang
pag-iyak ng kanyang ina at ang lambat na ng kanyang ama. __37. Umuwi si Celso, humarap sa salamin, doon niya napagtanto ang
lahat ng gumugulo sa kanyang isip. Kumuha siya ng itak at pinagtataga ang lambat ng kanyang ama.
38.Paksang-diwang binibigyan ng diin sa kwento sa kwento.
a.tema b.paksa c.pananaw d.damdamin
39.Nagbibigay kulay sa mga pangyayari.
a.tema b.paksa c.pananaw d.damdamin
40.Kung ikaw si Celso, ano ang mararamdaman mo kung nalaman mong anak ka sa labas?
a.Maglayas at di nkilalaning ang pamilya c.Tatanggapin ang katotohanan at magpatuloy sa buhay.
b.Magrerebelde d.Magtatago at di na magpapakita pa.
41.Parehong nagwagi sa patimpalak sa kanikanilang larangan sina Jed at Bea.
a.lantay b.magkatulad c.palamang d.pasahol
42.Si Lea ang pinakamataba sa kanilang pamilya.
a.lantay b.magkatulad c.palamang d.pasahol
43.Mas maganda ang gawang proyekto ni James kaysa kay Berto.
a.lantay b.magkatulad c.palamang d.pasahol
44.Nalaman niya ang kahalagahan ng edukasyon ______________ huli na para siya bumawi.
a.pero b.subalit c.talaga d.totoo
45.mabait siya _________ istrikto.
a.pero b.subalit c.talaga d.totoo
46-48. Punan ng wastong pang-ugnay ang patlang upang mabuo ang talata. (a.una b.pangalawa c.pagkatapos d.huli)
Sa pagluto ng itlog,(46.) _______ , ilagay ang itlog sa kaserola,(47.) __________, lagyan ng tubig.9(48.) ___________ ilagay sa nag-
aapoy na kalan at hintaying maluto sa loob ng 10 minuto upang maluto ito.

49-50. (a.isang araw b.samantala c.bagamat d.tunay)


Noong unang panahon, may naninirahan prinsesa sa malayong kaharian ng Bernastilyo. Siya si Prinsesa Sofia anak ni Haring
Sornji at Reyna Sofy.
________________(49.)habang namasyal sa tabing ilog ang prisesa, may nakaagaw sa kanyang atensyon, ang makukulay na
mga paru-paro. ________________ (50.)abala sa loob ng palasyo ang lahat upang sorpresahin ang prinsesa sa darating na ikalanin-
anim na kaarawan nito. Hindi ipinaalam ng palasyo ang gagawing pagdiriwang.

AURORA NATIONAL HIGH SCHOOL


Aurora, Prosperidad, Agusan del Sur

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 8


Ika-29-30 ng Oktubre, 2019

Pangalan:_________________________________________________Taon at Seksyon:__________________

1..Isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa
pananlitang may angking aliw-iw.
a.Tula b.Sanaysay c.Dula d.Dagli
2.Ito ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod)
a.tugma b.sukat c.saknong d.kariktan
3.Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng
huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog.
a.tugma b.sukat c.saknong d.kariktan
4. Ito’y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula
a.talinghaga b.sukat c.saknong d.kariktan
5.Isang tula na isinulat ng walang sinusunod na patakaran kung hindi ang anUmang naisin ng sumusulat22. Ito ay isang anyo ng tula
na may sukat,tugma at mga salitang may malalim na kahulugan.
a.Malayang Taludturan b.Tradisyunal c.Kontemporaryo d.wala sa nabanggit
6.Ang maikling tula na galing sa Hapon na may 575 na pantig bawat taludtod.
a.Tanka b.Tanaga c.Soneto d.Haiku
7.Ang Haiku ay may kabuuang _____________ pantig.
a.21 b.19 c.17 d.15
8.Ilang taludtod meron ang Haiku?
a.6 b.5 c.4 d.3
9.Ang kadalasang paksa ng tulang Haiku ay _______________.
a.pakikipagsapalaran ng tao c.pakikipagtungggali ng mga bayani laban sa mananakop.
b.tungkol sa nakikita sa paligid d.walang tamang sagot
10-16.Pagsang-ayon at Pagsalungat
a.Pagsang-ayon b.Pagsalungat
10.Lubos akong nanalig sa sinabi mong maganda ang buhay dito sa mundo.
11.Ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda ang buhay ngayon sa noon.
12.Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa mundo.
13.Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay. Huwag natin silang tularan.
14.Maling-mali ang kanyang tinuran . Wlaang katotohanan ang pahayag na iyan.
15.Kaisa ako sa lahat sa mga pagbabagong nais nilang mangyari sa mundo.
16.Hindi ko matanggap ang mga pagbabagong magdudulot ng kasiraan sa ating pag-uugali at kultura.
17.Ang may-akda ng Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan
a.Alejandro G. Abadilla b.Jose Corazon de Jesus c.Florentino Collantes d.b at c
18.Ang unang gumawa ng Balagtasan ay sina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes dahil sa iniidolo nilang si ________.
a.Narciso G. Reyes b.Teodoro Gener c.Gonzalo Flores d.Francisco Baltazar
19.Ano ang pamantayan sa paggawa ng balagtasan.
a.may apat na linya c.may 12 pantig bawat linya
b.magkatugma ang 4 na linya d.lahat ay tamang sagot
20. Ito ay isang anyo ng dulang musikal na unang umunlad sa Espanya noong ika-17 siglo. Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na
sinamahan ng mga sayaw at tugtugin.
a.Balagtasan b.Maikling Kwento c.Sanaysay d.Sarswela
21..Ang pinakaluluwa ng isang dula.
a.aktor b.direktor c.iskrip d.manonood
22. Siya ay kilala bilang Lola Basyang, at itinuturing na ama ng Sarsuwelang Tagalog.
a Severino Reyes b.Hermogenes Ilagan c.Juan Abad d.Juan Crisostomo Sotto
23. Ang may-akda sa dulang Ang Sinag sa Karimlan.
a Severino Reyes b.Hermogenes Ilagan c.Juan Abad d.Dionisio S. Salzar
24.Siya ang binatang nabilanggo na isinisi sa ama ang kanyang masamang kapalaran.
a.Bok b.Doming c.Ernan d.Tony
25.Kung ikaw si Tony, isisi mo ba sa iyong ama ang masaklap na nangyari sa iyong buhay?
a.Hindi,dahil ako ang may hawak ng desisyon sa aking buhay.
b.Hindi, dahil nasa tao ang pagpili kung anong tatahakin landas.
c.Oo, dahil iresponsable siyang ama.
d.Lahat ay tamang sagot.
26.Ang sanaysay ay katumbas ng essay sa ingles na galing sa dalawang salita na sanay at ____________.
a.saysay b.salita c.sugnay d.salaysay
27.Ito ay isang uri ng sulatin na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng nagsulat nito.
a.Dula b.Nobela c.Mitolohiya d.Sanaysay
28.Uri ng sanaysay na may maayos na pagkakasunud-sunod at gumagamit ito ng mga salitang akma sa paksa. Ito ay batay sa
pananaliksik at pag-aaral.
a.Paglalahad b.Pagsalaysay c.Pormal d.Impormal
29.Bahagi ngsanaysay ang pinakamahalaga dahil kinukuha nito ang atensyon ng mga mambabasa. Dito nagbibigay ng ideya ang
may-akda tungkol sa paksa ng sanaysay.
a.Simula b.Katawan c.Wakas d.Pananaw
30.Dito naman sinasalaysay ang mga mahahalagang ideya tungkol sa paksa. Dito nagbibigay ng paliwanag o halimbawa ukol sa
paksa.
a.Simula b.Katawan c.Wakas d.Pananaw
31. Alina ng HINDI nagpakahulugan ng Sanaysay?
a.Ang sanaysay ay galing sa dalawang salita na sanay at salita.
b.Ang sanaysay ay katumbas ng essay sa Ingles.
c.Ang sanaysay ay nagsalaysay tungkol sa isang paksa
d. Ang sanaysay ay may seryoso at impormal na tono.
32.Paksang-diwang binibigyan ng diin sa kwento.
a.tema b.paksa c.pananaw d.damdamin
33.Nagbibigay kulay sa mga pangyayari.
a.tema b.paksa c.pananaw d.damdamin
34.Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa kwento. Dito nakakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
a.kakalasan b.kasukdulan c.suliranin d.tagpuan
35.Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente. Kasama din dito ang panahon kung kailan naganap ang
kwento.
a.banghay b.paksang-diwa c.kasukdulan d.tagpuan
36.Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.
a.dayalogo b.paksang-diwa c.kasukdulan d.tauhan
37.Ito ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
a.banghay b.paksang-diwa c.kasukdulan d.tagpuan
38.Ito ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na
kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
a.mitolohiya b.epiko c.nobela d.maikling kwento
39.Si Jean ang ___________________sa buong klase.
a.maganda b.mas maganda c.higit na maganda d.pinakamaganda
40.________________ si Conny kaysa kay Leo bilang isang lider sa klase.
a.responsable b.mas responsible c.pinakaresponsable d.napakaresponsable
41-42.Angkop na Salita sa Pagbuo ng tula
41. Sakripisyo’y di matutumbasan
Maituturing na ina .
43-46.Aspekto ng Pandiwa.Punan ng wastong Aspekto ng Pandiwa ang patlang upang mabuo ang pangungusap.
43.Siya ang _________________ ng sahig kanina.
a.nagwalis b.nagwawalis c.magwawalis d.kawawalis
44.Si ate Beth ay _______________ ng masarap na hapunan.
a.nagluto b.nagluluto c.magluluto d.kaluluto
45._______________ k aba sa opisina mamaya?
a.Papasok b.Pumapasok c.Pumasok d.Pasok
46.Sa Biyernes, ___________________ kami ng aking mga kaibigan.
a.nagkikita b.nagkita c.kakikita d.magkikita

47-48. Pag-iisa at Paghahambing. Tukuyin ang ginamit na paghahambing batay sa sinalungguhitang pang-uri.
a.Lantay b.Magkatulad c.Palamang d.Pasukdol
47. Higit na maraming mag-aaral ang nakilahok sa paligsahan ngayon kaysa nakalipas na taon.
48.Ang Petronas Tower ang pinakamataas na gusali sa mundo.

49-50.Antas ng Pang-uri. Punan ng wastong Antas ng Pang-uri ang patlang upang mabuo ang pangungusap.

49.Si Snow White ang ________________________ sa kaharian.


a.maputi b.masmaputi c.napakaputi d.pinakamaputi
50._______________ na marikit ang rosas kaysa sa calachuchi.
a. mas b.pinaka c.higit d.lalo
AURORA NATIONAL HIGH SCHOOL
Aurora, Prosperidad, Agusan del Sur

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 10


Ika-29-30 ng Oktubre, 2019

Pangalan:_________________________________________________Taon at Seksyon:__________________
I.PANITIKAN
1.Ito ay isang kuwento tungkol sa mga lumang panahon, madalas na nagtatampok ng mga supernatural na mga character, at mga
alamat na may kaugnayan sa bawat isa.
a.Dula b.Maikling Kwento c.Mitolohiya d.Sanaysay
2.Ang mitolohiya ay kadalasang tumatalakay sa _________________.
aKultura b.ditos o bathala c.karanasan d. lahat ng nabanggit
3.Ang kadalasang tauhan ng mitolohiya ay _______________.
a.diyos at diyosa b.hayop at halaman c.mga kaluluwa d.mga bayani
4.Ang Diyos ng Aesir sa kwentong Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante.
a.Elli b.Loki c.Rosvka d.Thor
5.Ang lagging kasama ni Thor sa paglalakbay at pakikipaglaban.
a.Elli b.Loki c.Rosvka d.Thor
6.Ang lupain ng mga higante.
a.Athens b.Asgard c.Gresya d.Utgaro
7.Ang bathala na kinikilala ng mga Aesir
a.Zeus b.Thor c.Odin c.Hades
8.Bakit mahalaga ang mitolohiya bilang isang panitikan?
a.Naipaliwanag ang paglikha ng mundo at mga natural na pangyayari.
b.Nababasa ang mga sinaunang paniniwalang panlilihiyon.
c.Nagtuturo ito ng aral at nagpapaliwanag ng kasaysayan.
d.Lahat ay tamang sagot.
9.Ang Romeo at Juliet ay isinulat ni____________________.
a.William Shakespeare b.William Smith c.William Anderson d.walang tamang sagot
10.Ang tunay na kasiyahan ay makakamtan lamang kung tunay kang nananalig sa Maykapal. Ano ang ibig sabihin ng
sinalungguhitang salita?
a.mararanasan b.makikita c.makakasama d.makakamit
12..Ang pinakaluluwa ng isang dula.
a.aktor b.direktor c.iskrip d.manonood
13.Kung ikaw si Romeo, ano ang mararamdaman mo kung nalamang nagpakamatay si Juliet?
a.Paghihigantihan ang mga taong siyang dahilan ng kaniyang pagkamatay
b.Sisihin ang sarili sa kinahihinatnan ng kanyang sinta.
c.Masasaktan ng lubusan dahil sa nangyari sa kasintahan.
d.lahat ay tamang sagot.
14.Isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa
pananlitang may angking aliw-iw.
a.Tula b.Sanaysay c.Dula d.Dagli
15.Ito ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod)
a.tugma b.sukat c.saknong d.kariktan
16.Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng
huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog.
a.tugma b.sukat c.saknong d.kariktan
17. Ito’y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng mga salita.
a.talinghaga b.sukat c.saknong d.kariktan
18.Isang tula na isinulat ng walang sinusunod na patakaran kung hindi ang anUmang naisin ng
a.Malayang Taludturan Tradisyunal c.Kontemporaryo d.wala sa nabanggit
19.Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa kwento. Dito nakakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
a.kakalasan b.kasukdulan c.suliranin d.tagpuan
20.Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente. Kasama din dito ang panahon kung kailan naganap ang
kwento.
a.banghay b.paksang-diwa c.kasukdulan d.tagpuan
21.Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.
a.dayalogo b.paksang-diwa c.kasukdulan d.tauhan
22.Ito ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
a.banghay b.paksang-diwa c.kasukdulan d.tagpuan
23.Ito ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na
kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
a.mitolohiya b.epiko c.nobela d.maikling kwento
24.Ang may-akda ng Aginaldo ng mga Mago.
a.O. Henry b.Jose Rizal c.Severino Reyes d.Francisco Baltazar
25. Uri ng nobela ukol sa pag-iibigan.
a.Tauhan b.Romansa c.Kababalaghan d. Kasaysayan
26. Ang binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
a.Tauhan b.Romansa c.Kababalaghan d. Kasaysayan
27.Ang binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at
pangangailangan
a.Tauhan b.Romansa c.Kababalaghan d.Kasaysayan
28.Lugar at panahon ng mga pinangyarihan
a.tagpuan b.tauhan c.tema d.simbolismo
29.Istilo ng manunulat
a.banghay b.damdamin c.pamamaraan d.simbolismo
30.Nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari
a.banghay b.damdamin c.pamamaraan d.simbolismo
31.Uri ng panitikang tuluyan na binubuo ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao.
a.Dula b.Maikling Kwento c.Nobela d.Sanaysay
32.Alin ang HINDI katangian ng nobela?
a.nag-iiwan ng kakintalan c.pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan
b.kawili-wili at pumupukaw ng damdamin d.mahirap intindihin
33.Ito ay isang uri ng sulatin na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng nagsulat nito.
a.Dula b.Nobela c.Mitolohiya d.Sanaysay
34.Uri ng sanaysay na may maayos na pagkakasunud-sunod at gumagamit ito ng mga salitang akma sa paksa. Ito ay batay sa
pananaliksik at pag-aaral. May seryoso o pormal na tono ito ukol sa paksa nito.
a.Paglalahad b.Pagsalaysay c.Pormal b.Impormal
35.Bahagi ngsanaysay ang pinakamahalaga dahil kinukuha nito ang atensyon ng mga mambabasa. Dito nagbibigay ng ideya ang
may-akda tungkol sa paksa ng sanaysay.
a.Simula b.Katawan c.Wakas d.Pananaw
36.Dito naman sinasalaysay ang mga mahahalagang ideya tungkol sa paksa. Dito nagbibigay ng paliwanag o halimbawa ukol sa
paksa.
a.Simula b.Katawan c.Wakas d.Pananaw
37.Ito ang huling bahagi ng sanaysay na nagtatapos sa sanaysay. Dito nagbibigay ng hamon ukol sa paksa ang may-akda sa kanyang
mga mambabasa.
a.Simula b.Katawan c.Wakas d.Pananaw
38.Ang tawag sa mga katagang paningit na lagging sumusunod sa pangngalan, panghalip, pandiwa,pang-uri at pang-abay.
a.ingklitik b. kaganapan c.paksa d.panaguri
39.Bahagi ng salita na nagpapahayag tungkol sa paksa.
a.ingklitik b. kaganapan c.paksa d.panaguri
40.Ang pinag-usapan sa pangungusap.
a.ingklitik b. kaganapan c.paksa d.panaguri
41.Si Ate Flor ay nagluto ng adobong manok.
a.kagamitan b.kalaanan c.layon d.tagaganap
42.Ang adobong manok ay niluto ni Ate Flor.
a.kagamitan b.kalaanan c.layon d.tagaganap
43.Nasasabik si kuya Allan sa niluto ni Ate Flor.
a.kagamitan b.kalaanan c.layon d.tagaganap
44.Ang kawali ay pinaglutuan ni Ate Flor ng adobong manok.
a.kagamitan b.kalaanan c.layon d.tagaganap
45.Si Nanay ay ipinagluto ni Ate Flor ng adobong manok.
a.kagamitan b.kalaanan c.layon d.tagaganap
46.Ang sandok ay ipinangkuha ni Ate Flor ng adobong manok sa kawali.
a.kagamitan b.kalaanan c.layon d.tagaganap
47.Ibaon sa hukay ang alitan tuwing pasko at ipalaganap ang pagmamahalan.Ano ang ibig sabihin ng sinalungguhitang salita?
a. ihiwalay b.itaga c.kalimutan d.tandaan
48.Leon kung magalit an gaming ama kaya naman umiiwas kami sa kaguluhan.
a.Simili b.Metapora c.Persinipikasyon d.Eksaherasyon
49.Kumakaway ang mga dahoon sap ag-ihip ng malakas na hangin.
a.Simili b.Metapora c.Persinipikasyon d.Eksaherasyon
50.Ipinanghalo ni Ate Flor ang mga sahog sa pagluto ng adobo.
a.kagamitan b.kalaanan c.layon d.tagaganap

You might also like