You are on page 1of 5

Republic of The Philippines

Department of Education
Region XII
Division of South Cotabato
Lake Sebu East
S.Y. 2018-2019
DIAGNOSTIC TEST
Araling Panlipunan 10 - Mga Kontemporaryong Isyu

Pangalan:____________________________________Baitang/Seksyun:____________________Iskor:_______
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at
isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa patlang bago ang bilang.

______1. Ito ay tawag sa pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan
ng ating pamayanan, bansa o mundo sa kasalukuyang panahon.
A. Isyung Personal C. Isyung Panlipunan
B. Isyu ng Buhay D. Kontemporaryong isyu
______2. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang
batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
A. lipunan C. bansa
B. komunidad D. organisasyon
______3. Alin sa mga sumusunod na tema ng kontemporaryong isyu ang hindi kasali sa pangkat?
A. Lipunan C. Politika
B. Kapaligiran D. Sarili
______4. Mga impormasyon o interpretasyon batay sa primaryang pinagkunan, anong uri ng sanggunian ito?
A. Sekundaryang sanggunian C. Primaryang sanggunian
B. Talambuhay D. Ulat ng saksi
______5. “ BAWAL TUMAWID MAY NAMATAY NA DITO “. Ipinababatid ng babala ang paalala sa isang
patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito ay nakapaloob sa anong elemento ng kultura?
A.Norms  C. Pagpapahalaga 
B. Paniniwala  D. Simbolo
______6 Alin sa mga sumusunod na elemento ng istrukturang panlipunan ang nagbibigay tuon sa
posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan?
A.Gampanin  C. Simbolo 
B. Status D. Social Groups at Institusyon
______7. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Paggawa C. Migrasyon
B. Ekonomiya D. Globalisasyon
______8. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
A. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang
direksyon na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
B. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng mga
mamamayan sa buong mundo
D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga bansa sa mundo.
______9. Ito ay tumutukoy sa sea zone na pinanukala ng United Nations na ang isang estado ay may espesyal na karapatan
na gamitin ang likas na yaman at magsagawa ng eskplorasyon
A. Continental shelf C. Exclusive economic Zone
B. UNCLOS D. UNITED NATION
______10. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang tumutukoy sa panlabas na migrasyon.
A. Pagpunta ni Jsenny ng Canada para doon maghanap ng trabaho
B. pagbabakasyon ng pamilya santos sa boracay na nagmula pa sa surallah.
C. Paglipat ng tirahan ng mag-asawang sina tina at tino mula Lake sebu patungong Makati Manila.
D. Paglikas ng mga Maranao patungong Cebu.
______11. Ito ay isang uri ng panunuhol na kung saan ginagamit ang pera upang gawing proteksyon sa pagsasagawa ng mga
ilegal na operasyon sa isang bansa.
A. Tax evasion C. Ghost project
B. Bribery D. Protection money
_______12. Ano ang tawag sa illegal na paggamit ng pampublikong opisina at pagkanulo sa pampublikong tiwala para sa
pansariling pakinabang. Ito ang kawalan ng kalinisan, integredad at katapatan ng isang taong nanunungkulan.
A. Graft C. Corruption
B. Graft and corruption D. Illegal use of funds
_______13. Ayon sa UNCLOS, ang sukat ng EEZ ng isang bansa mula sa coastline ay:
A. 150 nautical miles C. 200 nautical miles
B. 250 nautical miles D. 275 nautical miles
_______14. Ito ay ang pagkakaroon ng alitan ng Pilipinas at Malaysia tungkol sa usapin kung kaninong bansa ang may huris
diksyon sa Sabah
A. West Philippine sea dispute C. Gibraltar Islands dispute
B. Philippine- Malaysia dispute D. Paracel Islands dispute
_______15. Mayroong iba’t ibang uri ng paglabag sa karapatang pantao. Alin sa mgasumusunod na pahayag ang HINDI
kabilang dito?
A. Pagpatay C. Aksidente
B. Terrorismo D.Pagdukot
_______16. Ito ay tumutukoy sa isang pamilya ng mga politiko na namamahala sa isang lugar at naipapasa sa pamilya ang
kanilang katungkulan.
A. Political dynasties C. Political dignitaries
B. Political interest D. Political families
______17. Ito ay tumutukoy sa katiwalian, pang –aabuso at pagpapakasasa sa mga kayamanan ng bayan at ari-arian na
gagamitin para sa mga proyekto ng bayan.
A. Graft and corruption C. Graft
B. Corruption D. Illegal use of funds
______18. Ang sumusunod ay mga katawan o ahensyang nilikha upang sugpuin ang Graft and corruption sa Pilipinas
maliban sa..
A. Office of the Ombudsman C. Commission On Audit
B. Sandiganbayan D. Commission on Human Rights
______19. Ito ay ginagawa ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan kung saan ang mga hindi umiiral na
proyekto ay pinpondohan ng pamahalaan.
A. Tax evasion C. Ghost project
B. Bribery D. Protection money
______20. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga
babae at lalaki.
A. sex C. bi-sexual
B. gender D. transgender
______21. Ang kasarian ay maraming ipinahihiwatig na kahulugan. Sa Ingles ito ay katumbas ng salitang sex at
gender. Ano ang tinutukoy ng World Health Organization (WHO) na tumutukoy sa biyolohikal at
pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. Bi-sexual  C. Transgender 
C. Gender D. Sex
______22. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging
sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. pang-aabuso C. pagsasamantala
B. diskriminasyon D. pananakit
______23. Ang pang-aabusong seksuwal ay isang hiwalay na konsepto ukol sa pang-aabuso dahil ang gawain na
ginagawa ay labag sa kalooban ng biktima. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang dito?
A. Attempted Rape C.Sexual Harassment
B. Pornography D. Voyeurism
______24.Ang Queer o Questioning ay mga taong hindi tiyak o hindi pa tiyak ang kanilang seksuwal na 
pagkakakilanlan, samantalang ang mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit 
sa ibang kasarian ngunit nakakaramdam din ng kaparehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ano ang
tawag sa kaniya?
A. Bisexual C. Transgender 
B. Asexual  D. Homosexual
______25.Tinatamasa ng tao mula sa kanyang pagsilang hanggang siya ay mamatay
A. dignidad C. karapatang pantao
B.. pagkatao D. pangangailangan
______26. Alin sa mga sumusunod na probisyon ng Saligang-Batas ang nagsusulong ng karapatang pantao?
A. Mga Pambansang Komisyon C. Bill of Rights
B. Pambansang Patrimonya at Ekonomiya D. Deklarasyon ng Prinsipyo at Patakaran ng Estado
______27. Hanggang Grade V lang pinaaral ng magulang si Jose. Ito ay paglabag sa karapatan ng bata sa_____.
A. Edukasyon C. Kalusugan
B. Nasyonalidad D. Pag-aaruga
______28. Kapag ang isang bata ay inabuso, saan dapat dumulog ng kaso?
A. hukumang pambarangay C. paaralan
B. simbahan D. korte suprema
______29. Ang isang lalaki ay binugbog ng pulis. Saan siya maaring humingi ng tulong?
A. katarungang pambarangay C. opisina ng pambansang pulis
B. paaralan D. simbahan
______30. Nilalayon ng programang ito na magkaroon ang mga mag-aaral ng lubos at tuloy tuloy na pagkatuto ng mga
batayang pangkasanayan at magkaroon ng kahandaan sa kolehiyo o pag-eempleyo.
A. EFA C. K-12 program
B. ALS D. 4P’s
______31. Binibigyan ng programang ito ang bawat mamamayang pilipino ng pagkakataong makapag-aral ng libre mula
kinder hanggang high school.
A. K-12 program C. EFA
B . ALS D. Abot Kaya
_______32. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibidwal sa isang estado kung saan bilang citizen, siya ay
ginawaran ng mga karapatan at tungkulin
A. Pagkamamamayan C. Jos Soli
B. Naturalisasyon D. Jus Sanguinis
_______33.Ito ay legal na kasulatan na kung saan nakasaad ang pagkamamayang Pilipino
A. Saligang Batas 1987 Artlikuo V C. Saligang Batas 1973, Artikulo IV
B. Saligang Batas 1987 Artlikuo IV D. Saligang Batas 1973, Artikulo V
_______34 Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng
1987 ng Pilipinas?
A. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.
B. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
C. Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
D. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino.
_______35. Isang legal naparaan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay
sasailalim sa isang proseso sa korte.
A. Pagkamamamayan C. Jos Soli
B. Naturalisasyon D. Jus Sanguinis
_______36. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
A. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
B. . Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga
suliraning pangkapaligiran.
C. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning
pangkapaligiran nito.
_______37. Alin sa mga sumusunod ang hindi tunay na kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong
isyu?
A. nakakatulong sa pagpapayabong ng kaalaman at katalinuhan bilang mag-aaral
B. paghubog ng pagkatao bilang responsableng mamamayan ng bansa
C. pagkakaroon ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bansa
D. nagiging mapagmatyag, matalino at produktibong mamamayan
_______38. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang tumutukoy sa panloob na migrasyon.
A.Pagpunta ni Jenny ng Canada para doon maghanap ng trabaho
B. Pagbisita ng isang kamag-anak mula Albay pantungong California
C. Paglipat ng tirahan ng mag-asawang sina tina at tino mula Lake sebu patungong Paris.
D.Paglikas ng mga Maranao patungong Cebu.
_______39.Maraming itinuturong dahilan ng pagpasok ng isang tao o indibidwal sa gawaing prostitusyon. Alin sa mga
sumusunod ang mayroong pinakamalaking dahilan ng kanilang pagpasok sa gawaing ito?
A. Kahirapan C. Luho
B. Paggastos D. Peer Pressure
_______40.”Winawakasan ang pagkakatali sa kasal noon sa pamamagitan nang kapwa pinapayagan noon ang babae at lalaki
na hiwalayan ang kanilang asawa. Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin
sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa pahahon ng kanilang pagsasama.Subalit kung ang babae
ang magnanais na hiwalayan ang kanyang asawa, wala siyang makukuhang anumang pag-aari.”
Ano ang maaaring maging konklusyon sa talatang binasa?
A. Mayroon pa ring makikitang pagkiling sa mga lalaki.
B. Pantay ang karapatan ng babae at lalaki noong unang pahanon.
C. Walang pakialam ang kanilang pamilya sa buhay mag-asawa.
D. Mas binibigyan ng pansin ang kapakanan ng mga kababaihan noon.
_______41. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang
mamamayan?
A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyekto
B. Aktibo siya sa isang peace and order committee ng kanilang barangay.
C. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
D. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.
_______42. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa?
A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
B. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
C. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
D. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa
_______43. Alin sasumusunod na situwasiyon ang hindi nagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?
A. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan.
B. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
C. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan.
D. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization
_______44. Basahin ang sumusunod na mensahe:
“Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country.” Ano ang nais ipaabot
ng pahayag niPangulong John F.Kennedy?
A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin.
B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng pamahalaan.
C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.
D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa pagkamamamayan
_______45. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal maliban
sa isa.
A. Nawala na ang bisa ngnaturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sasaligang batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag mayroong digmaan.
Para sa bilang na ito, basahin ang talata tungkol sa isyung personal at isyung panlipunan
“Mayroon mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Isang magandang halimbawang
ibinigay ni C. Wright Mills (1959) ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan
ay tungkol sa kawalan ng trabaho. Kung sa isang komunidad na may 100,000
mamamayang maaaring maghanapbuhay ay may isang walang trabaho, maaaring ituring ito
bilang isang isyung personal. Subalit kung sa isang lipunang mayroong 50 milyong tao at
15 milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaari itong ituring na isyung panlipunan.”

______46. Batay sa talata, ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan?
A. Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung personal ay hindi.
B. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang isyung personal
ay nakakaapekto sa isang tao lamang.
C. Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinahaharap ng isang lipunan.
D. Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning kinahaharap ng indibiduwal
_______47. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin ng batas na ito
ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan.
‘Marginalized Women’, at ‘Women in Especially Difficult Circumstances’. Alin sa mga sumusunod ang
kabilang sa women in especially difficult circumstances?
A. Maralitang tagalunsod
B. Kababaihang Moro at katutubo
C. Magsasaka at manggagawa sa bukid
D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot
_______48. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
“LGBT Rights are Human Rights”

Banki-Moon

A. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao.


B. Ang mga LGBT ay may karapatang-pantao.
C. May pantay na karapatan ang lahat ng tao.
D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao.
_______49. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga karapatang pantao
ng mga mamamayan”?
A. Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at
B. Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang Gabriela
C. Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa
D. Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga produktong dayuhan
_______50. Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang “Pananagutan”:
Walang sinuman ang nabubuhay
Para sa sarili lamangs
Walang sinuman ang namamatay
Para sa sarili lamang
Koro: Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N'ya
Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin patungkol sa mga mamamayan ng isang bansa?
A. Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan anuman ang estado sa buhay.
B. Ang mga mamamayan ang siyang tagapagtanggol ng Saligang Batas ng bansa na kaniyang kinabibilangan
C. Makakamit ang kabutihang panlahat at maisusulong ang pambansang interes kung may pagtutulungan
D. Nararapat na magtulungan ang pamahalaan at ang mga mamamayan upang makamit ng bansa ang kaunlaran.
ANSWER KEY
Araling Panlipunan 10 - Mga Kontemporaryong Isyu

1. D 6. B 11. D 16. A 21. D 26. C


2. A 7. D 12. C 17. A 22. B 27. A
3. D 8. A 13. C 18. D 23. D 28. A
4. A 9. C 14. B 19. C 24. A 29. C
5. A 10. A 15. C 20. B 25. B 30. A

31. C 36. B 41. B 46. B


32. A 37. A 42. C 47. D
33. B 38. D 43. C 48. B
34. A 39. A 44. C 49. B
35. A 40. A 45. B 50. C

Inihanda ni:
LIEZEL O. HUECAS
Upper Maculan National High School

You might also like