You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region X – Northern Mindanao
DIVISION OF GINGOOG CITY
Gingoog City

ARALING PANLIPUNAN (Grade 7)


Unang Markahan
Set A
PANUTO: Basahing mabuti ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig?
A. State
B. Kontinente
C. Island
D. Kapuluan
2. Minsan itong binansagang Father India at Little China dahil sa impluwensiya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura
nito.
A. Kanlurang Asya
B. Silangang Asya
C. Hilagang Asya
D. Timog Asya
3. Ito ang mga distansiyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng prime meridian.
A. Longitude
B. Latitude
C. Altitude
D. Attitude
4. Sa apat na katangi-tanging lawa na matatagpuan sa Asya, alin sa mga sumusunod ang hindi kasali?
A. Caspian Sea
B. Dead Sea
C. Lake Baikal
D. Lake Huron
5. Sa isyung pangkapaligiran, ang salitang ito ay tumutukoy sa tirahan ng mga tao at hayop.
A. Habitat
B. Bansa
C. Lugar
D. Rehiyon
6. Ito ay sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat.
A. Red Alert
B. Red Tide
C. Low Tide
D. High Tide
7. Pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga gubat.
A. Reforestation
B. Deforestation
C. Conservation
D. Conversion
8. Isang suson sa stratosphere na nagpoprotekta sa mga tao, halaman, at hayop.
A. Strazone Layer
B. Sphere Layer
C. Ozone Layer
D. Ostratos Layer
9. Ang mamamayan ng Bhutan ay maaaring pangkatin sa tatlong pangkat etniko. Alin sa mga sumusunod ang hindi
kasali?
A. Sharchops
B. Lhotsampas
C. Ngalops
D. Pharshops
10. Isang kategorya ng wika kung saan ang pagbabago sa tono ng salita at pangungusap ay hindi nagpapabago sa
kahulugan ng salita at pangungusap.
A. Tonal
B. Beat
C. Stress
D. Rhythm

Page 1
11. Isang lugar sa disyerto na nagtataglay ng matabang lupa at tubig na magagamit sa pagtatanim at pag-aalaga ng
hayop.
A. Oasis
B. Garden
C. Paradise
D. Heaven
12. Ang pangkat na ito ay matatagpuan sa kapuluan ng Bal, Lombok, at kanlurang bahagi ng Sumbawa sa Indonesia.
A. Balboa
B. Baltimore
C. Balete
D. Balinese
13. Ito ang kita ng bawat indibidwal sa loob ng isang taon sa bansang kaniyang panahanan.
A. GDP capital
B. GDP consumption
C. GDP per capita
D. GDP per country
14. Taong 1979 nang ipatupad ng China ang patakarang ito upang limitahan ang mabilis na paglaki ng populasyon.
A. Family Planning
B. Contraceptives
C. One Country
D. One Child Policy
15. Anong batas ang tumutukoy sa Responsible Parenthood and Reproductive Health na ipinapatupad ng ating bansa?
A. Republic Act 10354
B. Republic Act 03541
C. Republic Act 35410
D. Republic Act 54103
16. Tumutukoy ito sa bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at sumulat.
A. Literacy Rate
B. Writing Skill
C. Literature Review
D. Reading Comprehension
17. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng klima ng Timog-Silangang Asya?
A. Mahaba ang taglamig na karaniwang tumatagal ng anim na buwan, at maigsi ang tag-init, ngunit may ilang
mga lugar na nagtataglay ng matabang lupa.
B. Bihira at halos hindi nakararanas ng ulan ang malaking bahagi ng rehiyon at kung umulan man, ito’y
kadalasang bumabagsak lamang sa mga pook na malapit sa dagat.
C. Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang tropical kung saan nakararanas ang mga ito ng tag-init,
taglamig, tag-araw, at tag-ulan.
D. Ang mga bansa rito ay nakararanas ng iba-ibang panahon: mainit na panahon para sa mga bansang nasa
mababang latitude, malamig at nababalutan naman ng yelo ang ibang bahagi ng rehiyon.
18. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kasali sa katangian ng klima?
A. Kinapapalooban ito ng mga elemento tulad ng temperatura, ulan, at hangin.
B. Naaapektuhan ito ng mga salik tulad ng lokasyon, topograpiya, uri o dami ng mga halaman, at distansiya sa
mga anyong tubig.
C. Ang karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang panahon.
D. Ang lahat ng bagay kapag inihagis paitaas ay kusang bumabalik sa lupa dahil sa puwersang humihila nito.
19. Ang mga sumusunod ay mga impormasyon ukol sa Pacific Ring of Fire maliban sa isa.
A. Ang lugar na ito ay nagtataglay ng maraming hanay ng mga bulkan.
B. Dito nagaganap ang nag-aapoy na giyera sa kasaysayan.
C. Tinatayang 81% ng mga pinakamalakas na lindol sa mundo ay nagaganap dito.
D. Ang pagsabog ng mga bulkan ay kadalasang nagdudulot ng paglindol o paggalaw ng lupa.
20. Sa usaping Likas na Yaman ng Asya, alin sa mga sumusunod ang hindi totoo?
A. Matatagpuan sa mga lambak ng Irrawaddy River at Sittang River ang pinakamatabang lupa sa Cambodia.
B. Tinatayang pinakamalaki sa mundo ang deposito ng ginto sa Kyrgyzstan.
C. Tinatayang nasa 84% ng kagubatan sa Brunei ang nagsisilbing panirahan ng iba’t ibang unggoy, ibon, at
reptile.
D. Sakop ng China ang 7% ng lupa sa buong mundo na maaaring bungkalin at ito’y pinagtatamnan ng iba’t ibang
uri ng pananim.
21. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatotohanang epekto ng malaking populasyon sa kalikasan?
A. Lalong nagiging mataas ang pangangailangan para sa likas na yaman.
B. Hindi maiwasan na nadaragdagan ang produksyon ng mga basura.
C. Nangangailangan ng sapat na espasyo upang gawing tirahan.
D. Mas napapaganda ang kapaligiran dahil maraming tao ang gagawa ng paraan.
22. Alin sa mga sumusunod ang nagbunsod sa mabilis na pagkawala ng biodiversity sa Asya?
A. Patuloy na pagbaba ng populasyon

Page 2
B. Kalinisan sa kapaligiran
C. Pag-aabuso sa lupa
D. Introduksyon ng mga species na likas sa isang partikuar na rehiyon
23. Alin sa mga sumusunod ang hindi angkop na impormasyon tungkol sa mga Tajik ng Hilagang Asya?
A. Dahil sa medyo mainit na panahon, karaniwang maninipis ang kasuotan ng mga Tajiks.
B. Sa Bundok ng Pamir, ang snow ay nakaharang sa mga daan dahilan kung bakit mahirap ang transportation.
C. Sa matagal na panahon ay napanatili ng Tajik ang sinaunang kultura at tradisyon ng kanilang mga ninuno.
D. Makikita ang yaman ng kultura ng Tajikistan sa mga makukulay na tela na karaniwang hinahabi.
24. Ang mga sumusunod na pahayag ay naglalarawan ukol sa mga Arab ng Kanlurang Asya maliban sa isa.
A. Ang malaking bahagi ng Arabian Peninsula ay binubuo ng lawa kung kayat sagana sa tubig ang lugar na ito.
B. Sila ang mga taong lagalag o nomadic na nagmula sa Arabian na mas kilala bilang Bedouins.
C. Islam ang pangunahing relihiyon ng mga Arabo.
D. Ang mga Arabo na may permanenteng tirahan ay nagtatanim ng dates, cereals, at iba pa.
25. Alin ang naiba sa mga sumusunod na pahayag ukol sa Manchu ng China?
A. Ang mga sinaunang Manchu ay naninirahan sa tinatawag na pocket house.
B. Karaniwang hanapbuhay ng mga Manchu na naninirahan sa lambak at kapatagan ay pagsasaka.
C. Sinasabi na ang mga Manchu ay nagmula sa Silangang bahagi ng China.
D. Sa paglipas ng panahon natutuhan na nilang gamitin ang wikang Mandarin ng mga Chinese.
26. Sa mga sumusunod na pahayag ukol sa Populasyon ng India, alin ang hindi tama?
A. Ito ay isa sa mga bansang papaunlad pa lamang at limitado ang hanapbuhay.
B. Ang India ang pang-apat sa mga bansa sa daigdig na may pinakamalaking populasyon.
C. Sa India, karaniwang hindi napag-uukulan ng pansin ay ang edukasyon.
D. Ayon sa ABC News humigit kumulang 33 bata ang isinisilang sa India kada minuto.
27. Ang Indonesia ay naglunsad ng kanilang programang Quality Family 2015. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang
hindi tugma dito?
A. Layunin ng programang ito na maipababa ang maternal at infant mortality rate.
B. Isa sa mga balakid na kinakaharap ng programang ito ay ang pagiging Islamiko ng karamihan ng mga
mamamayan.
C. Simula pa noong dekada 90 sinisikap na ng pamhalaan na makontrol ang mabilis na paglaki ng populasyon ng
bansa.
D. Sa programang ito mas hinihikayat ang partisipasyon ng kalalakihan sa pagpaplano ng pamilya.
28. Ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa usaping Populasyon ng China. Alin ang hindi tugma sa mga ito?
A. Ang populasyon ng China ay lumobo na ng hanggang 2 bilyon.
B. Sa China, 51.27% ay lalaki at 48.73% naman ay babae.
C. Taong 1979 nang ipatupad ng China ang One Child Policy.
D. Noong 2010, 4.08% ng mga Tsino ang hindi marunong bumasa.
29. Alin sa mga sumusunod ang malayo sa katotohanan sa bahaging ginampanan ng mga kabundukan at ilog sa Asya sa
pamumuhay ng mga Asyano?
A. Marami sa mga Asyano ay magsasaka at mangingisda.
B. Iba ibang produkto ang nagagawa ng mga Asyano na angkop sa kanilang kapaligiran.
C. Sumibol ang mga sinaunang kabihasnan sa lugar na malapit sa lugar na kanilang ikinabubuhay.
D. Nagdududlot ito ng pagkakawatak-watak ng mga Asyano.
30. Bilang isang Pilipino, ano ang kapakinabangan mo sa pagkakaroon ng ganap na kaalaman sa katangian ng mga
natural na kalamidad na dinaranas ng ating bansa?
A. I-enjoy ko na lang ang life imbes na uubusin sa pakikibaka tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran dahil alam
ko naman ang gagawin sa panahon ng sakuna.
B. Kailangan na maihalal ako at magkaroon ng mataas na puwesto dahil yon lang ang tanging paraan na
mapapakinabangan ang aking kaalaman.
C. Nagkakaroon ako ng sapat na kahandaan at ibahagi sa iba kung paano haharapin ang posibleng hamon ng
kalikasan.
D. Gagamitin ko ang lahat ng pinagkukunang-yaman at papalitan na lang bukas.
31. Alin sa mga sumusunod ang hindi sumusuporta sa pagpapabuti ng ugnayan ng tao sa kapaligiran?
A. Paglikha ng mga ordinansa at pagmumulta sa hindi tamang pagtapon ng basura.
B. Bigyan ng prayoridad ang search sa pagandahan kaysa sa pagsagawa ng disaster management program.
C. Pagpapatupad ng mga batas na naglalayong parusahan ang mga illegal na namumutol ng kahoy.
D. Pagkakaroon ng mga symposium at trainings tungkol sa global warming at climate change.
32. Bilang isang estudyante, alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapaligiran?
A. Magmungkahi ng palikuran na proyekto para sa mga residente na malapit sa ilog upang hindi na sila gagastos
sa paggawa ng septic tank.
B. Kung walang makitang basurahan, ilagay ang wrapper ng candy o sitsirya sa bulsa o sa bag.
C. Pagkuha ng corals at nang maibenta ito para sa karagdagang panggastos sa pag-aaral.
D. Pagsusunog ng mga basura para maitaboy ang mga lamok.
33. Bakit mahalaga ang wika sa paghubog ng kultura at pagkakakilanlan ng mga Asyano?
A. Ang wika ay nagdudulot ng pagkalito sa ibang lahi.
B. Dahil sa wika, nagkakaroon ng gyera sa ibang panig ng mundo.

Page 3
C. Kung walang wika, walang silbi ang batas na nagtataguyod na gawin itong Pambansang Wika ng isang bansa.
D. Ang pagkakapareho ng wika ang nagiging batayan ng pagpapangkat ng tao at pagpapalalim ng pag-intindi sa
buhay ng tao.
34. Bakit mahalaga na mapanatili ang kapayapaan sa Mindanao?
A. Dahil ang Mindanao ay nararapat na humiwalay sa Pilipinas at maging isang ganap na bansa.
B. Dahil ang Mindanao ay nagtataglay ng mas malaking kita kung ikukumpara sa ibang rehiyon ng bansa.
C. Dahil karapatan ng isang tao na mamuhay ng mapayapa at manirahan sa isang lugar na may maunlad na
ekonomiya.
D. Dahil sa Mindanao matatagpuan ang mga pinakamatapang at pinakatalentadong pinoy.
35. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng iyong suporta sa programa ng
pamahalaan upang makontrol ang paglaki ng populasyon ng bansa?
A. Mag-aral ng mabuti at isabuhay ang kataga ng Population Commission na “Huwag ipagpalit ang hinaharap sa
sandaling sarap”.
B. Mag-aral ng mabuti at nang maranasan ang mga party sa Boracay, na isa sa mga ipinagmamalaking beach ng
Department of Tourism.
C. Mag-aral ng mabuti upang magkaroon ng pambili ng pagkain para sa mga anak na sabi nga sa Bible “Go to the
world and multiply.”
D. Mag-aral ng mabuti upang mas lalong maintindihan ang program ng National Commission on Culture and the
Arts (NCCA) na suportahan ang ibang ethnic groups na naniniwalang ang bata ay isang biyaya ng langit.
36. Ang Pilipinas ay dumaranas ng iba’t ibang suliraning pangkapaligiran at kalagayang panlipunan. Alin sa mga
sumusunod na gawain ang nararapat mong gawin bilang isang mamamayang Pilipino?
A. Kailangang kontrolin ang sarili at huwag makialam sa buhay ng may buhay.
B. Intindihin na lang na may mga taong sadyang napapagod na sundin ang mga patakaran kaya hayaan na lang
sila sa kanilang ginagawa para walang gulo.
C. Magkaroon ng disiplina na sundin ang mga ordinansa at batas na naglalayon na protektahan ang karapatan ng
kalikasan at karapatang pantao.
D. May mga taong gumagawa ng krimen sa ating lipunan kaya hayaan at suportahan na lang yong mga ibang tao
na nais tapusin ang buhay ng mga may kasalanan.
37. Ang uri ng kapaligirang pisikal ng isang lugar ay epekto ng uri ng klima nito. Ito’y bunsod din ng pangyayaring likas na
hindi maiiwasan tulad ng paggalaw ng lupa, pagputok ng mga bulkan, at ang pag-ihip ng Monsoon o hanging
nagtataglay ng ulan na maaaring humantong sa bagyo.
Alin sa mga sumusunod ang sumasalamin sa puntong ito?
A. Ang tao ay kailangang iangkop at ihanda ang kanyang sarili sa paligid na ipinagkaloob sa kanya ng inang
kalikasan.
B. Sadyang ang tao ay isang uri ng mahinang nilalang at naghihintay na lamang sa magiging takbo ng kanyang
kapalaran.
C. Ang tao ay may angking talino kaya kailangan niyang baguhin ang kanyang paligid na naaayon sa kanyang
gusto.
D. Ang ating mundo ay nilikha ng Diyos upang sukatin ang ating katatagan at ilagay tayo sa pagsubok.
38. Sinasabing noong araw pa man bago maisulat ang kasaysayan, ang karamihan sa mga anyong lupa at anyong tubig
sa daigdig ay hinubog at binigyang porma ng, bukod sa paggalaw ng tectonic plates na nagpabitak at nagpaangat sa
ilang bahagi ng lupa, ay dulot ng mga pagyanig mula sa pagsabog ng bulkan.
Alin sa mga sumusunod ang mas makatotohanan sa puntong ito?
A. Ang ating mundo ay nagbabago sa paglipas ng panahon.
B. Nalalapit na ang araw ng paghuhukom.
C. Hindi na kaya ng ating Daigdig ang pinaggagagawa ng mga tao.
D. Ang Daigdig ay malapit nang magunaw.
39. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nangunguna sa buong daigdig sa produksyon ng langis ng niyog at kopra.
Alin sa mga sumusunod ang nakaangkla sa pahayag na ito?
A. Ang mga Pilpino ay sadyang napipilitan na lamang magtanim ng niyog sa kadahilanang ito lamang ang tanim
na mas madaling mabuhay sa lupain ng Pilipinas.
B. Mahilig kumain ang mga Pilipino ng mamantikaing pagkain.
C. Marami sa mga Pilipino ay walang pinag-aralan kung kaya’t sa pagtatanim na lamang ng niyog iniaasa ang
kanilang buhay.
D. Ang ating bansa ay may matabang lupa at malakas na agrikultural na pamumuhay.
40. Asia’s Natural Resources Getting Strained by Development
Asia Pacific countries must maintain their natural capital such as forests, biodiversity, freshwater, and coastal and
marine ecosystems to achieve a green economy, according to a joint report by the Asian Development Bank (ADB)
and Worldwide Fund for Nature (WWF).
Carballo, Mayvelin U., The Manila Times
June 07, 2012
Alin sa mga sumusunod ang angkop sa isinasaad na pahayag?
A. Isang mandato upang manatiling agrikultural ang ibang bansa at mangunguna naman ang ibang bansa sa
pagiging industriyalisado.
B. Kaya hindi umuusad ang third world countries dahil nakikialam at pinangungunahan ang mga ito ng first world

Page 4
countries.
C. Dahil sa paghahangad na maging katulad ng ibang industriyalisadong bansa ay naisasakripisyo ang kalikasan
upang maisakatuparan lamang ang mithiing ito.
D. Ang mga ahensiyang nagpapatupad ng pangkapalagirang layunin ay hindi nagtatagumpay dahil sa nababalot
at naiimpluwensiyahan ito ng politika at terorismo.
41. Ang wika ang pangunahing gamit ng tao sa pakikipagtalastasan sa kaniyang kapwa. Sa pamamagitan ng wika
naipapahayag ng tao ang kaniyang damdamin.
Alin sa mga sumusunod ang mas angkop sa usaping ito?
A. Wika ang dahilan kung bakit maraming mga estuyante ang mababa ang marka sa paaralan.
B. Nagsisilbing tulay ang wika para sa kaunlaran at kapayapaan.
C. Ang wika ay nagdudulot lamang ng kaguluhan sa mga tao.
D. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon ng pagpapangkat sa antas ng tao sa lipunan.
42. Lahat ng bagay na makikita sa Bali ay may kinalaman sa kanilang paniniwala sa mga diyos at diyosa at mga ispiritu,
mabuti man o masama. Para sa mga Balinese, ang araw, puno, palayan, at maging mga bato ay may ispiritu. Kaya’t
silay nakikipamuhay nang maayos sa mga ito.
Alin sa mga sumusunod ang sumusuporta sa pahayag na ito?
A. Ang mga Balinese ay walang pinag-aralan kung kaya’t naniniwala sila sa mga diyos at diyosa.
B. Isinasabuhay ng mga Balinese ang kanilang pananampalataya at kaugnayan sa kapaligiran.
C. Mataas ang bilang ng mga Balinese na nasisiraan ng bait kung kayat maging ang mga bato ay pinaniniwalaan
nilang may ispiritu.
D. Naging mabagal ang pag-unlad ng kabuhayan ng mga Balinese dahil sa kanilang paniniwala.
43. Sa China, ang mga mag-asawang sumusunod sa patakaran ay binibigyan ng pabuya ng pamahalaan at ang mga
lumalabag ay pinapatawan ng kaparusahan. Ang mga mag-asawang may isang anak ay tumatanggap ng one-child
certificate, iba-ibang benepisyo mula sa pamahalaan gaya ng pera, mahabang maternity leave, pangangalaga sa
bata, at maayos na tirahan. Kapalit nito kinakailangang mangako ang mag-asawa na hindi na sila mag-aanak.
Alin sa mga sumusunod ang sumasalamin sa usaping ito?
A. Kawalan ng respeto sa karapatan ng bawat pamilya na gustong magkaroon ng maraming anak.
B. Nagpapatupad ng mapanlinlang na mga pangako para suportahan ang programa ng pamahalaan.
C. Masidhi ang pagnanais ng pamahalaan ng China na kontrolin ang bilang ng populasyon.
D. Nagpapakita lamang ang ganitong patakaran ng isang lipunang hindi naniniwala sa Diyos.
44. Patuloy ang pamahalaan ng bansang Indonesia sa pagpapatupad ng programang naglalayon na kontrolin ang mabilis
na paglaki ng populasyon ng bansa. Ngunit sa pagpapatupad ng programang ito, isa sa mga balakid na kinakaharap
ng Indonesia ay ang pagiging Islamiko ng karamihan ng kanilang mamamayan. Bunsod ng mga local na tradisyon at
kultura nahihirapan ang pamahalaang ipatupad ang aborsiyon at paggamit ng contraceptives sa mamamayan.
Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa pahayag na ito?
A. May mga pagkakataon na magkasalungat ang pamahalaan at simbahan sa kanilang layunin sa pag-abot ng
kaunlaran ng isang bansa.
B. Sa usaping pagkontrol ng populasyon, hindi na dapat pang bigyang pansin ng pamahalaan ano man ang
magiging reaksyon ng simbahan.
C. Kaya hindi maisakatuparan ng Indonesia ang layunin nitong kaunlaran ay pinarusahan sila ni Allah dahil sa
abortion at contraceptives.
D. Ang mga tradisyon at kultura ay mga salik na hadlang sa pagkamit ng kaunlaran ng isang bansa.
45. Sa pangkalahatan, matataba ang mga kapatagan ng China, malalalim ang mga lambak at matataas ang mga bundok.
Bagama’t malawak ito, ang mga naninirahan dito ay nagsisiksikan sa silangang bahagi ng bansa na isang kapatagan
hindi tulad ng kanlurang bahagi nito na binubuo ng mga kabundukan at talampas.
Alin sa mga sumusunod na linya ang hindi akma sa nasabing pahayag?
A. Mas madaling lakbayin at gawin sa kapatagan ang transaksyon ng mga produkto at serbisyo.
B. Sapagkat sa kapatagan lamang makikita ang mga biyayang hinahanap ng mga tao.
C. Dahil madalas nasa kapatagan ang sentro ng sibilasyon.
D. Ang matatabang lupain sa kapatagan ay mas angkop sa agricultural na pamumuhay ng mga tao.
46. Dahil sa lawak ng Asya, matatagpuan dito ang lahat ng uri ng klima at panahon.
Alin sa mga sumusunod ang mas nakaangkla sa pahayag na ito?
A. Sa Asya ay maririnig ang iba’t ibang wika
B. Taglay ng Asya ang iba’t ibang uri ng pamumuhay ng tao
C. Makikita sa Asya ang iba’t ibang anyo ng tao
D. Nagkakaroon ng iba’t ibang paniniwala sa Asya
47. Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong panluwas nito ay nagmula sa pagsasaka. Kung
malawak at mataba ang lupain, mas matutugunan nito ang mga pangangailangan ng bansa at makapagluluwas ng
mas maraming produkto.
Alin sa mga sumusunod ang mas angkop sa pahayag na ito?
A. Maraming lupain ang nakatiwangwang dahil tamad ang mga tao sa ibang bansa.
B. May mga bansang umaasa sa ibang bansa para sa kanilang pagkain dahil gusto nila itong sakupin.
C. Ang mga bansang nagluluwas ng pagkain sa ibang bansa ay walang damdaming nasyonalismo.
D. May tuwirang relasyon ang ugnayan ng dami ng tao sa pinagmumulan ng ikinabubuhay.
48. Sa patuloy na pagdami ng tao ay patuloy din ang pagdami ng nangangailangan ng ikabubuhay at pananahanan nito.

Page 5
Ang dami ng populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa katangian ng likas na yaman nito. Isang katotohanan na ang
populasyon ay lumalaki ngunit ang lupa ay hindi, kung kaya’t ang ilan ay isinasagawa ang land conversion.
Alin sa mga sumusunod ang mas sumasalamin sa nasabing pahayag?
A. Sadyang gahaman lamang ang tao kung kayat hindi siya nakukuntento sa lupang ipinagkaloob sa kanya.
B. Maraming mga lupaing dati ay sinasaka ay ngayon ay mga nagtatayugang gusali na.
C. Hindi pinahahalagahan ng tao ang mga minanang lupain kung kaya’t madali nila itong naibebenta sa iba.
D. May mga lupain na parang isinumpa at walang nabubuhay na halaman kung kaya’t kailangan nang ibenta.
49. MILF, Ikinatuwa ang Bagong Kasunduan para sa Bangsamoro
Ikinagalak ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front ang bagong kasunduang bumabalangkas kung
papaano uusad ang usapang pangkapayapaan sa Mindanao.
Ang framework agreement na napagkasunduan ng gobyerno at ng MILF ay magbibigay daan sa paglikha ng isang
political entity na tatawaging “Bangsamoro” na ipapalit sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao.
- LBG, GMA News
Alin sa mga sumusunod ang sumasalamin sa nabanggit na pahayag?
A. Gusto nang magkaroon ng sariling bansa ang mga MILF upang maisakatuparan nila ang kanilang mga
adhikain sa buhay.
B. Nais ng MILF na mabigyan ng pansin at magkaroon ng pagkakataon na mapalago ang pamumuhay ng mga
Muslim sa Mindanao.
C. Magdudulot lalo ito ng hidwaan sa pagitan ng pamahalaan at MILF na mauuwi sa walang tigil at madugong
digmaan.
D. Gusto ng MILF na magkaroon ng malawak na kapangyarihan upang kontrolin ang buong rehiyon ng Mindanao.
50. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig at tahanan ng iba’t ibang pangkat etnolinggwistiko na may
kaniya-kaniyang wika, etnisidad, at kultura. Hinati ito batay sa katangiang pisikal, kultural, at historikal na katangian
ng lugar. Sa Asya rin matatagpuan ang halos 60 porsiyento ng kabuuang populasyon sa daigdig.
Alin sa mga sumusunod ang mas totoo sa pahayag na ito?
A. Napapaloob sa Asya ang lahat ng suliraning bumabagabag sa sangkatauhan.
B. Makikita sa Asya ang mga hindi kapani-paniwalang kaganapan ng mundo.
C. Taglay ng Asya ang mas malaking bahagi ng buhay at kasaysayan ng Daigdig.
D. Matatagpuan sa Asya ang lahat ng pinaka-nagmarka sa kasaysayan ng mundo.

Page 6

You might also like