You are on page 1of 5

REPUBLIKA NG PILIPINAS

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Pampaaralang Pansangay ng Pangasinan I
MATAAS NA PAARALAN NG LOKEB NORTE
MALASIQUI, PANGASINAN

Pangalan : _______________________ Taon at Pangkat: _____________ Petsa: ___________

Guro: __________________________ Iskor: ______ Lagda ng Magulang: _________________

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 10

Panuto: Basahin mo at unawaing mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot

1. Ito ay tumutukoy sa pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng iba’t ibang prosesong


pandaigdig.
A. Globalisasyon B. Migrasyon C. Urbanisasyon D. Transisyon
2. Anong pangyayari ang lubos na nagpapabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Ekonomiya B. Globalisasyon C. Migrasyon D. Paggawa
3. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal B. Sosyo-kultural C. Teknolohikal D. Sikolohikal
4. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan
upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng
mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa?
A. mura at flexible labor C. Job Mismatch
B. Business Process Outsourcing D. Sub Contracting
5. Ilan sa mga MNCs at TNCs na pag-aari ng mga Pilipino ay nakarating sa iba’t ibang
panig ng mundo. Alin sa mga sumusunod ang hindi pag-aari ng Pilipino?
A. Jolibee C. Unilab
B. McDonalds D. San Miguel Corporation
6. Ang kompanyang ABC ay kukuha ng serbisyo mula sa isang kompanya na may
kaukulang bayad upang ito ang gagawa ng mga serbisyong kailangan upang
maisakatuparan ang inaasahang kalabasan ng negosyo. Ano ang tawag dito?
A. outsourcing C. subsidy
B. fair trade D. pagtulong sa bottom billion
7. Ang sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong teknolohikal at sosyokultural maliban sa isa.
Alin dito?
A. paggamit ng mobile phones C. Pagsunod sa K-Pop culture
B. E-commerce D. Pagpapatayo ng JICA building
8. Isang paraan ng mga kapitalista upang palakihin ang kanilang kita ay sa pamamagitan
ng mura at flexible labor. Paano nila isinasagawa ang paraang ito?
A. mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa.
B. mataas na pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa.
C. mababang pagpapasahod pero may ekstensiyon ang paggawa.
D. mataas na pagpapasahod pero may ekstensiyon ang paggawa.
9. Ano ang pinaka-angkop na paglalahad sa integrasyon ng mga bansa dahil sa
globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa.
B. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
C. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na
magdudulot ng pinsala.
D. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at
kolaborasyon ang mga bansa.
10. Isa sa perspektibo o pananaw sa globalisasyon ay ang paniniwalang ito ay taal o
nakaugat na sa bawat isa. Ano ang totoo sa pananaw na ito?
A. Ang pananaig ng kapitalismo bilang isang sistemang pang-ekonomiya.
B. May tiyak na pinagmulan ang globalisasyon at ito ay makikita sa pag-unlad ng tao.
C. Ang paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kanyang
makipagkalakalan.
D. Maraming “globalisasyon” na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang
kasalukuyan ay makabago na.
11. Ang mga bansang miyembro ng ASEAN ay nabigyan ng pagkakataong mapabilis ang
pag-angat ng kanilang ekonomiya. Pinapaigting ang koordinasyon ng bawat bansang
kaanib upang higit na maayos ang _________.
A. edukasyon, pamumuhunan at isports
B. pamumuhunan, pagpapayaman at pagtutulungang political
C. pamumuhunan, kalakalan at pagtutulungang politikal
D. pamumuhunan, pagkakaibigan at pananampalataya
12. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng
globalisasyon ang lugar ng trabaho ng mga manggagawang Pilipino?
A. Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino.
B. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.
C. Pagdagsa ng mga dayuhang namumuhunan sa buong bansa.
D. Paggamit ng mga Automated Teller Machine (ATM)
13. Ano ang humikayat sa mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot naman ng
iba’t ibang isyu sa paggawa?
A. Marami silang kamag-anak dito sa Pilipinas.
B. Nais ng Pangulo na magkaroon ng negosyo ang lahat ng Pilipino.
C. Masyadong maluwag ang gobyerno natin sa mga dayuhang namumuhunan sa bansa.
D. Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang
namumuhunan na mas nagpatingkad ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang
kompanya at korporasyon sa bansa
14. Anong sektor ng paggawa ang may pinakamalaking bahagdan ng mga manggagawa?
A. Agrikultura C. Industriya
B. Impormal na sektor D. Paglilingkod
15. Alin sa sumusunod ang suliraning kinakaharap ng mga lokal na magsasaka?
A. Kawalan ng asawa C. Kawalan ng kahalili sa pagtatanim at pag-aani ng pananim
B. Kawalan ng sapat na tulog D. Kakulangan ng patubig o suporta ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda
16. Ito ay tumutukoy sa pagpapalaki ng kita at tubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng
mababang pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa?
A. Subcontracting Scheme C. Mura at Flexible Labor
B. Kontraktuwalisasyon D. Underemployment
17. Ano ang tawag sa pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na
subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon?
A. Subcontracting Scheme C. Mura at Flexible Labor
B. Kontraktuwalisasyon D. Underemployment
18. Ano ang tawag sa nakamamatay at nakahahawang sakit na nagmula sa bansang
China?
A. COVID-19 C. SARS-CoV
B. MERS-CoV D. SARS
19. Ang sakit o virus na nagmula sa Wuhan, China ay kumakalat maliban ______________.
A. sa pamamagitan ng isang metrong distansya sa mga taong may sintomas ng sakit
na ito.
B. sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing ng isang taong may sakit na ito na hindi
nakasuot ng facemask.
C. sa pamamagitan ng malapitang pakikisalamuha sa taong may sakit na ito na walang
suot na facemask.
D. sa pamamagitan ng pagsagap ng mga maliliit na talsik ng laway mula sa
pagsasalita ng taong positibo sa sakit na ito.
20. Ang globalisayon ay nagdulot ng maraming suliranin sa paggawa. Alin sa sumusunod ang
HINDI kabilang?
A. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na
globally standard.
B. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa
pandaigidigang pamilihan.
C. Ang palagiang pangingibang bansa ng mga artista para magbakasyon o umiwas
sa mga intriga na ipinupukol sa kanila ng mga taong galit sa kanila.
D. Binago ng globalisasyon ang pook pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad
ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines
at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa.
21. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisayon
ipinatupad nila ang mura at flexible labor sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga
manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nito sa bansa?
A. Maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
B. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
C. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis na produksiyon sa iba’t
ibang krisis.
D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa
pandaigdigang kalakalan.
22. Ano ang migrasyon?
A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dahil sa kaguluhan ng mga
mamamayan.
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang
pangyayari sa lugar na pinagmulan.
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong
politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente.
23. Anong bansa ang may pinamakaraming migranteng Pilipino?
A. Canada B. Malaysia C. Saudi Arabia D. United States of America
24. Sino ang pangunahing naaapektuhan kapag nangibang-bansa ang parehong mga
magulang?
A. Mga anak B. Mga kapitbahay C. Mga kamag-anak D. Mga alagang hayop
25. Ano ang katuturan ng akronim na OWWA?
A. Overseas Workers Welfare for All C. Overseas Workers Welfare Administration
B. Overseas Workers Welfare Authority D. Overseas Welfare of Workers Administration
26. Anong suliranin ang tumutukoy sa kondisyon ng tao kung saan mayroon siyang kakulangan
sa mga pangunahing pangangailangan na nag-uudyok sa mga tao upang mandarayuhan?
A. Kahirapan B. Katiwalian C. Polusyon D. Prostitusyon
27. Ano ang maaaring maging epekto kapag nagdagsaan ang mga tao sa mga lungsod?
A. Paglobo ng populasyon sa mga lungsod C. Pananatili ng populasyon ng mga lungsod
B. Pagbaba ng populasyon sa mga lungsod D. Pagdomina ng mga taga-probinsiya sa lungsod
28. Sino ang mga binansagang “economic migrants”?
A. Iyong mga naiwang miyembro ng pamilya ng mga OFWs.
B. Iyong mga tumakas mula sa kanilang bansa dahil sa matinding karahasan o di
kaya ay kaguluhan.
C. Iyong mga naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad
ang kanilang kabuhayan.
D. Iyong mga eksperto na mas piniling mangibang-bansa dahil sa kawalan ng
oportunidad sa bansang pinagmulan.
29. Ang mga Ilocano ang may pinakamalaking bilang ng migrante sa Hawaii – karamihan sa
kanila ay pinetisyon ng mga unang Ilocano na nanirahan doon. Anong dahilan ng migrasyon
ang inilalarawan dito?
A. Paglayo o pag-iwas sa kalamidad C. Pagnanais na makaahon mula sa kahirapan
B. Panghihikayat ng mga kamag-anak D. Paghahanap ng payapa at ligtas na lugar na matitirhan
30. Alin sa mga sumusunod na kalagayan ang di-mabuting bunga ng migrasyon sa mga
papaunlad na bansa gaya ng Pilipinas?
A. Brain Drain B. Economic Migration C. Integration D. Multiculturalism
31. Ano ang maaaring maging negatibong epekto sa mga anak kung ang parehong magulang
ay nasa ibang bansa?
A. Ang mga anak ay maaaring mapariwara dahil sa kawalan ng oras ng mga
magulang.
B. Mapahahalagahan ng mga anak ang lahat ng sakripisyo ng kanilang mga magulang
para sa kanila.
C. Ang mga anak ay makapagtatapos ng pag-aaral dahil sapat ang pangangailangang
pinansiyal.
D. Masisiguro ang magandang kinabukasan ng mga anak dahil sa pagsusumikap ng
mga magulang na nasa ibang bansa.
32. Alin sa sumusunod ang maaaring maranasan ng ating mga kababayan sa kanilang
pagtatrabaho sa ibang bansa?
A. Diskriminasyon B. Sexual Exploitation C. Parehong A at B D. Wala sa A at B
33. Lahat ng sumusunod ay mga dahilan ng pangingibang-bansa ng mga Pilipino maliban
sa isa. Alin dito ang hindi kabilang sa pangkat?
A. Kawalan ng oportunidad sa Pilipinas.
B. Maki-uso sa mga kakilalang nangibang-bansa.
C. Manirahan kasama ang mga mahal sa buhay sa ibang bansa.
D. Mas magandang trabaho at mas mataas na sahod sa ibang bansa.
34. Mababa lamang ang tinapos ni Maria kaya napilitan siyang mamasukan bilang isang
domestic helper sa Singapore. Ito ay bunsod ng kadahilanang wala siyang mapasukang
trabaho sa Pilipinas dahil sa mababang kwalipikasyon. Alin sa mga dahilan ng
migrasyon ang naglalarawan sa kalagayan ni Maria?
A. Pumunta sa bansa o lugar na pinapangarap.
B. Makaranas ng pamumuhay sa lungsod o sa mga urban areas.
C. Panghihikayat ng mga kamag-anak na matagal ng naninirahan sa ibang bansa.
D. Magkaroon ng trabaho dahil walang mapasukang trabaho sa bansang pinagmulan.
35. Daan-daang pamilya ang nasa gymnasium ng lungsod dahil sa pinangangambahang
pag- landfall ng Bagyong Domeng sa loob ng 48 oras. Alin sa sumusunod ang
inilalarawang dahilan ng migrasyon sa ibinigay na sitwasyon?
A. Lumayo o umiwas sa kalamidad.
B. Pumunta sa bansa o lugar na pinapangarap.
C. Magandang oportunidad gaya ng kabuhayan at kita.
D. Makaranas ng pamumuhay sa lungsod o urban areas.
36. Kamakailan ay naging laman ng pandaigdigang balita ang paglusob ng mga
makakaliwang grupo sa lungsod ng Marawi. Ano ang ugnayan ng paglusob ng mga
grupong ito sa migrasyon?
A. Ang mga tao ay umiiwas sa kalamidad kaya nangyayari ang migrasyon.
B. Ang mga tao ay walang mapasukang trabaho kaya nangyayari ang migrasyon.
C. Ang mga tao ay nakakaranas ng malnutrsiyon kaya nangyayari ang migrasyon.
D. Ang mga tao ay naghahanap ng payapang lugar kaya nangyayari ang migrasyon.
37. Ano ang tawag sa mga pinapadalang pera ng mga migranteng manggagawa sa Pilipinas
na siyang nakakatulong din sa paglago ng ekonomiya ng bansa at sa bansang
pinagtatrabahuan nila?
A. forced labor B. Remittance C. subsidy D. Tariff
38. Kung ihahambing noon, ang Pilipinas ay may maikling basic education kaya tinuturing na
second class professionals ang karamihan sa mga Pilipino. Dahil dito, nagkaroon ng
reporma sa sistema ng edukasyon noong 2010 na tinatawag na ____________.
A. Bologna Accord C. Monroe Doctrine
B. K-to-12 Curriculum D. Washington Accord
39. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit may nagaganap na pag-alis o paglipat ng
isang tao sa isang lugar, maliban sa isa
A. nahikayat ng mga kamag-anak na nakatira sa abroad
B. pag-aaral ng mga makabagong kaalamang teknikal
C. makapamasyal sa iba’t ibang tanawin sa mundo
D. maghanapbuhay para kumita ng malaki
40. Noong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumabas
sa kanilang bansa. Ano ang mahihinuha rito?
A. mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya
B. kahirapan ang namamayani sa Asya at hindi kaginhawaan ng pamumuhay
C. kakaunti ang oportunidad na makukuha ng mga Asyano sa kanilang bansa
D. mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ang mga Asyano bunga ng iba’t ibang
hanapbuhay na mapapasukan na angkop sa kanilang natapos
41. Noon ay itinuturing ang Pilipinas bilang isang ‘Tigre ng Asya.’ Alin sa mga sumusunod
ang tamang paglalarawan sa taguring ‘Tigre ng Asya’?
A. isang bansang maraming nabubuhay na tigre
B. isang bansang masagana sa pinagkukunang-yaman
C. isang bansang napapanatili ang paglago ang ekonomiya nito
D. isang bansang aktibong nakikilahok sa iba’t ibang samahang internasyonal
42. Alin sa mga sumusunod ay ang positibong epekto ang naidudulot ng migrasyon sa
pamilya?
A. pagkakaroon at pagtangkilik ng imported na kagamitan
B. makapaglibang at makapamasyal sa mga magagandang lugar
C. pag-usbong ng makabago at mas mabilis na paraan ng komunikasyon
D. matutugonan ang mga pangangailangang pangkabuhayan para maitaguyod ang mas
maginhawang pamumuhay ng pamilya
43. Ang pamilya ni Jun-jun ay nabubuhay sa pagsasaka, dahil sa mababang kita tuwing
anihan, kaya napagpasyahan niyang mangibang bansa at iniwan na lang ang sakahan
sa kanyang mga kapatid. Hindi naman siya nangulila, sapagkat may komunikasyon
naman siya sa mga ito. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng migrasyon sa
buhay ni Jun-jun?
A. ang pagbabago ng tradisyonal na pamilya sa transnasyunal na pamilya
B. ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng magkakapatid
C. ang posibilidad na maging dayuhan sa sariling bayan
D. ang pagtangkilik sa gawang dayuhan
44. Si Anna ay isang domestic helper sa Macau at naiwan niya ang dalawang anak at ang
asawang si Eloy sa Pilipinas. Halos maglilimang taon na siya doon at kahit pa marami
siyang ginagawa ay nabibigyang oras niya pa rin ang pamilya upang kausapin ang mga
ito araw-araw. Sa sitwasyon nila, ano ang epektibong paraan upang maiwasan at
mapaghandaan nila ang epekto ng migrasyon sa kanilang pamilya upang hindi ito mauwi
sa paghihiwalayan?
A. ang pagkakaroon ng mga counseling centers
B. panatilihin ang bukas na komunikasyon sa isa’t-isa
C. ang madalas na pag-uwi ng asawang nagtatrabaho sa ibang bansa
D. pagkakaroon ng matatag na pagmamahalan, respeto, at tiwala sa isa’t isa
45. Paglipat ng isang tao o pamilya mula sa isang bayan, lalawigan o rehiyon patungo sa ibang bahagi ng
bansa.
A. Migrasyong Panlabas B. Migrasyong Panloob C. Flow D. Stock
46. Pagpunta ng isang pamilya sa ibang bansa upang doon manirahan
A. Flow B. Stock C. Migrasyong Panlabas D. Migrasyong Panloob
47. Tawag sa mga taong lumilipat ng lugar
A. Dayuhan B. Migrante C. Bakasyunista D. Polista
48. Tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon
na kadalasan ay kada taon.
A. Stock B. Migrasyon C. Flow D. Migrant
49. Tumutukoy sa bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan
A. Migrasyon B. Migrant C. Flow D. Stock
50. Bansang may pinakamaraming Pilipinong migrante
A. Saudi Arabia B. United State of America D. Malaysia D. UAE

Inihanda ni:
JOHNNIE D. SORIANO
Guro III

Iwinasto at Sinuri ni:


LIZA V. SORIANO
Dalubguro I

Sinang-ayunan ni:
MIRIAM B. IDOS, EdD.
Punongguro II

Pinagtibay:

CANDRA E. PENOLIAR,DA
Pampublikong Tagamasid Pampurok

You might also like