You are on page 1of 3

Camp General Emilio Aguinaldo High School

IKALAWANG MAHABANG PAGSUSULIT SA KONTEMPORANEONG ISYU

UNANG BAHAGI: MULTIPLE CHOICE. Piliin ang titik ng tamang sagot

1. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa climate change?


A. Isang huwad na paniniwala ang climate change.
B. Ang climate change ay maaaring bunga ng mga pang-aabuso ng tao sa kalikasan.
C. Ang climate change ay nagdudulot ng iba’t ibang suliranin sa kapaligiran.
D. Ang climate change ay nakapipinsala sa buhay at ari-arian ng mga taong apektado nito.

2. Ito ay tumutukoy sa pagtaas ng temperatura ng daigdig na nagmumula sa pagtaas ng konsentrasyon ng mga gas
tulad ng carbon dioxide, methane, nitrous oxide, at sulfuric acid sa atmosphere. Ano ito?
A. deforestation
B. global warming
C. ozone layer depletion
D. wildfire

3. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang tamang pamamaraan sa pag-iwas sa mga epekto ng climate change?
A. Maghapong binuksan ni Wilson ang aircon kahit lalabas siya ng bahay.
B. Ang mga sako ng basura ay basta lang itinambak sa tabi ng kalye.
C. Pinaghiwa-hiwalay ni Ellie ang kaniyang mga basura at ginamit ang ibang mga plastik na bote bilang mga paso ng
halaman.
D. Ang mga pabrika sa NCR ay patuloy na naglalabas ng mga kemikal sa Ilog Pasig at makapal na usok sa kalangitan.

4. Ito ang tawag sa pagguho ng lupa dahil sa labis at tuloy-tuloy na pag-ulan o maaaring dulot ng paglindol. Ano
ito?
A. flash flood
B. global warming
C. landslide
D. wildfire

5. Alin sa sumusunod ang hindi epekto ng pagmimina?


A. bagyo
B. pagkasira ng lupa
C. pagguho ng lupa
D. panganib sa kalusugan ng tao

6. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit ang dating kagubatan ay nagiging plantasyon,
subdibisyon, o sentrong komersyo ?
A. Paglipat ng pook tirahan
B. Illegal na pagtotroso
C. Pagdami ng populasyon
D. Illegal na pagmimina

7. Isa sa mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa Pilipinas ay ang polusyon sa hangin. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI pinagmumulan ng polusyong ito.?
A. Pagsusunog ng mga fossil fuel gaya ng karbon, langis, at natural gas.
B. Pagtatapon ng basura sa mga ilog at karagatan.
C. Mga usok na ibinubuga ng mga sasakyan at pabrika na may pollutant gaya ng nitrogen oxide, sulfur dioxide at
hydrocarbons.
D. Greenhose gases gaya ng carbon dioxide at methane.

8. Ang Pilipinas ay apektado ng nagaganap na climate change. Alin sa sumusunod ang epekto nito sa ating bansa?
A. Pagtaas sa insidente ng dengue
B. Pagliit ng produksiyon ng pagkain
C. Malalakas na bagyo na nagdudulot ng pagbaha at landslides
D. Lahat ng nabanggit

9. Ang pag-init ng temperatura ng mundo ay nagdudulot ng mga sakuna gaya ng heatwave, baha, at tagtuyot. Alin
sa sumusunod ang maaaring maging epekto nito?
A. Pagdami ng sakit gaya ng dengue, diarrhia, malnutrisyon at iba pa
B. Pagkakaroon ng marami at malalakas na bagyo
C. Pag-iral ng mga pangklimang penomena gaya ng La Nina at El Nino
D. Pagkakaroon ng tinatawag na global warming
Camp General Emilio Aguinaldo High School

10. Alin sa sumusunod ang hindi tamang pahayag tungkol sa epekto ng climate change?
A. Mataas ang banta ng epekto ng climate change sa Pilipinas
B. Malaki at seryoso ang epekto ng climate change sa kapaligiran
C. Hindi maaring makialam ang indibidwal na tao sa pagsugpo sa climate change dahil gawain lang ito ng
pamahalaan
D. Halos kalahati ng populasyon ng buong mundo ay nakararanas ng masama epekto ng climate change

11. Ang sumusunod ay masamang epekto ng solid waste maliban sa______


A. Nagiging sanhi ng pagbaha
B. Nagpapalala sa paglaganap ng sakit gaya ng dengue at cholera
C. Nakadadagdag sa suliranin sa polusyon ang pagsusunog sa mga ito
D. Nadaragdagan ang bilang ng mga waste pickers na kumikita sa mga ito

12. Ang Sierra Madre ay isa sa mga bulubundukin na matatagpuan sa Pilipinas. Kamakailan lang, nagsilbi itong
panangga sa pamimilasa ng Super Bagyong Karding. Sa anong paraan natin mapoprotektahan ang ating mga
natural na panangga sa mga kalamidad gaya ng Sierra Madre?
A. Pagtatayo ng mga dam gaya ng Kaliwa Dam
B. Gawing protected area ang Sierra Madre
C. Bugawin ang mga hayop na naninirahan dito
D. Pagpapalawig ng slash and burn farming (kaingin)

13 .Alin ang wastong pahayag tungkol sa global warming?


A. Ang global warming ay ang labis na pagtatapon ng mga solid waste.
B. Ang global warming ay nagdudulot ng mga benepisyo sa kalikasan.
C. Greenhouse gases ang pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng global warming.
D. Ang global warming ay hindi nagdudulot ng El Niño at La Niña sa ating bansa.

14. Ang sumusunod ay itinuturing na suliraning pangkapaligiran, maliban sa isa. Ano ito?
A. deforestation
B. polusyon
C. solid waste
D. terorismo

15. Ito ang pinakamalaking uri ng itinatapong basura ayon sa ulat ng National Solid Waste Management Status
Report noong 2015.
A. biodegradable C. solid waster
B. nuclear waste D. electronic waste

16. Ang sumusunod ay masamang epekto ng solid waste maliban sa ___________.


A. Nagiging sanhi ng pagbaha
B. Nagpapalala sa paglaganap ng sakit gaya ng dengue at cholera
C. Nakadadagdag sa suliranin sa polusyon ang pagsusunog sa mga ito
D. Nadaragdagan ang bilang ng mga waste pickers na kumikita sa mga ito

17. Ito ay ang Non-Government Organization na nagsusulong sa karapatan ng mga Pilpino sa balanse at malusog na
kapaligiran.
A. Greenpeace
B. Mother Earth Foundation
C. Bantay Kalikasan
D. Clean and Green Foundation

18. Anong batas ang lumikha sa mga Material Recovery Facility (MRF) sa bansa?
A. Republic Act 9003
B. Republic Act 115
C. Republic Act 2649
D. Republic Act 9072

19. Bakit sinasabing ang mga mahihirap na mamamayan ang pangunahing naaapektuhan ng nagaganap na
deforestation?
A. Ang patuloy na pagliit ng kagubatan ay nangangahulugan din ng pagliit ng kanilang pinagkukunan ng
pangangailangan
B. Karamihan sa kanila ay nakatira malapit sa mga kagubatan
C. Sila ay napeperwisyo sa mga illegal na gawain ng mga tao
D. Wala silang magawa kung hindi makipagtulungan sa mga illegal loggers
Camp General Emilio Aguinaldo High School

20. Ayon sa National Solid Waste Management Status Report (2008-2018), ang pinakamalaking porsyento ng
municipal solid wastes (MSW) ay nagmumula sa
A. Kabahayan
B. Komesiyal na Establisimyento
C. Institusyunal
D. Industriya

21. Ang batas na ito ay ginawa upang maprotektahan at mapag-ingatan ang mga kagubatan sa pamamagitan ng
pagbabawal sa paggamit ng mga chainsaw
A.RA 9072 C. RA 9175
B.RA 9147 D. RA 7586

22. Ang problema sa solid waste at deforestation ay mga halimbawa ng anong uri ng kontemporaryong isyu?
A. Isyung pang-ekonomiya
B. Isyung pangkapaligiran
C. Isyung panlipunan
D. Isyung pangkalusugan

23. Ang sumusunod ay sanhi ng deforestation maliban sa isa. Ano ito?


A. Pagguho ng lupa
B. Ilegal na pagtotroso
C. Ilegal na pagmimina
D. Pagtaas ng populasyon

24. Ano ang epekto ng polusyon sa tubig sa mga tao?


A. Ito ay banta sa kalusugan ng mga tao.
B. Ito ay nagdudulot ng pagdumi ng tubig.
C. Nalalason ang mga isda sa mga anyong tubig.
D. Dadami ang taong aasa sa pangingisda bilang kabuhayan.

25. Bilang mag-aaral, alin sa sumusunod ang maaari mong gawin upang makatulong sa pagtugon sa mga suliraning
pangkapaligiran na kinakaharap ng bansa?
A. Sumali sa mga paligsahan sa barangay na makatutulong sa sariling pag-unlad.
B. Gumawa ng batas na siyang susugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
C. Sundin ang mga batas na ipinapatupad ng pamahalaan sa pangangalaga sa kapaligiran.
D. Suportahan ang piling programa ng komunidad para sa pangangalaga ng kapaligiran

IKALAWANG BAHAGI: IDENTIFICATION. Tukuyin ang hinihinging konsepto sa bawat bilang

26. Ang _____________ ay ang pagkakaroon ng mga nakapipinsalang materyales sa kapaligiran.


27. Ito ang uri ng polusyon na pangunahing sanhi ng global warming.
28. Ano ang ibig sabihin ng MRF?
29. Titulo ng Republic Act 9003
30. Pagbabago sa rehiyunal o pandaigdigang klima na dulot ng mga natural na pangyayari o dulot ng mga gawain
ng tao.
31. Pangunahing ahensiya ng pamahalaang nagsusulong ng mga programa para sa climate change.
32. Ito ang industriya ng pangangalap ng mga mineral sa lupa
33. Tumutukoy sa mga basurang ating itinatapon
34. Mga bagay na hindi gawa ng tao o likas sa kapaligiran na nakatutulong sa kaunlaran ng bansa.
35. Ang permanente at pangmatagalang pagkaubos ng kagubatan.

You might also like