You are on page 1of 5

KAGAWARAN NG EDUKASYON

TANGGAPAN NG MGA PAARALANG PANSANGAY


Lungsod ng Mandaluyong

PANIMULANG PAGSUSULIT PARA SA UNANG MARKAHAN


ARALING PANLIPUNAN
BAITANG 7
Taong Panuruan 2021-2022

Pangalan: ____________________________Baitang/Pangkat: _____________________

Paaralan: ____________________________ Petsa: ______________ Iskor: ________

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na aytem.


Piliin ang letra ng pinakatamang sagot

1. Binubuo ng limang rehiyon ang Asya batay sa paghahambing heograpikal. Paano


isinasagawa ang paghahati ng mga rehiyon?
A. Ayon sa klima at behetasyon
B. Ayon sa antas at pag-unlad ng bansa
C. Ayon sa isinasaalang-alang na sukat at lawak
D. Ayon sa pisikal, kultura, kasaysayan at pulitika

2. Pinakamalaki at pinakamalawak na sukat ng Asya sa daigdig. Bunga nito nahati ito


sa limang magkakaibang rehiyon. Ano ang mahihinuha natin dito?
A. Magkakaiba ang klima at behetasyon ng mga rehiyon at bansa nito.
B. Magkakahawig ang mga tao na nakatira sa mga rehiyon at bansa nito.
C. Magkakapareho ang hanapbuhay ng mga tao na nakatira sa mga bansa nito.
D. Magkakaiba-iba ang mga pisikal na anyo ng mga tao na nakatira sa mga
bansa nito.

Suriin ang mapa ng Asya. Sagutin ang tanong bilang 3-4.


3. Batay sa iyong pagsusuri sa mapa, paano mo ilalarawan ang pisikal na anyo ng
Asya?
A. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
B. Iregular ang hugis, sukat at laki ng iba’t-ibang bahagi ng Asya.
C. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay may anyong tubig.
D. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-
pareho.
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa mga katangiang pisikal
ng kontinente ng Asya?
A. Makikita sa Asya ang iba’t-ibang anyong lupa at anyong tubig.
B. Mayroong iisang klima na nararanasan ang lahat ng bansa sa Asya.
C. Maraming uri ng kapaligiran sa Asya batay sa tumutubong halaman.
D. Magkakaiba ang uri ng pamumuhay at kabuhayan ng mga tao sa Asya.
5. Malawak ang rehiyong ito, ang mga bansa dito ay nakararanas ng iba’t-ibang
panahon sa loob ng isang taon. Monsoon Climate ang tawag sa klima na nararanasan
sa rehiyon na ito. Ang rehiyong ito ay matatagpuan sa:
A. Hilagang Asya
B. Kanlurang Asya
C. Sillangang Asya
D. Timog Asya

6. Ang Pilipinas, kasama ang ilang mga bansa sa rehiyong Asya Pasipiko ay nakalatag
sa isang sona na kung saan ay nagtataglay ng maraming hanay ng bulkan. Ang sona
na ito ay tinatawag na:
A. Pacific Ring of Forest
B. Pacific Ring of Fire
C. Pacific Ring of Mountain
D. Pacific Ring of Trenches

7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa mga katangiang pisikal
ng kontinente ng Asya?
A. Makikita sa Asya ang iba’t-ibang anyong lupa at anyong tubig.
B. Mayroong iisang klima na nararanasan ang lahat ng bansa sa Asya.
C. Maraming uri ng kapaligiran sa Asya batay sa tumutubong halaman.
D.Magkakaiba ang uri ng pamumuhay at kabuhayan ng mga tao sa Asya.

8. Sa laki at lawak ng Asya ay kakikitaan din ng isang kalikasang puno ng iba’t iba at
katangi-tanging yaman ng kalikasan. Ito ay tinatawag na:
A. Biodiversity
B. Divergence
C. Ecology
D. Heritage
9. Ang bawat bansa sa Asya ay may iba’t-ibang likas na yaman. Mahalaga ang mga ito
sa isang bansa sapagkat:
A. Ang mga ito ang magagamit ng mga mamamayan upang maging tanyag ang
kanilang bansa.
B. Ang mga ito ang magagamit ng mga mamamayan upang magkaroon ng
hanap-buhay.
C. Ang mga ito ang magagamit ng mga mamamayan sa pag-unlad ng kanilang
buhay.
D. Ang mga ito ang magagamit ng mga mamamayan upang maging maunlad
ang kanilang buhay at bansa.

10. Ang mga likas na yaman na tulad ng ginto, pilak at bakal ay halimbawa ng mga
anong uri ng likas na yaman?
A. Yamang gubat
B. Yamang lupa
C. Yamang mineral
D. Yamang tubig

11. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, itinuturing na pangunahin at


napakahalagang butil pananim ang palay. Ano ang kaugnayan ng topograpiya ng lugar
tungkol dito?
A. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais, at barley.
B. Palay ang pangunahing pananim ng mga tao sa Timog-Silangang Asya.
C. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong
ito.
D. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa
pagtatanim.

12. Malaki ang gampanin ng behetasyon ng mga rehiyon sa Asya sa pamumuhay ng


mga Asyano. Paano nakaaapekto ang behetasyon sa uri ng pamumuhay ng mga
Asyano?
A. Palipat-lipat ng tirahan ang mga Asyano dahil sa paghahanap buhay.
B. Maliit ang populasyon ng mga lugar na may di kanais-nais na behetasyon.
C. Mas maraming Asyano ang nakatira sa mga lugar na may mainam na
behetasyon.
D. Inaakma ng mga Asyano ang kanilang pamumuhay batay sa behetasyon ng
mga lugar.

13. Alin sa mga sumusunod na pahayag sa ibaba ang TOTOO hinggil sa epekto ng
likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano sa kategorya ng agrikultura?
A. Patuloy ang pagdami ng tao kaya nagkakaroon ng mga land conversion.
B. Marami sa mga bansa sa Asya ang kumukuha ng hilaw na materyales sa
kanilang mga likas na yaman.
C. Kung malawak at mataba ang lupain, mas matutugunan nito ang
pangangailangan ng bansa sa pagkain.
D. Sagana sa yamang mineral, partikular sa petrolyo ng mga bansa sa
Kanlurang Asya.

14. Sa nakalipas na mga dekada ay tumataas ang temperatura ng mundo. Ito ang
nagdudulot sa unti-unting pagkatunaw ng mga polar ice caps sa Artic at Antartic. Ang
phenomena na ito ay tinatawag na:
A. Climate Change
B. Ecological Balance
C. Deforestation
D. Siltation
15. Malaking bahagi ang ginagampanan ng urbanisasyon sa pag-unlad ng ekonomiya
ng mga bansa sa Asya. Sa kabilang dako, ano ang NEGATIBONG EPEKTO nito sa
kapaligiran?
A. Pagdami ng trabaho para sa mga tao.
B. Pag-unlad ng teknolohiyang pansakahan.
C. Pagtaas ng antas ng polusyon sa tubig, lupa at hangin.
D. Pagtaas ng bahagdan ng marunong bumasa at sumulat.

16. Alin sa sumusunod ang hindi direktang dahilan ng mabilis na pagkawala ng


biodiversity sa Asya?
A. Pagkakalbo o pagkasira ng kagubatan o deforestation
B. Walang habas na pagkuha ng at paggamit sa mga likas na yaman
C. Patuloy na pagtaas ng populasyon
D. Introduksiyon ng mga species na hindi likas sa isang partikular na rehiyon

17. Patuloy ang paglaki ng populasyon sa daigdig. Ito ay isa sa mga suliraning
kinakaharap ng ilang bansa sa daigdig sa kasalukuyang panahon. Ang lahat ng
nabanggit ay epekto ng pagdami ng populasyon MALIBAN sa:
A. Naghahati-hati ang mga tao sa pinagkukunang yaman.
B. Nagdudulot ng kakapusan sa pagkain, damit at tirahan.
C. Nagdudulot na mabagal na pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
D. Nauubos ang mamahaling kagamitan at pangangailangan sa pamilihan.

18. Isa sa mga salik na tinitignan sa pag-aaral ng populasyon ay kung ang bansa ay
may batang populasyon o matandang populasyon. Nakabubuti ang batang populasyon
dahil darami ang taong makapagbibigay ng lakas-paggawa sa darating na panahon. Sa
kabilang dako, hindi ito mainam dahil:

A. Magiging mabagal ang pagdami ng tao sa bansa.


B. Magiging puno ang mga paaralan sa sobrang dami ng mga bata.
C. Magiging maingay at magulo ang bansa kung mas maraming bata kaysa
matanda.
D. Magiging pasanin pa sila ng pamahalaan hanggat hindi pa sila nakakapag
hanapbuhay.
Suriin ang talahanayan tungkol sa populasyon ng ilang bansa sa Asya at sagutin ang
kasunod na tanong. (Aytem 19-20)
Bansa Populasyon Antas ng Paglaki ng Antas ng
(As of 2019) Populasyon Kamuwangan
(Population Growth (Literacy Rate)
Rate)
Sri Lanka 21,413,249 0.80 92%
Pilipinas 109,581,078 1.59 96%
Indonesia 273,523,615 0.89 95%
Japan 126,476,461 -0.19 99%
India 1,380,004,385 1.19 71%

19. Kung iaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng populasyon,
ano ang tamang pagkakasunod-sunod nito?
A. India, Sri Lanka, Pilipinas, Indonesia, at Japan
B. India, Indonesia, Japan, Pilipinas, at Sri Lanka
C. Sri Lanka, India, Indonesia, Pilipinas, at Japan
D. Indonesia, India, Japan, Pilipinas at Sri Lanka

20. Ayon sa datos ng 2019, ang literacy rate ng Pilipinas ay 96%. Mataas ito kumpara
sa ibang bansa sa Asya. Ngunit ayon sa mga eksperto ay tumutukoy lamang sa basic
literacy rate o ang kakayahang bumasa at sumulat. Ano ang mas mainam na batayan?
A. Ang bilang ng tao na nakababasa at nakasusulat ng Ingles.
B. Ang bilang ng tao na nauunawan ang kanilang sinulat at binasa.
C. Ang bilang ng taong nakapagtatapos ng pag-aaral sa kolehiyo.
D. Ang bilang ng tao na naghahanapbuhay kahit hindi nakababasa o
nakasusulat.

“Honest hearts produce honest actions’- Brigham Young

You might also like