You are on page 1of 2

Sangay ng mga Paaralang Lungsod

Mataas na Paaralang Mariano Marcos Memoryal


Araling Panlipunan
UNANG MARKAHANG
Baitang 10
Kontemporaryong Isyu
MAHABANG PAGSUSULIT

Pangalan:___________________________________ Baitang at Pangkat: ______________________

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga nakasaad sa bawat bilang. Piliin at isulat ang wastong
sagot sa sagutang papel.

_____1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama- samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas,
tradisyon at pagpapahalaga.
A. Bansa B. Komunidad C. lipunan D. Organisasyon
_____2. Marami sa mga rehiyon sa Asya ay may mataas na unemployment rate noong 2013. Alin sa mga sumusunod na
pahayag tungkol sa suliraning ito ang totoo?
A. Ang unemployment ay bunga ng pagkukulang ng iba’t ibang institusyong panlipunan
B. Ang suliraning ito ay bunga ng mababang kalidad ng edukasyon na natatanggap ng mga manggagawang Pilipino.
C. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan na mabigyan ng solusyon ang suliranin sa unemployment rate sa Pilipinas.
D. Nagkakaroon ng mataas na unemployment rate dahil hindi natupad ng institusyon ng edukasyon at ekonomiya ang
kanilang mga tungkulin.
_____3. “BAWAL TUMAWID MAY NAMATAY NA DITO “. Ipinababatid ng babala ang paalala sa isang patakaran. Ang
paglabag sa patakarang ito ay nakapaloob sa anong elemento ng kultura?
A. Paniniwala B. Pagpapahalaga C. Norms D. Simbolo
_____4. Alin sa mga sumusunod na elemento ng istrukturang panlipunan ang nagbibigay tuon sa posisyong kinabibilangan ng
isang indibidwal sa lipunan?
A. Gampanin B. Status C. Social Groups at Institusyon D. Simbolo
_____5. Alin sa mga sumusunod ang totoo sa “Ascribed Status “ ?
A. Nakatalaga sa isang indibidwal sa bias ng mga dokumento
B. Nakatalaga sa isang indibidwal simula ng siya ay ipanganak.
C. Nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng isinasaad ng batas.
D. Nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng kanyang pagsusumikap
_____6. Ayon kay C. Wright Mills mahalagang malinang ang isang kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na
karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan. Ano ang tawag sa kakayahang makita ang ugnayan ng lipunan
at personal na karanasan?
A. Isyung Panlipunan B. Isyung Personal C. Kultura D. Sociological Imagination.
_____7 Alin sa mga sumusunod ang tumpak na paliwanag sa istrukturang panlipunan.
A. Ang lipunan ay binubuo ng istrukturang panlipunan at elemento ng kultura
B. Ang istrukturang panlipunan ay binubuo ng mga elementong may kaugnayan sa bawat isa
C. Mahalaga ang pag-alam sa istrukturang panlipunanupang masagot ang mga isyung panlipunan.
D. Ang bawat miyembro ng lipunan ay may gampanin sa pagpapaunlad ng lipunang kanilang ginagalawan
Basahin ang pangungusap sa ibaba para sa katanungan bilang 8.

Impact of Natural Disasters Natural disasters can cause considerable loss of lives, homes, livelihood and services. They
also result in injuries, health problems, property damage, and social and economic disruption. From 2000 to 2012, natural
disasters in the Philippines caused the death of 12,899 people and injury to 138,116 persons. These disasters also
affected more than 71 million individuals and rendered almost 375,000 persons homeless. The socio-economic damages
are estimated at US$3.37 billion with average annual damages of US$251.58 million.

_____8. Ano-anong mga aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan sa Pilipinas?
A. Kalusugan, Kabuhayan, at Kalikasan B. Kabuhayan, Kalakalan, at Kalusugan
C. Kalakalan, Kapayapaan, at Kalikasan D. Kapayapaan, Kabuhayan, at Kultura
_____9. 5. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng
pamamahala ng solid waste sa bansa?
A. Republic Act 9003 B. Republic Act 8742 C. Republic Act 7942 D. Republic Act 7586
Para sa katanungan bilang 10.

_____10. Ano ang ipinakikita ng graph tungkol sa forest cover ng Pilipinas?


A. Pangunahing pinagkukunang yaman ng Pilipinas ang kagubatan nito.
B. Nagkaroon ng paglawak ng forest cover ng Pilipinas mula 1990-2015.
C. Nagkaroon ng paglawak sa forest cover ng Pilipinas sa pagitan ng 2010-2015.
D. Napanatili ng Pilipinas ang kagubatan nito mula noong 1990 hanggang sa kasalukuyan.
_____ 11. Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento, mga
basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason.
Sang ayon sa pag-aaral ng National Solid Waste Managementng 2016, saan nagmumula ang malaking porsyento ng basura
sa Pilipinas?
A. Batangas B. Cavite C. Metro Manila D. Mindanao
_____12. Batay sa pag-aaral ng National Solid Waste management Report ng 2015, anong uri ng basura ang may
pinakamalaking porsyento ang itinatapon sa bansa?
A. Biodegradables B. Recyclables C. Residual D. Special
_____13,Ano ang masamang epekto ng ng kawalang disiplina ng tao sa pagtatapon ng basura?
I.Nagdudulot ng sakit sa mga tao
II. Nakadaragdag ng polusyon sa Hangin
III. Nadaragdagan ang trabaho ng mga waste collector
A. I B. I at II C. II at III D. I,II, at III
_____14. Batay sa pag-aaral ng Asian Development Bank noong 2004, paano nakakaapekto ang mga dumpsite na
matatagpuan sa Metro Manila?
I. Ang mga basura ay nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa kalusugan ng tao.
II. ang mga kabataan ay naiimpluwensiyahang gumawa ng illegal na gawain o mamatay.
III. ito ay nakakaapekto sa pag-aaral ng mga kabataang waste picker
A. I B. I at II C. II at III D. I,II, at III
_____15. Alin sa mga sumusunod na solid waste ang kabilang sa electronic waste?
A. laptop, computer at cellular phone B. laptop, computer at mga basag na bubog
C. Computer at mga sirang yero D. Lata, plastic at mga papel
_____16. Ayon sa Food and Agricultural Organization ng United Nations, ano ang tawag sa matagalan o permanenteng
pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o natural na kalamidad?
A. Deforestation B. Fuel wood Harvesting C. Illegal Logging D. Migration
_____17.Alin sa mga sumusunod ang epekto ng climate change ang may kaugnayan sa kalusugan ng mga mamamayan sa
Pilipinas?
A. Pagliit ng ng produksiyon sa sektor ng agrikultura
B. Pagtaas ng bilang ng mga nagiging biktima ng sakit dahil sa pabago-bagong panahon.
C. Paglikas ng mga mamamayan dahil sa pagkasira ng tahanan dulot ng malalakas na bagyo
D. Pagkawala ng tahanan dulot ng pagkain ng mga karagatan sa dating lupa na kinatatayuan ng kanilang tahanan.
_____18. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning
pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito.
_____19. May mga NGOs na sumusuporta sa upang mabawasan ang mga suliranin sa solod waste as
Pilipinas. Anong grupo ng NGOs ang naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangagalaga sa
kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan?
A. Bantay Kalikasan B. Clean and Green Foundation C. Greanpeace D. Mother Earth Foundation
_____20. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning
pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito.

You might also like