You are on page 1of 2

Tabuan National High School

Araling Panlipunan - Grade VII


Ikatlong Markahang Pagsusulit

Pangalan: ___________________________________ Seksyon: ____________ Petsa: _____________ Score: ________


I. Piliin ang tamang sa sagot na nasa ibaba at isulat ito sa patlang.
______________ 1. Ito ay isang kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari upang mabawi ang banal
na lugar, ang Jerusalem sa Israel.
______________ 2. Isang Italyanong adbenturerong mangangalakal na taga-Venice.
______________ 3. Ito ay nagmula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka.
______________ 4. “Muling pagsilang”.
______________ 5. Ito ay ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europe.
______________ 6. Ginagamit upang malaman ang direksiyon na pupuntahan.
______________ 7. Ginagamit upang malaman ang oras at latitude.
______________ 8. Nagmula ito sa salitang Latin na imperium na ang ibig sabihin ay command.
______________ 9. Direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kaniyang sakop na bansa.
______________ 10. Mayroong sariling pamahalaan ngunit ang mga patakaran at kautusan ay dinidirekta ng
imperyalistang bansa lalo na sa patakarang panlabas.

Colony Imperyalismo Protectorate kolonyalismo


Constantinople compass Renaissance
astrolabe Krusada Marco Polo
II. Bilugan ang tamang sagot.
1. Sa paglalakbay ni Marco Polo, nakarating siya sa mga lugar na ito, maliban sa:
a. Tibet b. Burma c. Singapore d. Japan
2. Sa Europe umiral ang prinsipyong pang-ekonomiya kung may maraming ginto at pilak, may pagkakataon
na maging mayaman at makapangyarihan ang isang bansa.
a. Merkantilismo b. Constantinople c. Krusada d. Renaissance
3. Ang _____________ ay nakakuha ng maraming piling lugar sa Asya.
a. India b. Portugal c.France d. China
4. Ang ____________ naman ay nakakuha rin ng teritoryo sa Quebec, Canada.
a. India b. Portugal c.France d. China
5. Ang ______________ sa pamamagitan ng Dutch East India Company ay namahala rin sa isang bahagi ng India.
a. Netherlands b. Canada c. Japan d. Pilipinas
6. Ang imperyalismo noong ika-18 siglo ay naging resulta ng apat na pangunahing salik, maliban sa:
a. Dulot ng Rebolusyong Industriyal c. Dahil sa udyok ng nasyonalismo
b. Ang White Man’s Burden d. Ang merkantilismo.
7. Ito ay ang boluntaryong pagsunog sa katawan ng asawang babae sa ibabaw ng bangkay ng asawa.
a. Rebolusyong Sepoy b. Sutte o sati c. Viceroy d. rebuttals
8. Ano ang tawag sa damdaming makabayan na maipakikita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa
Inang-bayan?
a. Non-Violent b. Nasyonalismo c. Komunismo d. Sutte
9. ______________________ ito ang pag-alsa ng mga Sepoy o sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa
pagtatangi ng lahi o racial discrimination.
a. Rebelyong Sepoy b. Rebelyong Sutte c. non-violent d. Civil Disobedience
10. Saang lugar naganap ang Amritsar Massacre?
a. China b. India c. Spain d. Iraq
11. Ano ang tawag sa hindi pagsunod sa pamahalaan?
a. Civil Obedience b. Civil Disobedience c. Non-Violent d. Holocaust
12. ________________ nangangahulugan ito na ang isang bansa na naghahanda upang maging isang Malaya at isang
nagsasariling bansa ay ipasasailalim muna sa patnubay ng isang bansang Europeo.
a. Holocaust b. Zionism c. Sistemang Mandato d. Sutte
13. Ano ang tawag sa pag-uwi ng Palestine ng mga Jew mula sa iba’t ibang panig ng daigdig?
a. Holocaust b. Zionism c. Sistemang Mandato d. Sutte
14. Ano ang tawag sa sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mga Jew o Israelite?
a. Holocaust b. Zionism c. Sistemang Mandato d. Sutte
15. Siya ay isang Hindu na nakapag-aral sa isag pamantasan sa England at nakapagtrabaho sa South Africa.
a. Mohamed Ali Jinnah b. Mohandas Karamchad Gandhi c. Mustafa Kemal Ataturk
16. Nakilala siya bilang “Ama ng Pakistan”.
a. Mohamed Ali Jinnah b. Mohandas Karamchad Gandhi c. Mustafa Kemal Ataturk
17. Saan isinilang si Mustafa Kemal Ataturk?
a. Syria b. Salonika c. France d. Iraq
18. Kailan isinilang si Ayatollak Rouhollah Mousari Khomeini?
a. Hunyo 3, 1989 b. Enero 8, 1878 c. Agosto 14, 1947 d. Setyembre 24, 1902
19. Sino ang kauna-unahang Hari ng Saudi Arabia?
a. Ibn Saud b. Mohamed Ali Jinnah c. Mustafa Kemal Ataturk
20. ______________ iisang partidong awtoritaryan ang may kapangyarihan sa ekonomiya ng bansa.
a. Teokrasya b. Komunismo c. Diktadurya d. Demokrasya
21. ______________ ang mga lider ng relihiyon ang namumuno bilang kinatawan sa ekonomiya ng bansa.
a. Teokrasya b. Komunismo c. Diktadurya d. Demokrasya
22. Pinamumunuan ng isang diktador na hindi nalilimitahan ng anumang batas ang kaniyang desisyon.
a. Teokrasya b. Komunismo c. Diktadurya d. Demokrasya
23. Hawak ng mamamayan ang kapangyarihan sa pamahalaan.
a. Teokrasya b. Komunismo c. Diktadurya d. Demokrasya
24. Ito ang sistemang political na hawak ng estado, o ng pamunuang namamahala nito ang ganap na awtoridad.
a. Totalitasyanismo b. Republika c. Pamahalaang Pederal d. Demokrasya
25. Isang anyo ng demokrasya ang ________________ kung saan ang mga mamamayan ay pumili ng kinatawan o
representative sa pamahalaan.
a. Totalitasyanismo b. Republika c. Pamahalaang Pederal d. Demokrasya
26. Hawak ng mga local na pamahalaan ang kapangyarihan na hindi maaaring pakialaman ng pamahalaang
nasyonal.
a. Totalitasyanismo b. Republika c. Pamahalaang Pederal d. Demokrasya
27. __________________ ay maaaring uriin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kayarian, lawak ng kapangyarihan, pag-
uugnay ng mga sangay, at dibisyong heograpikal ng kapangyarihan.
a. Totalitasyanismo b. Republika c. Pamahalaang Pederal d. Pamahalaan
28. Ito ay nakatuon sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa at paraan ng paghahati ng kayamanan nito sa
mamayan.
a. Ideolohiyang pang-ekonomiya b. ideolohiyang pampolitika c. ideolohoyang pampamahalaan
29. Ito ay nakapokus sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pagpapatupad ng mamamayan.
a. Ideolohiyang pang-ekonomiya b. ideolohiyang pampolitika c. ideolohoyang pampamahalaan
30. Anong pamahalaan ito na kung saan may kalayaan silang political, pangkabuhayan at panlipunan.
a. Totalitasyanismo b. Republika c. Pamahalaang Pederal d. Demokrasya

III. Pag-isa-isahin.
Magbigay ng 3 bansa at anyo ng Pamahalaan sa Timog Asya.
Magbigay ng 2 bansa at anyo ng Pamahalaan sa Kanlurang Asya.

You might also like