You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Lapu-Lapu City
PAJO NIGHT HIGH SCHOOL
Pajo, Sangi, Lapu-Lapu City
Tel. # 495-2060

Fourth Periodical Test sa Araling Panlipunan 9


(Ekonomiks)
S.Y. 2016-2017
Name:___________________________________Grade & Section:_______________________Score:______________
I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan at bilugan ang tamang sagot.

1.Ano ang tawag sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng
isang bansa?
A. GNP B. GDP C. MARKET PRICE D. FINAL GOODS
2.Ano ang tawag sa kita mula sa buwis?
A. Income Tax B. Value Added Tax C. Public Revenue D. Wala sa nabanggit
3. Ano ang inilarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Kita at gastusin ng pamahalaan
B. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
C. Ugnayan ng bawat sector ng ekonomiya
D. Transaksiyon ng mga institusyong pampinansyal
4. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?
A. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na capital sa mga bahay-kalakal
B. Ginagamit ng sambahayan ang nakolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal
C. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa mga bahay-kalakal
D.Sa sambahayan na nagmula ang mga salik ng produksyon na sumasailalim ng pagpopoproseso ng bahay-kalakal
5. Kapag inilarawan na payak o simple ang ekonomiya, ano ang kalagayan nito?
A.Ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa
B. Ang pamahalaan ay lumahok sa sistema ng pamilihan
C. Magkaiba ang gampanin ng sambahayan at bahay-kalakal
D. Isinaalang-alang ng sambahayan at bahay-kalakal ang kanilang desisyon sa hinaharap
6. Ito ay tumutukoy sakabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamayan sa
loob at labas ng bansa.
A. Gross National Income C. Net Primary Income
B. Gross Domestic Product D. Net Operating Surplus
7. Paano nakatutulong ang mga konsyumer sa pag-iimpok?
A. Paglagak ng pera sa bangko
B. Paghulog ng installment sa bahay
C. Pagbili ng educational plan at pension plan
D. Paggamit ng pera sa pagkonsomo ng iba’t ibang produkto
8.Ang BSP ay takbuhan sa mga maliliit na bangko, ditto sila umuutang sa panahon ng kagipitan at pandagdag sa kanilang
reserba. Ano ang nais gawin ng BSP upang maging masigla ang ekonomiya?
A. Ibinaba ang interes sa pagpapautang sa bangko.
B. Itinaas ang tubo sa pagpapautang sa bangko.
C. Panatilihin ang sinisingil na interes sa bangko.
D. Palawakin ang panahon sa pagbayad ng interes sa bangko.
9. Sa pamamagitan ng pondong nililkom, ang GSIS ay nagbibigay ng pautang para sa mga kasapi nito. Alin sa sumusunod
ang mga benepisyo na ipinagkaloob ng GSIS?
A. Tuition Loan B. Marriage Loan C. Burial Loan D. Salary Loan
10. Ang mga sumusunod ay ang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa maliban
sa:
A. Likas na yaman B. Yamang-Tao C. Teknolohiya D. Kalakalan
11. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo n a saa mga probinsiya ang nakaasa sa agrikultura para
mabuhay. Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?
A. Pagmimina B. Pangingisda C. Paggugubat D. Paghahayupan

12. Alin sa sumusunod na seketor ang namamahala sa pagoproseso ng mga hilaw na material upang ito ay maging isang
produkto?
A. Agrikultura B. Industriya C. Paglilingkod D. Impormal na Sektor
13. Alin sa sumusunod na sector ang binubuo ng mga pormal na industriya tulad ng pananalapi, insurance, komersiyo,
real estate, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, at mga serbisyong
pampamayanan, panlipunan, at personal?
A. Agrikultura B. Industriya C. Paglilingkod D. Impormal na sector
14. Alin sa mga sumusunod ang hindi nakarehistro sa pamahalaan, hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa
operasyon ng negosyo, at hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa
pagnenegosyo?
A. Agrikultura B. Industriya C. Paglilingkod D. Impormal na sector
15. Ang mga bansa ay makikinabang sa isa’t isa ayon sa konsepto ng comparative advantage. Alin sa sumusunod na
paraan sila makikinabang?
A. trade embargo at quota
B. Kasunduang multilateral
C. Espesyalisado at kalakalan
D. Sabwatan at kartel
16. Ang ahensyang ito ay nagsusulong ng malaking pagkakataon para sa pagtatrabaho, humuhubog sa kakayahan ng
mga manggawa, nangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa
A. OWWA B. POEA C. DOLE D. PRC
17. Ang Ahensyang ito ang nangangasiwa at sumusubaybay sa Gawain ng mga manggagawang propesyonal upang
matiyak anag kahusayan ng paghahatid ng mga serbisyong propesyunal sa bansa
A. Professional Regulation Commission B. DOLE C. OWWA D. POEA
18.Ang paglilingkod na ito ay ipinagkakaloob ng pamahalaan
A.Paglilingkod ng Pampubliko
B. Paglilingkod ng Pampribado
C. Pananalapi
D. Kalakalan
19. Ang paglilingkod na ito ay binibigay ng iba’t bang institusyong pampinansyal tulad ng mga bangko, bahay-sanglaan,
remittance agency, foreign exchange dealers at iba pa
A.Paglilingkod ng Pampubliko
B. Paglilingkod ng Pampribado
C. Pananalapi
D. Kalakalan
20. Ang paglilingkod na ito ay may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t ibang produkto at paglilingkod
A.Paglilingkod ng Pampubliko
B. Paglilingkod ng Pampribado
C. Pananalapi
D. Kalakalan

II. Panuto: Isulat ang pagkakapareho at pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad. Gamitin ang Venn Diagram sa ibaba. (18
puntos)

III. Enumerasiyon
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng sumusunod na mga sektor
A. Subsektor ng Paglilingkod (6)
B. Mga Ahensyang tumutulong sa sektor ng pagilingkod (6)

GOD BLESS YOU!!!!

You might also like