You are on page 1of 5

KAGAWARAN NG EDUKASYON

TANGGAPAN NG MGA PAARALANG PANSANGAY


Lungsod ng Mandaluyong

PANIMULANG PAGSUSULIT PARA SA UNANG MARKAHAN


ARALING PANLIPUNAN
BAITANG
Taong Panuruan 2021-2022

Pangalan: ____________________________Baitang/Pangkat: _____________________

Paaralan: ____________________________ Petsa: ______________ Iskor: ________

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na aytem. Piliin at


isulat ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Ang pinakamalapit na kahulugan na nagpapaliwanag sa konsepto ng


kontemporaryong isyu?
A. Ito ang pag-aaral sa mga isyu at hamong panlipunan sa kasalukuyan
B. Ito ay malaking hakbang na nagsusulong sa pagtanggap at paggalang sa
pagkakaiba ng tao
C. Ito ang pag-aaral ng pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu na nais bigyan ng
kahulugan sa kasalukuyan
D.Ito ay ang pag–aaral ng pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu at hamong
pangkapaligiran, pang-ekonomiya, pangkasarian at pampolitika

2. Bakit inaasahan ang bawat mamamayan sa lipunan ay maging mulat sa mga


Kontemporaryong isyu?
A. Dahil lamang ang may alam tungkol sa mga kasalukuyang isyu ng lipunan.
B. Dahil nasa Konstitusyon ng Pilipinas na bilang responsableng mamamayan ay
kinakailangan malaman natin ang mga isyung panlipunan.
C. Dahil bilang isang mamamayan inaasahan tayong makiisa sa paglutas ng
suliraning panlipunan at tanggapin ang mga pagbabagong makabubuti para sa
lahat.
D. Dahil ang pagiging mulat sa mga kasalukuyang isyu ay magbibigay ng kaukulang
impormasyon sa atin at aasahan ang pagtulong ng ating pamahalaan.

3. Ang pagbaha ay ang pag- apaw at pagtaas ng lebel ng tubig dahil sa walang tigil na
pag-ulan sa komunidad. Ngunit sa kabila ng pagsusumikap ng pamahalaan ng
pagsasaayos ng mga drainage system, bakit problema pa rin ito sa kasalukuyan?
A, Dahil sa kapabayaan ng tao sa tamang pagtatapon ng basura
B. Dahil sa pagtitipid at mahinang kalidad ng sistemang gamit ng pamahalaan
C. Dahil sa catch-basin ang mga lugar na binabaha kaya wala ng solusyon dito
D. Dahil sa hindi handa ang ilang lokal na pamahalaan sa pagdating ng bagyo at
malalakas na ulan
4. Ayon sa pag-aaral ng National Institute of Geological Sciences, ang Cagayan de Oro ay
madaling mapinsala ng baha dahil sa kumbersyon ng 2,000 ektarya na kagubatan sa
Upper Pulang Watershed upang gawing taniman ng pinya ng Del Monte Philippines. Ano
ang mahihinuha ninyo mula rito?
A. May mga gawain ang tao na nagpapalala ng mga kalamidad.
B. Mahalagang makakuha tayo ng pangunahing likas- yaman.
C. Makakaranas talaga ng kaunting pagbaha kapalit ng pag-unlad.
D. Mahalaga ang nalilikhang trabaho ng korporasyong ito kaysa sa kalikasan
Basahin ang talata sa ibaba para sa katanungan bilang 5.

Impact of Natural Disasters ; Natural disasters can cause considerable loss of lives

,homes ,livelihood and services. They also result in injuries, health problems, property

damage, and social and economic disruption. From 2000 to 2012 ,natural disasters in

the Philippines caused the death of 12,899 people and injury to 138,116 persons.

These disasters also affected more than 71million individuals and rendered almost

375,000 persons homeless.The socio-economic damages are estimated at

US$3.37billion with average annual damages of US$251.58 million.

5 . . Anu- anong aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan sa Pilipinas?


A. Kalusugan ,Kabuhayan, at Kalikasan C. Kabuhayan, Katarungan, at Kalusugan
B. Kalakalan, Kapayapaan ,at Kalikasan D. Kapayapaan ,Kabuhayan, at Kultura

6. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang
desisyon at prosesong pamamahala ng solid waste sa bansa?
A. Republic Act 9003 C. Republic Act 7942
B. Republic Act 8742 D. Republic Act 7586

. 7. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga


suliraning pangkapaligiran?
A. Magiging kabalikat ang mga dayuhan sa pagsugpo sa iba’t ibang suliranin
pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin
at pagtulong- tulungan ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang
sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung
mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito.
8. May mga NGOs na sumusuporta sa pamahalaan upang mabawasan ang mga
suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Anong grupo ng NGOs ang naglalayong baguhin
ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangagalaga sa kalikasan at
pagsusulong ng kapayapaan?
A. Bantay Kalikasan C. Green Peace
B. Clean and Green Foundation D .Mother Earth Foundation

9. Ano ang tawag sa dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala, pagpaplano,


pag-oorganisa, pagtukoy sa mga kasapi, pamumuno at pagkontrol sa isyung
pangkapaligiran?
A. Disaster Management C. Disaster Operation
B. Disaster Mitigation D. Disaster Risk
10. Kung ang disaster ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at
pinsala sa tao, kapaligiran at gawaing pang-ekonomiya, ano naman ang
vulnerability?
A. Tumutukoy sa mga banta na maaring dulot ng kalikasan o gawang tao.
B. Tumutukoy sa kayahan ng isang pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng
kalamidad
C. Tumutukoy sa mga inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng
pagtama ng isang kalamidad
D. Tumutukoy sa tao ,lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na
maapektuhan ng mga hazard
11. Ipinasara ni Secretary Fajardo ang isang establisimyento dahil ipinadadaan nito sa
ilog ang mga kemikal na kanilang ginagamit sa paggawa ng produkto. Anong
konsepto ng disaster management ang tinutukoy sa pangungusap?
A. Anthropogenic Hazard C. Natural Hazard
B. Disaster D. Vulnerability

12. Isa sa pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction


and Management Framework ay ang pagbuo ng disaster resilient ng mga
pamayanan. Malaki ang posibilidad na maging disaster resilient ang mga
pamayanan kung maaayos na maisasagawa ang CBDRM. Ano ang ibig sabihin ng
CBDRM?
A. Country Based–Disaster and Risk Management
B. Community Based–Disaster and Risk Management.
C. Community Based–Disorganized and Risk Management
D. Community Based– Disaster and Risk Managers
13. Alin sa sumusunod ang layunin ng Philippine Disaster Risk Reduction and
Management Act of 2010?
A. Mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad
B. Mailigtas ang mas maraming buhay at ari-arian sa pamayanan sa pamamagitan
ng maayos na plano at paano tutugunan ang kalamidad.
C. Mabigyan ng karampatang solusyon ang iba’t ibang suliranin ng hazard at
kalamidad sa pamamagitan ng organisadong plano
D. Maging hamon ang dulot ng kalamidad at hazard kaya dapat pagplanuhan at hindi
lamang haharapin sa panahon ng pagdating nito
14.. Nangangamba si Cardo na magkasakit ang kaniyang buntis na asawa at dalawang
taong gulang na anak dahil sa maruming tubig baha sa kanilang lugar dala ng tatlong
araw na walang tigil na pag –ulan, alin ang tinutukoy dito?
A. Anthropogenic Hazard C. Natural Hazard
B .Disaster D .Vulnerability
15. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang maituturing na Anthropogenic Hazard?
A. Ang maiitim na usok mula sa pabrika sa inyong lugar.
B. Ang pinsalang dulot ng landslide sa Infanta, Quezon
C. Ang pananalasa sa Bicol ng bagyo noong nakaraang Linggo .
D. Ang pagkakaroon ng malakas na lindol sa Calatagan, Batangas
16. Mahalagang malaman ng lahat ng mamamayan ang mga dapat gawin sa panahon ng
sakuna o kalamidad kung kaya’t ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga
gawain tungkol sa proteksiyon,paghahanda at pag-iwas sa iba’t ibang uring sakuna at
hazard ay gampanin ng Ikalawang yugto ng DRRM Plan o ng Disaster Preparedness.
Saang layunin ito nabibilang?
A. to advise B. to announce C. to inform D. to instruct
17. Ayon kina Ondiz at Redito, bakit mahalaga ang pagsasagawa ng risk management?
A. Ito ay nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga hazard , risk, capability at
pisikal na katangian ng komunidad.
B. Ito ay nagpapasigla sa information campaign at pinayayabong ang mga
gawaing pangkabuhayan sa mga nasalantang lugar.
C. Ito ay ang sistematikong pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri at
pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyan pansin.
D. Ito ay nagsisilbing batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga
pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad

18.. Noong 2014, ang Albay ay nagkamit ng zero casualty matapos tumama ang
malakas na bagyong Glenda? Ang lahat ay katangian na ipinamalas ng mga
mamamayan sa Albay upang maisakatuparan ang pagpaplano at implementasyon
ng Disaster Management Plan MALIBAN sa:
A. masipag
B. maunawain
C. may pagkakaisa
D. may malasakit sa bayan

19. Ayon kina Abarquez at Zubair, mahalaga ang partisipasyon ng mga


mamamayan sa CBDRM Approach dahil sila ang may posibilidad na
makaranas ng mga epekto at hazard. Bakit isinagawa ang CBDRM Aproach?
I. Upang hindi maranasan ang kalamidad
II. Upang maging handa ang komunidad at upang maiwasan ang
pinsala sa buhay at ari-arian
III. Upang maligtas ang maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay
may maayos na plano.
IV. Upang mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga suliraning dulot
ng hazard at kalamidad kung ang lahat ng sektor ay may
organisadong plano.
A. I, II, III B. I, II, IV, C. II, III, IV D. I, III, IV
20. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang nagpapakita ng top down approach
sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?
A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non Government Organization
(NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring maranasan sa
kanilang komunidad.
B. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang
bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan
mula sa panganib ng paparating na bagyo
. C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang
maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim at
matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa
kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first
aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t ibang kalamidad.

You might also like