You are on page 1of 5

Unang Markahan

Araling Panlipunan 10

1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang
batas, tradisyon , at pagpapahalaga.
a. lipunan b. bansa c. komunidad d. organisasyon
(aytem 2) (aytem 3)

Halaw sa National Statistics Coordinating Board (NSCB),


2. Ipinakikita sa talahanayan ang unemployment rate sa Pilipinas noong 2013. Alin sa sumusunod na pahayag
tungkol sa suliraning ito ang TOTOO?
a. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan na mabigyan ng solusyon ang suliranin sa unemployment sa Pilipinas.
b. Ang suliraning ito ay bunga ng mababang kalidad ng edukasyon na natatanggap ng mga manggagawang
Pilipino.
c. Ang unemployment ay bunga ng pagkukulang ng ibat ibang institusyong panlipunan
d. Nagkakaroon ng mataas na unemployment rate dahil hindi natutupad ng institusyon ng edukasyon at
ekonomiya ang kanilang mga tungkulin.
3. Ipinakikita sa larawan ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito ay nakapaloob sa
anong elemento ng kultura?
a. paniniwala b. pagpapahalaga c. norms d. simbolo
4. Batay sa talata, ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan?
a. Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung personal ay hindi.
b. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang isyung personal ay
nakakaapekto sa isang tao lamang.
c. Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinahaharap ng isang lipunan.
d. Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning kinakaharap ng indibiduwal.

Para sa Aytem 5 – 8

a. paniniwala b. pagpapahalaga c. norms d. simbolo

5. Nagsasaad sa mga asal, kilos, o gawi na binubuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan.
6. Ito ay paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit ditto.
7. Aling elemento sa kultura ang hindi maaring ihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan.
8. Isang halimbawa sa elementong ito ay ang pagkakapantay-pantay ng mga tao anoman ang kasarian.
9. Ito ay elemento ng istrukturang panlipunan na tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa
lipunan, kabilang dito ang pagkakakilanlan o identidad.
a. status b. institusyon c. social Group d. gampanin o roles
10. Isang kumplikadaong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong
panlipunan o isang lipunan sa kabuuan.
a. Materyal b. Lipunan c. Kultura d. Di Materyal

Pagpalain Nawa Kayo ng Maykapal!


11. Batay sa talata, ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong panlipunan?
a. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan.
b. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad.
c. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan.
d. Iwasan na maging isa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan.
12. “Ang kagubatan ay tirahan ng ibat ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balance ng kalikasan, mahalagang
mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao.
Nagmumula din sa kagubatan ang ibat ibang produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing
pangangailangan ng tao. Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na
nakasalalay sa yamang nakukuha mula sa kagubatan .” Anong likas na yaman ang tinalakay sa talata?
a. yamang tubig c. yamang gubat
b. yamang lupa d. yamang mineral

Para sa bilang 13, basahin ang ulat ng Senate Economic Planning Office tungkol sa epekto ng mga kalamidad sa
Pilipinas. National Disaster at a Glance (Senate Economic Planning Office, 2013)

13. Ano-anong mga aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan sa Pilipinas?
a. Kalusugan, Kabuhayan, at Kalikasan c. Kalakalan, kapayapaan, at kalikasan
b. Kabuhayan, Kalakalan, at Kalusugan d. Kapayapaan, Kabuhayan, at Kultura
14. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa ibat ibang desisyon at proseso ng
pamamahala ng solid waste sa bansa?
a. Republic Act 9003 c. Republic Act 9742
b. Republic Act 8742 d. Republic Act 7586
15. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng ibat ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
a. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa ibat ibang suliraning pangkapaligiran.
b. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng ibat ibang sektor sa lipunan.
c. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng ibat ibang sektor sa pagsugpo sa mga
suliraning pangkapaligiran.
d. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang suliraning
pangkapaligiran nito.
16. Anong uri ng isyu kung saan nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya.
a. Isyung Panlipunan c. Isyung Personal
b. Isyung Pang-Ekonomiya d. Isyung Pangkapaligiran
17. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa institusyong panlipunan?
a. Pamilya c. Edukasyon
b. Social Group d. Ekonomiya
18. Uri ng status kung saan, nakatalaga sa isang indibidwal simula nang siya ay ipinanganak?
a. Subscribed Status c. Described Status
b. Achieved Status d. Ascribed Status

Pagpalain Nawa Kayo ng Maykapal!


Para sa bilang 19, tingnan ang graph tungkol sa forest cover ng Pilipinas mula 1990 hanggang 2015.

19. Ano ang ipinakikita ng graph tungkol sa forest cover ng Pilipinas?


a. Napanatili ng Pilipinas ang kagubatan nito mula noong 1990 hanggang sa kasalukuyan.
b. Nagkaroon ng paglawak ng forest cover ng Pilipinas mula 1990-2015.
c. Nagkaroon ng paglawak sa forest cover ng Pilipinas sa pagitan ng 2010-2015.
d. Pangunahing pinagkukunang yamn ng Pilipinas ang kagubatan nito.
20. Uri ng Kultura, kung saan binubuo ito ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan, at iba pang bagay na nakikita at
nahahawakan.
a. Kulturang Materyal b. Kulturang Di-materyal c. Simbolo d. Paniniwala
21. Ito ay elemento ng istrukturang panlipunan, na tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkatulad na
katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa?
a. status b. social group c. institusyon d. gampanin
22. Tumutukoy sa pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa kabuuan?
a. Norms b.Simbolo c. Mores d. Folkways
23. Ito ay elemento ng Kultura nabibilang ang gawing pagmamano ng mga Pilipino.
a. Simbolo b. Norms c. Pagpapahalaga d. Paniniwala
24. Ang programa ng mga NGO's katulad Mother Earth Foundation na tumutulong sa Pagtatayo ng MRF sa mga
barangay ay isinasagawa upang matugunan ang ibat ibang hamong pangkapaligiran. Anong partikular na isyung
pangkapaligiran ang tinutulungan ng Mother Earth Foundation?
a. climate change c. Pagkasira ng likas na yaman.
b. suliranin sa Solid Waste d. Pagkasira ng Ozone Layer
25. Kailan nilagdaan ang Executive Order No. 23, na nagdeklara ng moratorium sa pagputol ng puno sa natural at
residual na kagubatan? Dito ipinag-utos din ang paglikha ng anti-illegal logging task force.
a. 2001 b. 2004 c. 2011 d. 2015
26. Kung sa isang lipunan na mayroong 50 milyong tao at 15 milyon sa mga ito ay walang trabaho, anong isyu ito
nabibilang?
a. Isyung Pangkapaligiran b. Isyung Panlipunan c. Isyung Personal d. Isyung Pang-Ekonomiya
27. Dahil sa biglang paglakas ng ulan, malaking bahagi ng komunidad ang bumaha. Ano ang pinaka-angkop na
dahilan sa suliraning ito?
a. Dahil sa patuloy na pagputol ng kahoy sa kabundukan at hindi maayos na pagtapon nang basura.
b. Lumalaking populasyon
c. Kakulangan sa Edukasyon.
d. Paraming mga istrukturang itinatayo.
28. Ang malawakang pagwewelga ng ilang manggagawa ay isang isyung panlipunan na dulot ng pagkakaroon ng
hindi magandang ugnayan ng mga manggagawa at may-ari ng kumpanya. Sa anong Istrukturang panlipunan ito
nabibilang?
a. status b. institusyon c. gampanin d. social Group
29. Uri ng kultura kung saan ito ay hindi nahahawakan subalit ito ay maaaring makita o maobserbahan.
a. Kulturang Materyal b. Simbolo c. Kulturang Di-materyal d. Paniniwala
30. Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano
ang hindi.
a. Pagpapahalaga b. Paniniwala c. Norms d. Simbolo
31. “ Bilang isang mag-aaral inaasahang gagampanan mo ang mga tungkulin ng isang mabuting mag-aaral at
inaasahan mo rin na gagampanan ng iyong guro ang kanyang mga tungkulin tulad ng pagtuturo nang mahusay at
pagbibigay ng pagsusulit sa klase.” Base sa tekstong iyong binasa, saang elemento ng istrukturang panlipuan ito
napabilang?
a. institusyon b. gampanin c. social Group d. status

Pagpalain Nawa Kayo ng Maykapal!


32. “Sa patuloy na pagbaba ng kabuuang timbang ng mga nahuhuling isda sa 3 kilo bawat araw mula sa dating 10
kilo”, ito ay nagsasaad sa pagkasira ng likas na yaman. Base sa pangungusap na nasa loob ng panaklong, anong
partikular na likas na yaman ang nasisira.
a. yamang gubat b. yamang tubig c. yamang lupa d. yamang mineral
33. Ito ay mas lumalakas, dumadalas, at nagiging unpredictable ang pagkakaroon ng mga natural na kalamidad tulad
ng bagyo, pagbaha at malalakas na ulan na nararanasan sa Pilipinas.
a. climate change b. solid waste c. ozone layer d. yamang lupa
34. Ano ang unang yugto ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan?
a. Disaster Prevention and Mitigation c. Hazard Assessment
b. Disaster Response d. Recovery and Rehabilitation
35. “Mabilis at patuloy na pagliit ng forest cover mula sa 17 ektarya noong 1934 ay nagging 6.43 milyong ektarya
noong 2003.” Base sa sitwasyong nabasa, anong likas na yaman nasisira?
a. kagubatan b. yamang lupa c. yamang tubig d. yamang mineral
36. Uri ng Status, kung saan ito ay nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap.
a. achieved status b. ascribed status c. status d. roles
37. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng top-down approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction
Management (DRRM) Plan
a. Pinamumunuan ni Kerwin, Isang Lider ng Non Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga
kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad.
b. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano magiging ligtas ang
kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.
c. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang pagbara nito na
maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
d. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang makalikom ng
pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa ibat ibang kalamidad.
38. Batay sa tekstong binasa, saan inihahambing ang lipunan?
a. buhay na organismo b. buhay c. institusyon d. organism

39. Ano ang nais ipahiwatig sa tekstong nabasa, piliin ang pinaka-angkop na sagot.
a. Ang lipunan ay binubuo ng tao.
b. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng interaksiyon ng mga mamayan.
c. Nakikilala ng tao ang kanyang sarili.
d. Wala sa nabanggit

40. Batay sa headline ng larawan, anong isyu ang kinakaharap ng sambayanan?


a. Isyung Personal c. Isyung Pang-ekonomiya
b. Isyung Panlipunan d. Isyung Pangkapaligiran

Pagpalain Nawa Kayo ng Maykapal!


Unang Markahan
Araling Panlipunan 10

ANSWER KEY

1. a
2. a
3. d
4. b
5. c
6. d
7. b
8. a
9. a
10.c
11.c
12. c
13. b
14. a
15. b
16. c
17. b
18. d
19. d
20. a
21. b
22. d
23. a
24. b
25. c
26. b
27. a
28. d
29. c
30. a
31. b
32. b.
33. a
34. a
35. a
36. a
37. b
38. a
39. b
40. b
Pagpalain Nawa Kayo ng Maykapal!

You might also like