You are on page 1of 5

Department of Education

CARAGA Region
DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
PROSPERIDAD IV
AURORA NATIONAL HIGH SCHOOL
Aurora, Prosperidad, Agusan del Sur
S.Y. 2020 - 2021

SUMMATIVE EXAMINATION QUARTER 3 in ARALING PANLIPUNAN 7

Name: __________________________________________ Section: ______________________ Score: ________


Subject Teacher: JESSELLY L. CASTRO – VALES Parent’s Signature: ______________________

“Believe in yourself and all that you are. Know that there is something inside you that is greater
than any obstacle”

General Instructions:
1. Chose the right answer. Pag mali ang sagot, ay mali na ito, huwag mo nang ipaglaban pa ang mali
dahil sa huli masasaktan ka lang.
2. Circle your answer clearly. Yung malinaw, hindi gaya ng feelings nyang hindi mo maintindihan.
3. No Erasures. Pag-isipan munang mabuti bago isulat, hindi lahat ng pagkakamali pwede pang itama
4. Do not Cheat. Wag tumulad sa EX mong akala mo loyal pero mabilis lang pala magpalit.
5. Finish the Exam in GIVEN TIME. Alam mo dapat kung kelan na dapat sumuko, pagtapos na, tapos na.

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang isa sa magagandang naidulot ng pananakop o kolonyalismo.


A. Paghahati ng mga lupain sa daigdig.
B. Pagpukaw ng interes sa makabagong pamamaraan at teknolohiya.
C. Pagpapalawig ng impluwensiya ng mga maharlikang pinuno.
D. Pagpapakita ng malawak na kapangyarihan ng simbahang katoliko.
2. Bakit naging masigasig ang mga manlalayag na makapagtatag ng kolonya sa mga lugar na kanilang
sinakop?
A. makasingil ng buwis
B. magsilbing himpilan ng operasyon
C. pagkunan ng ginto at pilak
D. lahat ng nabanggit
3. Mahalaga ba ang unang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo ng mga Kanluranin sa mga Asyano?
A. Oo, dahil maraming pagbabago sa patakarang pinairal ng mga Kanluranin ang nakatulong
sa mga Asyano.
B. Oo, ang pagkamkam ng mga Kanluranin sa mga likas na yaman ng Asya ay nagbigay naman
ng daan para sa makakanluraning modernasisasyon ng kontinente.
C. Hindi, dahil gustong pakinabangan ng mga kanluranin ang mga likas na yaman sa Asya
para sa kanilang sariling interes lamang.
D. Hindi, dahil nagpaligsahan ang mga Kanluranin sa pagpalawak ng lupain upang kilalanin
pinakamakangyarihan sa Timog at Kanlurang Asya.
4. Sinasabing ang aklat ni Marco Polo ang siyang gumising sa kuryosidad at mahinasyon ng mga Europeo
upang makipagsapalaran sa ibayong dagat para marating ang Asya. Ano ang pinakaangkop na mensahe
ang nais ipahiwatig nito?
A. Naging masaya ang buhay ng mga Europeo.
B. Lahat ng Europeo ay nakarating ng Asya.
C. Naging daan ito nang pananakop ng mga Europeo sa Asya.
D. Ginawang inspirasyon ng lahat ng Europeo ang aklat sa kanilang pamumuhay.
5. Ito ang mga dahilan na udyok sa mga Kanluranin na magtungo sa Asya.
1. Merkantilismo 3. Paglakbay ni Marco Polo 2. Renaissance 4. Ang pagbagsak ng Constantinople
A. 1 at 2 B. 2 at 3 C. 1, 2, at 3 D. 1, 2, 3, at 4
6. Ang sumusunod ay epekto ng unang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo MALIBAN sa isa, alin
dito?
A. Paglakas ng ugnayan sa silangan at kanluran.
B. Paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa silangan.
C. Pagbabago ng ecosystem ng daigdig bunga ng pagpapalitan ng kalakal.
D. Interes sa bagong pamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag.
7. Ang bansang Portugal at Spain ay hinangad na sakupin ang mga bansa sa Asya _____.
A. upang manatili sa kapangyarihan at malayang makapanakop.
B. upang tanghaling pinakamakapangyarihang bansa sa mundo.
C. upang makuha ang Moluccas.
D. upang makilala.
8. Ang sumusunod ay mabubuting naging dulot ng krusada, alin ang HINDI kabilang sa mga ito?
A. Nagkaroon ng ugnayan sa silangan ang mga Europeo.
B. Nagpasigla ng kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya.
C. Maraming Europeo ang nagkainteres na makarating sa Asya.
D. Naging makaagham ang pag-iisip mula sa mga pamahiin.
9. Bago naganap ang pagsilang ng renaissance, ang buhay ng mga tao sa Europa ay nakasentro sa ______.
A. komersyo B. sining C. eksplorasyon D. relihiyon
10. Ang pinakawastong kahulugan ng Renaissance ay ______.
A. Muling pagsikat ng kulturang Helenistiko
B. Muling pagsilang ng kulturang Griyego-Romano
C. Panibagong kaalamang panrelihiyon sa Europa
D. Panibagong kaalaman sa Agham
11. Alin sa sumusunod na pamamaraan ang ginamit ni Mohandas Gandhi upang ipakita ang kaniyang
pagtutol sa mga Ingles?
A. Passive resistance B. Armadong pakikipaglaban
C. Pagbabago ng pamahalaan D. Pagtatayo ng mga partido-politikal o samahang
Makabayan
12. Ano ang tawag sa damdaming makabayan na nagpapakita ng matinding pagmamahal at
pagpapahalaga sa Inangbayan?
A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Merkantilismo D. Nasyonalismo
13. Nagpatupad ng mga pagbabago ang mga Ingles sa lipunan at pamahalaan ng India. Alin sa
sumusunod ang pagbabagong HINDI katanggap-tanggap para sa mga Indian?
A. Pagsasaayos ng transportasyon at komunikasyon.
B. Pagpapalaganap ng sistema ng edukasyon na ayon sa pamantayang Ingles.
C. Paglipat ng sentro ng mga gawaing pangkabuhayan sa mga baybaying dagat.
D. Pag-iral ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa pamahalaan.
14. Ano ang naging dahilan ng ginawang pag-aalsa ng mga sundalong Sepoy laban sa mga Ingles noong
1857?
A. Pagnanais na mapalaya ang kanilang bansa sa ilalim ng England.
B. Kawalan ng respeto ng mga Ingles sa kinagisnang kaugalian at tradisyon ng India.
C. Makatarungan ang ginawang pakikialam ng England sa kanilang paniniwala.
D. Panghihimasok ng mga Ingles sa pamamahala ng kanilang bansa at maging sa kanilang
pamumuhay.
15. Ano ang pamamaraang ginamit ng India upang maisakatuparan ang hangaring kalayaan?
A. Itinatag ang India National Congress.
B. Nakipag-alyansa sila sa mga kanluranin.
C. Binoykot nila ang mga produktong Ingles.
D. Tinulungan nila ang mga Ingles sa panahon ng digmaan.
16. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa:
A. pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente
B. pandaigdigang krisis tulad ng naganap sa mga Estado ng Balkan at sa Morocco
C. pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa
D. pagtatatag ng Nagkakaisang Bansa
17. Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisimula ng Unang Digmaang
Pandaigdig?
A. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers
B. Pagpapalabas ng labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
C. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia.
D. Pagwawakas ng mga Imperyo sa Europa tulad ng Alemanya, Austria-Hungary, Rusya, at
Ottoman.
18. Ano ang naging bunga ng Azerbaijan Crisis na kinasangkutan ng Russia at America at ng kanilang
mga kaalyado?
A. Iron Curtain B. Cold War
C. Unang Digmaang Pandaigdig D. Ikalawang Digmaang Pandaigdig
19. Alin sa sumusunod na kaisipan ang HINDI kabilang sa prinsipyo ng Komunismo?
A. Pagbibigay proteksyon sa mga manggagawa.
B. Lubos na paghihiwalay ng simbahan at Estado.
C. Pagpapalakas ng mga malalaking pribadong negosyo.
D. Pagwawakas ng kapitalismo.
20. Anong ideolohiya ang nagbibigay kalayaan sa mga mamamayan na mamahala ng kanilang kabuhayan
na sinusunod ng mga bansang Pilipinas, Hapon, Estados Unidos, at Timog Korea?
A. Demokrasyang sosyalismo B. Kapitalismo
C. Komunismo D. Sosyalismo
21. Ano ang itinuturing na pinakamalaking samahan ng kababaihan sa bansang Bangladesh na labis na
nakaimpluwensiya sa pagpapatupad ng mga polisiya ng pamahalaan?
A. Mahila Parishad B. Women’s Coalition
C. Women’s Action Forum D. Liberation Tigers of Tamil Eelam
22. Anong taon nagkaroon ng pagkakataon ang mga kababaihan na ipahayag ang mga isyu tungkol sa
kanila sa bansang Sri Lanka?
A. 1992 B. 1993 C. 1994 D. 1995
23. Ano ang mahalagang papel ng Women for Peace na itinatag noong Oktubre 1984 sa Sri Lanka?
A. Naging daan sa ratipikasyon ng CEDAW
B. Nagsilbi itong bantay sa militarisasyon sa bansa
C. Isinilang ang Platform Against Sexual Harassment
D. Nagkaroon ng mga partidong pulitikal na nagnomina sa mga kababaihan na tatakbo sa
eleksiyon
24. Ano ang dahilan ng mga bansa sa Kanlurang Asya kung bakit hindi nagging madali ang pagkamit ng
mga kababaihan ng kanilang mga karapatan?
A. Dahil sa patuloy na sigalot at digmaang nagaganap sa rehiyong Arab
B. Dahil hindi matatag ang mga samahang nabuo at kalauna’y unti-unting nabuwag
C. Dahil sa ang mga samahan sa karapatang pantao sa Kanluran ay napangingibabawan ng mga
kalalakihan
D. Dahil marami pa rin sa mga kababaihan dito ay hindi nabigyan ng sapat na edukasyon
upang ipagtanggol ang kanilang sarili
25. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na malaki ang papel na ginampanan ng mga
naitatag na samahang pangkababaihan sa mga rehiyon ng Timog at Kanlurang Asya.
A. Dahil sa mga samahang ito nabigyan ng higit na karapatang pampulitika ang mga
kababaihan at pagkakataong pamahalaan ang bansa
B. Dahil sa mga samahang ito naging matapang ang mga kababaihan at higit na naging
edukado nang mabigyan ng karapatang makapag-aral
C. Ang mga samahang pangkababaihang naitatag ay nagsilbing daan upang makamit ng mga
kababaihan ang pantay na pagtingin sa kanila sa lipunan
D. Dahil na rin sa pagkakatatag ng samahan ay nakuha ng kababaihan ang simpatya ng
nakararami at ito ang naging daan sa pag-angat ng kanilang ekonomiya.

26. Maraming tao ang nakinig at sumunod kay Hesus. Gayunpaman, may mga Jew na hindi nagustuhan
ang kanyang mga turo at gawain. Ipinahuli, ipinako, at namatay si Hesus sa krus. Anong paniniwalang
Kristiyanismo ang pinaniniwalaan ng mga tagasunod nito?
A. Si Hesus ay umakyat sa langit bilang isang espiritu at hindi na muling babalik sa
sangkatauhan
B. Darating ang panahon na si Hesus ay muling magbabalik upang husgahan ang lahat- buhay
man o pumanaw na, upang malaman kung siya ay pupunta sa langit o sa impiyerno
C. Pag-aantay sa panahon na muling babalik si Hesus na kawangis ng isang ibon at
huhusgahan ang mga makasalanan
D. Darating ang panahon na ang lahat ng mabubuti ang gawa at kaisipan ay mabibiyayaan ng
magandang buhay at karangyaan sa lupa
27. Paniniwalang Hindu kung saan ang namatay na katawan ng tao ay isisilang muli sa ibang anyo,
paraan, o nilalang.
A. Karma B. Polytheism C. Reinkarnasyon D. Veda
28. Isa sa pinakamahalagang bahagi ng Hinduismo ang sistemang caste na binubuo Brahmin, Ksatriyas,
Vaishyas, at Sudras. Ano ang nilalaman ng sistemang Caste?
A. Pag-uuri ng mga tao sa India batay sa propesyon o tungkulin
B. Pag-uuri ng mga tao sa India batay sa kasarian
C. Pag-uuri batay sa katayuan at antas ng pamumuhay
D. Pag-uuri batay sa edad, kasarian, at kultura
29. Sila ang mga sundalong Hindu sa hukbong kolonyal ng Inglatera sa India na naghimagsik noong 1857;
mga sundalo na lumalaban para sa sariling karapatan kasama ang adhikaing sa tingin nila ay tama at
makakabuti sa marami.
A. Sepoy B. Mandirigma C. Militar D. Kawal
30. Ano ang tawag sa sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mga Jew?
A. Zionism B. Holocaust C. Sepoy mutiny D. Jew massacre
31. Kailan natamo ng India ang kalayaan mula sa kamay ng mga Ingles?
A. Agosto 15, 1947 B. Agosto 10, 1947
C. Agosto 16, 1946 D. Agosto 10, 1946
32. Ano ang tawag sa pangyayaring naganap sa mga Jew mula sa iba’t ibang panig ng daigdig na kung
saan sila ay umuwi sa Palestine upang muli nilang pag-aralan ang kanilang wika at buhayin ang sariling
kultura?
A. Indian National League B. Sepoy mutiny
C. Zionism D. Holocaust
33. Ano naging dahilan upang unti-unting magkaroon ng kamalayan at kaisahan ang mga Indian?
A. Nang maging malaya ang mga Ingles
B. Nang masakop ng mga Ingles ang India
C. Nang naisin nila
D. Nang matapos ang digmaan
34. Ang mga Hindu ay naniniwala na ang tao ay hindi namamatay kundi nagkakaroon ng reinkarnasyon
sa mga sumusunod na generasyon, kung saan ang kaluluwa ay palipat-lipat ng katawan.
A. Ahimsa B. Kojiki C. Nirvana D. Samsara
35. Sino ang mga taong sumulat ng buhay, turo, at aral ni Hesus?
A. Abraham B. Apostoles C. John the Baptist D. Evangelista
36. Ano ang naging kapalit sa kahilingan ng bansang Saudi Arabia sa Estados Unidos na magbigay ng 50%
kita ng kompanya upang makatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya nito?
A. Pagpapahintulot na sakupin ang Saudi Arabia
B. Pagpapahintulot na tayuan ng base-militar ang Dharan
C. Pagpapahintulot na gumamit ng mga likas na yaman ng Saudi Arabia
D. Pagpapahintulot na panatilihin ang pamamalakad ng Estados Unidos sa bansa
37. Alin sa sumusunod ang bahaging ginampanan at naging tugon ng Palestenian Liberation Organization
sa neokolonyalismo?
A. Isa sa mga organisasyong nagpanatili ng katahimikan sa Timog Asya
B. Organisasyong nagpakita ng kanilang interes sa pagpapalawak ng teritoryo sa Timog-Kanlurang
Asya
C. Ito ay itinuturing na samahang nasyonalista sa Timog-Kanlurang Asya kung saan nagpakita ng
kanilang pagiging makabayan
D. Nasyonalistang organisasyon na hindi ipinagpatuloy ang pakikipaglaban sa Kanluranin dulot ng
matinding takot
38. Anong sistema ang nagwakas sa paglaya ng maraming bansa?
A. Diktadurya B. Facismo C. Kolonyalismo D. Neokolonyalismo
39. Anong uri o paraan ng kolonisasyon ang ipinagtibay ng mauunlad na bansa?
A. Diktadurya B. Facismo C. Kolonyalismo D. Neokolonyalismo
40. Anong bansa ang tinaguriang pinakamalakas at makapangyarihang kapitalista pagkatapos ng
digmaan?
A. Britain B. China C. Singapore D. United States of America
41. May ebidensiya na natagpuan sa kabihasnang Sumer noong 300 hanggang 1500 BCE. Pinapatunayan
nito na ang mga Asyano ay may angking talento sa larangan ng pampalakasan, sa natagpuang tabletang
luwad. Anong uri ng paglalaro ang nakita dito?
A. Buno (wrestling at boksing) B. Mahusay mangabayo
C. Paglalangoy bilang bahagi ng pakikidigma D. Takbuhan at pangingisda
42. Sino ang nagpatayo ng Taj Mahal?
A. Mulk Raj Anand B. Mumtaz Mahal
C. Rabindranath Tagore D. Shan Jahan
43. Sa maraming bansa sa Asya, ang musika at sayaw ay bahagi ng ritwal sa panganganak, pag-aasawa, at
kamatayan. Bagaman maraming mga bansa rito ang nasakop ng mga Kanluranin, nananatiling buo ang
tradisyong musikal ng mga Asyano dahil na rin sa mahigpit at matibay na pundasyon nito. Ano ang mas
binibigyang-diin ng mga Asyano sa larangan ng pagsasayaw?
A. Ang galaw ng ulo at katawan ng tao
B. Ang galaw ng paa at katawan ng tao
C. Ang galaw ng kamay at katawan ng tao
D. Ang galaw ng beywang at kilos ng katawan ng tao
44. Ano ang angkop na paglalarawan sa “Stupa”?
A. Gawa sa malalaking bato na may bilugang tambak na may tulis na tore
B. Gawa sa semento at malalaking bato na parisukat na may tulis na tore
C. Gawa sa laryo o bato na may mga bilugang umbok na may tulis na tore
D. Gawa sa pinatigas na putik na may mga pahabang umbok na may tulis na tore
45. Lumaganap ang impluwensiya ng bansang India sa Silangang Asya at TimogSilangang Asya. Ang
arkitekturang Indian ay makikita sa iba’t ibang mga bansa. Anong bansa ang hindi makikitaan ng
arkitekturang Indian?
A. Cambodia B. Myanmar C. Nepal D. Singapore

“Don't quit. Suffer the pain of studying now and live the rest of your life after the exam enjoying the
rewards of a good score”

God Bless! Teacher Jesselly L. Castro-Vales


_chervalkiah_

You might also like