You are on page 1of 3

`Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

Ika-17 ng Hunyo 2019

Pamantayan sa Pagkatuto:

Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-arawaraw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, at


kasapi ng pamilya at lipunan

I. Layunin:

Maipakilala kung ano ang ekonomiks at ang kahalagahan nito;


Matukoy kung bakit siyensyang panlipunan ang ekonomiks at ang ugnayan nito sa iba pang
siyensya;
Maihambing ang dalawang magkatunggaling pananaw sa ekonomiks: ang kaisipang neoklasikal
at ang siyentipikong ekonomiyang pampulitika; at
Maibabahagi ang kaalaman sa sitwasyunal na aspeto ng buhay.

II. Mga Paksa:

Introduksyon sa Ekonomiks

III. Kagamitan:

LCD Projector at Screen, mga laruang perang papel, kagamitan sa palengke, at laruang
kagamitan sa bahay.

IV. Reprensiya:

Santos, R.A., Africa, J.E.; Ekonomiks para sa Filipino; Ibon Foundation, Inc.; Timog Ave.,
Quezon City; copyright 2011; pp.3 – 26 Santos, R.A., Africa, J.E.; Ekonomiks para sa Filipino –
Gabay sa Pagtuturo; Ibon Foundation, Inc.; Timog Ave., Quezon City; copyright 2011; pp. 1 – 7
Tullao, Tereso Jr.; Unawain Natin ang Ekonomiks sa Diwang Pilipino; SIBS Publication House,
Inc.; Quezon City; copyright 1998; pp.2 – 17 Zaraspe, G.M., et.al.; Ekonomiks Para sa
Umuunlad na Pilipinas; Phoenix Publishing House, Inc.; copyright 2007; pp 7 - 14

V. Pamamaraan sa Pagtuturo:

A. Panimulang Gawain: Pagbati

Pagsasaayos ng Silid

Pagtala ng Lumiban

1. Balik-Aral:

 Narining niyo na baa ng salitang Ekonomiks?


 Saan niyo ito narinig?
 Importante ba ito sa pang-araw-araw nating pamumuhay?
2. Pagganyak:

Magpapakita ng larawan ang guro:

 Ano ang nakikita niyo?


 Ano ang ipinapahihiwatig nito?
 Bakit ito nagaganap?

B.Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

 Ano ang tatalakayin natin ngayong araw?


 Ano ba ang ekonomiks?
 Ano ba ang kahalagahan nito?

2. Pangkatang Gawain:

Pamamaraan:

 Bawat mag-aaral ay gugupit ng dalawang ulat hinggil sa negosyo.


 Isusulat nila ang mga salitang hindi nauunawaan.
 Talakayin ito sa klase.
 Susubukin ng ibang mag-aaral na ibigay ang kahulugan nito batay sa kanilang pagkakaunawa,
hanggang maunawaan ang lahat ng salita.

Gabay na tanong:

 Anu-anong mga salita ang hindi mo agad maunawaan?


 Bakit ka nahirapang unawain ang mga ito?

C. Pagtalakay

 Ano ba ang ekonomiks?


 Ano ang kahulugan nito?
 Ano kahalagahan ng ekonomiks?

D. Paglalahat

 Ano ang importansya ng ekonomiks?

E. Paglalapat

 Bilang mag-aaral, nagagamit ba natin ang ekonomiks sa ating paaralan?


VI: Pagsusuri ng halaga/Pagtataya:

Punan ang tsart sa ibaba.

Sistemang Pangekonomiya Batayan ng Yaman Dahilan ng Pagbagsak/Pagpalit


Makapangyarihang Uri ng Tao

VI. Takdang Aralin


Isulat sa isa’t kalahating papel.
Ano ang ginagawa niyo araw-araw?

Inihanda ni: Isinuri ni:

VIKTOR KRISTINE ANNE P. INOC JOLITO N. CORAZA


Science Teacher School Head

You might also like