You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Division of Cebu Province


BANTAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Unang Markahang Pasulit sa Araling Panlipunan 10
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at bilugan ang titik ng tamang sagot lamang.
1. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang mga dayuhan sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito.
2. May mga NGOs na sumusuporta sa pamahalaan upang mabawasan ang mga suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Anong grupo ng NGOs ang
naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangagalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan?
A. Bantay Kalikasan B. Green Peace C. Green and Green Foundation D. Mother earth Foundation
3. Ayon sa Food and Agricultural Organization ng United Nations, ano ang tawag sa matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng
iba’t ibang gawain ng tao o natural na kalamidad?
A. Deforestation B. Illegal Logging C. Fuel wood Harvesting D. Migration
4. Ano ang tinutukoy na isang lipunan?
A. Mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may kanya-kanyang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
B. Mga taong hiwa-hiwalay na ninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
C. Mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga
D. Walang tiyak na pagpipilian
5. Alin sa mga sumusunod ang totoo sa “ Ascribed Status “ ?
A. Nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng mga dokumento
B. Nakatalaga sa isang indibidwal simula ng siya ay ipanganak.
C. Nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng isinasaad ng batas.
D. Nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng kanyang pagsusumikap
6. Ayon kay C. Wright Mills mahalagang malinang ang isang kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang
lipunang kanyang ginagalawan. Ano ang tawag sa kakayahang makita ang ugnayan ng lipunan at personal na karanasan?
A. Isyung Panlipunan B.Kultura C. Isyung Personal D. Sociological Imagination
7. Alin sa mga sumusunod ang tumpak na paliwanag sa istrukturang panlipunan?
A. Ang lipunan ay binubuo ng istrukturang panlipunan at elemento ng kultura
B. Ang istrukturang panlipunan ay binubuo ng mga elementong may kaugnayan sa bawat isa
C. Mahalaga ang pag-alam sa istrukturang panlipunan upang masagot ang mga isyung panlipunan.
D. Ang bawat miyembro ng lipunan ay may gampanin sa pagpapaunlad ng lipunang
8. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagbibigay kahulugan sa isyung personal?
A. Dahil sa kaguluhan sa Marawi , idineklara ni Pangulong Duterte ang Martial Law sa Mindanao
B. Maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho nang masunog ang ilang bahagi ng pabrika sa EPZA
C. Nawalan ng trabaho ang Tatay ni Cardo kaya ang kanyang anak na panganay ay huminto muna sa pag –aaral
D. Ang walang humpay na pag -ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila ay nagdulot ng matinding baha at traffic
9. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan. Alin sa mga sumusunod ang hindi
tumutukoy o nagpapakita ng kultura ng isang pamayanan?
A. Idinaraos sa Balayan ang parada ng lechon tuwing Hunyo 24.
B. Ipinagdiriwang sa mga bayan sa Batangas ang Flores de Mayo
C. Nakiisa ang mga magaaral ng Taal NHS sa pagdiriwang na El Pasubat
D. Ang grupong LGBT ng Bantayan NHS ay nagpamalas ng kahusayan sa pagdiriwang ng buwan ng Wika
10. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kultura?
A. Paraan ng paniniwala sa isang lipunan B. Paraan ng pagtatanggol sa isang lipunan
C. Paraan ng pagtatanghal sa lipunan D. Paraan ng pamumuhay sa isang lipunan
11. Bilang isang mag-aaral , bakit mahalagang magkaroon ng malawak na kaalaman sa mga isyu at hamong panlipunan?
A. Upang malaman ang kasiyahang matamo nito B. Mauunawaan ang sanhi at bunga nito sa isang lipunan
C. Upang magkaroon ng kaalaman D. Malalaman ang mainit na isyu at makibalita
12. Alin sa mga sumusunod ang makatotohanan?
A. Ang indibidwal lang ang apektado sa hamon at isyung panlipunan
B. Ilan lang sa mga tao ang apektado sa hamon at isyung panlipunan
C. Lahat ng tao ay apektado sa hamon at isyung panlipunan
D. Walang tiyak ang pagpipilian
13. Ano-anong mga aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan sa Pilipinas?
A. Kalusugan, Kabuhayan, at Kalikasan C. Kabuhayan, Kalakalan, at Kalusugan
B. Kalakalan, Kapayapaan, at Kalikasan D. Kapayapaan, Kabuhayan, at Kultura
14. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa?
A. Republic Act 9003 B. Republic Act 7942 C. Republic Act 8742 D. Republic Act 7586
15. Kung ang bagyo, tsunami at thunderstorm ay kabilang sa mga natural hazard, alin naman ang nabibilang sa anthropogenic hazard?
A. landslide B. lindol C. storm surge D. terorismo
16. Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga
basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason. Sang ayon sa pag-aaral ng National Solid Waste
Management ng 2016, saan nagmumula ang malaking porsyento ng basura sa Pilipinas?
A. Batangas B. Cavite C. Metro Manila D. Mindanao
17. Ipinasara ni Secretary Fajardo ang isang establisimyento dahil pinadadaanan nito sa ilog ang mga kemikal na kanilang ginagamit sa paggawa ng
produkto. Anong konsepto ng disaster management ang tinutukoy sa pangungusap?
A. Anthropogenic Hazard B. Natural Hazard C. Disaster D. Vulnerability
18. Batay sa pag-aaral ng National Solid Waste management Report ng 2015, anong uri ng basura ang may pinakamalaking porsyento ang
itinatapon sa bansa? A. Biodegradables B. Recyclables C. Residual D. Special
19. Pinagtutulungang solusyunan ng iba’t-ibang sector ang mga suliraning pangkapaligiran ayon sa ulat ng National Solid Waste Management
Commission. Alin sa mga sumusunod ang best practice na sa kasalukuyan ay ginawa ng iyong Local Government Unit?
A. No Garbage, No Dumpsite B. No Green, No Clean C. No Segregation, No Collection D. Garbage = Rice
20. Sa patuloy na pagkakalbo ng ating kagubatan at ang walang habas na pagsunog ng mga basurang plastiks ay magpapatuloy ang suliraning
pangkapaligiran.Alin sa mga epekto ang dadanasin natin? A. landslide b. Polusyon C. Climate Change D. Lindol
21. Ang malaking bahagdan ng itinatapong basura ng mga Pilipino ay mula sa mga tahanan na mayroong 56.7%. Bilang isang mag-aaral na mulat sa
sitwasyon, ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit malaki ang problema ng bansa sa solid waste?
A. hindi alam ang gagawin sa mga naiipong basura sa mula sa tahanan
B. Kulang sa mga proyekto tungkol sa waste management ang LGU
C. Walang sapat na badyet ang barangay upang makabuo ng programa patungkol sa solid waste
D. Kulang sa disiplina sa pagtatapon ng basura ang ilan sa mga mamamayang Pilipino
22. Ano ang masamang epekto ng ng kawalang disiplina ng tao sa pagtatapon ng basura?
I. Nagdudulot ng sakit sa mga tao II. Nakadaragdag ng polusyon sa Hangin III. Nadaragdagan ang trabaho ng mga waste collector
A. I B. I at II C. II at III D. I, II, at III
23. Kung ang disaster ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran at gawaing pang-ekonomiya, ano
naman ang vulnerability? A. Tumutukoy sa mga banta na maaring dulot ng kalikasan o gawa ng tao.
B. Kakayahan ng isang pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad 5
C. Tumutukoy sa mga inaasahang pinsala sa tao,ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad
D. Tumutukoy sa tao,lugar,at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard.
24. Ayon kina kina Shah at Kenji(2004) ito ay proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa kapakanan ng tao. Ito ay
_______.A. Community-Based Disaster Risk Management Approach B. Community Program and Livelihood Project
C. Community Enhancement and Women Empowerment D. Communit-based Aletrnative Program
25. Maaring magtagumpay ang CBDRM Approach kung __________________________.
A. Kung may partisipasyon ang pamahalaan sa pagsasagawa ng maayos na disaster risk management plan
B. Kung magkakaroon ng sapat na interes ang mga NGO’s sa pagbahagi ng tulong pinansyal sa disaster management plan
C. Kung may aktibong pakikilahok ang lahat ng sector ng pamayanan upang mabawasan anf epekto at dulot ng hazard
D. Kung magiging pamilyar sa mga pamamaraan na may kanya-kanyang plano
26. Ang pinakasentro ng CBDRM ay ang kapakanan ng tao.Malaki ang posibilidad na maging disaster-resilient ang mga pamayanan ng bansa sa
pagharap sa mga sakuna kung
A. maayos na maisasagawa ang CBDRM na nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sector ng lipunan
B. iaasa sa mas nakatataas na tanggagapan o ahensya ng pamahalaan ang pag-oorganisa , pagtukoy at pag-aanalisa
C. ang isang barangay ay nakaranas ng kalamidad at iaasa lamang sa punong barangay ang pagtugon sa sakuna
D. maayos at may organisadong plano,pag-oorganisa , pagtukoy at paglutas sa mga suliranin ang lahat ng pamayanan
27. Bukod sa pamahalaan, sino pa ang ang maaring maging kaagapay nila sa pagbalangkas ng disaster management plan?
A.Mga mamamayan B. Mga Pribadong sector C. Mga Pampublikong sektor D. Lahat ng nabanggit
28. Nangangamba si Cardo na magkasakit ang kaniyang buntis na asawa at dalawang taong gulang na anak dahil sa maruming tubig baha sa
kanilang lugar dala ng tatlong araw na walang tigil na pag –ulan, alin ang tinutukoy dito?
A. Anthropogenic Hazard B. Disaster C. Natural Hazard D .Vulnerability
29. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang maituturing na Anthropogenic Hazard?
A. Sa kasalukuyan nagaganap pa rin ang digmaan sa Marawi
B. Nanalasa sa Western Visayas ang bagyo noong nakaraang lingo ang bagyong Goring
C. Hindi maikakaila ang pinsalang dulot ng landslide sa Infanta Quezon
D. Noong nakaraang bakasyon niyanig ng malakas na lindol ang Benguet
30. Bagamat mahalaga ang tungkulin ng lokal na pamahalaan, pribadong sektor at mga NGOs, nanatiling pangunahing kailangan para sa grassroots
development ang pamumuno ng lokal na pamayanan, anong DRM approach ang tinutukoy dito?
A. Bottom –up approach B. Top-down Approach C. down ward approach D. upward approach
31. Ito ay isang sitwasyon kung saan ang lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay
iniaasa sa mas nakakataas na tangggapan o ahesiya ng pamahalaan. Anong DRM Approach ang tinutukoy dito?
A. Bottom –up approach B. Top-down Approach C. Down ward approach D. Upward approach
32. Isa sa pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management Framework ay ang pagbuo ng disaster
resilient na mga pamayanan. Malaki ang posibilidad na maging disaster resilient ang mga pamayanan kung maaayos na maisasagawa ang CBDRM.
Ano ang ibig sabihin ng CBDRM?
A. Country Based – Disaster and Risk Management B. Community Based – Disaster and Risk Management
C. Community Based – Disastered and Risk Management D. Community Based – Based Disaster and Risk Managers
33. Ayon kina Abarquez at Zubair, mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan sa CBDRM Approach dahil sila ang may posibilidad na
makaranas ng mga epekto at hazard.Bakit isinasagawa ang Community Based – Disaster and Risk Management?
I. Upang hindi maranasan ang kalamidad
II. Upang maging handa ang komunidad at upang maiwasan ang pinsala sa buhay at ari-arian
III. Upang maligtas ang maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may maayos na plano.
IV. Mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga suliraning dulot ng Hazard at kalamidad kung ang lahat ng sektor ay may organisadong
plano. A. I, II, III B. I, II, IV, C. II, III, IV D. I, III, IV
34. Noong 2014, ang Albay ay nagkamit ng zero casualty matapos tumama ang malakas na bagyong Glenda? Anong katangian ang ipinamalas ng
mga mamamayan sa Albay upang maisakatuparan ang pagpaplano at implementasyon ng disaster management plan?
A. Ang mga mamamayan ay nagkakaisa B. Ang mga mamamayan ay masipag
C. Ang mga mamamayan ay mag malasakit sa bayan D. Lahat ng nabanggit
35. Mahalagang malaman ng lahat ng mamamayan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o kalamidad kung kaya’t ang pagbibigay ng
impormasyon tungkol sa mga gawain tungkol sa proteksiyon, paghahanda at pag-iwas sa iba’t ibang uri ng sakuna at hazard ay gampanin ng
Ikalawang yugto ng DRRM plan o ng Disaster preparedness. Saang layunin ito nabibilang?
A. to advise B. to announce C. to inform D. to instruct
36. Alin sa mga sumusunod ang bahagi ng unang yugto ng Community- Based Disaster Risk Reduction and Management Plan?
I. Capability Assessment II. Loss Assessment III. Hazard Assessment IV. Vulnerability Assessment
A. I, II, III B. II, III, IV C. I, III, IV D. I, II, IV
37. Mahalagang maunawaan ng isang komunidad ang mga pisikal at temporal na katangian ng hazard upang maging malinaw ang mabubuong
hazard assessment. Anong temporal na katangian ng hazard ang tumutukoy sa dalas ng pagdanas ng hazard na maaring maganap taon-taon?
A. Duration B. Frequency C.Force D. Forewarning
38. Ayon kina Ondiz at Redito, bakit mahalaga ang pagsasagawa ng risk management?
A. ito ay nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga hazard,risk,capability at pisikal na katangian ng komunidad.
B. Pinasisigla nito ang information campaign at pinayayabong ang mga gawaing pangkabuhayan sa mga nasalantang lugar.
C. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy , pagsusuri at pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyan pansin.
D. Ito ay nagsisilbing batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad.
39. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng sakuna o hazard at kalamidad. Anong yugto ng DRRM plan
ang ito?
A. Disaster Prevention and Mitigation B. Disaster Response
C. Disaster Preparednes D.Disaster Rehabilitation and Recovery
40. Alin sa mga sumusunod ang layunin na Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010?
A. Mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad
B. Mailigtas ang mas maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may maayos na plano kung paano tutugunan ang kalamidad
C. Mabigyan ng karampatang solusyon ang iba’t ibang suliranin ng hazard at kalamidad sa pamamagitan ng organisadong plano.
D. Ang hamon na dulot ng kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad.

You might also like