You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
PALAYAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Atate, Palayan City

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7

Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.
1. Ano ang tawag sa uri at dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng pagkakaroon ng kagubatan o
damuhan na epekto ng klima nito?
a. Monsoon b. Plant Geography c. Vegetation Cover d. Botanical Garden
2. Ito ay karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang
panahon.
a. Temperature b. Monsoon c. Hangin d. Klima
3. Ano ang pinakamalawak at pinakamalalim na karagatan sa buong mundo na makikita sa Asya?
a. Karagatang Pasipiko b. Karagatang Artiko c. Karagatang Indian d. Karagatang Atlantik
4. Paano magkakaroon ng ugnayan ang tao sa kanyang kapaligiran?
a. Sa pamamagitan ng mabuting pagtugon sa hamon ng kapaligiran.
b. Sa pamamagitan ng pagsuko sa mga pagsubok.
c. Sa pamamagitan ng pagsasarili ng mga problema.
d. Sa pamamagitan ng pang-aabuso sa paggamit ng kalikasan.
5. Paano nagbabago ng pagsabog ng mga hanay ng bulkan ang kapaligiran na matatagpuan sa Pacific Ring
of Fire?
a. Ang paglindol at paggalaw ng lupa ay nagbubunsod ng pagbabagong pisikal ng anyong lupa at
tubig.
b. Ang pagbaha sa tabing dagat ay dahilan para lumikas ang mga tao.
c. Ang pagbitak ng mga lupa ay dahilan ng pagkamatay ng mga puno
d. Ang paglakas ng hangin ay dahilan ng pagkasira ng mga tahanan.
6. Ang mga halimbawa ay nagpapakita ng magandang ugnayan ng mga Asyano sa kanyang kapaligiran
MALIBAN sa
a. Nakakapamasyal ang mga turista sa iba’t ibang bansa sa Asya dahil sa karagatan.
b. Nakakapagatanim ng mga palay ang mga Pilipino tuwing tag-ulan.
c. Nagiging tanyag ang Asya sa magagandang tanawin dahil dulot ng pagputok ng mga bulkan sa
pacific Ring of Fire.
d. Pananatili ng mga tao sa loob ng bahay bunga ng Covid 19 pandemik.
7. Ano ang magandang epekto ng kaugnayan ng kapaligiran sa iyo bilang isang mag-aaral?
a. Nagiging masayahin sa araw-araw c. Nagiging masunurin sa magulang
b. Nagiging mabait sa kapitbahay d. Nagiging mapanuri sa mga nangyayari sa kapaligiran
8. Ano ang pinakamalaking kontinente ng daigdig?
a. Australia b. Asya c. Africa d. Antarctica
9. Sagana sa yamang pangisdaan ang rehiyong ito ng Asya, pangunahin itong tagapagluwas ng malalaking
isda o caviar mula sa isdang Sturgeon.
a. Timog Asya b. Hilagang Asya c. Timog Silangang Asya d. Silangang Asya
10. Ang pagkakaroon ng ________ na klima ng mga bansa sa Timog Silangang Asya ang dahilan upang
maging masagana ang rehiyon sa mga likas na yaman.
a. Nagyeyelo b. Humid Continental c.Tropical d. Monsoon Climate
11. Ang Silangang Asya ay ang nangunguna sa pagluluwas ng telang sutla (silk) sa daigdig dahil sa nagagawa
nilang mag-alaga ng napakaraming silkworm sa pamamagitan ng pagtatanim ng maraming puno ng
mulberry. Saang bansa makikita ang pagpaparami ng mulberry tree?
a. China b. Japan c. South Korea d. Taiwan
12. Pinakamalaking kontinente sa daigdig ang Asya. Ano-ano ang mga likas na yaman na bumubuo sa Asya?
a. Kagubatan at yamang mineral c. Yamang lupa at yamang tubig
b. Yamang tubig, lupa, mineral at kagubatan d. Yamang lupa, tubig at mineral

Address: Atate, Palayan City, Nueva Ecija


Tel. No.: (044) 940-7674/0905-358-2490/0932-479-2211 SCHOOL ID
Email Address: palcitynhs@gmail.com 30082
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
PALAYAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Atate, Palayan City

13. Alin sa mga sumusunod ang maaring maging bunga ng hindi tamang paglinang at pangangalaga ng likas
na yaman?
a. Pagkakaroon ng masaganang hanapbuhay c. Uunlad ang ekonomiya ng bansa
b. Hindi matutugunan ang pangangailangan ng tao d. Mapapaunlad ang sistema ng agrikultura
14. Ang sektor ng agrikultura ay maraming halaga sa isang bansa. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
kabilang dito?
a. Pinagkukunan ito ng hilaw na materyales c. Nagbibigay ng hanapbuhay sa tao
b. Nagkakakaroon ng sigalot sa magsasaka at sa may-ari ng lupa d. Pinagkukuhanan ng kitang
panlabas.
15. Ano ang maaring maging epekto sa mga tao kung hindi nila lilinangin at aalagaan ang ating likas na
yaman?
a. Pagkakaroon ng magandang hanapbuhay c. Pag-angat ng industriya
b. Pagkakaroon ng kasalatan sa pagkain at iba pang pangangailangan d. Pagtotroso
16. Ano ang maaaring maging epekto sa mga tao kung hindi nila lilinangin at aalagaan ang ating likas na
yaman?
a. Pagkakaroon ng magandang hanapbuhay
b. Pagkakaroon ng kasalatan sa pagkain at iba pang pangangailngan
c. Pag-angat ng industriya d. Pag-unlad ng ekonomiya
17. Magkakaiba ang likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya. Ano ang maidudulot nito sa mga tao?
a. Pagbagal ng pag-unalad ng pamumuhay ng mga tao.
b. Matuto ang mga Asyano na linangin at paunlarin ang kanikanilang taglay na likas na yaman.
c. Pagkaubos ng likas na yaman ay maaaring maranasan ng mga Asyano.
d. Pagkakaroon ng alitan at pag-aagawan ng mga Asyano sa kani-kanilang yamang likas.
18. Alin sa mga sumusunod ang posibleng epekto ng paglaki ng populasyon ng bansa?
a. Pagkaubos ng likas na yaman ng mga bansa.
b. Pagsasagawa ng land conversion upang may matirhan ang mga tao.
c. Pagkakaroon ng ibat-ibang uri ng polusyon.
d. Lahat ng nabanggit.
19. Isa itong komunidad ng mga buhay na organismo at di -buhay na bagay sa kanilang kapaligiran na
nakikipag-ugnayan sa isat’isa bilang isang sistema.
a. Ekolohiya b. Ecosystem c. Kapaligiran d. Siyensiya
20. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit patuloy na nababawasan ang natural na ekosistema sa
kasalukuyan MALIBAN sa:
a. Pagbabago ng klima c. Pagtatanim ng halaman
b. Pagtaas ng populasyon d. Polusyon sa tubig
21. Ito ay tumutukoy sa pagkaubos at pagkawala ng mga puno sa gubat.
a. Climate Change b. Deforestation c. Polusyon d. Urbanisasyon
22. Ito ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng greenhouse gases na nagpapainit sa
mundo.
a. Climate change b. Deforestation c. Polusyon d. Urbanisasyon
23. Ito ay tumutukoy sa balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at kanilang kapaligiran.
a. Climate change b. Ecosystem c. Ecological balance d. Polusyon
24. Suliraning pangkapaligiran kung saan nagkakaroon ng kontaminasyon sa lupa, tubig at hangin na
lubhang mapanganib sa tao at mga organism.
a. Climate change b. Ecosystem c. Ecological balance d. Polusyon
25. Ang mga sumusunod ay masamang epekto ng paglaki ng populasyon sa kalikasan MALIBAN sa:
a. Dumadami ang nangangalaga sa kalikasan.
b. Nagbubunsod ng kontaminasyon at polusyon sa mga hangin, tubig at lupa.
c. Mas mataas na pangangailangan ng mga likas na yaman.

Address: Atate, Palayan City, Nueva Ecija


Tel. No.: (044) 940-7674/0905-358-2490/0932-479-2211 SCHOOL ID
Email Address: palcitynhs@gmail.com 30082
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
PALAYAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Atate, Palayan City

d. Pagtatayo ng mga subdibisyon sa mga sakahan at mabundok na lugar na sumisira sa tirahan ng


mga hayop.
26. Isang proseso ng pagiging urbanong lugar ng isang rural na bayan dulot ng paglipat ng mga tao at
pagdami ng imprastraktura.
a. Climate Change b. Deforestation c. Polusyon d. Urbanisasyon
27. Ang mga sumusunod ay dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiveristy MALIBAN sa:
a. Patuloy na pagtaas ng pupolasyon c. Pagtatanim ng mga halaman at puno
b. Pagkakalbo ng kagubatan d. Walang habas na pagkuha ng likas na yaman
28. Isa sa suliraning kinakaharap sa kasalukuyan ay ang pagtaas ng produksyon ng basura. Alin sa mga
sumusunod ang pangunahing epekto ng suliraning ito?
a. Kakulangan sa pagkain c. Pagkakasakit ng tao at polusyon sa paligid
b. Pagkakalbo ng kagubatan d. Pagtaas ng temperature ng daigdig
29. Ang sumusunod na mga pangungusap ay nakatutulong sa pangangalaga ng kapaligiran MALIBAN sa:
a. Pagtatanim ng mga puno c. Pagsali sa mga proyektong clean and green at Bantay
kalikasan
b. Pagtatapon ng basura sa ilog at mga kanal d. Paghihiwalay ng mga basura
30. Alin sa mga sumusunod na pamayanan ang nagpapakita ng HINDI pagsunod sa mga panuntunang
pinaiiral ukol sa pangangalaga nang kapaligiran?
a. Ang Barangay Mapayapa na regular na naglilinis ng mga kanal sa kanilang komunidad.
b. Ang Barangay Maligaya kung saan walang sistema ang pagtatapon ng basura.
c. Ang Barangay Malaya na nagkakaisa sa paghihiwalay-hiwalay ng kanilang mga basura.
d. Ang Barangay Mabuhay na nagpapatupad ng mga proyektong pangkalikasan sa kanilang
komunidad.
31. Ano ang pinakamainam na gawin ng mga mamamayan upang mabawasan at mapigilan ang pagtukoy
na paglaki ng produksyon ng basura?
a. Bawasan ang pagkonsumo ng mga produktong solido c. Pigilan ang proseso ng urbanisasyon
b. Ipagpaliban ang industriyalisasyon d. Pagtatapon ng mga basura sa wastong basurahan at
pagreresiklo.
32. Libo- libong tao ang nakiisa sa tinatawag na Earth Hour upang mabawasan ang pagtaas ng
katamtamang temperature sa daigdig. Alin sa mga sumusunod na mga suliraning pangkapaligiran ang
nais tugunan sa pahayag?
a. Biodiversity b. Deforestation C. Ecosystem d. Global warming
33. Anong suliraning ito na tumutukoy sa pagkasira ng lupa dahil hindi nakasasapat ang kapasidad ng
damuhan sa laki ng kawan ng hayop?
a. Deforestation b. Overgrazing c. Polusyon d.Urbanisasyon
34. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa lupa kung saan lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kya ay
inaanod ng tubig papunta sa lupa at karaniwang nagaganap sa paligid ng estuary at sa lugar na mababa
ang balon ng tubig?
a. Biodiversity b. Desertification c. Salinization d. Siltation
35. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mabilis na pagkaubos at pagkawala ng mga punong kahoy sa
mga kagubatan?
a. Biodiversity b. Deforestation c. Desertification d. Salinization
36. Maraming paraan upang mapigilan ang mabilis na pagkawala ng biodiversity. Alin sa mga sumusunod
ang pinakamainam na paraan upang maisagawa ito?
a. Ipaubaya ang paglutas ng suliranin sa mga lokal na opisyal.
b. Makibahagi sa mga proyektong may kinalaman sa pagsagip sa kalikasan.
c. Maging mulat sa mga pangayayari sa kapaligiran.
d. Tangkilikin ang mga biodegradable na produkto.
37. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagbabago ng pandaigdigan o rehiyunal na klima na maaring
dulot ng likas na pagbabago ng daigdig at gawain ng tao?
Address: Atate, Palayan City, Nueva Ecija
Tel. No.: (044) 940-7674/0905-358-2490/0932-479-2211 SCHOOL ID
Email Address: palcitynhs@gmail.com 30082
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
PALAYAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Atate, Palayan City

a. Biodiversity b. Climate change c. Deforestation d. Ecosystem


38. Anong suliranin sa lupa ang tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o
lubhang tuyo na kapag lumaon ay hahantong sa permanenteng pagkawala ng pakinabang o
productivity nito?
a. Biodiversity b. Desertification c. Salinization d. Siltation
39. Anong agham ang pagaaral ukol sa paglalarawan sa ibabaw ng daigdig?
a. Heograpiya b. Kasaysayan c. Kultura d. Sibika
40. Ilang bahagdan ang kabuuang lupain sa mundo ang saklaw ng buong sukat ng Asya?
a. 1/3 b. 1/8 c. ¼ d. ½
41. Ano ang kasalukuyan ang kabuuang bilang ng pagkakahati ng rehiyon sa Asya batay sa Asyanong
pananaw?
a. 3 b.4 C. 5 d. 6
42. Ano ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa mundo?
a. Kapatagan b. Kapuluan c. Kontinente d. Rehiyon
43. Ilang sub- regions ang pagkakahati ng Timog – Silangang Asya ?
a. 2 b. 3 c. 4 d. 5
44. Ilan ang kontinente ng mundo?
a. 4 b. 5 c. 6 d. 7
45. Ilang bansa ang bumubuo sa Asya?
a. 48 b. 49 c. 50 d. 51
46. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa?
a. Populasyon b. Sensus c. Komposisyon d. Distribusyon
47. Alin sa sa mga sumusunod na rehiyon sa Asya ang may pinakamataas na bilang ng populasyon?
a. Timog Asya b. Silangang Asya c. Gitnang Asya d. Timog Silangang Asya
48. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at sumulat?
a. Land area b. Median Age c. Urban Population d. Literacy Rate
49. Alin sa mga sumusunod na bansa ang pangalawa sa may pinakamaraming tao sa kontinente ng Asya?
a. Pilipinas b. China c. Indonesia d. India
50. Alin sa mga sumusuod ang tumutukoy sa bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa isang bansa sa loob ng
isang taon?
a. Population density b. Population growth rate c. Fertility rate d. Migration

Inihanda nina:

JENNYFER B. NIPALES, PhD JENIFER U. FRANCO DEBBIE L. QUINOPKOP JESICA R. NAOE


Mga Guro sa Araling Panlipunan 7

Natunghayan ni: Sa kaalaman ni :


BOBSTIL T. ONOSA MARY FINELA M. BAYAN, PhD
Ulong Guro III, Araling Panlipunan Punongguro IV

Address: Atate, Palayan City, Nueva Ecija


Tel. No.: (044) 940-7674/0905-358-2490/0932-479-2211 SCHOOL ID
Email Address: palcitynhs@gmail.com 30082

You might also like