You are on page 1of 1

Summative Test

I. Basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Ang globalisasyong ekonomiko ay kinakitaan ng pag-usbong ng malalaking korporasyon na ang operasyon ay nakatuon hindi
lamang sa bansang pinagmulan kundi maging sa ibang bansa. Ang isang uri ng kompanya na ang serbisyong ipinagbibili ay
nakabatay sa pangangailangang lokal ay tinatawag na ___________________.
A. Multinational Companies C. Bilateral Companies
B. Transnational Companies D. National Companies

2. Ang pagdami ng outsourcing companies ay maituturing na manipestasyon ng globalisasyon. Anong uri ng outsourcing batay sa
layo kung ang isang kompanya sa Europe ay kumuha ng serbisyo ng isang kumpanya dito sa Pilipinas?
A. Inshoring B. Nearshoring C. Offshoring D. Onshoring

3. Hindi lamang sa ekonomiya makikita ang manipestasyon ng globalisasyon, makikita rin ito sa aspetong politikal. Ang sumusunod
ay mga halimbawa ng globalisasyong politikal maliban sa ______________________.
A. paglaganap ng mobile phone C. ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa Australia
B. kasunduang bilateral sa pagitan ng mga bansa D. military assistance ng US

4. Suriin ang talahanayan na nagpapakita ng mga kompanya at bansa kasama ang kanilang kaukulang kita. Ano ang iyong
mahihinuha?
A. Malaki ang kinita ng Yahoo kumpara sa
Visa at eBay’s
B. Maunlad ang bansang Madagascar
dahil mataas ang GDP nito
C. Nagkaroon ng paglago sa ekonomiya
ng tatlong bansa
D. May mga kumpanya na mas malaki
ang kita kaysa sa GDP ng ilang bansa

5. Ang globalisasyon ay nagdala ng mga pagbabagong nagpabuti sa ilang aspeto ng ating buhay ngunit kalakip din nito ang mga
suliraning kailangang harapin at bigyang katugunan. Ang pagpapataw ng taripa at buwis sa lahat ng produkto at serbisyong nagmula
sa ibang bansa ay halimbawa ng _________________.
A. Fair Trade B. Bottom Billion C. Guarded Globalization D. Equal Trade

6. Si Mang Caloy ay isang driver ng jeep, kahit na tumaas ang presyo ng gasolina hindi pa rin siya makapagtaas ng pamasahe
dahil kinakailangan pa itong pagkasunduan ng mga kinatawan ng mga mananakay, driver at operator. Ito ay isang halimbawa
ng __________________.
A. Bottom Billion B. Fair Trade C. Fair Access D. Subsides

7. Ang Guarded Globalization ay tumutukoy sa pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang
mga lokal na namumuhunan at bigyan ng proteksiyon ang mga ito. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng halimbawa
nito?
A. pagpataw ng buwis sa mga dayuhang produkto C. pagbibigay ng sapat at ligtas na trabaho
B. pagbibigay ng subsidiya sa mga magsasaka D. pagbawas ng buwis sa mga produktong local

8. Bilang tugon sa hamon ng globalisasyon, nagbibigay ng subsidiya o tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga namumuhunang
lokal. Kinilala ang United States sa malaking tulong na binibigay nito sa mga magsasaka. Ano ang iyong mahihinuha sa
pahayag?
A. mayaman ang United States kaya malaki ang naibibigay na tulong sa mga magsasaka
B. malaki ang binabayad na buwis ng mga magsasaka sa United States
C. mahalagang matulungan ang mga magsasaka upang hindi malugi ang mga produktong lokal
D. kabilang ang United States sa Bottom Billion na nangangailangan ng tulong

9. Upang higit na maunawaan ang globalisasyon bilang isang kontemporaryong isyung panlipunan, mahalagang gumamit ng
mga pananaw sa pagsusuri nito. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga perspektibo tungkol sa globalisasyon maliban sa
____________________.
A. mauugat sa espesyal na pangyayari sa kasaysayan C. mahabang siklo ng pagbabago
B. taal o nakaugat sa bawat isa D. may anim na wave o epoch

10. Ano ang tawag sa mga taong aktibong nakikilahok sa iba’t ibang talakayan sa mga social networking sites?
A. citizen B. netizen C. tweetizen D. senior citizen

II.- Essay (5 points each)


1. Ano ang manipestasyon ng globalisasyon sa mga sumusunod:
A.Ekonomikal B.. Teknolohikal C. Sosyo- Kultural D. Pulitikal

You might also like