You are on page 1of 10

Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling

Panlipunan 9
Kahulugan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na
Pamumuhay
MELC 1: Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang
araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, at
kasapi ng pamilya at lipunan
(AP9MKE-la-1)

Inihanda ni:
Lorie Jane B. Corvera
Guro
I. Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nasasabi ang kahulugan ng ekonomiks;
b. nakapagpaliwanag sa mga konsepto ng ekonomiks; at
c. napapahalagahan ang ekonomiks sa pang araw-araw na pamumuhay bilang isang
mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan.
II. Nilalaman
a. Paksa: Kahulugan ng ekonomiks sa pang araw-araw na pamumuhay
Balangkas ng Aralin:
1. Kahulugan ng ekonomiks
2. Mahalagang konsepto sa ekonomiks
b. Sanggunian: Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1 (ADM), Ekonomiks 9
c. Mga Kagamitan: manila paper, felt tip pen, laptop, projector, scotch tape, at factsheets,
chalk.
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

a. Panalangin
b. Pagtsek ng atendans
c. Pagbabalik Aral

Magandang araw klas! Welcome back to school. Magandang araw po.

Kumusta kayo? Mabuti naman po, titser!

Kinagagalak ko yang marinig klas.

Ngayon, ay ang unang araw niyo sa ika-siyam na


taon sa eskwela. Bilang pagbabalik tanaw, ano ba
o tungkol saan ba ang pinag aralan niyo noong
kayo ay nasa ika-walong taon niyo sa skwela? Marami po kaming natutunan titser
sa aming aralin tungkol sa
kasaysayan ng mundo noong kami
ay nasa ika-walong taon sa eskwela,
tulad na lamang ng heograpiya sa
mundo, pamumuhay ng mga tao sa
mundo noong unang panahon, mga
kagananapan sa mundo noong
unang panahon at marami pang iba.

Mahusay! Tunay nga ninyong naintindihan ang


mga araling tinalakay natin noong nakaraang
tagpo.
B. Pagganyak

Ngayon klas, bago tayo magpatuloy sa ating


bagong aralin ay magkakaroon muna tayo ng
isang laro.

“Read the Slang”


Ang larong ito ay tinatawag na “Read the Slang”.
Simple lang ang mekanik ng laro. Hahatiin ko ang
klase sa dalawang grupo. Ang gagawin nyo
lamang ay alamin at pangalanan ang bawat
larawan na nasa pisara at gamitin ang mga
nabuong mga slang words para makabuo naman
ng isang salita. Pagkatapos ay paunahan ang
bawat grupo para isulat ang isang salitang nabuo
mula sa mga slang words. Mayroon lamang
kayong tatlumpong segundo. Ang pangkat na
unang nakasulat sa tamang sagot ay siya ang
panalo.

Maliwanag ba klas?
Opo, titser.

Echo + No +
Mic + s = ECONOMICS/
EKONOMIKS

Ano ang nabuong salitasa pisara, klas? Ekonomiks po, titser!

C. Paglalahad
Sa umagang ito ang tatalakayin natin ay tungkol
sa ekonomiks. Ang kahulugan nito at ang
kahalagahan sa inyong pang araw-araw na
pamumuhay, bilang kayo ay mag-aaral, bilang
kasapi ng pamilya at lipunan.

a. Pamantayan

Bago natin talakayin ang bagong aralin. Ano ba


ang dapat gawin ng isang mabuting mag-aaral?
Makinig po sa sinasabi ng guro at makilahok
po titser.

Okay, ano pa? Huwag makipag-usap sa katabi

Maaasahan ko ba yan sa inyo klas? Opo titser.

D. Bagong Aralin

a. ACTIVITY (Gawain)

Sa puntong ito magkakaroon tayo ng


pangkatang gawain. Hahatiin ko ang klase
sa tatlong pangkat. Ang bawat pangkat ay
bibigyan ko ng enbelop na naglalaman ng
mga factsheet ng paksang nakaatas sa
inyo at mga kagamitan para sa inyong
gawain. Bibigyan ko lamang kayo ng
labing limang minuto, sampung minuto
para sa paghahanda at limang minuto rin
para sa pagtatanghal.
Maliwanag ba klas?
Opo titser.

UNANG PANGKAT

Paksa: Kahulugan ng ekonomiks

Stratehiya: Reporting (Using Graphic Organizer)

Basahin ang fact sheets upang maintindihan ng bawat isa ang inyong paksa. Sa pamamagitan ng
mga gamit na nasa enbelop. Gumawa ng graphic organizer upang lubos na maintindihan ang
kahulugan ng ekonomiks.

Mekaniks:
 Pumili ng isang taga-ulat para ibahagi ang inyong nagawa sa harapan.
Mga gabay na katanungan:
1. Ano ang kahulugan ng ekonomiks?
1.1 saan nagmula ang salitang ekonomiks?
1.2 Paano nagkakatulad ang ekonomiks at sambahayan?
1.3 Paano naman maiugnay sa pamayanan?
1.3.1. bakit may kakapusan?

PANGALAWANG PANGKAT
Paksa: Mahalagang konsepto sa ekonomiks
Stratehiya: Reporting (Graphic Organizer)

Basahin ang fact sheets upang maintindihan ng bawat isa ang inyong paksa. Ilahad sa klase ang
mahalagang konsepto sa ekonomiks.
Mekaniks:
 Pumili ng isang taga-ulat para ibahagi ang inyong nagawa sa harapan.
Mga gabay na katanungan:

1. Ano ang trade off sa ekonomiks? Magbigay ng halimbawa


2. Ano ang opportunity cost? Magbigay ng halimbawa
3. Ano ang incentives? Magbigay ng halimbawa
4. Ano naman ang ibig sabihin ng marginal thinking?

PANGATLONG PANGKAT

Paksa: Kahalagahan ng ekonomiks sa pang araw-araw na pamumuhay bilang studyante, kasapi


ng pamilya at lipunan.

Stratehiya: Reporting (Graphic Organizer)

Basahin ang fact sheets upang maintindihan ng bawat isa ang inyong paksa. Iulat sa klase ang
kahalagahan ng ekonomiks sa pamumuhay ninyo.
Mekaniks: Pumili ng isang taga-ulat para ibahagi ang inyong nagawa sa harapan.

Mga gabay na katanungan:


1. Bakit mahalaga ang ekonomiks sa pamumuhay niyo bilang
1.1 studyante
1.2 kasapi ng pamilya
1.3 at kasapi ng lipunan

Krayterya Bahagdan

Nilalaman 25%

Paglalahad 25%
Koordinasyon ng grupo 25%

Pagkamalikhain 25%

Kabuuan 100%

b. ANALYSIS (Pagsusuri)

Maaari nang ilahad ng bawat pangkat


ang inyong mga gawain.

c. ABSTRACTION (Paghahalaw)

1. Saan nagmula ang salitang


ekonomiks? Sa griyego na oikonomia na nagmula naman
sa dalawang salita: ang oikos ay
nangangahulugang bahay at nomos na
pamamahala po titser
Magaling!

2. Ano ang ibig sabihin ng ekonomiks?


Ang ekonomiks ay isang sangay ng Agham
Panlipunan na nag-aaral kung paano
tutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit
ang limitadong pinagkukunang-yaman.
Tama!

3. Paano nagkakatulad ang ekonomiks


at sambahayan? Ang sambahayan, tulad ng lokal at
pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng
mga desisyon. Nagpaplano ito kung paano
mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya
kung paano hahatiin ang limitadong resources
sa maraming pangangailangan at kagustuhan.
Mahusay!

4. Magbigay ng halimbawa kung saan


sa sambahayan ay nagamit niyo
ang ekonomiks?
Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring
nakatuon sa kung magkano ang ilalaan sa
pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at
ibang mga bagay na nakapagbibigay ng
kasiyahan sa pamilya.
Tumpak!

5. Paano naman maiugnay sa


pamayanan ang ekonomiks? ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay
gumaganap din ng iba’t ibang desisyon. Ang
pamayanan ay kailangang gumawa ng
desisyon kung anong produkto at serbisyo ang
Tama! gagawin, paano gagawin, para kanino, at
gaano karami ang gagawin.

6. Ano naman ang kakapusan? At


bakit may kakapusan? Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil
may limitasyon ang kakayahan ng tao at may
limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-
yaman tulad ng yamang likas at capital. May
kakapusan dahil may limitasyon ang mga
pinagkukunang-yaman at walang katapusan
ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Dahil sa kakapusan, kailangan ng mekanismo
Magaling! ng pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-
yaman
7. Ano ang ibig sabihin ng trade-off sa
ekonomiks?
Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo
ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
Mahalaga ang trade-off, sapagkat sa
pamamagitan nito ay maaaring masuri ang
mga pagpipilian sa pagbuo ng pinakamainam
na pasya.

8. Ano naman ang opportunity cost?


Sa ginagawang pagsasakriprisyo ay may
opportunity cost. Ang opportunity cost ay
tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best
alternative na handang ipagpalit sa bawat
paggawa ng desisyon.
Tama!

9. Ano ang incentives? Ang insentibo ay isinaalang alang upang


makabuo ng mas mainam na desisyon.
Magaling!

10. Ano ang marginal thinking?


Ang ibig sabihin nito ay sinusuri ng isang
indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito
man ay gastos o pakinabang na makukuha
mula sa gagawing desisyon. Sa gagawing
desisyon sa pagitan ng pag-aaral at paglalaro,
karagdagang allowance at mataas na grado,
ay masasabing maaaring maging matalino sa
paggawa ng desisyon ang isang tao.
Magaling!

E. Pangwakas na Gawain

a. Paglalahat
Sa kabuuan, ano ang mahahalagang kaalaman Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na
na dapat tandaan sa ekonomiks? natutungkol sa paggamit at alokasyon o
pamamahagi ng mga kapos na
pinagkukunang-yaman ng lipunan upang
makalikha ng pinakamahusay at de-kalidad ng
mga produkto at serbisyong makatutugon sa
paparaming pangangailangan at hilig ng tao sa
paraang pinakamatipid at pinakamabisa

Ang pokus o diwa sa pag-aaral ng ekonomiks


ay kung paano tutugunan ang mga suliranin at
pangangailangan ng mga tao sa lipunan

Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nakatutulong


upang magkaroon ng tamang pagpapasya at
pagpili ang tao.

d. APPLICATION (Paglalapat)

Sa iyong palagay, mahalaga ba ang pag-aaral


ng ekonomiks? Bakit? Opo titser, sapagkat makatutulong ito sa
mabuting pamamahala at pagbuo ng
matalinong desisyon.
Magaling!

Bilang isang studyante? Mahalaga bang pag-


aralan ang ekonomiks?
Opo titser, dahil bilang isang mag-aaral ay
maaaring maging higit na matalino, mapanuri,
at mapagtanong sa mga nangyari sa ating
kapaligiran. Maari din itong humubog sa ating
pag-unawa, ugali, at gawi sa pamaraang
makatutulong sa iyong pagdedesisyon para sa
kinabukasan at paghahanapbuhay sa
hinaharap.
Bilang kayo ay kasapi sa inyong pamilya, paano
nakakatulong sa inyo ang pag-aaral ng
ekonomiks?

Nakakatulong ito sapagkat ay ang desisyon sa


bahay mula sa pagbili ng mga pagkain ay
ginagamitan ng ekonomiks upang mas
magkaroon kami ng mainam na desisyon at
Bilang kayo ay kasapi kayo ng lipunan, paano magkaroon kami ng maayos na pamumuhay.
nakakatulong sa inyo ang pag-aaral ng
ekonomiks?
Magagamit natin ang kaalaman sa ekonomiks
upang maunawaan ang mga napapanahong
isyu na may kaugnayan sa mahahalagang
usaping ekonomiko ng bansa. Maaari mo ding
Magaling! maunawaan ang mga batas at programang
ipinatutupad ng pamahalaan na may
kaugnayan sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

IV. Pagkikilatis

Upang malaman ko kung naintindihan ninyo ang


ating talakayan magkakaroon muna tayo ng
isang maikling pasulit sasagutan ninyo nito sa
loob ng 2 minuto.

Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa


kahalagahan ng ekonomiks sa pang araw-araw
na pamumuhay. Isulat ang inyong sagot sa ½
na papel. Ang bilang ng mga salita sa inyong
talata ay hindi lalagpas sa 150.

V. Takdang Aralin
Panuto: Mag-isip ng isang sitwasyon na iyong
naranasan kung saan ay nagamit mo ang
konsepto ng ekonomiks.

Gabay na tanong:
1. Paano mo nagamit ang konsepto ng
ekonomiks sa iyang sitwasyon?
2. Nakakatulong ba ng kaalaman mo sa
pag-aaral ng ekonomiks? Bakit?

Prepared by: Checked by:

Lorie Jane B. Corvera Violeta M. Rupa


Subject Teacher Assistant School Principal

Approved by:

Marilyn G. Banudan
School Principal III

You might also like