You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Guihulngan National High School - Hilaitan


Hilaitan, Guihulgan City
Negros Oriental

Banghay Aralin
Araling Panlipunan Baitang 9

Petsa: Hunyo 6, 2019

I. LAYUNIN NG PAGKATUTO
a. Maipakilala kung ano ang ekonomiks at ang kahalagahan nito;
b. Matukoy kung bakit siyensyang panlipunan ang ekonomiks at ang
ugnayan nito sa iba pang siyensya;
c. Maihambing ang dalawang magkatunggaling pananaw sa ekonomiks: ang
kaisipang neoklasikal at ang siyentipikong ekonomiyang pampulitika; at
d. Maibabahagi ang kaalaman sa sitwasyunal na aspeto ng buhay.

II. PANGNILALAMAN NG PAGKATUTO


A. Mga Paksa: Introduksyon sa Ekonomiks III.
B. Kagamitan: Aklat, mga laruang perang papel, kagamitan sa palengke, at
laruang kagamitan sa bahay.
C. Reprensiya: Santos, R.A., Africa, J.E.; Ekonomiks para sa Filipino; Ibon
Foundation, Inc.; Timog Ave., Quezon City; copyright 2011; pp.3 26 Santos,
R.A., Africa, J.E.; Ekonomiks para sa Filipino Gabay sa Pagtuturo; Ibon
Foundation, Inc.; Timog Ave., Quezon City; copyright 2011; pp. 1 7 Tullao,
Tereso Jr.; Unawain Natin ang Ekonomiks sa Diwang Pilipino; SIBS
Publication House, Inc.; Quezon City; copyright 1998; pp.2 17 Zaraspe,
G.M., et.al.; Ekonomiks Para sa Umuunlad na Pilipinas; Phoenix Publishing
House, Inc.; copyright 2007; pp 7 - 14 V.

III. ISTRATEHIYA SA PAGKATUTO


A. Panimulang Gawain:
1. Paggalaw ng Ekonomiks Skit (Short Dramatization) Pamamaraan: Hatiin
ang klase sa dalawang grupo. Ang unang grupo ay maghahanda ng
maikling dula na magpapakita ng kanilang pagtingin sa ekonomiks
bago nila mabasa ang tsapter. Ang ikalawang grupo ay magsasadula
ng ilang halimbawa ng pang-araw-araw na pamumuhay na
manipestasyon ng pag-iral ng ekonomiks. Pagkatapos ng mga dula ay
hayaan ang bawat grupo na ipaliwanag ang pag- unawa nila sa
pagtatanghal ng kabilang grupo.
2. Gabay na katanungan: Ano ang pag-unawa ninyo sa pagtatanghal ng
grupo? Bakit gayon ang kanilang itinanghal?

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Pamamaraan: Bawat mag-aaral ay gugupit ng dalawang ulat hinggil sa
negosyo. Isusulat nila ang mga salitang hindi nauunawaan. Talakayin
ito sa klase. Susubukin ng ibang mag-aaral na ibigay ang kahulugan
nito batay sa kanilang pagkakaunawa, hanggang maunawaan ang lahat
ng salita.
Gabay na tanong: Anu-anong mga salita ang hindi mo agad
maunawaan? Bakit ka nahirapang unawain ang mga ito?
Pasagutan sa mga mag-aaral ang Paunang Test sa pahina 3 ng textbook.

2. Paglalahad at Paglilinang:
Mainam na sa simula pa lang ay makita na ng mga mag-aaral na ang
ekonomiks ay sumasaklaw sa kanilang sa kanilang pang-araw-araw na
buhay pampamilya, komunidad at nababalitaan sa telebisyon o mass
media. Kung gayon, ito ay isang aralin na kayang pag-aralan at
unawain ng kabataan. Dagdag pa, dahil ito ay isang panlipunang
usapin, dapat nila itong pagtuunan ng masusing pansin bilang mga
kabataang magmamana ng lipunan.

3. Paglalahad ng Kaalaman
a. Kahulugan ng Ekonomiks
b. Pagkakaroon ng kakaibang tingin sa ekonomiks
3. Aplikasyon: Paglalapat ng mga kasagutan: Sagutan ang Bahagi A at B
ng seksiyong Pagsasanay sa mga pahina 24 -25 ng teksbuk. 4.
Pagpapahalaga: Upang mapabilis ang pag-ugnay ng ekonomiks bilang
usaping indibiduwal o pampamilya tungong panlipunang usapin,
maaring talakayin ng sabay ang epekto sa kabuhayan ng pamilya at ng
lipunan ang mga sumusunod na isyung pang-ekonomiya: Kontribusyon
ng mga OFWs Pagtaas ng presyo ng mga bilihin VI: Pagsusuri ng
halaga/Pagtataya: Punan ang tsart sa ibaba. Sistemang Pang-
ekonomiya Batayan ng Yaman Makapangyarihang Uri ng Tao Dahilan
ng Pagbagsak/Pagpalit Inihanda ni: Bob Campo Belocura, Jr. MA Ed SS
506 Sinuri ni: Nerissa S. Tantengco, Ph.D. Guro

You might also like