You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Cavite

LAGUMANG PAGTATAYA SA ARALING PANLIPUNAN 10 (KONTEMPORARYONG ISYU)

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang kontemporaryong isyu ay mga napapanahong usapin na nangangailangan ng agarang pagtugon upang maging
matiwasay at maayos ang pamumuhay ng mga tao. Isa sa mga isyung pambarangay ay ang tambak na basura sa paligid
dahil sa hindi regular na pagdaan ng trak ng basura. Paano matutuguanan ang problema sa basura?
A. sa pamamagitan ng araw-araw na pag-iikot ng trak upang maghakot ng basura
B. sa pamamagitan ng pagbili ng malalaking basurahan na ilalagay sa bawat bahay
C. sa pamamagitan ng organisadong pagtatapon upang malimitahan ang ituturing na basura
D. sa pamamagitan ng pagtitipid sa mga bilihin upang walang masyadong basura sa bahay

2. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang matatagpuan sa Pacific Ring of Fire na masasabing malapit sa mga kalamidad at
sakuna. Hindi maitatanggi na halos taun-taon ay malaking pinsala ang naidudulot ng mga ito sa ating bansa. Isang uri ng
likas na kalamidad ay ang bagyo kung saan ito ay may dalang malakas at maraming ulan, malakas na hangin, pagkulog at
pagkidlat. Sa paanong paraan mo ito nararapat harapin sakaling tumama ito sa lugar ninyo?
A. Maghanap ng mapagtataguan sakaling hindi makakayang lumabas ng bahay
B. Maghanap ng kumot, basain ito at gumapang palabas ng bahay at humingi ng tulong.
C. Lumikas at magtungo sa mataas na lugar na hindi maabot ng baha at makinig ng balita.
D. Makinig ng balita, ihanda ang emergency kit, at mag imbak ng mga de latang pagkain

3.Kadalasan, tuwing lumalakas ang buhos ng ulan, ang mga mag-aaral sa lalawigan ng Cavite ay naghihintay na nang
anunsyo ng pagkansela ng klase. Ang iba ay nakikinig ng radio, nanonood ng telebisyon o kaya ay nagsesearch sa internet.
Sa mga panahong tulad nito, naglalabas ng Rainfall Warning ang PAGASA na nagiging basehan ng mga namamahala upang
magkansela ng klase. Ayon sa rainfall warning, anong kulay ang ibinibigay sa mga lugar na inaasahang makararanas ng 15
mm hanggang 30 mm na buhos ng ulan sa susunod na isang oras.
A. Red rainfall advisory C. Orange rainfall advisory
B. Green rainfall advisory D. Yellow rainfall advisory

4. Ang isla ng Boracay ay isa sa ipinagmamalaki nating “tourist destination”. Maraming mga lokal at banyagang turista ang
bumibisita sa lugar upang makita at mahawakan ang pinong buhangin dito. Ngunit kamakailan lang ay pinasara mismo ni
Pangulong Duterte ang nasabing isla dahil sa maraming problemang pangkapaligiran na kinakaharap nito. Ang agarang
pagtugon dito para sagipin ang isla ng Boracay ay isang paraan upang maisagawa ang _____.
A. Capacity Assessment C. Risk Assessment
B. Vulnerability Assessment D. Disaster Assessment

5. Sa panahon ng kalamidad ang ating pamahalaan ay maagap sa pagsasagawa ng paglilikas partikular sa mga lugar na
madaling tumaas ang tubig at may banta ng landslide. Subalit sa kabila nito, marami sa ating mga kababayan ang ayaw
lisanin ang kanilang tahanan at magtungo sa mga evacuation center. Sa anong kategorya ng Vulnerability at Capacity
Assessment napapabilang ang mga paniniwala at gawi ng mga mamamayan na nakahahadlang sa pagiging ligtas ng isang
komunidad?
A. Panlipunan C. Pampulitika
B. Pag-uugali ng mamamayan D. Pisikal o Materyal

6. Mahalaga ang pagiging handa ng bansa at mga komunidad sa panahon ng mga kalamidad at hazard. Sa pamamagitan
nito, ang pinsala sa buhay at ari-arian ay maaaring mapababa o maiwasan. Dahil dito, naitatag ang Philippine Disaster Risk
Reduction and Management Framework (PDRRMF). Ano ang pinakaangkop na layunin ng PDRRMF?
A. Ang paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng ating pamahalaan.
B. Paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa kapakanan ng tao sa isang partikular na komunidad.
C. Ang kahalagahan ng bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsalang maaaring idulot ng isang
kalamidad.
D. Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang
kalamidad kundi maging sa pagpaplano at paghahanda.

7. Ang Historical Profiling/Timeline of Events ay gumagawa ng historical profile o timeline of events upang makita ang iba’t
ibang sakuna na naranasan sa isang komunidad.Mahalagang malaman kung gaano kadalas, at ang lugar na napipinsala.
Bilang isang mag-aaral, paano susuruin ang hazard map sa isang lugar?
A. kinakailangan ng koordinasyon ng mga opisyales ng barangay
B. humanap ng mga bihasa sa paglutas ng isangsakuna
C. iisa-isahin ang pagbisita sa mga maaaring tamaan ng sakuna
D. hihingiin ang tulong ng mga magulang upang maging handa
8. Ang Pilipinas ay dumaranas ng ibat-ibang sakuna o kalamidad taon-taon. Ang mga lokal na pamahalaansa ibat-ibang
panig ng bansa ay nagkakaroon ng paghahanda bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard. Malaki ang
posibilidad na maging disaster-resilient ang mga pamayanan kung maayos na maisasagawa ang Community-Based Disaster
and Risk Management plan.Sa anong yugto ng plano nabibilang ang paghahandang ginagawa ng lokal na pamahalaan?
A. Disaster Response C. Disaster Rehabilitation and Recovery
B. Disaster preparedness D. Disaster Prevention

9. Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan. Maituturing itong batayan ng isang
grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at hindi. Batayan din ito ng kung ano ang tama at mali, at
kung ano ang nararapat at hindi. Bakit sinasabing taliwas ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa pagpapahalaga?
A. Kawalan ng pagpapahalaga C. Paglabag sa batas
B. Illegal na gawain D. Nagiging sanhi ng isyu

10. Batay sa pag-aaral ng National Solid Waste Management Report ng 2015, biodegradables ang uri ng
basura na may pinakamalaking porsyento na itinatapon sa bansa. Ito ay ang mga basurang nabubulok kagaya ng balat ng
prutas, papel, karton at iba pa. Bakit ito ang may pinakamalaking porsyento ng itinatapon sa bansa?
A. Maraming establisyemento ang hindi marunong maghiwalay ng mga basura.
B. Marami sa mga Pilipino ang walang bakuran na maaaring tapunan ng mga basurang nabubulok.
C. Ang mga biodegradables ay hindi agad natutunaw kaya dumadami ito ng dumadami sa mga dumpsites.
D. Ang mga lokal na pamahalaan ay kulang sa mga proyektong magsusulong ng tamang pagtatapon ng basura.

11.Ang globalisasyon ay napapanahong isyung nararanasan ng lahat ng mga bansa sa mundo. Ano ang pinakatumpak na
kahulugan ng globalisasyon?
A. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong politikal at ekonomikal ng mga bansa sa mundo.
B. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema pamumuhay ng mga mamamayan sa buong
mundo
D. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na
nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig

12.Ang globalisasyon ay tumutukoy sa napakalaking pagbabago. Bagamat hinihikayat nito ang pakikipag unayan ng bawat
bansa sa aspekto ng kalakalan, maraming mga bansang papaunlad pa lamang ang nakakaranas ng di mabuting epekto nito.
Ano ang pinakaangkop na dahilan ng paghina ng kalakalang lokal at panlabas ng mga bansang naapektuhan ng
globalisasyon?
A. Ang patuloy na pag unlad ng kompanyang transnasyunal
B. Ang patuloy na pagdami ng mga produkto mula sa ibang bansa
C. Ang malaking pagbabago sa pamumuhay ng mamamayan
D. Ang malayang pagdaloy ng puhunan at kalakalan sa mga bansa.

13.Ang Bottom Billion ay isang napakalaking suliranin na dapat bigyan ng pansin ayon kay Paul Collier ang isang bilyong
mahihirap na mula sa ibat ibang bansa sa Asya at higit sa Africa.Ang tulong na nagmumula sa mga bansang tulad ng Japan
,Germany, France at Italy ay hindi sapat upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Ano ang pinakapositibong
pamamaraan upang matugunan ito?
A. Humiling ng tulong pinansyal sa ibang mga bansang.
B. Magkaroon ng batas at mga programang tutugon sa suliranin
C. Turuan ang mga taong kabilang sa isang bilyong magtrabaho
D. Mangalap ng ibat ibang organisasyon nais magbahagi ng tulong

14.Ang mga manipestasyon ng globalisasyon ay masasaksihan sa iba’t ibang anyo tulad ng ekonomiko, teknolohikal, sosyo-
kultural at politikal. Kung tutuusin, hindi mapaghihiwalay ang manipestasyong ito sa usaping globalisasyon. Habang
binabago ang ekonomikong aspekto ng pamumuhay ng mga mamamayan ay hindi maiiwasang sumabay ang pagbabagong
politikal at sosyo-kultural ng mga tao hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo gayundin naman ang pagbabago
sa mga nabanggit sa huli ay may kaakibat ding pagsabay sa una. Ano ang ibig ipahiwatig ng mga pahayag na ito?
A. Ang sentro ng pagbabago sa buhay ng mga tao sa buong daigdig dahil sa globalisasyon ay makikita sa mga
manipestasyong pang-ekonomiko.
B. Nakasalalay sa globalisasyong ekonomiko ang epekto ng globalisasyong sosyo-kultural at politikal sa pamumuhay ng mga
tao sa buong mundo.
C. Ang mga manipestasyon ng globalisasyon ay sabay-sabay na nagpapabago ng buhay ng maraming tao sa buong
mundo.
D. Ang mga implikasyon ng iba’t ibang manipestasyon ng globalisasyon ay walang kaugnayan sa bawat isa.

15.Maraming mga Pilipino ngayon ang humaharap sa malaking problema na kung saan ang ating pamahalaan ay hindi
matugunan ng maayos ang pangangailangan ng mangagawa.Paano nakakaapekto ang mga isyu sa paggawa sa kalagayan ng
manggagawa sa pangkasalukuyan?
A. Hindi nakakasabay ang mga college graduate sa demand na kasanayan at kakayahan ng entry requirement.
B. Hindi tumutugon sa pangangailangan ng mga pribadong kompanya na nagtatakda ng pagpili ng mga manggagawa.
C. Patuloy ng paglaki ng mga job-mismatch sa bansa na maituturing na krisis batay sa ulat ng DOLE sa kanilang records.
D. Patuloy na lumalago ang industriya ng Pilipinas dahil maraming mga dayuhan namumuhunan sa ating bansa.
16.Kamakailan ay pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Executive Order na siyang magbabawal o tatapos sa EnDo o sa
Kontraktwalisasyon. Ano ang magiging pangunahing epekto nito sa mga manggagawang Pilipino?
A. Tataas ang sahod ng mga manggagawang Pilipino
B.Tataas ang employment rate ng bansa
C.Magiging regular na ang lahat ng mga manggagawang Pilipino at matatanggap ang nararapat na benepisyo
D.Tataas ang underemployment bansa

17.Sa mababang pasahod na natatangap ng mga haligi ng tahanan ito ay malaking suliranin kung paano niya matutugunan
ang pangangailangan ng kanyang mag-anak. Ano ang pangunahing epekto nito?
A. Patitigilin sa pag-aaral ang kaniyang mga anak C. Mag-oovertime sa trabaho ang ama ng tahanan
B. Hindi mabibigyan ng tamang pagkain ang pamilya D. Hindi makakabili ng bagong damit

18.Napabalita sa mga telebisyon ang ginawa ng Embassy ng Pilipinas sa Kuwait kung saan ay itinitakas nila ng ilegal ang
mga naaabuso umanong mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa nasabing bansa. Bunsod nito ay hiniling ng pamahalaan
ng Kuwait na tanggalin sa posisyon ng Ambassador ng PIlipinas sa kanilang bansa. Ano ang pangunahing epekto nito sa mga
OFW na gustong magtrabaho sa Kuwait?
A. Mahihirapan ang mga OFWs na muling magtrabaho sa Kuwait
B. Tataas ang employment rate ng mga OFW sa Kuwait
C. Tataas ang sahod ng mga OFWs na nagtatrabaho sa Kuwait
D. Madadagdagan ang benepisyong matatanggap ng mga OFWs na nagtatrabaho sa Kuwait

19. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong pangkalahatang obserbasyon sa migrasyon ang inilalarawan
dito.
I. Maraming mag-aaral na mga Vietnamese at Koreans ang nagpupunta sa Pilipinas.
II. Sa paglago ng BPO sa bansa, kaalinsabay nito ang pagdating ng mga Indians bilang managers ng mga industriyang
nabanggit.
A. Globalisasyon ng migrasyon C. Peminisasyon ng globalisasyon
B. Mabilisang paglaki ng globalisasyon D. Migration transition

20.Dahil mahirap makahanap ng tamang trabaho at magandang pasweldo sa ating bansa kalimitan sa mga kababayan
nating skilled workers ay nakakaisip na mag-ibang bansa para makipagsapalaran para sa magandang buhay. Bakit tumataas
ang migrasyon patungo sa ibang bansa ng mga manggagawang Pilipino?
A. Dahil matindi ang kompetisyon sa trabaho sa ating bansa
B. Dahil sa mababa lamang ang cost of living sa ibang bansa
C. Dahil mas malaking sahod ang ibinibigay sa ibang bansa
D. Dahil napoprotektahan ang mangagawa sa ibang bansa

21. Ang konsepto ng sex ay iba sa gender. Ano ang pinakaakmang kahulugan nito?
A. ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na isagawa ang mga gawain nito.
B. tumutukoy sa pisikal na kaanyuan ng isang tao.
C. tumutukoy sa emosyonal na kakayahan ng isang tao na makisalamuha sa lipunan.
D. tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian ng tao na itinakda ng lipunan

22. Bago dumating ang mga Espanyol, ayon sa Boxer Codex, ang mga lalaki ay pinapayagang
magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae
sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ano ang nais ipahayag nito?
A. Noon pa man mas mataas ang katayuan ng mga lalaki sa mga babae.
B. Noon pa man ang mga babae ay walang kapangyarihan sa lipunan.
C. Noon pa man ang mga lalaki ang kinikilala sa lipunan.
D. Noon pa man malaya ang mga lalaki na gawin ang gusto nila

23. Ang mga konsepto tungkol sa LGBT ay mula sa magkasamang impluwensiya ng international media at ng lokal na
interpretasyon ng mga taong LGBT na nakaranas mangibang-bansa. Ano ang naging epekto nito?
A. marinig ang boses ng mga taong kabilang sa LGBT.
B. kilalanin sa lipunan ang mga kasariang kabilang sa LGBT.
C. matamasa ang pantay na karapatan ng lahat ng kasarian.
D. matalakay ang mga isyu na may kinalaman sa ikatlong kasarian.

24. Ang konsepto ng babaylan sa Pilipinas ay isang patunay na noon pa man ay umiiral na ang
ikatlong kasarian. May mga lalaking babaylan na bagamat hindi nagdadamit pambabae ay ginagaya nila ang kilos ng isang
babae at kinikilala sila sa lipunan bilang simboliko ng isang babae. Ano ang mahihinuha sa pahayag na ito?
A. Pantay ang karapatan ng babae at lalaki noong unang panahon
B. Pinapayagan ng lipunan na magkilos babae ang isang lalaki
C. kinikilala at ginagalang ng lipunan ang katauhan ng isang lalaking babaylan at ang kapangyarihang taglay nito
D. nalilinang ang kakayahan ng mga lalaking babaylan sa lipunan.

25. Ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging
sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o
kalayaan ay karaniwan ng nararanasan ng lahat ng uri ng kasarian. Ano ang pinakamainam na
termino upang bigyang kahulugan ang mga ito?
A. pang-aabuso C. diskriminasyon
B. pagsasamantala D. pananakit

26. Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan (bata at
matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang
Asya. Napatunayan ng WHO na walang benepisyong-medikal ang FGM sa mga babae, ngunit
patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain. Ang ganitong gawain ay maituturing na paglabag sa
karapatang pantao ng kababaihan. Bakit sa kabila ng sinabi ng WHO na walang benepisyong
medikal ang Female Genital Mutilation,ay patuloy pa rin itong isinasagawa sa ilang rehiyon sa
Africa?
Dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagalawan
Pinaniniwalaang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang sa siya
May basehang panrelihiyon ang pagsasagawa ng Female Genital Mutilation
Ang prosesong ito ay maaaring magdulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi, at
maging kamatayan

27. Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban
sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa
mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women o CEDAW. Paano nito nabago ang karapatang tinatamasa ng mga kababaihan?
A. Naitaguyod nito ng buong husay at galing ang kanilang mga potensiyal bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad
B. Sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.
C. Isa sa pangunahing layunin ng CEDAW ay ang wakasan ang diskriminasyon.
D. Binago nito ang mga stereotype, kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa babae gayundin ang pagkilala sa mga
karapatan.

28. Iba’t ibang bahagi ng daigdig ang nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia. Ito ay upang pagtibayin ang mga
prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng LGBT. Bakit mahalaga ang pagtaguyod ng Prinsipyo ng Yogyakarta?
A. Upang tugunan ang kanilang mga hinaing tungkol sa di-pantay na pagtingin at karapatan.
B. Upang palakasin ang boses ng mga karapatan.
C. Upang matukoy ang pagkakakilanlang pangkasarian.
D. Upang magbigay ng rekomendasyon para sa karapatang pantao

29. Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyembre 18,1979 noong
UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas dito at niratipika ito noong Agosto 5, 1981. Paano nakaapekto ang pagpirma
at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?
A. Kinilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may
tungkulin ang estado na solusyunan ito.
B. Nagkaroon ng tungkulin ang State parties na igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan.
C. Naipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina
D. Naitaguyod ang pagkakapantay-pantay

30. Ayon sa Goodwill Ambassador for Women na si Emma Watson, sa paglipas ng panahon, ang pagiging peminista ay
naging kasingkahulugan na ng pagkamuhi sa mga kalalakihan na hindi naman talaga pangunahing layunin nito. Dahil dito,
ayon sa kanya kailangan ng mabago ang pananaw na ito. Bakit ito kailangang pigilan?
A. Kailangang mamulat ng lahat ukol sa tunay na kalagayan ng gender equality
B. Ang dahilan ng peminismo ay ang gender equality na dapat isulong ng lahat
C. Nararapat lamang na maging bahagi ang mga lalaki ng feminist movement
D. Malaki ang papel ng mga kababaihan sa pagsusulong ng gender equality

31. Si Elisa ay nag-iisip kung paano niya maipapakita ang pagiging isang huwarang Pilipino. Kung ikaw ay nilapitan ni Elisa
upang humingi ng payo upang makamtan ang katangian ng pagiging huwarang Pilipino. Anong payo ang iyong maibibigay?
A. Pagiging aktibo bilang isang peace and order committee ng barangay.
B. Maniniwala sa mga usaping naririnig sa mga kapitbahay ng walang basehan
C. Pagbili ng boto ng mga kababayan upang makakuha ng posisyon sa pamahalaan
D. Pagpapaubaya sa mga opisyal ng barangay ng pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa sa komunidad.

32. Sinasabi na ang pinakamataas na hangarin sa buhay ng bawat mamamayan ay ang pagkakaroon ng pagmamahal sa
bayan o patriyotismo at makakamit nito sa pamamagitan ng positibong pagsasabuhay ng nasyonalismo at pagtatanggol sa
bansa kung sakaling maharap ito sa mga banta ng pananakop mula sa ibang bansa. Paano niya naipamalas ang katangian
ng isang aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko?
A. Sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga grupong nagmamartsa upang batikusin ang gobyerno dahil hindi agarang
ipinatupad ang pag-alis sa lahat ng uri ng kontraktwalisasyon.
B. Maaari niyang turuan ang mga batang hindi nag-aaral at maagang naghahanapbuhay sa komunidad.
C. Pagtatago sa mga gamit ng paaralan dahil pinipigilan ng mga awtoridad ang karapatan sa
pagbuo ng mga asosayon na hindi ayon sa regulasyon ng paaralan.
D. Paglalagay ng paskil na tumutuligsa sa kawalan ng kakayahan na pababain ang antas ng
kahirapan o kawalan ng trabaho sa bansa.

33. “Ako’y isang mabuting Pilipino


Minamahal ko ang Bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin…”
-mga linya mula sa awitin ni Noel Cabangon

Anong mensahe ang nais iparating ng awitin?


A. Ang pagiging isang mamamayan ay may mga kaakibat na tungkuling dapat gawin sa lahat ng pagkakataon.
B. Ang pagiging isang mamamayan ay may pagsunod sa oras ng pangangailngan.
C. Ang pagiging isang mamamayan ay maaaring subhetibo depende sa hinihingi ng sitwasyon
D. Ang pagiging isang mamamayan ay maaaring gumawa depende sa hinihingi ng sitwasyon.

34. Naglahad ang abogadong si Alex Lacson ng labindalawang gawaing maaaring makatulong sa ating bansa. Ang mga
gawaing ito ay maituturing na mga simpleng hakbangin na maaaring gawin ng bawat isa sa atin. Ano ang magiging epekto
kung susundin ng bawat mamamayan ang mga hakbanging ito?
A. Mababawasan ang dami ng pulis na kakailanganin sa bansa
B. Magkakaroon ng malawakang pagbabago ang ating bansa
C. Madagdagan ang benepisyo at sahod ng mga kawani ng pamahalaan
D. Tataas ang employment rate at GDP ng ating bansa
35. Iba’t iba ang pakahulugan at pananaw ng bawat isa sa karapatang pantao. Ito ay nangyayari sapagkat iba’t iba ang
relihiyon, uri ng kultura at lipunan na kinabibilangan ng bawat isa. Ang mga bagay ng itinuturing na karapatan sa isang
bansa ay maaaring hindi itinuturing na karapatan sa isa pang bansa. Paano nakatulong ang pagbalangkas ng Universal
Declaration of Human Rights sa problemang ito?
A. Nagbigay daan ito sa pagpapalaya sa mga naakusahang may sala ngunit hindi sapat ang ebidensya
B. Naiubuod ang lahat ng mga dokumento na mgatataguyod ng karapatan ng bawat indibidwal sa buong mundo
C. Nalaman ang pagkakaiba-iba ng karapatang pantao ng bawat bansa sa buong mundo at naipapatupad ito
D. Nagbigay daan upang maghimagsik ang mga indibidwal na naapi sa iba’t-ibang panig ng daigdig.

36. Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang
pantao ng bawat indibidwal na may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao. Kabilang sa mga ito ang karapatang sibil,
political, ekonomiko, sosyal at kultural. Paano nakaaapekto ang pagbalangkas ng Universal Declaration of Human Rights?
A. Nabigyang pugay ni Eleanor Roosevelt ang yumao niyang asawang si Therodore
B. Maraming bansa ang nadagdagan ang budget para sa pagtaguyod ng human rights
C. Napagtibay muli ng United Nation ang kanilang halaga sa pagdala ng kapayapaan
D. Naging batayan ito ng lahat ng bansa sa pagbalangkas ng batas ukol sa human rights

37. Noong panahon ng martial law sa ating bansa ay sinuspinde ang writ of habeas corpus. Maraming mga kaso na naitala
ukol sa paglabag sa karapatang pantao. Paano nakaapekto ang pagsuspendi ng writ of habeas corpus sa mga paglabag sa
karapatang pantao?
A. Nawalan ng karapatan ang mga tao na magbulalas ng kanilang saloobin
B. Dahil sa curfew hindi na nakakalabas sa gabi ang mga tao at maging malaya
C. Walang nagtatanggol sa karapatan ng mga kababaihan at mga bata
D. Maaaring arestuhin ang mga akusado ng hindi naghahain ng warrant of arrest

38. Hindi aabot sa limampung porsyento (50%) ng populasyon ang nakaalam ng mga karapatang pantao na taglay nila.
Patuloy ang pamahalaan sa pagsasagawa ng mga positibong aksyon upang lubos na matamasa ng mamamayan ang
ginhawang dulot ng mga karapatang pantaong ito. Paano maitataas ang antas ng kaalaman ukol sa mga paksang ito?
A. Mag-aral ng abogasya ang lahat ng tao
B. Pagsamahin ang turo ng simban at ng pamahalaan
C. Isama sa curriculum ng primary at secondary
D. Sumama sa mga rally na inilulunsad ng mga aktibista

39. Malaki ang implikasyon ng pag-usbong ng mga MNCs at TNCs sa isang bansa. Ito ay may maganda at hindi magandang
epekto sa ekonomiya. Paano nakasasagabal sa ekonomiya nito ang globalisasyon?
A. Dumami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga mamimili
B. Tumaas ang kompetisyon sa pamilihan na nagpapababa ng halaga ng mga produkto at serbisyo
C. Lumikha ito ng mga trabaho para sa mga manggagawa ng isang bansa
D. Nahirapan ang maliliit na negosyo na makipagsabayan sa mga dambuhalang negosyo

40. Isa sa mga manipestasyon ng globalisasyon ay ang pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isa pang kompanya
na may kaukulang bayad. Ano ang tawag sa gawaing ito na ang pangunahing layunin ay mapagaan ang gawain ng isang
kompanya upang mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na mahalaga?
A. Agency C. Crowdsourcing
B. Outsourcing D. Business Processing

41. Malaki ang naitulong ng Outsourcing o ng mga Call Centers sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas. Sa katunayan,
lumikha ito ng 1.2 milyong trabaho at nagpasok ng $22 bilyong dolyar noong taong 2015. Samakatuwid kung ikaw ay isang
manggagawang Pilipino na nagnanais na makapagtrabaho sa industriyang ito, ano ang pinakamainam na kakayahan ang
dapat mong linangin?
A. Information Technology Skills C. Sewing Skills
B. Teaching Skills D. Welding Skills
42. Isang buhay na manipestasyon ng globalisasyon sa ating bansa, ito ay ang mga manggagawang Pilipino na
nangingibang-bayan upang magtrabaho o maghanapbuhay. Kaugnay nito marami sa ating mga magagaling na guro, doktor,
inhinyero at iba pang propesyunal ay nakakuha ng magandang trabaho sa ibang bansa. Ano ang tawag sa isyung
panlipunang ito?
A. Overseas Employment C. Brain Drain
B. Unemployment D. Underemployment

43. Layunin nito na hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang proteksyon ang mga ito. Anong paraan sa
pagharap sa hamon ng globalisasyon kung saan nakikialam ang pamahalaan sa kalakalang panlabas?
A. Globalisasyong Politikal C. Globalisasyong Kultural
B. Guarded Globalization D. Globalisasyong Teknolohikal

44. Ang norms ay tumutukoy sa asal, kilos o gawi na binubuo at nagsisibing pamantayan sa lipunan. Ang mga norms ang
nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksiyon at pakikitungo ng isang indibidwal sa lipunang kanyang kinabibilangan. Bakit
mahalaga ang elementong ito?
A. Dahil ito ang bumubuo sa lipunan C. Dahil ito ang simbolo ng lipunan
B. Dahil ito ang nagsisilbing batayan ng kilos D. Dahil ito ang gabay ng lipunan sa pag-unlad

45. Ang mga gusali, likhang sining mga bagay na nakikita at nahahawakan ay bahagi ng kultura. Kagaya rin ng mga
batas,gawi, norms ng mga grupo ng tao. May ibat ibang kultura ang namamalas sa lipunan maging ito man ay
nahahawakan,nakikita o naoobserbahan. Batay sa pahayag paano nauuri ang kultura?
A. Nasusulat at nababasa C. Materyal at di-materyal
B. Naibabahagi at naipapamana D. Nasasalamin sa mga tao

46. Ang simbolo ay paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit nito (White,1949). Ang mga
halimbawa nito ay wika, mga pagkumpas (gestures), at iba pang bagay na nauunawan ng mga miyembro ng isang lipunan.
Bakit sinasabing mahalaga ang simbolo?
A.Walang batas at patakaran
B. Hindi magiging maayos ang lipunan
C. Walang komunikasyon at kapayapaan
D. Walang magaganap na komunikasyon at hindi magiging posible ang interaksyon

47. Ang institusyong panlipunan ay tumutukoy sa mga istrakturang bumubuo sa isang lipunan samantalang ang kultura ay
ang kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan. Bakit nagkaroon ng iba’t ibang
paglalarawan ng lipunan?
A. Dahil sa iba’t ibang paniniwala C. Ang iba’t ibang kultura
B. May pagpapahalaga ang bawat mamamayan D. Dahil sa iba’t ibang asal

48. Sa pag-aaral ng lipunan mahalagang pagtuunan ng pansin ang kultura. Ayon kina Andersen at Taylor (2007), ang kultura
ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong
panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. Ayon sa pahayag, bakit mahalagang bigyang pansin ang kultura sa pag-aaral ng
lipunan?
A. Sumasalamin ito sa pagkatao ng mga bumubuo sa lipunan C. Sumasalamin ito sa ibat ibang henerasyon ng
lipunan
B. Nasasalamin nito ang mga gawi ng mga taong nasa lipunan D. Nasasalamin nito ang tao bilang bahagi
ng lipunan

49. Si Geraldine Roman ay ang kauna-unahang transgender na miyembro ng Kongreso. Siya ang kinatawan ng lalawigan ng
Bataan. Paano niya naipakita ang kanyang adbokasiya ukol sa pangangalaga sa karapatan ng mga LGBT?
A. Dahil siya ay nagpanukala ng batas ukol Divorce
B. Dahil siya ay nagsusulong ng same sex marriage bill
C. Dahil siya ang nagsusulong at nagpanukala ng Anti-Discrimination bill
D. Dahil siya ay nagpanukala ng Equal Opportunity bill

50. Si Anderson Cooper, isang mamamahayag mula sa Estadon Unidos. Nakilala si Cooper sa Pilipinas sa kaniyang coverage
sa relief operations noong bagyong Yolanda noong 2013. Kilala siya bilang host at reporter ng Cable News Network o CNN.
Paano inilarawan ng New York Times si Anderson Cooper?
A. “the most prominent open gay on American television”
B. “high profile bisexual in social media and television”
C. “the most outstanding gay newscaster in North America”
D. “the most influential gay in American media”

51. Ang mga kwento ng mga LGBTQA ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang nanahimik dahil sa takot. Marami sa kanila
ang nahaharap sa malaking hamon ng pagtanggap at pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan, negosyo, lipunan at
maging sa kasaysayan. Paano sila inilarawan ni Hillary Clinton?
A. Tinawag ang mga LGBTQA na “invisible majority” C. Tinawag sila bilang “invisible minority”
B. Kinilala sila bilang “backbone of the society” D. Inilarawan sila bilang “new generation”
52. Ang mga LGBTQA ay may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong medikal, pabahay at maging sa
edukasyon. Sa ibang pagkakataon din, may mga panggagahasa laban sa mga lesbian. Ito ang iniulat ng UNDP at USAID sa
kalagayan ng mga ito sa Pilipinas. Ano ang nais ipahiwatig ng mga ulat?
A. Hindi pantay na karapatan sa lipunan para sa mga LGBTQA
B. Hindi pa tanggap ng mga tao sa lipunan ang mga nasa LGBTQA
C. Malayo na ang narating ng pakikibaka para sa mga LGBTQA
D. May pagkiling sa pagpapatupad ng batas sa mga LGBTQA

53. Ang pagtatambang at pagtatangka sa buhay ni Malala Yousafzai ng mga pinaniwalaang grupo ng mga Taliban ay
nakapukaw ng atensiyon ng mga tao sa buong daigdig. Paano nakilala si Malala Yousafzai?
A. Isinulong niya ang karapatan sa pagboto ng kababaihan
B. Isinulong niya ang karapatan sa pag-aaral ng kababaihan
C. Isinulong niya ang karapatan sa pagpili ng mapapangasawa
D. Isinulong niya ang karapatan sa pag-aalis ng hijab sa mukha

54. Nasusulat sa ating Saligang Batas Artikulo IV ang ating pagkamamamayan. Isinasaad nito ang mga karapatang dapat
taglayin ng isang mamamayang Pilipino. Anong sitwasyon ang nagpapakita ng katangian ng pagiging mamamamyang
Pilipino sang ayon sa batas?
A. Yaong ipananganak sa Amerika ngunit ang mga magulang ay mga Pilipino
B. Yaong mga ipananganak sa Pilipinas na dayuhan ang mga magulang
C. Yaong mga sumapi sa ibang bansa ngunit nagsisi at gustong bumalik
D. Yaong pinanganak sa Pilipinas na ang nanay ay Pilipino at ang ama ay Amerikano

55. Si Rolando ay anak nina Aling Alicia at Elmer na nasa kolehiyo. Nang kukuha na siya ng birth certificate nakita niya sa
pag-aanalisa ng kanyang dokumento na siya pala ay ipinanganak sa Estados Unidos. Sa anong prinsipyo nakapaloob ang
pagkamamamayan ni Rolando kung susundin niya ang dalawang prinsipyo ng pagkamamamayan?
A. Jus Soli o Jus Loci C. PhilAm
B. Jus Saguinis D. Amerika de Filipino

56. Ang bawat mamamayan ay inaasahang taglay ang lahat ng katangian na naaayon sa mga tungkulin at obligasyon na
nakatadhana sa Saligang Batas ng 1987 upang maging mulat sa mga gawain at usaping pansibiko. Anong tungkulin at
obligasyon na nakasulat sa saligang batas ang nararapat na taglayin ng isang aktibong mamamayan upang maging mulat sa
mga usapin at gawaing pansibiko?
A. Pagbabahagi ng sarili sa ikakaunlad ng lipunan at pangangalaga sa estado.
B. Katapatan at pagmamahal sa sariling bansa
C. Pagkakaroon ng maayos na hanapbuhay
D. Pakikiisa sa mga nasa kapangyarihan at pamahalaan.

57. Si Cardo magmula ng siya ay magtrabaho, siya ay hindi kailanman umaangal sa pagbabayad ng buwis buwan-buwan.
Naiiba siya sa kanyang mga kasamahan sa trabaho na panay ang angal at reklamo. Ano ang nais ipabatid ng pangungusap?
A. Nauunawaan na ni Cardo ang katayuan at tungkulin niya bilang isang mamamayan.
B. Nakakakuha kasi ng tax refund si Cardo kada buwan kapag siya ay nagbabayad ng buwis.
C. Gustong- gusto kasi ni Cardo ang magbayad ng buwis kada buwan.
D. Nakikinabang si Cardo nang mas higit pa sa kanyang sahod kada buwan.

58. Ang hari ang namumuno sa mga bansa noong unang panahon. Ang kanyang mga nasasakupan ay limitado ang kalayaan
para magawa ang mga bagay na ninanais nila. Batay sa kasaysayan ng pagkabuo ng karapatang pantao. Bakit halos
nawawala na ang ganitong sistema sa mga panahon ngayon?
A. May mga namumuno na hangad na ipagkaloob ang kalayaan at karapatan ng tao
B. Naghimagsik ang mga taong bayan at napatalsik ang mga diktatoryal na pamumuno
C. Nawala na ito sa uso at napatunayang hindi na ito epektibong pamamaraan
D. Hangad ng tao ang maging malaya kaya ipanaglaban nila ang kanilang karapatan

59. Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR)ay naging batayan ng pagbabalangkas ng batas ng karapatang
pantao ng bansa sa buong daigdig? Paano nabuo ang UDHR?
A. Sa pamamagitan ng demand ng lider ng bawat bansa na magkaroon ng batayan
B. Mula sa kagustuhan ng mga lider ng mga bansa na bigyan ng karapatan ng mga tao
C. Mula sa mga dokumentong nakalap na may kinalaman sa karapatang pantao
D. Dahil nagdesisyon ang United Nation na protektahan ang mga biktima ng giyera

60. Ang “Cyrus Cylinder” ang kauna-unahang tala ng pagtataguyod ng karapatang pantao sa buong daigdig. Paanong naging
mahalaga ang tagpong ito sa kasaysayan ng karapatang pantao?
A. Nagbigay daan ito upang magpataw ng tamang buwis ang pamahalaan
B. Nabigyan nito ng pagkakataon ang mga taong naparusahan ng kahit inosente
C. Naitaguyod nito ang pagkapantay-pantay ng karapatan ng babae at lalake
D. Nabigyan ang mga tao ng karapatan na pumili ng sariling relihiyon

You might also like