You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon X
Sangay ng Camiguin

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 10
S.Y. 2021-2022

Pangalan:____________________ Iskor: ______________

PANUTO: Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Itiman ang bilog ng titik sa tamang sagot
na makikita sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong


komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
A. Lipunan
B. Bansa
C. Komunidad
D. Organisasyon

2. Ipinakikita sa larawan ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang


ito ay nakapaloob sa anong elemento ng kultura?
A. Paniniwala
B. Pagpapahalaga
C. Norms
D. Simbolo

3. Basahin ang talata tungkol sa isyung personal at isyung panlipunan

“Mayroon mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Isang magandang


halimbawang ibinigay ni C. Wright Mills (1959) ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung
panlipunan ay tungkol sa kawalan ng trabaho. Kung sa isang komunidad na may 100,000
mamamayang maaaring maghanapbuhay ay may isang walang trabaho, maaaring ituring ito
bilang isang isyung personal. Subalit kung sa isang lipunang mayroong 50 milyong tao at 15
milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaari itong ituring na isyung panlipunan.”

Batay sa talata, ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan?


A. Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung personal ay
hindi.
B. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang
isyung personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang.
C. Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinahaharap ng isang lipunan.
D. Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning kinahaharap ng
indibidwal
4. Basahin ang bahagi ng blog na isinulat ni Michaela Macan (2015) Sanggunian:
http://michaelamacan.blogspot.com/20 15/09/tugon-ng-mga-kabataan-samga-isyu-ng.html

Ako ay lubos na naghahangad sa pagbabago para sa ating lipunan. Magtulungan


tayong lahat upang masugpo ang kahirapan. Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili na
gusto nating makita sa mundo. Sapagkat ang kahirapan ay kakabit n n gating pagkasilang.
Dahil kung nakaya ng ibang bansa na pigilan ang kahirapan sa paglaganap, ibig sabihin
makakaya rin natin kung ang bawat isa sa atin ay may pakialam sa mga pangyayari. Ako
bilang isang tipikal na kabataan ay nais na maging huwaran ng lahat sa pamamagitan ng pag-
iisip at pagkilos ng mabuti ng may katwiran. Mag-aral ng mabuti para may sapat na kaalaman
para sa kinabukasan ng ating bayan. Balang araw, tayo ay magiging bahagi ng hinaharap,
magsikap tayo hbang hindi pa huli ang lahat. Kung may magagawa ka simulan mo na.
Huwag matakot haramin ang hamon sa buhay dahil ang kahirapan ay di mawawakasan kung
mismo tayo ay hindi marunong gumawa ng paraan.
Kaya para sa mga kabataang Pinoy, huwag tayong magbulagbulagan sa mga
nagaganap dahil tayo ang pag-asa ng hinaharap.

Batay sa talata, ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong
panlipunan?

A. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan


B. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling
komunidad
C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan
D. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipuna

5. Ito ay isang komplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay- kahulugan sa paraan ng


pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan.
A Kultura
B. Norms
C. Simbolo
D. Status

6. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa isyung panlipunan?


A. Ang isyung panlipunan ay isang pampublikong bagay.
B. Lahat ng nabanggit ay wasto tungkol sa isyung panlipunan.
C. Ang isyung panlipunan ay nakakaapekto sa malaking bahagi ng lipunan.
D. Ang isyung panlipunan ay karaniwang kumakatawan sa suliraning panlipunan.

7. “Ang kagubatan ay tirahan ng iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng


kalikasan, mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay
maapektuhan din ang pamumuhay ng tao. Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t ibang
produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao.
Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na
nakasalalay sa sa yamang nakukuha mula sa kagubatan.” Anong likas na yaman ang
tinalakay sa talata?
A. Yamang tubig
B. Yamang gubat
C. Yamang lupa
D. Yamang mineral
8. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning
pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t
ibang sektor sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa
pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang
mga suliraning pangkapaligiran nito.

Para sa bilang 9, basahin ang ulat ng Senate Economic Planning Office tungkol sa epekto
ng mga kalamidad sa Pilipinas.

National Disaster at a Glance (Senate Economic Planning Office, 2013)


Epekto ng Mga Likas na Sakuna Ang mga natural na sakuna ay maaaring maging sanhi
ng pagkawala ng buhay, bahay, kabuhayan at serbisyo. Nagreresulta din ito sa mga
pinsala, problema sa kalusugan, pinsala sa pag-aari, at pagkagambala sa lipunan at pang-
ekonomiya. Mula 2000 hanggang 2012, ang mga natural na sakuna sa Pilipinas ang sanhi
ng pagkamatay ng 12,899 katao at pinsala sa 138,116 katao. Ang mga kalamidad na ito ay
nakaapekto rin sa higit sa 71 milyong mga indibidwal at nagdulot ng halos 375,000 mga
taong walang tirahan. Ang mga pinsala sa sosyo-ekonomiko ay tinatayang nasa US $ 3.37
bilyon na may average na taunang danyos na US $ 251.58 milyon

9. Ano-anong mga aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan sa Pilipinas?


A. Kalusugan, kabuhayan, at kalikasan
B. Kabuhayan, kalakalan, at kalusugan
C. Kalakalan, kapayapaan, at kalikasan
D. Kapayapaan, kabuhayan, at kultura

10. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang
desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa?
A. Republic Act 9003
B. Republic Act 7942
C. Republic Act 8742
D. Republic Act 7586

11. Batay sa teksto, ano ang epekto ng illegal logging?


A. Pagbaha, soil erosion
B. Pagbaha, soil erosion, at pagkasira ng tahanan ng mga ibon at hayop
C. Pagbaha, soil erosion, at pagkaubos ng yamang gubat
D. Pagbaha, soil erosion, at pagbaba ng kita ng mga mamamayan
12. Bakit nagkakaroon ng landslide o pagguho ng lupa na nagaganap sa iba’t ibang
bahagi ng ating bansa?
A. Dahil sa pagputol ng mga puno at quarrying o pagmimina
B. Dahil sa malakas na ulan
C. Dahil sa lindol
D. Dahil sa mga bagyo

13. Bakit kailangan ang CBDRM approach sa pagharap sa mga hamong at suliraning
pangkapaligiran?
A. Sapagkat ang lahat ng mga pagpaplano, pagtataya at paghahandang nakapaloob sa
disaster management plan ay tungon sa pagbuo ng isang pamayanang handa sa mga
kalamidaad.
B. Sapagkat ito makakatulong sa mga tao sa panahon ng sakuna
C. Sapagkat isa itong programa ng gobyerno na dapat sundin ng lahat
D. Sapagkat bilang isang mamamayan kailangan nating maging handa sa lahat ng
sakuna.

14. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng top down approach sa
pagbuo ng DisasterRrisk Reduction and Management (DRRM) plan
A. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang
maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pag
baha sa darating na tag-ulan.
B. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng
plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng
paparating na bagyo.
C. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang
komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang
proyekto bilang paghahanda sa ibat’t ibang kalamidad.
D. Pinamunuan ni Kerwin ang isang lider ng Non-Government Organization NGO sa
pagtukoy ng mga kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad

15. Isang ahensya ng pamahalaan na nasa ilalim ng Department of Interior and


Local Government (DILG), na may pananagutang mag-implement ng
National Policies tungkol sa fire fighting and protection
A. DENR
B. Bureau of Fire and Protection
C. Disaster risk mitigation
D. NDRRMC

16. Ang itinataas ng abiso sa mga lugar na iniasahang makakaranas ng 15mm hanggang
30mm na buhos ng ulan sa susunod na isang oras?
A. Red color-coded
B. Yellow color-coded
C. Blue color-coded
D. Orange color-coded

17. Ito ay dapat gawin kapag ang sanhi ng sunog ay gasoline, langis o petrolyo
A. Buhusan ng tubig ang apoy
B. Takpan ng basahan ang apoy
C. Sumigaw at humingi ng tulong
D. Patayin ang main switch ng kuryente
18. Anong ahensiya mamumuno sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad na
mararanasan ng bansa?
A. Disaster Risk Mitigation
B. NDRRMC
C. DENR
D. DSWD

19. Ang pagsasagawa ng iba’t ibang assessment tulad ng Hazard Assessment ay mahalaga
upang magamit sa gawaing plano at tamang pagtugon. Sa anong yugto ito
isinasagawa?
A. Disaster Response
B. Disaster Preparedness
C. Disaster Prevention and Mitigation
D. Disaster Rehabilitation and Recovery

20. Mahalagang maunawaan ng isang komunidad ang mga pisikal at temporal na


katangian ng hazard upang malinaw ang mabubuong hazard assessment. Anong
pisikal na katangian ang tumutukoy sa dalas na pagdanas ng hazard na maaring
maganap taon-taon?
A. Lawak
B. Saklaw
C. Predictability
D. Manageability

21. Ayon kina Ondiz at Redito, bakit mahalaga ang pagsasagawa ng Risk Management?
A. Ito ay nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability at pisikal
na katangian ng komunidad
B. Inasisigla nito ang information campaign at pinapayabong ang mga gawaing
pangkabuhayan sa mga nasalantang lugar.
C. Nagiging sestimatikong pagkalap ng mga datos sa pagtukoy, pagsusuri at pagtala
sa mga hazard na dapat unang bigyang pansin.
D. Ito ang nagsisilbing batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga
pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad.

22. Bakit kailangan nating alamin ang vulnerability at capacity assessment?


A. Para masusukat ang kahinaan at kapasidad ng isang komunidad sa pagharap sa
iba’t ibang hazard na maaaring maranasan sa isang lugar.
B. Para suriin ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang hazard
C. Para malaman natin ang kakulangan sa mga nabanggit na kategorya
D. Para malaman natin ang kapasidad ng isang komunidad na harapin o kaya ay
bumangon mula sa dinanas na sakuna
23. Ang structural mitigation ay tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal
na kaanyuan ng isang komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon ng pagtama ng
hazard. Alin sa sumusunod ang napabilang sa nonstructural mitigation?
A. Paglalagay ng mga sandbags
B. Paggawa ng mga ordinansa at bata
C. Pagbuo ng disaster management plan
D. Pagkontrol sa kakapalan ng populasyon,
24. Ang Capacity Assessment ay sumusuri sa kapasidad ng komunidad na harapin ang
anumang uri ng hazard. Sa anong kategorya nabibilang ang pagsuri sa kakayahan ng
mga mamamayan na isaayos ang istruktura, tulad ng bahay, paaralan, at iba pang
nasira na kalamidad?
A. Panlipunan
B. Pampulitika
C. Pisikal o material
D. Pag-uugali ng mamamayan
25. Ang pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o pangmatagalang
pagkawala ng produksyon?
A. Damage Assessment
B. Disaster Response
C. Loss Assessment
D. Need Assessment
26. Nilalaman din rito ang mga paraan kung paano makakaiwas sa mga delubyong tulad
ng bagyo at tsunami.
A. Capacity Assessment
B. Hazzard Assessment
C. Disaster Risk Assessment
D. Vulnerability assessment
27. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng hakbang ng pamahalan sa pagsasaayos ng
serbisyo sa biktima ng kalamidad?
A. Nagpapautang ang SSS ng pera sa mga apektado ng kalamidad
B. Inayos ang tulay at daan na nasira ng bagyong Yolanda
C. Nagsagawa ng debriefing ang Red Cross sa mga pamilyang apektado ng
kalamidad.
D. Inaayos ng Water District ang linya ng tubig.

28. Sa usaping ito, ang isang komunidad ay kailangan na maging mulat ang mga
mamamayan sa hazard_________.
A. Hazard Assessment
B. Vulnerable
C. Vulnerability
D. Vulnerability assessment

29. Sa pagsasagawa nito, itinatala ang mga kagamitan, imprastraktura, at mga tauhan na
kakailanganin sa panahon ng pagtama ng hazard o kalamidad.
A. Capacity Assessment
B. Risk Assessment
C. Pisikal at Temporal
D. Disaster Risk Assessment

30. Sa panig ng pamahalaan, dapat na maging seryoso ito sa pagbuo ng_______?


A. Capacity Assessment
B. Pisikal at Temporal
C. Disaster Risk Assessment
D. Disaster Management Plan

You might also like