You are on page 1of 2

CIRILA G.

ODAL NATIONAL HIGH SCHOOL


CEBUANO NATIONAL HIGH SCHOOL-EXTENSION
Brgy. Linan, Tupi, South Cotabato

ARALING PANLIPUNAN 7
Parallel Assessment
Quarter I

Pangalan: ____________________________________________________Baitang at Pangkat: ____________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan at bilugan ang titik ng wastong sagot.
WEEK 5-6
1. Ano ang mangyayari kung ang kabataang tulad mo ay magpapalaganap ng mga programa na susuporta
sa ikabubuti ng kapaligiran at kapakanan ng mga Asyano?
a. magkakaroon ng pagkakaisa tungo sa pag-unlad ng ekonomiya
b. magiging maunlad ang lahat ng bansa dahil sa bagong teknolohiya
c. magpapatuloy ang ugnayan ng mga bansa sa pagsulong ng kaalaman
d. magpapatuloy ang kasaganahan ng likas yaman para sa susunod na henerasyon
2. Alin ang tumutukoy sa nagaganap na interaksiyon sa pagitan ng isang pamayanang biyolohikal
at walang buhay na organismo?
a. biome c. ecosystem
b. ecology d. homeostasis
3. Saan matatagpuan ang , mayaman at masaganang marine biodiversity ng Sarangani Bay, ang
mala- paraisong Lake Holon, at ang matayog na Mt. Matutum?
a. Sultan Kudarat c. South Cotabato
b. Davao City d. SOCCSKSARGEN
4. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at
proseso ng pamamahala ng solid waste sa Pilipinas?
a. Republic Act 9003 c. Republic Act 7942
b. Republic Act 9275 d. Republic Act 7586
5. Alin sa sumusunod ang may kinalaman sa polusyon sa tubig?
a. paglilinis ng mga palaisdaan
b. paggawa ng parke sa dalampasigan
c. pagkakalat at pagtapon ng dumi sa dagat
d. paggawa ng mga palaisdaan mula sa kakahuyan ng bakawan
6. Ayon sa Department of Health, ang maruming hangin ay nagdudulot ng noncommunicable
diseases. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga sakit na nakukuha dahil sa
pagkalanghap ng hangin na may lason?
a. cancer c. acute respiratory infections
b. allergies d. acquired immunodeficiency syndrome (AIDS)
7. Paano mapanatili ang buhay ng mga organism sa kapaligiran?
a. kung maayos ang ugnayan ng mga organismong may buhay at walang buhay
b. kung lahat ng nasa paligid ay marumi at mabaho
c. kung ang bawat pamilya ay sama-samang nagdarasal
d. kung magulo ang kapaligiran
8. Iba’t-ibang suliraning pangkapaligiran ang hinaharap ng mga Asyano. Alin sa mga sumusunod
ang HINDI KABILANG sa mga suliraning pangkapaligiran?
a. global warming c. deforestation
b. polusyon d. pagtaas ng populasyon
9. Ito ay isang mahalagang yaman ng Asya, nagpapanatili ng balanseng ekolohikal sa ating
kapaligiran at nagsisilbing natural na tirahan o natural habitat din ito ng iba’t ibang species ng
halaman at hayop.
a. kabundukan c. kagubatan
b. karagatan d. ecosystem
10. Ang Pilipinas ay isa sa bansang may pinakamabilis na antas o rate ng deforestation. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI kabilang sa pangunahing sanhi ng problemang ito.
a. pagtatanim ng mga punong-kahoy c. komersiyal na pagtotroso
b. pagkakaingin d. pagpuputol ng puno
11. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa epekto ng deforestation sa tao at maging sa
kabuuan ng ecosystem.
a. global warming c. pagkaubos ng likas na yaman
b. nanganganib ang mga species d. pagkalulong sa bawal na gamut
12. Sa pagtaas at pagkalat ng greenhouse gases mula sa usok ng mga sasakyan, pabrika, at
produksiyon ng kuryente ay nagkaroon ng iba’t ibang suliraning pangkapaligiran sa Asya. Ano
ang epekto nito sa pamumuhay ng mga Asyano?
a. ang pagkakaroon ng balanseng ekolohikal sa Asya
b. ang pagkasira ng kapaligiran at pagkakasakit ng mga tao
c. ang paglaki ng bilang ng mga taong may hanapbuhay at sasakyan
d. maraming tao ang mahihikayat na huwag nang magtrabaho sa mga pabrika at planta ng
kuryente
13. Ano ang mangyayari kung magpapatuloy sa pagkakaingin ng mga tao sa kabundukan?
a. uunlad ang kabuhayan c. sasapat ang pagkain para sa lahat
b. dadami ang makukuhang prutas d. guguho ang lupa at babaha ng husto sa mababang lugar
14. Alin sa sumusunod ang tumutugon sa kontaminasyon ng lupa, tubig, at hangin sanhi ng
pagtatapon ng mga bagay na toxic mula sa mga tahanan at pagawaan?
a. polusyon c. climate change
b. deforestation d. global warming
15. Alin sa mga sumusunod ang tumutugon sa mabilis na pagtaas ng temperatura sa daigdig sanhi
ng akumulasyon ng carbon dioxide at singaw ng mainit na hangin na napigil ng masa ng
malamig na hangin sa loob ng daigdig?
a. climate change c. pollutants
b. global warming d. greenhouse gases
16. Ayon sa artikulo nina J. Wu at C. Overton na may pamagat na “Asian Ecology: Pressing
Problems and Research Challenges” noong 2002, Ilang porsiyento ng kabuuang carbon dioxide
ang nagmula sa Asia-Pacific?
a. 15% c. 25%
b. 45% d. 50%
17. Anong suliranin ang tumutukoy sa pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga
greenhouse gases na nagpapainit sa mundo?
a. Climate Change c. deforestation
b. global warming d. polusyon
18. Kapag inayos ang mga titik na TRANITE, anong salita ang mabubuo na tumutukoy sa dumi ng
hayop na nagpapadumi sa lupa at tubig.
a. RATTINE c. TANRITE
b. TIRNATE d. NITRATE
19. Ano ang tawag sa mga basurang nagmula sa tahanan, komersyal na establisimyento, mga
basura sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura, mga basurang hindi
nakakalason, atbp.
a. endangered species c. polusyon
b. solid waste d. kemikal
20. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng tao na pangalagaan ang kalikasan?
a. responsibilidad itong ipinagkatiwala sa kaniya na dapat niyang gampanan
b. sa kalikasan nakadepende ang hinaharap ng tao dahil sa biyayang taglay nito
c. sa kalikasan nanggagaling ang mga materyal na bagay na bumubuhay sa kaniya
d. Ang kalikasan ay kakambal ng kaniyang pagkatao; ito ang bubuhay sa kaniya at bilang
kapalit, kailangan niya itong alagaan at pahalagahan.

You might also like