You are on page 1of 3

Notre Dame of Midsayap College

High School Department


Midsayap, Cotabato

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

Petsa: July 1, - July 5, 2019


Baitang at Seksyon: IX- St. James, St. Luke, St. Vincent

I. Layunin
Pagkatapos ng sesyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhuay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan
b. Nasusuri ang kaugnayan ng ekonomiks sa mga asignatura
c. Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang araw-araw na
pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang Ekonomiks bilang isang Agham
Batayang Aklat: Ekonomiks, pahina 7- 18

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawaing
a) Panalangin
b) Pagbati
c) Pagtala ng lumiban sa klase
d) Pamantayan sa klase
e) Pagpasa ng Takdang-aralin
f) Pagbabalik-aral
g) Pagganyak

“Scrumbled Words”

1. iksnomk
2. upslyp
3. oPlat
4. ercmnaislt
5. ploymetntme

B. Paglalahad

a. Gawain

b. Ang klase ay papangkatin sa tatlong grupo. Ang guro ay magpapakita ng


video presentasyon tungkol sa ekonomiks bilang batayan sa pag-aaral.
Bawat pangkat ay bibigyan ng limang minute para ihayag ang kanilang
opinyon sa videong nakita.

Mga Pamantayan Natatangi Mahusay Di-gaanong Hindi


(10pts) (8pts) mahusay mahusay
(6pts) (4pts)
Nilalaman ng paglalahad
Presentasyon
Kalidad ng impormasyon o
detalye
Kabuuan

c. Pag-aanalisa

- Ano ang ekonomiks?


- Paano lumaganap ang kaisipan ng ekonomiks?
- Bakit kailangang pag-aralan ang ekonomiks?
- Bakit malaki ang kaugnayan ng ekonomiks sa pag araw- araw na
buhay ng tao?
- Paano mabibigyang halaga ang pagpili ng isang tao?

d. Abstraksyon

 Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na mayroong


layunin na pag-aralan ang mga pagkilos at pagsisikap ng
mga tao at mga paraan ng mga limitadong pinagkukunang
yaman upang matugunan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan sa buhay.
 Sa pag-aaral ng ekonomiks, matututuhan ng bawat
indibidwal ang mga kaisipan, pananaw, kasanayan, at
konsepto na nagpapaliwanag kung bakit ang mga tao sa
lipunan ay patuloy na kumikilos upang maghanapbuhay at
magkaroon ng ikabubuhay, maging ang mga galaw ng
pamahalaan ukol sa pamamalakad ng ekonomiya.

e. Paglalapat
- Pumili ng isang asignatura at ipaliwanag kung ano ang
kahalagahan nito sa ekonomiks at sa pang araw-araw mong buhay.

f. Paglalahat

- Paano naaapektuhan ng agham ng ekonomiks ang iyong pang-


araw-araw na buhay?

IV. Pagtataya
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa isang kalahating
papel.

1. Sino ang “Ama ng Makabagong ekonomiks”?


2. Ito ay salita na nagmula sa salitang Griyego na “oikonomia”.
3. Sino ang may akda ng “The Republic”?
4. Ito ay tumutukoy sa mga tao na nag-aaral ukol sa pagpili at
pagdedesisyon ng mga tao at lipunan at ang epekto nito sa buong
ekonomiya.
5. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na may halaga o presyo tulad ng
pagkain, damit, at, bahay.
6. Ito ay tumutuky sa maaaring kasagutan o paliwanag sa natukoy na
mga suliraning pang-ekonomiya.
7. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng pinagmulan at estruktura n gating
lipunan.
8. Ito ay ang pag-aaral sa mga bagay na may buhay tulad ng tao,
halaman, hayop, at iba pa.
9. Ito ay tumutukoy sa isinakripisyong halaga ng isang bagay upang
bigyang-daan ang higit na mas makabuluhang paggagamitan nito.
10. Ito ay tumutukoy sa isinakripisyong halaga ng isang bagay upang
bigyang daan ang higit na mas makabuluhang paggamitan nito.

V. Takdang-Aralin

Panuto: Isulat ang sagot sa isang kalahating papel.

1. Ibigay ang mga pinagkukunang yaman ng bansa at ang kanilang gamit.


Isulat ito sa kalahating papel.

Inihanda ni: Sinuri ni:

Karen T. Dacula Mae Angelyn B. Celestial


Guro Tagapag-ugnay ng Araling Panlipunan

You might also like