You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF NUEVA ECIJA
TALUGTUG NATIONAL HIGH SCHOOL
Cabiangan, Talugtug, Nueva Ecija

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT


Araling Panlipunan 7

Pangalan: __________________________________ Baitang/Pangkat: ______________________ Petsa: __________

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa pakikipagsapalaran nakamtan ng India ang kasarinlan. Anong uri ng nasyonalismo ang isinagawa ni Ghandi
laban sa pananakop ng Britanya ?
a. Aggressive b. Passive c. Defensive d. Radikal
2. Ano ang tawag sa kilusang inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari upang mabawi ang banal na
lugar , ang Jerusalem sa Israel?
a. Krusada b. Renaissance c. Merkantilismo d. Constantinople
3. Ang dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong pampolitika, pangkabuhayan at
cultural na pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang
makapangyarihan.
a. Kolonyalismo b. Imperyalismo c. Kapitalismo d. Industriyalisasyon
4. Ano ang tawag sa prinsipyong pang-ekonomiya na ang batayan ng kayamanan at kapangyarihan ng isang
bansa ay ang dami ng ginto at pilak?
a. Krusada b. Renaissance c. Kapitalismo d.Merkantilismo
5. Ang mga sumusunod ay mga salik na nagbunsod sa pangalawang kolonyalismo sa Asya maliban sa
a. Dulot ng Rebolusyong Komersyal c. White Man’s Burden
b. Ang Kapitalismo d. Ang paglalakbay ni Marco Polo
6. Bakit naging dahilan ang Isla ng Moluccas ng hidwaan ng bansang Portugal at Spain?
a. Maraming ginto dito c. Ito ay ang isla ng pampalasa
b. May magagandang tanawin d. Lahat ng nabanggit
7. Alin sa mga sumusunod ang isa sa naging masamang epekto ng kolonyalismo sa Asya?
a. Pagkamulat sa Kanluraning panimula
b. Pag- unlad ng kalakalan
c. Pagkakaroon ng kaalyadong bansa
d. Panggalugad at pakikinabang ng mga Kanluranin sab yamang likas
8. Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa mga rehiyon sa Asya?
a. Naging masidhi ang pagkakaroonng damdaming nasyonalismo ng mga asyano upang ibangon ang
kaunlaran ng bansa.
b. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa mga naisin ng mga Kanluranin at niyakap ang kanilang kultura
c. Natutunan ng mga bansang Asyano ang manakop ng mga lupain
d. Natutong magtiis ang mga Asyano alang alang sa kapayapaan
9. Sa unang yugto ng Kolonyalismo hindi nagkainteres ang mga Kanluranin na sakupin ang Kanlurang Asya
sapagkat
a. Natakot sila sa mga Arabo c. sakop na ito ng mga Turkong Ottoman
b. May matatag na itong pamahalaan d. walang makuhang likas na yaman dito
10. Ito ay isinulat ni Rudyard Kipling, isang manunulang Ingles na nagpapahayag na ang mga nasasakupan ay
pabigat sa mga Kanluraning bansa.
a. Udyok ng Nasyonalismo c. Ang Kapitalismo
b. White Man’s Burden d. Rebolusyong Komersyal
11. Isang tradisyong Indian na ang asawang babae ay boluntaryong magpapasunog sa ibabaw ng katawan ng
kanyang bangkay na asawa na ipinagbawal ng mga Ingles.
a. Suttee o sati b. female infanticide c. sepoy d. colunus
12. Naganap ang Rebelyong Sepoy ng mabalitaan nila na ang taba ng baboy at baka ang ginamit na panlinis ng
sandata. Ano ang ibig sabihin ng sepoy?
a. Mga magsasaka b. mga kababaihan c. mga kabataan d. mga sundalong Indian
13. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng kolonyalismo sa larangan ng ekonomiya?
a. Pag-unlad ng sistema ng transportasyon at komunikasyon
b. Maraming katutubo ang sumakap sa Kristiyanismo
c. Nabuo ang kilusang nasyonalismo
d. Nagtatag ng maayos at sentrsalisadong pamahalaan
14. Naapektuhan din ang sosyo-kultural ng mga Asyano sa panahon ng kolonyalismo. Alin sa mga sumusunod ang
tumutukoy sa sosyo-kultural?
a. Isinilang ang mga Asyanong mangangalakal o middle men
b. Ang mga istilo ng pamumuhay ay iginaya sa mga kanluranin
c. Nagtayo ng mga irigasyon, ospital, paaralan, at simbahan
d. Nawala ang karapatan ng mga Asyanong mamahala sa sarili nilang bansa
15. Bakit sinasabing ang kalakalan ay mahalagang susi sa pagkakaisa ng mga Asyano?
a. Dahil dito ay nagtutulungan ang magkakaratig bansa sa Asya
b. Nagsisilbi itong daluyan ng kultura at pagpapalitang kultural ng mga bansa
c. Maaring lumaki ang kita sa mga usaping black market
d. Sa pamamagitan nito nababatid ang mga bansang palaasa
16. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng pananakop ng mga ingles sa pangangalaga
ng karapatang pantao ng mga Indian lalo na ng kababaihan?
a. Pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon sa India
b. Pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mamamayan ng India
c. Pagbabawal sa ilang matatandang kaugaliang Indian tulad ng sati at female infanticide
d. Pagbabawal sa matatandang kaugaliang tulad ng foot binding at concubinage
17. Ang paglalakbay ni Vasco da Gama ay ang tinaguriang pinakamahalagang paglalakbay sapagkat
a. Natuklasan niya ang Pilipinas at iba pang bansa sa Asya
b. Nalibot ang Cape of Good Hope sa dulo ng Africa na nagbukas ng daan tungo sa Asya
c. Nalibot ang Cape of Good Hope sa dulo ng Africa na nagbukas ng ruta tungo sa India
d. Lahat ng nabanggit
18. Ito ay ang damdaming makabayan na maipakikita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-
bayan.
a. Nasyonalismo b. Kolonyalismo c. Imperyalismo d. Kapitalismo
19. Siya ang nangunang lider nasyonalista sa India na nagpakita ng mapayapang paraan sa paghingi ng kalayaan.
a. Jose Rizal b. Mohamed Ali Jinnah c. Jawaharlal Nehru d. Mohandas Gandhi
20. Nakilala siya bilang “Ama ng Pakistan”, isang abogado at pandaigdigang lider.
a. Jose Rizal b. Mohamed Ali Jinnah c. Jawaharlal Nehru d. Mohandas Gandhi
21. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo sa bansang India?
a. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko c. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles
b. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi d. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga Indian
22. Isinulong naman ni Mahatma Gandhi ang kanyang pananaw na ang pinuno ng bansa ang siyang magpakita ng
pagpapahalaga sa moralidad. Ang pagpapahalaga na sinsabi ni Gandhi ay ang:
a. Maging tapat sa mamamayan at sa konstitusyon
b. Pagkakaroon ng isang asawa at isang pamilya
c. Mabuting relasyon sa karatig bansa
d. Maging bukas o transparent sa lahat ng kanyang Gawain sa tulong sa bayan
23. Naghangad ng kalayaan ang India. Anong pamamaraan ang isinagawa nito upang matamo ang kanyang
hangarin?
a. Nakipag-alyansa sa mga Kanluranin c. Itinatag ang Indian National Congress
b. Binoykot ang mg produktong English d. Tinulungan ang mga Ingles sa panahon ng digmaan
24. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas Gandhi upang ipakita ang kanilang
pagtutol sa mga Ingles?
a. Passive Resistance c. Pagbabago ng pamahalaan
b. Armadong pakikipaglaban d. Pagtatayo ng mga partido pulitikal
25. Sa ilalim ng mga Ingles, nagkaroon ng mga pagbabago sa India na hindi katanggap-tanggap sa mga Indian.
Alin ang isang pagbabagong hindi matanggap ng mga Indian?
a. Pagpalaganap ng isang sistema ng edukasyon na ayon sa pamantayang Ingles
b. Paglilipat sa mga sentro ng gawaing pangkanuhayan sa mga baybaying-dagat
c. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa pamahalaan
d. Pagpapahusay ng mga transportasyon at komunikasyon
26. Ano ang pagpapakilala ng mga nasa larawan
a. Mga artista b. Mga kolumnista c. Mga mananakop d. Mga nasyonalista

LARAWAN PANGALAN BANSA KATANGIAN


MOHANDAS MAPAYAPANG PARAAN SA PAGKAMIT
GANDHI INDIA NG KALAYAAN

AYATOLLAH NAKILALA BILANG ISANG MALUPIT NA


KHOMEINI IRAN LIDER

MUSTAFA NAGBIGAY DAAN SA KALAYAAN NG


ATATURK TURKEY TURKEY

27. Sino ang nasa larawan na kilala bilang malupit na lider ng Iran
a. Mohandas Gandhi b. Ayatollah Khomeini c. Mustafa Ataturk d. Wala sa Nabanggit
28. Ano ang layunin ng mga nasyonalistang nasalarawan para sakani-kanilang bansa?
a. Ang makamit ang kalayaan c. Ang magkaroon ng magandang buhay
b. Maging kilalang pinuno d. Magtatag ng sariling pamahalaan
29. Ano ang nais ipahiwatig ni Ghandi sa kanyang ginamit na paraan sa paghangad ng kalayaan?
a. Kailangan ng digmaan para makamit ang kalayaan
b. Maaring makamtan ang kalayaan gamit ang mapayapang paraan
c. Kailangang dumanak ang dugo bago makamit ang kalayaan
d. Walang puwang ang kalayaan
30. Nang makamit ng India ang kalayaan mula sa Britanya noong 1947, nahati ito sa dalawang estado, ang
kalakhang India at Pakistan. Ano ang epekto nito sa katayuan ng bansa at mamamayan?
a. Nahimok na mag-alsa ang mga Muslim sa mga Hindu
b. Nahati ang simpatiya ng mga mamamayan sa dalawang estado
c. Nagsilikas ang karamihan ng mga mamamayan sa ibang bansa
d. Nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno
31. Maituturing na pinakamahalagang pangyayaring naganap sa Asya ay ang pagtatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig sapagkat
a. Maraming bansa sa Asya ang lumaya c. Nagkaroon ng pagkakaisa ang mga Asyano
b. Maraming Asyano ang namatay d. Nagkasundo na ang mga Asyano at mga Kanluranin
32. Nasyonalismo ang naging pangunahing tugon ng mga Asyano sa pananakop ng mga Kanluranin. Ano ang
masasabi mo sa pahayag na ito?
a. walang katotohanan b. may katotohanan c. maaaring totoo d. di-dapat paniwalaan
33. Isaayos ang mga pagkakasusnod ng mga pangyayari sa dalawang digmaang pandaigdig.
I. Binomba ang Pearl Harbor
II. Pinatay si Archduke Francis Ferdinand ng Austria - Hungary
III. Natalo sa digmaan ang Central Powers sa Versailles, France
IV. Lumaya ang maraming bansang Asyano pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
a. I,II, III. IV b. I, III. II. IV c. II, III, I, IV d. IV, III, II, I
34. Sa pamahalaang ito, iisang partidong awtoritaryan ang may kapangyarihan sa ekonomiya ng bansa
a. demokrasya b. komunismo c. monarkiya d. teokrasya
35. Ang anyo ng pamahalaan ng Nepal
a. Parliyamentaryong demokrasya c. Republika
b. Monarkiya d. pamahalaang transisyonal
36. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga kilusang pangkababaihan sa Asya?
a. Para magkaroon ng kasiyahan ang mga kababaihan
b. Sapagkat sila ay nagnanais makahawak ng posisyon sa pamahalaan
c. Upang mabigyan ng pagmamahal ng mga kalalakihan
d. Sapagkat sila ang pangunahing tagapagtaguyod ng mga karapatan ng mga kababaihan
37. Ang mga kababaihang Muslim ay naging aktibo sa paghingi ng pagbabago sa
a. Edukasyon b. pamahalaan c. ekonomiya d. lahat ng nabanggit
38. Ayon sa talahanayan , anong bansa sa Kanlurang Asya ang may pinakamataas na literacy rate?
a. Yemen b. Lebanon c. Israel d. Oman
39. Ang may pinakamababang literacy rate?
a. Yemen b. Lebanon c. Israel d. Oman
BANSA LITERACY RATE
ISRAEL 96%
LEBANON 92%
OMAN 59%
IRAQ 58%
YEMEN 43%

40. Ang mga sumusunod ay dahilan ng mabagal na pag-unlad ng edukasyon sa mga nabanggit na bansa maliban
sa
a. Katutubong wika b. relihiyon c. kaugalian d. modernisasyon
41. – 45. Sa nangyaring mga kaguluhan sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya sa kasalukuyan, nanaisin mo
bang maulit pa ang isang digmaang pandaigdig? Bakit?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
46. – 50. Paano nakaaapekto ang edukasyon sa kasalukuyang pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang
Asya?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

Prepared by:

LILIBETH T. BAÑAGA
Teacher III
Talugtog NHS

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSUSLIT


ANSWER’S KEY

1. B
2. A
3. B
4. D
5. D
6. C
7. D
8. A
9. C
10. B
11. A
12. D
13. A
14. B
15. B
16. C
17. C
18. A
19. D
20. B
21. D
22. D
23. B
24. A
25. C
26. D
27. B
28. A
29. B
30. B
31. A
32. B
33. C
34. B
35. A
36. D
37. A
38. C
39. A
40. D
41. -50: CREATING

TABLE OF SPECIFICATION ( COMPETENCY- BASED )

THIRD PERIODICAL EXAMINATION IN ARALING PANLIPUNAN 7

S.Y. 2017-2018

No. No. of Item Specification ( Type of Test and Placement )


CONTENT AREA of % Items/
Hours Points Remembering Understanding Applying Analyzing Evaluating Creating

1.PANAHON NG KOLONYALISMO AT 2, 3,4, 5, 6, 7,


IMPERYALISMO 14.00 43.75 21.88 A: 10 A: 8, 9 A: 15,16 A: 13,14 A: 17, 25 D: 41 - 45

SA TIMOG AT KANLURANG ASYA 11, 12

2.PAG-USBONG NG NASYONALISMO AT 1, 18, 21, 22, 30, 31,


PAGLAYA 10.00 31.25 15.63 A: 19, A: 23, A: A: 26,27,28, A: 32 D:

NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLURANG


ASYA 20 24, 29, 33

3.MGA PAGBABAGO SA TIMOG AT KANLURANG 8.00 25.00 12.50 A: 34, 35 A: 36, 37 A: A: 38, 39 A: E: 46 - 50

ASYA SA TRANSISYONAL AT MAKABAGONG 40

PANAHON

You might also like