You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Bulacan State University


BUSTOS CAMPUS
Poblacion, Bustos, Bulacan

Assessment and Evaluation in Social Studies

Name: Alcantara, Alyanna M. Section: BSED 3F-Social Studies

Activity 8: Writing an Achievement Test

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 10


(Kontemporaryong Isyu)
Name: ________________________________ Section: _________________________
Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Isulat sa patlang bago ang numero ang
tamang sagot. Isulat ito sa malaking titik.

_____1. Ano ang mga pangyayari o suliraning gumagambala sa estado ng isang pamayanan o
bansa?
A. Tsimis C. Balita
B. Kasaysayan D. Kontemporaryong Isyu

_____2. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng kontemporaryong


isyu?
A. Ito ay mga pangyayaring naganap sa nakaraan at walang epekto sa kasalukuyan.
B. Ito ay mga isyung maganda lamang ang epekto sa bansa at antas ng pamumuhay
ng tao.
C. Ito ay mga pangyayari na nakagagambala at nagpapabago sa kalagayan ng
pamayanan.
D. Ito ay mga ideyang pinag-uusapan na may negatibong epekto lamang sa lipunan.

_____3. Ano ang tawag sa mga kaguluhan o pananakot na sadyang ginagamitan ng dahas
upang makamit ang isang adhikaing politikal o kriminal?
A. Terorismo C. Pyudalismo
B. Rasismo D. Manoryalismo

_____4. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Print Media. Alin sa mga ito ang hindi
nabibilang?
A. Magazine C. Journal
B. Youtube D. Libro

_____5. Ano ang mga suliranin na may kinalaman sa kapaligiran at mga usapin sa
pagpapaunlad at tamang paggamit sa likas na yaman ng bansa?
A. Isyung Pangkalusugan B. Isyung Pangkalakalan
C. Isyung Panlipunan D. Isyung Pangkapaligiran
_____6. Ano ang mga mahahalagang pangyayari sa loob ng bansa na may malawakang epekto
sa iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamilya, simbahan, pamahalaan, paaralan, at
ekonomiya?
A. Isyung Pangkalusugan B. Isyung Pangkalakalan
C. Isyung Panlipunan D. Isyung Pangkapaligiran

7-8. Ang buong mundo kabilang na ang Pilipinas ay matindi ang pinagdaanan sa nakalipas na
dalawang taon dahil sa pandemyang COVID-19. Ilan sa naging epekto nito ay ang pagkawala
ng buhay ng napakaraming tao, pag hinto ng mga gawain sa iba't-ibang lugar, at ang
pagbagsak ng ekonomiya ng mga maliliit na bansa.

_____7. Base sa iyong nabasa, saang uri ng kontemporaryong isyu nabibilang ang usapin sa
pandemya tulad ng COVID-19?
A. Isyung Panlipunan C. Isyung Pangkalakalan
B. Isyung Pangkapaligiran D. Isyung Pangkalusugan

_____8. Base sa talatang nasa itaas, anong uri ng kontemporaryong isyu natatalakay ang
ekonomiya, Negosyo, at globalisasyon?
A. Isyung Panlipunan C. Isyung Pangkalakalan
B. Isyung Pangkapaligiran D. Isyung Pangkalusugan

_____9. Anong batas ang nagtataguyod sa pagtugon sa suliranin sa polusyon sa hangin sa


pamamagitn ng pakikipagtulungan ng mga mamamayan at mga industriya?
A. Batas Republika Bilang 9147 B. Batas Republika Bilang 8749
C. Batas Republika Bilang 9072 D. Batas Republika Bilang 9175

_____10. Anong batas ang nagbabawal sa paggamit ng chainsaw upang matigil ang ilegal na
pagtotroso at iba pang gawaing nakasisira ng kagubatan?
A. Batas Republika Bilang 9147 B. Batas Republika Bilang 8749
C. Batas Republika Bilang 9072 D. Batas Republika Bilang 9175

_____11. Ano ang tumutukoy sa iba’t ibang gawain na ginawa para mapanatili ang kaayusan
sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard?
A. Hazard Assessment B.Capacity management
C. Disaster management D. Disaster

_____12. Anong ahensya ang nag mungkahi na magkaroon ng lifetime kit bago pa may
dumating na kalamidad gaya ng pagbaha?
A. Philippine Red Cross B. Department of Health
C. Deparmtent of Energy D. Bureau of Customs

_____13. Anong yugto ang isinasagawa upang malaman ang kakayahan ng isang komunidad
sa pagharap sa iba'-ibat kalamidad?
A. Paghahanda sa Kalamidad C. Pagtugon sa Kalamidad
B. Pagatataya ng Peligro D. Pagtataya ng Kapasidad

_____14. Ano ang itinataguyod ng Republic Act 8371?


A. Protektahan at ingatan ang mga yamang gubat.
B. Ipatigil ang pagputol ng puno sa natural at residual na kagubatan.
C. Kilalanin ang karapatan at kontribusyon ng mga katutubo sa pangangalaga sa
kapaligiran.
D. Pagsasagawa ng reforestation sa buong bansa.

_____15. Ano ang tawag sa paraan ng pagkuha ng mga bato, buhangin, graba at iba pang
mineral sa lupa sa pamamgitan ng pagtitibag, paghuhukay, o pagbabarena?
A. Quarrying
B. Mining
C. Grinding
D. Foresting

_____16. Ano ang maaari mong gaiwn upang makatulong sa paglutas sa suliranin ng solid
waste sa ating bansa?
A. Sunugin ang mga basura upang hindi na ito makita pa.
B. Ibaon sa lupa ang lahat ng basura upang mawala na ang mga ito.
C. Ilagay ang mga basura sa Materials Recovery Facility upang gawin itong mga
compost.
D. Paanurin ito sa mga ilog o patubigan upang malayo ang kanilang marating.

_____17. Ano ang ktawag sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto ng
kalamidad?
A. Risk B. Resilience C. Vulnerability D. Disaster
_____18. Habang inaaral mo sa klase ang lugar ng inyong pamayanan, natukoy mong malapit
pala ang pwesto ng inyong baranggay sa isang aktibong fault line. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Makipag-ugnayan sa PAGASA upang maghanda sa isang bayo.
b. Makipag-uganyan sa PHILVOCS upang makapaghanda sa biglaang paglindol.
C. I-post sa social media ang iyong natuklasan.
D. Isawalang bahala ang nalaman.

_____19. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng bottom-up approach?


I. Nabibigyang pansin ang magkaka-ibang pananaw ng iba't-ibang grupo.
II. Ang mga karanasan at pananaw ng mga taong nakatira sa isang disaster-prone are
ay hindi nabibigyang pansin.
III. Karanasan at pananaw ng mga taong nakatira sa isang disaster-prone area ang
nagiging unang batayan ng plano
IV. Pananaw lamang ng namumuno ang nabibigyang-pansin sa paggawa ng plano.
A. I,IV B. I,III C. II, IV D. I, II

_____20. Anong ahensya ang nagmungkahi na sa tuwing panahon ng kalamidad tulad ng


baha, kailangang maging maingat at disiplinado sa paggamit ng kuryente upang maiwasan
ang disgrasya?
A. Philippine Red Cross B. Department of Health
C. Department of Energy D. Bureau of Customs

_____21. Ano ang dapat moong gawin sa panahon ng bagyo?


A. Mag vlog upang kaawaan ng ibng tao.
B. Manatili sa isang mababang lugar.
C. Manatili sa loob ng bahay o gusali na malapit sa bintana.
D. Humanap ng mataas na lugar na hindi aabutin ng baha at manatili dito.
_____22. Bakit mayroong mga nasasaktan o nawawalan ng buhay sa oras ng kalamidad?
I. Pagtangging lumikas ng mga tao mula sa mga mapanganib na lugar
II. Paghahanda sa mga dapat gawinn bago dumating ang mga kalamidad.
III. Hindi pagsunod ng mga mamamayan sa bilin at payo ng mga awtoridad.
A. I,II, III B. I, II C. I, III D. II, III

_____23. Sa iyong palagay, bakit sinasabing "ligtas ang may alam" sa panahon ng kalamidad?
A. Dahil malaki ang maitutulong kapal alam ang gagawin sa oras ng panganib o
kalamidad.
B. Dahil maipagmamalaki mo ito sa social media.
C. Dahil sinabi ito ni Kuya Kim.
D. Dahil maililigtas mo ang iyong sarili lamang.

_____24. Bakit sinasabing mahalaga ang pagtutulungan ng lahat ng sektor sa pagpigil sa mga
isyung pangkapaligiran?
A. Makababawas ito sa gastos at problema ng pamahalaan.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran kaya dapat lamang na
magtulungan ang lahat ng sektor ng lipunan sa pag hanap ng solusyon dito.
C. Upang mas maraming dayuhan ang bumusita sa ating bansa.
D. Makababawas ito sa pagsisihan at pagtuturuan.
_____25. May dalawang sanhi ng climate change ayon sa mga pag-aaral. Saang sanhi
nakapaloob ang paggamit ng mga fossil fuels, at ilegal na pagputol ng mga puno?
A. Natural B. Quarrying c. Gawain ng tao D. Solid Waste

_____26. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa
Pilipinas?
A. Kawalan ng disiplina ng mga tao sa pagtatapon at pamamahala ng mga basura.
B. Ang pagtaas ng mga produkto sa pamilihan.
C. Ang pag konti ng mga puno sa kagubatan.
D. Ang kawalan ng reponde ng gobyerno at mga namumuno

_____27. Bilang isang tropikal na bansa, pangingisda at pagtatanim ang isa sa kabhayan ng
mga Pilipino. Dahil dito, ano sa iyong palagay ang direktang epekto ng climate change sa
mga mamamayan?
A. Dadami ang ani at lalago ang mga pananim.
B. Tataba ang mga lupain sasagan ang pananim.
C. Lalago ang huling mga isda at mas darami ang pagkakakitaan.
D. Kokonti ang ani sa pananim at huli ng isda dahil sa pa-iba ibang klima.

_____28. Alin sa mga sumusunod na organisasyon ang katuwang ng pamahalaan sa pagharap


sa suliranin ng solid waste?
I. Mother Earth Foundation II. Pro-life Philippines
III. Haribon Foundation IV. Bantay Kalikasan
A. I,II B. I,IV C. I,III, IV D. I,II,III,IV

_____29. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin sa panahon ng El nino?


A. Mag swimming araw-araw
B. Mag-imbak ng napakaraming tubig
C. Maki-isia at makibahagi s apaglaban sa epekto at pagtitipid sa suplay ng tubig.
D. Kumuha sa patubigan ng iimbak na tubig
_____30. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod nga mga gawain sa pagharap sa isang bagyo?
I. Huwag lumabas ng bahay kung hindi kinakailangang lumikas.
II. Maghanda ng mga gamit pang-emergency na nakalagay sa lalagyang hindi
nababasa.
III. Siguraduhin na walang buhay na kable o outlet na nakababad sa tubig.
A. I, II, III B. II, III, I C. II, I, III D. I, III, II

_____31. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga gawain sa banta ng lindol?


I. Makilahok sa mga Earthquake Drill
II. Lumabas agad sa gusali, bahay o paaralan kapag huminto na ang pagyanig.
III. Magtago sa isang matibay na mesa at manatili doon upang maprotektahan ang
sarili sa maaaring bumagsak na bagay.
A. I, II, III B. II, III, I C. II, I, III D. I, III, II

_____32. Anong ang maiiwasan kapag resilient ang mga tao sa anumang epekto na dulot ng
kalamidad
A. Pinsala sa buhay at ari-arian B. Pagtaas ng bilihin
C. Pagtaas ng implasyon D. Pagdami ng hindi nabubulok na basura

_____33. Sa iyong palagay, bakit mahalaga sa isang bansa ang kahandaan sa panahon ng
kalamidad?
A. Upang mabawasan ang bantang epekto nito sa buhay, ekonomiya, at pamayanan.
B. Upang hindi tayo mapag-iwanan ng ibang mga bansa.
C. Upang maka-tawag pansin ng mga turista.
D. Upang makisabay sa uso.

_____34. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng Top-down approach?


I. Nabibigyang pansin ang magkaka-ibang pananaw ng iba't-ibang grupo.
II. Ang mga karanasan at pananaw ng mga taong nakatira sa isang disaster-prone are
ay hindi nabibigyang pansin.
III. Karanasan at pananaw ng mga taong nakatira sa isang disaster-prone area ang
nagiging unang batayan ng plano
IV. Pananaw lamang ng namumuno ang nabibigyang-pansin sa paggawa ng plano.
A. I,IV B. I,III C. II, IV D. I, II

_____35. Alin sa mga sumusunod ang dapat subaybayan kung nais mong malaman ang mga
updates sa rescue efforts at relief sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad?
A. National Disaster Risk Reduction Management Council
B. Philippine Information Agency
C. Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration
D. Philippine Institute of Volcanology and Seismology

_____36. Bakit mahalagang maging pamilyar at updated patungkol sa kalamidad?


I. Dahil ligtas ang may alam
II. Upang makaiwas sa peligrong dala ng kalamidad
III.Upang makapaghanda sa parating na kalamidad
A. I,II, III B. I, II C. I, III D. II, III
_____37. Anu-ano ang mga epekto ng kalamidad sa buhay ng tao?
I. Naka-tatawag ito ng pansin ng mga turista
II. Nakasisira ito ng kabuhayan.
III. Nakapagpaparami ito ng pinagkukuhanang yaman.
IV. Nakapipinsala ito sa isip at kalusugan ng mga tao.
A. I,III B. I,IV C. II, III D. II, IV

_____38. Ano ang dapat gawin kung may banta ng kalamidad?


A. Mag panic buying
B. Hayaan ang pamahalaan na mag handa
C. Maghanda at maging maalam sa nangyayari sa paligid.
D. Huwag makilahok sa paghahanda ng pamayanan dahil aksaya lamang sa oras.

_____39. Bakit napakahalagang makinig at sumunod sa payo at abiso ng mga awtoridad?


A. Upang magmukhang matalino sa panahon ng kalamidad.
B. Upang maipagmalaki na alam mo ang tamang mga gawin.
C. Upang mailigtas ang iyong sarili, pamilya, at kabuhayan.
D. Upang matulungan ang sarili lamang.

_____40. Dahil sa climate change ay nag kakaroon ng pag-init ng temperatura ng mundo na


nagdudulot ng mga sakuna gaya ng bagyo, tagtuyot, baha, at heatwave. Alin sa sumusunod
ang maaaring maging epekto nito sa ating bansa?
A. Pagdami ng mga sakit gaya ng dengue, malnutrisyon, at leptospyrosis.
B. Pag-iral ng penomena gaya ng La Nina at El Nino
C. Paglikas ng mga tao papunta sa siyudad.
D. Pagdami ng oportunidad ng kita sa bansa.

_____41. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit ang kagubatan ay
ginagawang subdibisyon o sentrong komersyo?
A. Migrasyon B. Pagdami ng populasyon
C. Ilegal na pagtotroso D. Ilegal na pagququarry

_____42. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng Natural Hazard?


A. Paglindol sa Japan. B. Pagtapon ng langis sa dagat.
C. Pagbuga ng mga itim na usok sa pabrika D. Pagsabog ng Chernobyl

_____43. Nalaman mong may paparating muli na malakas na bagyo sa inyong baranggay,
noong nakaraang bagyo ay natanto mo na inaabot ang lugar niyo ng isang storm surge. Ano
ang paghahanda na dapat mong gawin ngayon?
A. Makinig sa balita, ihanda ang mga kagamitan, at lumikas agad kung kinakailangan.
B. Hintayin ang bagyo at huwag iwanan ang bahay.
C. Hintaying magkaroon ng storm surge at ivideo ito para maka-ani ng maraming
views sa social media.
D. Magdasal na lumipas ang bagyo.

_____44. Bilang isang mamamayan, paano ka makatutulong sa pagsigurado na resilient ang


inyong lugar sa kahit anong kalamidad?
A. Mag-aral ng mabuti
B. Makipag-ugnayan sa barangay at makipagtulungan sa mga gawaing paghahanda
para sa anumang kalamidad.
C. Pagpuna sa mga paghahandang ginagawa.
D. Pakikilahok sa mga paghahanda na maktutulong lamang sa inyong pamilya.

_____45. Sinabi sa balita na ang probinsiya ninyo ay naka-ilalim sa Signal NUmber 2 sa


paparating na bagyo. Ano ang dapat mon asahan?
A. Masamang panahon sa loob ng 36 oras at hanging 30 kph hanggang 60 kph.
B. Masamang panahon sa loob ng 18 oras at hanging 100 kph hanggang 185 kph.
C. Masamang panahon sa loob ng 24 oras at hanging 60 kph hanggang 100 kph.
D. Masamang panahon sa loob ng 12 oras at hanging 185 kph o higit pa.

_____46. Sa pabguo ng CBDRRM Plan ay kailangan nating sumusunod sa isang


sistematikong paraan ng pagtukoy sa mga pangangailangan ng komunidad. Ano ang tamang
pagkakasunod- sun0d sa mga yugto ng pagbuo nito?
I. Paghahanda sa Kalamidad III. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad
II. Pagtugon sa Kalamidad IV. Paghadlang at Mitigasyon sa Kalamidad
A. IV, I, II, III B. II, I, III, IV C. IV, II, III, I D. I, IV, II, III

_____47. Saang kategorya ng pagtataya ng kapasidad maisasama ang kakayahan niyo ng


inyong mga kabanranggay na magtulungan upang ibangon ang inyong komunidad mula sa
pinsala ng mga kalamidad?
A. Pisikal o Materyal na Aspekto B. Aspektong Panlipunan
C. Aspekto ng pag-uugal D. Aspekto ng hazard

_____48. Alin sa mga sumusunod ang mga ginagamit na gabay sa pagtataya ng panganib?
I. Ano ang iba't-ibang uri ng panganib na maaaring maranasan sa lugar?
II. Sino ang tatakbuhan upang humingi ng tulong?
III. Sino ang maaaring maapektuhan ng panganib?
IV. Ilan ang may kakayahang magbigay ng ayuda?
A. I,II B. II, III C. III, IV D. I, III

_____49. Saang yugto ng pagbuo ng CBDRRM Plan nakapaasok ang pagtataya ng panganib
at ang kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba't-ibang kalamidad at hamong
pangkapaligiran?
A. Paghahanda sa Kalamidad
B. Paghadlang at Mitigasyon ng Kalamidad
C. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad
D. Pagtugon sa Kalamidad

_____50. Saang yugto ng pagbuo ng CBDRRM Plan nakapaasok ang pagkakaroong ng


konkretong hakbang upang maging sistematiko ang pagsasagawa ng mga programa?
A. Paghahanda sa Kalamidad
B. Paghadlang at Mitigasyon ng Kalamidad
C. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad
D. Pagtugon sa Kalamidad

“Palaging piliing maging mabuti. Galingan!”

You might also like